logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

His Song Rhythm

His Song Rhythm

shineberry


KABANATA 1

Paninindigang hindi ako mananatili sa kahit anong sitwasyong ako ang talo. Kung kinakailangan isarado ang puso, para makaiwas sa sakit, gagawin ko iyon ng walang pag-aalinlangan.
"Bakit ba mas pinaniniwalaan mo pa 'yong sinasabi ng iba? Ako ang boyfriend mo, hindi sila!" wika niya, "Hindi kita niloloko! Magkaibigan lang kami!"
Pinatong ko ang kanang siko ko sa ibabaw ng lamesa at humalumbaba. Labas sa tenga kong pinakinggan lahat ng kanyang mga sinabi.
We've been together for about three months. Just like he asserted, this man in front of me is my boyfriend; or should I label him now as was?
"Don't treat me like a fool here, Josh. You dare to spout lies even though I have my proof of your affair with your best friend? Really?" I said, coldly.
Naistatwa siya sa kinatatayuan niya. "Y-you do?"
I breathed out a sigh. "Yes, I do."
Madali siyang lumuhod sa sahig pagkarinig na pagkarinig niya sa sinabi ko.
"It is not what you think it is. We're just playing around," paliwanag niya habang nakayuko.
"Nirarason mo ba sa akin na kanya mo hinanap ang init na hindi ko maibigay sa 'yo?"
Inangat niya ang mukha niya para salubungin ang mga mata ko. Lumiwanag ang ekspresyon nito na para bang sinasang-ayunan niya ang sinabi ko.
"You understand my position, right?"
I nodded my head in response. "Of course."
Tumayo siya saka naglakad palapit sa 'kin. He spread his arms, widely, but I quickly distanced myself through his attempt.
"W-why? I thought—" Hindi nito matapos-tapos ang kanyang sasabihin sa labis na pagtataka. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.
"Naiintindihan kita kaya nga maghiwalay na tayo."
"Pardon?"
"Kailangan ko pa ba i-spelling sa 'yo ang kasalanan mo?"
"It was just a one-time mistake!"
"I don't care! Kahit ilang beses pa 'yan, hindi n'on mababago ang katotohanan! Nagloko ka pa rin!"
At saka anong one-time mistake? Baka kamo one-time buking! Akala siguro niya hindi ko alam na maraming beses na nila iyon ginagawa. Nanahimik lang ako, pinalampas ko ang kababuyan nila; pero hindi ako bulag at mas lalong hindi rin ako martyr para magtimpi. Tama na ang ilang gabing kalungkutan na tiniis ko.
Now that my feelings and my interest in him are gone, wala nang dahilan para mag-stick pa sa lalaking ito.
"Please, give me a second chance. I won't do it again, promise," mangiyak-ngiyak niyang pagmamakaawa habang kapit ang kanang kamay ko.
Look at this scumbag. Siya pa ang may ganang umiyak sa harap ko, 'no? Kung nagkataong may ibang tao ang makakita sa amin, ako pa ang magmumukhang masama dahil sa paiyak-iyak niya riyan.
At ano ulit ang sabi niya? Give him a second chance? Why would I? Alam niya ang tama sa mali pero mas pinili niya ang desisyon na lokohin ako.
Pinatong ko ang kaliwang palad ko sa kanang balikat niya. "Kung mahal mo talaga ako, hindi ka sana nagpadala sa tukso. Sana nag-isip ka muna gamit 'yang ulo mo sa taas, hindi 'yang nasa baba," sarkastikong wika ko sabay saglit na sinulyapan ang parte ng pagkalalaki niyang nakatago sa likod ng kanyang pantalon. Wish ko lang na ma-gets niya ang ibig kong iparating.
"I love you, Summer. I cannot live without you."
"Then, die."
Natulala siya at medyo napaawang ang kanyang labi. Batid kong hindi ito makapaniwala sa narinig. Marahil hindi siya sanay sa ganitong klase ng pagtrato ko. Paano nga namang hindi niya ikagugulat ang kinikilos ko kung nasanay siyang tratuhin ng tama?
Huwag na niyang i-expect mula sa akin 'yan. Mulat na ang mga mata ko. Ayoko nang manatili pa siya sa buhay ko.
Dinukot ko ang phone ko sa aking bulsa ng maramdaman ko ang pag-vibrate nito. As I scanned what it was about, there I realized that the message I received is coming from Angelica, ang babaeng kaibigan lang daw ang turing niya.
Hinarap ko sa direksyon niya ang screen ng phone ko upang makita nito ang nilalaman ng mensahe. Naka-send lang naman sa akin ang litrato ng positive result of pregnancy test ng babae niya.
"Congratulations to you, my dear ex, magiging tatay ka na."
Siguro naman mas mapapadali na nito ang pagtatapos ng usapan namin? Sana naman hindi na niya sayangin pa ang oras ko.
Namutla ang buong mukha ni Josh. Tila naputulan ito ng dila, hindi nito magawang ipaliwanag ang side niya. Ano pa nga ba ang irarason niya para i-justify ang sarili? At saka, kahit ano pang explanation ang sabihin niya, hindi na niyon mapipigilan ang kagustuhan kong tapusin ang koneksyon namin sa isa't isa.
Hinarap ko sa akin ang phone ko nang mag-vibrate muli ito. Oh, here's another message from Angelica: I am pregnant with Josh's child. You better cut off your ties with him, kung ayaw mo magmukhang kabit sa paningin ng mga nakakakilala sa 'yo.
Natawa ako ng tuluyan sa nabasa ko. "Nakakabilib din itong kaibigan mo, eh, 'no? Siya na nga ang nang-agaw, siya pa ang may ganang i-threaten ako."
"I'm sorry ... but I cannot let my child to born without his father by his side," he said while clenching his fist. His tears keep flowing down from his eyes.
Umarko ang kilay ko sa sinabi niya. "Sino ba nagsabi sa iyong mamili ka? You sound like I still yearn for you to stay with me, b*tch, don't creep me out."
"I understand ... you only talk like that as your defense mechanism. Alam kong nasasaktan ka rin gaya ko."
Lumuwag ang pagkakakapit ko sa phone ko; umalingawngaw sa paligid ang tunog ng pagkahulog niyon sa sahig. Nanginig ang buong kalamnan ko, niyukom ko ang parehong kamao ko. Nakakagigil. Gusto ko siyang sapakin.
Sinong nagpapanggap? Ako? Saang parte ng ekspresyon ko ang nasasaktan?
"I love you, goodbye," sabi niya bago ako tinalikuran at dali-daling lumabas ng silid.
Tinanaw ko lang siya hanggang sa mawala siya sa aking paningin.
"Pft—hahaha!" Rinig kong tawa ng taong nakasilip sa likod ng pinto.
Awtomatikong sumimangot ang mukha ko nang makita si Winter. Sa dinami-dami ng makakasaksi sa nangyari, bakit siya pa?
"Huwag mo sabayan ang init ng ulo ko, Winter," banta ko rito.
Pumasok siya ng tuluyan dito sa studio para maupo sa malapit na upuan.
"Hindi ko kinaya ang intense ng drama!" komento niya bago humalakhak ng tawa.
I rolled my eyes. "Shut your mouth up."
Siya ang childhood best friend kong si Winter Grey. Sing puti ng labanos ang kulay ng balat niya, singkit ang mga mata, maliit na matangos ang ilong, at manipis ang namumulang labi. Ang natural na itim nitong buhok ay pinakulayan niya ng ash grey. 5'2" ang height, halos kasing tangkad niya lang ako at mas matanda siya sa akin ng isang buwan.
Marami ang nag-akala na kambal ko siya; may pagkakahawig kasi ang mukha naming dalawa. Katulad niya ay may pagkasingkit din ang aking mga mata, maliit na matangos ang ilong, medyo makapal ang labi, kutis morena, habang ang itim at straight kong buhok ay abot hanggang bewang ang haba.
Malaki man ang kaibahan ng ugali naming dalawa, natutunan pa rin namin ang magkasundo. Magaling si Winter makisama, madaling i-approach, at palakaibigan. Madalas siyang makikitang napapaligiran ng mga tao kahit bago lang niya itong kakilala. Madali lang siya makapag-adjust kahit saan kami magpunta, which is, kabaliktaran ng personality ko. I prefer being alone, at madalas din akong mag-observe sa paligid. Hindi ako madaling magbigay ng tiwala, and it takes time bago ako makapag-adjust sa mga bagay na bago lang sa akin.
Sa loob ng maraming taon na pagkakaibigan, kahit kailan ay hindi pa namin naranasang mag-away. Kung magkaroon man kami ng konting hindi pagkakaintindihan, madali iyon nareresolba sa simpleng pag-uusap at pagtanggap ng kanya-kanya naming opinyon.
"You're already in your eighteenth and yet, you still haven't experienced a long-term relationship," she said, sighing.
Naupo ako sa lapag para ayusin ang pagkakatali ng rubber shoes ko. "Bakit pa magseseryoso kung hindi rin naman tatagal?"
Sa una lang naman kasi magaling ang lalaki. Kapag bago pa ang relasyon, lakas magbitaw ng pangako na mamahalin at aalagaan ka. Hindi ka raw paiiyakin, sasaktan, o lolokohin. Ikaw kuno ang pangarap makasama hanggang sa pagtanda. Like hell? Ilang beses ko na nga ba iyan narinig? Puro mga pangakong napako.
Napapaisip na rin ako minsan na siguro malas lang talaga ako sa lovelife. Hindi ko malaman kung bakit lapitin ako ng mga naglalakad na red flag, eh!
Humarap ako sa salamin para matalian ko ng maayos ang buhok ko ng pa-ponytail. I am currently on my practice attire dahil mamayang gabi ay may dance rehearsal kami.
"Paanong tatagal ... nakikipag hiwalay ka kasi agad," parinig niya.
"Huwag mo akong itulad sa 'yo. Bakit ako magtitiis kung puro sakit na lang sa ulo ang binibigay sa 'kin ng tao?"
Si Winter at ang boyfriend niyang si Paul, umabot na ng halos dalawang taon ang relasyon nila. Dito sa aming unibersidad, pareho ko silang kasama sa grupo. Hindi lang ako kundi maging ang iba, madalas naming masaksihan ang kanilang pagtatalo.
"Normal na talaga na magkaroon ng problema sa isang relasyon. Kailangan mo lang maging matatag sa bawat sitwasyon lalo na kung hindi kayo magkaunawaan sa bagay na inyong pinagtatalunan."
Naglakad ako palapit sa kinaroroonan ng speaker para pindutin ang power button niyon. I connected my phone, through Bluetooth, to play a dancehall music. Then, I started to condition myself by performing warm-up exercises.
"Whatever you say, Winter. I have my own rules and standards. I am fine with it," I replied without looking in her direction.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (81)

  • avatar
    Jhunaimah Palo

    fjfd

    17h

      0
  • avatar
    Melvin Dela Cruz

    super cute story

    6d

      0
  • avatar
    CayasLeonardo

    nice

    16d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด