logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 2 Wake up

"Naku, mukhang tuwang tuwa nanaman kayo. Masarap bang madiligan ng matagal?" It was my routine whenever I go out and see the not so big garden around the house of the family Solidad. Nakakatuwa kasi sa tuwing makikita mo ang mga halaman na namumukad at mukhang malulusog dahil sa dumaang ulan.
Mula sa aking kinatatayuan ay tinanaw ko ang payapang dagat na kanina lang ay nagwawala dahil sa malakas na hangin at ulan.
Tama nanaman ng ang hinala ko na titigil rin ang ulan pagsapit ng hapon, dahil nitong mga nakaraang araw ay ganun rin ang nangyari. Sayang lang dahil kinansela pa ang klase.
Few more steps and I was out of the gate. Kung mayroon man akong nagustuhan sa bahay na ito ay ang lokasyon nito, dahil payapa, malapit sa dagat, at sariwa pa ang hangin, malayo sa sibilisasyon na napapanood at nababasa ko. I looked up to see the clear blue sky na para bang walang sama na ibinuhos kanina. Slowly, I spread my arms trying to cease the moment. It was so relaxing that it makes me forget my life for a moment.
I whispered my silent prayers for my mom and dad hoping that they will hear me. Paminsan ay hindi ko padin maiwasan ang mangulila sa kanila, sariwang-sariwa parin sa akin ang mga alala naming pamilya kung paanong masaya kami't sabay-sabay na magsimba, ang pagtatanim namin ng mga halaman, at ang mga pag aalaga ni inay at itay. Pero siguro hindi iyon ang nagpapasikip sa dibdib ko kundi ang katotohanang hindi na yun mauulit pa.
I was all alone. Ilang taon palang pero sobrang lungkot na. Tila ba nabablanko ang utak ko 't daang- daang kwestyon ang dumadaloy sa akin. Hirap isipin kung saan muli ako magsisimula, kung saan nga ba ako patungo, at kung ano nga ba ang mga kailangan kong gawin. Mali ang mainggit sa iba na buo rin ang pamilya, ngunit hindi ko maiwasan, kung pagkakasala nga ito ay gusto ko ng alisin, pero kung mawawala man ito sakin pakiramdam ko ay kakalimutan ko na rin ang mga ala-ala na iniwan nila sa akin.
I wipe my tears and smile trying to make my self better.
"Malungkot lang po ako, 'nay, 'tay. " pagtango ko pa para maibsan ang bigat sa puso ko.
Even though you surrender for how many times now, saying "hindi ko na kaya", at the end of the day, mayroon at mayroon paring magpapa-alala sayo na mas maraming rason para magpatuloy, para manatili.
"Cy! " Agad akong napalingon sa malayo ng makita ko ang pamilyar na pigura na tumatakbo papunta sa akin.
Si Oli lang pala. Kaklase ko siya noong nakaraang taon ngunit ngayon ay hindi na, katabi lamang ng lupa na kinatitirikan ng bahay ng mga Solidad ang bahay nila ngunit medyo malayo padin dahil malawak ang lupain na sakop ng pamilyang Solidad.
He was running so hard that the sand from the shore was shovelled by his feet and some of it accidentally gotten to his eyes. Hindi pa siya nakakalapit ay napayukod siya sa sakit na nararamdaman. Napahagikhik na lamang ako sa hitsura niya at ako na mismo ang lumapit sa kanya.
"Ayos ka lang ba? Bakit ka ba kasi nagmamadali? " hagikhik ko pa habang nakasimangot siyang nagkukusot ng mata. Nagpagpag lamang siya Sandali at nakangusong tumingin sakin.
"Gusto na kitang makita."Sambit niya.
"H-ha? E nagkita naman tayo kahapon." may pagtatakang Sabi ko sa kanya.
Naningkit lamang ang kanyang mata na tila ba may sinisiyasat sa akin, nakipagtitigan lamang ako sa kanya at halata padin sakin ang pagtataka.
Napakibot naman ako dahil biglang nagbago ang kanyang reaksyon, abot langit na ang ngiti niya ngayon.
"Nagpunta ako dito para tanungin ka ulit. Mamaya ay papanhik kami nila inay at itay sa bayan dahil mamimyesta kami kay tiya. Sasabay ka na ba? "
Oo nga pala. Noong nakaraang linggo niya pa ako niyayaya na sumama sa kanila sa piyesta sa kabilang bayan kapalit ng paghingi ko sa kanya ng pabor sa isang proyekto namin sa paaralan, hindi ako mahilig sa mga kasiyahan katulad nito ngunit wala akong magagawa dahil nakapangako na ako kay Oli.
"Ah, Magpapa-alam muna ako ngayon kila ma'am Mira." Marahan na sagot ko sa kanya at tumango naman siya. Nalingon naman niya ang di pamilyar na sasakyan na nakaparada sa gate ng bahay ng aking amo.
"Mukhang ma'y bisita ang mag asawa ah? Abala ka nanaman ba?" tanong niya sa akin na nahimigan ko naman ng pag aalala.
"Hindi naman. " Tipid kong sagot. Totoo naman. Nagkaroon ako ng pagkakataon na lumabas dahil mukhang importante ang sadya ng lalaking dumalo kanina dahil matapos silang mag agahan ay nagkulong na si Sir Constantine at ang lalaki na kasama niya sa opisina ng bahay.
Napasinghap naman ako ng hinawi ni Oli ang nakatikwas kong buhok at inipit ito sa likod ng aking tenga.
"Aasahan kita mamaya." Mahina ngunit nangungusap na isinatinig niya. Nag iwas naman ako ng tingin at ngumiti na lamang.
Nagpaalam na lamang ako sa kanya at dumeretso nang muli sa bahay na pinagsisilbihan ko dahil baka may gustong iutos sila ma'am Mira at wala ako. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina at nadala na ako ng presensya ng dagat na talagang gustong gusto ko.
Naabutan ko naman sa sala ang pamilya at pati na rin ang bisita.
Magkatabi ang mag asawa at nasa parehong upuan naman si ate Celest at ang lalaki.
Tila tumigil nanaman ang mundo ko ng tumama ang mapupungay na mga mata niya sa akin. The lump on my throat was blocking everything that needs to sink in, but his eyes won't leave me, so I have no choice but to act like his stares doesn't affect me at all.
Naisipan kong umakyat sa kwarto ko ngunit inutusan ako ni ma'am Mira. "Iha, pwede bang dalhan mo si Levi ng maiinom niya rito." ani ni ma'am Mira.
Levi, Levi ang pangalan niya.
"Don't bother, tita. " Napasinghap naman ako sa tigas ng ingles niya. Tila ba sanay na sanay na ito sa ganitong lenggwahe at sa tono nito'y wala kang ibang pwedeng gawin kundi sundin siya.
Tila ba hindi siya pinakinggan ni Ma'am Solidad at pinapanhik na ako sa kusina. Ramdam ko padin ang pagsunod ng mga mata niya sakin.
Pinilit kong alisin sa isipan ko lahat ng mga pwedeng magpahiya lamang sa akin kung kaya't marahan na lamang akong naglakad patungo sa kusina.
Pagbalik ko ay naisipan kong mag paalam na upang makapaghanda na ako dahil dapit hapon na.
"Ma'am Mira, gusto ko po sanang mag paalam na pumunta mamayang gabi sa kabilang bayan. Niyaya ho ako ni Oli na sumama sa pamilya niya para makisaya sa pista. Kung pwede lang po sana. " the hesitant tone was almost visible. Hindi dahil sa kinakabahan ako kung di ako payagan ngunit halos matunaw na ako sa mga titig ni Sir Levi sa akin.
"Ganun ba? Kung ganun ay sumabay ka na dito kay Levi dahil doon rin naman ang tungo niya." Halos mabilaukan ako sa sinabi ni ma'am Mira sa akin.
Sino ba ang lalaking ito at parang masyadong kilala at komportable ang pamilyang Solidad sa kaniya?
As if it was my cue I uttered "Hindi na po Ma'am, sasabay nalang ho ako kila Oli. Nakakahiya naman po at makaka-istorbo pa ako. "
"Iha, hindi ka naman makakaistorbo dahil duon rin naman ang ruta ni Levi. " sambit ni Sir Constantine ng may matamis na ngiti sa kanyang labi.
Without even knowing nakita ko na lamang ang sarili kong nakatayo sa labas ng bahay habang tinitignan ang pag papaalam ni Sir Levi sa pamilya.
"It was nice seeing you again tita." At bumeso pa siya kay ma'am Mira, habang tinanguan naman siya ni Sir Constantine.
Napasinghap naman ako ng yakapin siya bigla ni Ate Celest.
"Levi, I'm glad na binisita mo kami dito. You're always welcome here. If you have time, you can drop off again. " Sinundan ko ng tingin ang mga kamay niyang nakalapat sa dibdib ni Sir Levi.
Tipid lamang itong tumango at nag paalam ng muli. Pinatunog niya ang kanyang sasakyan at hindi ko naman alam ang dapat kong gawin.
Binuksan niya ang passenger seat at hindi na ako tumitig sa kanya at nakayuko nalang na naglakad papalapit sa kotse niya.
Umikot siyang muli sa driver's seat at kumaway muli sa pamilyang Solidad bago nagsimulang maniubrahin ang sasakyan. Hindi ito ang unang beses na nakasakay ako ng kotse kung kaya't pamilyar naman ako sa pakiramdam but being in the same space with this guy makes me want to just get eaten by this comfy seat I'm on right now. His car was marked by an obvious scent of a man and it was clean and tidy. Tila ba pinapahiwatig na hindi ito hinayaang madumi, halatang pinaglalaanan ng oras at serbisyo.
Nanlaki ang mata ko ng lumapit siya sa akin at halos dumikit and mukha ko sa dibdib niya at langhap na langhap ko ang pabango niya dahil sa ginawa niyang paglapit sa akin at bumalik din sa kanyang upuan.
"Seatbelt. " Sambit niya at pinaandar na ang kanyang sasakyan.
Tila ba ilang segundo akong huminto sa paghinga, ni hindi ko man lang napansin na nakasuot na pala ang seatbelt sa akin. Napakurap ako ng ilang beses at tumingin na lamang sa labas upang hindi niya mahalata kung gaano kalaki ang naging epekto niya sa akin.
Kung ano man ang dahilan ng kaba na 'to ay hindi ko mapagtanto. Gusto kong mainis sa sarili kung bakit pinahihintulutan ko ang sarili ko na magkaganito sa simpleng bagay ngunit sa kabilang banda ay gustong gusto ko naman Ito.
"So, how are you living with them?" napalingon ako sa kanya at inakala ko pang may kausap siya sa telepono.
Pirme ang titig niya sa daan na tinatahak namin kung kaya't pigil hininga kong sinagot ang tanong niya.
"Maayos naman."
Tikhim lamang ang isinukli niya sa akin at wala na akong narinig sa kanya. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtingin ng kung ano anong senaryong nadadaanan namin at pinilit isipin na mag-isa lamang ako at hindi ako apektado sa presensya niya.
Kasalukuyan naming tinatahak ang liblib na daan ng Mar De Vena, patungong bayan. Malayo na kami sa lugar kung saan malapit ang dalampasigan ngunit matatanaw mo padin ang dagat dahil mataas at matarik ang daan na ito.
Kahit gabi na ay makikita parin sa langit ang hindi magandang panahon. Makakapal ang ulap na tumatakip sa buwan at madilim ang paligid lalo na't malayo sa mga kabahayan ang tinatahak namin. Ito sana ang magandang panahon upang basahin ang aking mga libro.
"Kanino ka sasabay sa pag uwi? Delikado ang daan kung mag-iisa ka lang." Nagitla nanaman ako ng magsalita siya. Lumingon ako sa kanya na parang sinisigurado ko pang ako talaga ang kausap niya.
"Baka, kay Oli na ako sumabay. At hindi rin naman ako magpapagabi masyado."
Totoo. Dahil nahihiya ako sa mga Solidad. Baka sabihin nila ay sinasamantala ko ang pagiging maluwag nila sa akin, at may trabaho pa akong kailangang gawin, maging ang klase ko bukas ay hindi ko dapat kaligtaan.
Matagal ko ng tinanggap na simula ng nawala ang inay at itay iba na ang buhay ko at may mga bagay na hindi para sa akin, kung gugustuhin ko man kailangan ko pang pagpaguran at idaan sa mahabang proseso.
Sa sitwasyon buhay ko ngayon, wala akong plano o panahon para magliwaliw dahil mas maganda kung gugulin ko na lamang ang panahon at oras ko sa mas makabuluhang mga bagay. Ngayon lang talaga, dahil nakakahiya sa kaibigan ko at nangako ako. Baka huli naman na Ito.
"I'll contact the Solidad's if you're home then. " Mabilis na dumapo ang mga mata ko sa kanya na seryoso parin sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung namali ba ako sa pagkakarinig dahil bakit naman niya maiisip na gawin pa iyon? Tama na, na sinunod niya ang pabor na hiningi para sa akin ng mga Solidad. Hindi naman na niya kailangang tawagan ang mga ito upang masiguradong nakauwi ako ng ligtas hindi ba?
Ligtas? Ava Cyreese, sino ka para mag isip na nag aalala sayo ang isang lalaking ngayon mo lang nakita?
Siguro ay ang ibig sabihin niya lang ay kailangan niyang kumpirmahin sa mga Solidad na nagawa na niya ang pabor na mga ito at wala na syang kinalaman kung may mangyari man sa akin o ano. Tama. Ganun na nga.
Lumingon din siya sa akin at nagtama ang mata naming dalawa at duon ko lang nalaman na kanina ko pa pala siya tinititigan dahil sa huling sinabi niya.
Agad kong inalis ang tingin ko at lumunok ng ilang beses. Hinahabol ko ang hininga ko na tila ba dito lang ako kumakapit, hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang paningin ko dahil nakahinto ang sasakyan habang may nauunang sasakyan at tila ba naglilikha ng trapiko dahil tanaw ko na ang maliwanag na bayan.
Narinig ko ang pagtikhim niya, nakita ko sa gilid ng paningin ko ang pagtanggal niya ng paningin sa akin.
"Where should I drop you off? " I shifted on my seat and answer him immediately.
"Ah, sa tabi nalang po ng baranggay hall. Sa tabing court kasi nakatira ang tiya ng kaibigan ko. " Saglit pa akong lumingon sa kanya at tumigil nga ang sasakyan sa sinabi kong lugar.
Medyo maraming tao at maingay ang paligid. May mga nagvi-videoke at nag iinuman sa iilang mga bahay, lahat nag sasaya.
Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at umikot papunta sa pintuan ng upuan ko at inunahan na akong buksan iyon.
"Salamat. " nakayuko kong sinambit. Hindi ko kayang tumingin pa sa kaniya dahil wala na akong natitirang tapang upang tignan ito.
Nakakabalisa. Nakakataranta.
Nalanghap ko pa ang amoy niya ng dumaan ang malakas na hangin. Dumapo ang mga kamay ko sa balikat ko dahil sa lamig na naramdaman ko. Maling desisyon talaga ang magsuot ng puting bestida na ito, ngunit wala akong magagawa dahil ito lang ang maayos at medyo pormal na damit na babagay sa okasyon na Ito.
"Maraming Salamat po, mauna na po ako. Sasabihin ko nalang sa mga Solidad na -"
"Where's your friend? " pinutol niya ang sinabi ko at napaangat naman ako ng tingin. He's roaming his eyes around as if he's looking for someone. Umawang ang labi ko sa lapit niya sa akin. He's oozing with so much appeal.
"Malapit nalang dito ang bahay ng tiya niya pupuntahan ko nalang iyon at hahanapin ko siya. "
Tingala ko habang sinasabi dahil masyadong kapos ang taas ko kumpara sa kanya. Hanggang dibdib lamang ako at kailangan ko pang tumingala para makita Ang mata niya.
"I'll accompany you. Lead the way. " Mwinestra niya ang daan na hinaharangan niya at napako lang ako sa kinatatayuan ko.
He tilted his head and lifted his eyebrows. Wala na akong nagawa at sinusunod ko nalamang ang sinabi niya.
Nauuna ako at nararamdaman ko ang presensya niya sa aking likod at tanaw ko rin ang mga taong nagsasaya sa kanilang bahay na sinusundan kami ng tingin--Hindi, malamang ay ang presensya ng taong nasa likuran ko. Malinaw naman kasi na hindi pangkaraniwan ang larawan ng taong ito para mapadpad sa lugar kung saan maputik dahil sa dumaang ulan, magulong eskinita, at maingay na paligid.
Tila ba ang liit-liit ng lugar na ito para sa kanya kung kaya't para siyang isang taong naligaw sa lugar na ganito.
Nagsimula ng umambon ng matanaw ko si Oli sa bahay ng tiya niya at nagmamadaling lumapit sa akin. Ang nag aalala niyang mga mata ang bumungad sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"Cy! Nag alala ako. Pinuntahan ko pa ang mga Solidad kanina para itanong kung nasaan ka yun pala ay sa iba ka sumabay." Bakas ang pag aalala niyang sinabi.
Nginitian ko lamang siya at sinenyasan na saglit lang at tumalikod ako upang magpasalamat na sana ulit kay Sir Levi ng nakita kong nalatalikod na siya at naglalakad na papalayo sa amin. Umawang lamang ang bibig ko at naiwan ang mga salitang bibitawan ko sana at di ko mapigilang mag alala dahil bakas ang mga patak ng ambon sa kanyang kulay puting long sleeve.
"Levi, "
Hindi ko alam kung bulong ba ang sinabi ko dahil imposibleng narinig niya pa iyon at lumingon siyang muli sa akin. Malabo ang paningin ko ngunit ang pag igting ng kanyang panga ay malinaw na malinaw sa akin.
Naputol lamang ang pagtingin ko sa kanya ng hilain ako ni Oli papasok sa bahay ng tiya niya.
---
Medyo lumalalim na ang gabi nang sa panghuling pagkakataon ay tinignan ko muli ang maliit na relo sa aking pulso. Alas-diyes imedya na at hindi na ako mapakali sa aking upuan habang katabi ang kaibigan kong lugmok na ngayon dahil sa pag inom ng alak.
Hindi ko alam kung madami ba siyang nainom ngunit ilang beses lang naman siyang inalok ng mga kamag-anak niya na uminom at ganito na ang nangyari sa kanya. Ang iilang mga pinsan nalang niya ang gising ngunit maiingay na dahil siguro sa tama ng likidong iniinom nila. Sinilip ko naman ang nanay at tatay ni Oli sa loob at halos magreklamo ako dahil maging sila ay mukang wala na sa sarili dahil nagsasayawan at liyong-liyo na sa alak.
Wala akong nagawa kundi ang magbitaw ng buntong hininga at kalabitin si Oli.
"Oli, Kailangan ko ng umuwi. Mag aalala sila Ma'am Mira sa akin." Bigong bigo ako dahil ungol lang ang isinukli niya sa akin at tinawanan lang kami ng mga kaibigan at pinsan niya.
"Oli, iiwan na kita. Mag ta-tricyle nalang ako pauwi dahil malalagot ako sa mga Solidad. "
Hindi ko alam kung para saan pa iyon dahil hindi naman niya ako naiintindihan. Tumayo na ako at nagpaalam sa mga pinsan niya at kaibigan, pinasabi ko nalang ang ilang bilin ko at tumakbo na ako palabas ng eskinita.
Naramdaman ko ang tilamsik ng putik sa paa ko at siguradong nadamay na ang bestida ko. Medyo lumakas ang ulan kung kaya't sumilong ako sa nakausling bubong ng tindahan habang nag aantay ng masasakyan.
Ilang minuto pa at bumabahing na ako sa lamig na kanina ko pa iniinda. Mag te-trenta minuto na ako dito ngunit wala paring tricycle na gustong magsakay dahil siguro sa ulan at hindi naman talaga sila bumabyahe dahil piyesta.
Gusto kong mawalan ng pag-asa ngunit nagbakasakali parin ako at naglakad lakad palabas ng arko upang mag antay dahil medyo tago ang kinatatayuan ko. Ilang beses pa akong pumara at wala paring humihinto.
Basang-basa na ako sa ulan at sumasakit na ang ulo ko ngunit wala padin talagang humihinto.
Kinilabutan naman ako ng may nakasalubong akong dalawang may edad na lalaki at pagewang-gewang pa sa daan at basang-basa rin ng ulan.
Nangingiti sila na parang aso at nagbubulungan, habang nakatingin sa akin. Yumuko nalang ako at umiwas sa kanila ngunit hindi pa ako nakakalagpas ay naramdaman ko na ang kamay ng isang lalaki sa aking hita. Wala na akong panahon pa para tumili dahil hinawakan na ng isang lalaki ang aking leeg at pinipilit akong sumama sa kanila.
Duon na ako sumigaw at nakaramdan ng matinding takot dahil hindi na ako nakakagalaw dahil sa mahigpit na kapit nila sa kamay at leeg ko.
"Tulong--" isang matinding sampal ang ginawa sa akin ng lalaki at nalasahan ko agad ang kalawang sa aking bibig. Ubos na ubos ang lakas ko dahil lalong naalog ang sakit ng ulo ko. Gustong gusto kong sumigaw ngunit halos mapaluhod na ako sa kalsada sa sobrang panghihina.
Rinig na rinig ko ang tawanan ng dalawang lalaki habang tinitignan nila akong desperadong gumagapang sa basang kalsada at nangangapa sa dilim.
"Walang makakarinig sayo dito ineng. " Sayang saya na sabi ng mga lalaki.
"Tulong. " pag aaksaya ko pa ng lakas na sinabi na para bang posibleng may makarinig nito.
Inay, itay. Pasensya na kung ang hina hina ko. Gustong gusto ko pang tumayo ngunit umiikot na ang paningin ko at namamanhid na ang katawan ko sa sakit.
Isang sabunot pa ang naramdaman ko, gusto ko ng mawalan ng pag asa dahil kaunti nalang ang natitirang lakas ko upang dumilat at manatiling may malay ng may isang marahas na pwersa ang humila sa akin patayo at isinandal ako sa matigas na bagay o kung ano.
A man's structure was visible but it was too blurred to confirm this man who's in front of me.
"Fuck. Stay here. " yun lang ang narinig ko at naaninag ko ang tatlong tao sa harap ko ngunit hindi ko na makita dahil kaunti nalang ay bibigay nako sa sama ng aking katawan.
Pangilan-ngilan na mura at hinaing ang narinig ko.
I opened my eyes desperately to see what's happening only for me to see that he's here. Is he? Is it him? Is it really him?
"Levi, " umikot nanaman ang mundo ko at napaupo nalang ako at nagtangkang kumapit kung saan ng saluhin ako ng isang lalaking hindi ko kilala.
"This is Bullshit. Ava, wake up. " Matigas na sabi ng lalaki. Yun na lamang ang narinig ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    4d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    22d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด