logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 4

Imbes na magpadala sa pagkairita, ginamit ko na lang itong pagkakataon para suriin ang itsura ni Bryant.
Hindi siya kaputian pero hindi rin naman siya matatawag na moreno. His skin tone is warm ivory if that’s what it is called.
He has thick eyebrows, the same goes for his eyelashes. Seriously? Tinalo niya pa ang babae. And look at those hazel eyes, it’s captivating.
Having a perfectly straight nose, which has pretty narrow nostrils, heart-shaped lips, and a sharp, defined jawline. Nabiyayaan din sa height. Hindi naman halatang mahal na mahal siya ni Lord, eh, ‘no? Salong salo niya yata noong nagpaulan ng magagandang biyaya. Wala akong mahanap na kalait-lait sa kanya.
Idagdag pa na kahit balot na balot siya sa suot niyang damit, halata pa rin ang ganda ng hubog ng katawan nito.
“Are you done examining me?” he said, smirking. “Pasado ba ako sa standards mo?”
“I didn’t foresee that boastfulness, knowing the fact we had just met,” I said without a flinch. Just who does he think he is?
“Heh ... too bad. You did meet my expectations though.”
“What do you mean?”
“My cousin, Molly, binigyan na niya ako ng heads up tungkol sa iyo. The way you act ... cold and unbothered in my presence. It didn’t surprise me at all, it piqued my interest tho.”
“Is that so?”
“Eh? Wala ka bang balak alamin kung ano ang mga sinabi niya sa akin?”
I tilted my head. “Do I have to?” May tiwala ako sa pinsan niya kaya hindi na kailangan alamin pa.
At isa pa, may ideya na rin naman ako sa kung ano ang sinabi ni Molly. Kabisado na nito ang mood ko, lalo na ang mga dapat iwasan na nagpapainit ng ulo ko. Sigurado ako na ‘yang impormasyon lang din ang ni-remind niya kay Bryant. Para walang gulatan in the future.
He chuckled. “Nevermind. By the way, I am Bryant.”
Sandali ko siyang pinagmasdan bago tinanggap ang alok niyang pakikipagkamay.
“I am ...” Natigilan ako nang makaramdam ng parang kuryente, the moment na lumapat ang palad ko sa palad niya. “I-I am ... Summer,” pagpapatuloy ko.
Madali kong binawi ang kamay ko para suriin iyon. Natulala ako nang mapagtanto ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa pag-angat ko ng aking tingin, malabo na talaga ang mata ko pero parang mas lumabo ang paligid at tanging siya lang ang nakikita ko.
Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito sa tanang buhay ko. Maihahalintulad ko ito sa napanood kong palabas, ganito raw ang senyales kapag natagpuan mo ang soulmate mo.
Korni man pakinggan pero kahit medyo complicated ako mag-isip tungkol sa pag-ibig, naniniwala pa rin ako sa destiny.
Guess I am attracted to this man.
“Is it true, Summer? Sabi ni Molly, sasali ka sa grupo ni Bryant?” agaw atensyon sa akin ni coach Jon.
Nang marinig ko ang tanong niya, bumalik ako sa sariling katinuan. Na-manage kong maayos ang composure ko. Nilingon ko si coach para tanguan siya biglang pagsang-ayon.
“May alam ka na ba sa grupo niya?”
“Wala pa.”
“Really? Then, let me—”
“Shut your mouth, Jon. It is my job to introduce my crew to her,” putol ni Bryant sa kanya.
“Tsk!”
Natawa sina Paps, at Molly sa reaksyon ni coach Jon. Napanguso kasi ito, kunot ang noo habang naka-cross arms. Minsan talaga, parang bata siya umakto lalo na kapag hindi naaayon sa gusto niya ang nangyayari.
“Saka na ang introductions. Pwede na ba kaming umuwi?” sabi ko habang nakatingin sa direksyon ni Winter. Namumuo ang luha sa sulok ng mga mata nito habang pumipindot sa screen ng phone niya. Ngayong napansin ko na rin, wala na pala si Paul dito. Hindi man lang siya hinintay ng boyfriend niya para sana ihatid kahit sa sakayan lang. Mukhang nag-away na naman ang dalawa.
“Pwede nang umuwi. Gabing gabi na rin kasi,” pagpayag ni Paps. “Bryant, tutal nandito ka na lang din, samahan mo pinsan mo sa paghatid sa dalawa,” dugtong niya.
“Oo, ‘yan nga ang plano ko bago mo pa sabihin. Sa paningin ko, babae rin si Molly kaya dapat ingatan,” pabirong wika ni Bryant.
Napatili si bakla saka niyakap mula sa likuran ang binata. It’s easy to tell, sobrang natuwa ito sa narinig. “That’s the reason kung bakit paborito kita. I love you, pa-kiss nga!”
“D-don’t you dare...!” Sumulyap siya sa akin ng tingin habang tinutulak palayo ang mukha ni bakla. “Okay lang ba kung sasama ako sa paghatid sa inyo?” he asked.
“Kung hindi abala sa ‘yo, okay lang naman,” sagot ko.
“Of course, it’s not a bother. Shall we go?”
I nodded my head in response then tapped my best friend’s left shoulder. Kinuha ko na rin ang bag kong nakasukbit sa balikat niya. “Winter, let’s go,” agaw atensyon ko rito.
Hindi siya sumagot pabalik pero sumunod naman ito at sumabay ng lakad sa akin. Bago lisanin ang lugar ay nagpaalam muna kami kina coach at Paps na aalis na kami. We bid our goodbyes, told them God bless and take care on their way home, as they also did the same to us.
Habang tahimik naming tinatahak ang daan, hindi mawala ang pag-aalala ko para kay Winter. Nanatili ako sa tabi niya. Gusto ko sana siyang pagsabihan na itutok ang atensyon sa daan at itago na muna ang phone niya sa loob ng bag, kaso umuurong ang dila ko dahil sa sumisigaw na kalungkutan sa mga mata niya.
Wala akong nagawa kundi idaan na lang sa buntonghininga ang inis na nararamdaman ko para sa boyfriend niya.
Ibinaling ko na lang ang paningin sa magpinsan na nasa unahan. Nakaharap sa amin ang kanilang malapad na likod.
Pinanood ko si Bryant na kasalukuyang nakikipag biruan kay Molly. Hindi ko maalis ang titig ko sa mukha niya. Kaaya-ayang pagmasdan ang ngiti niyang umaabot sa mata.
Halos mapatalon ako sa gulat noong magtama ang aming tingin. Saglit akong natulala. Nag-init ang magkabilang pisngi ko nang ngitian niya ako.
“Oh! Tatlong pasahero na lang, byahe na! Tatlo na lang! Last trip na ‘to!” sigaw ng konduktor habang nakatayo sa tabi ng entrance ng sasakyan naming jeep.
Ang bilis ng oras, hindi ko napansin na nakarating na pala kami rito sa sakayan.
Pinauna kong makasakay si Winter habang ako naman ay nanatili muna sa labas para magbayad ng pamasahe naming dalawa. Dinukot ko ang singkwenta pesos sa aking bulsa at inabot ‘yon sa konduktor. Pagkabigay niya sa akin ng sukli ay ipinasok ko ‘yon muli sa bulsa ng jogging pants ko.
Walang lingon akong umakyat sa sasakyan at umupo sa tabi ni Winter. Naramdaman ko ang kalabit ng kung sino sa balikat ko kaya naman nilingon ko siya sa bintana.
“Ingat kayo,” paalam ni Molly.
“Thank you. Kayo rin ... ingat,” tipid kong pasasalamat saka nilingon ang katabi niya. “See you soon, Bryant.”
“See you soon, Summer,” he replied.
Tinalikuran ko sila at inayos ang aking upo. Nang may huling pasahero na ang sumakay, dahan-dahang sinimulan ng driver ang pagpaandar sa jeep. At dahil wala namang pinto ang entrance, nagawa ko pa silang tanawin habang kami ay papalayo na sa kanilang kinatatayuan.
Aaminin ko. Medyo nakakapanghinayang dahil hindi naging sapat ang oras para mas makilala ko pa siya.
Bryant Lawson, hindi pa ito ang huli nating pagkikita.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (81)

  • avatar
    Jhunaimah Palo

    fjfd

    5h

      0
  • avatar
    Melvin Dela Cruz

    super cute story

    6d

      0
  • avatar
    CayasLeonardo

    nice

    15d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด