logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 14 Always will

"Wow." I was so amused by the breath taking scenery in front of me.
Paborito kong tanawin ang dagat ngunit kakaiba rin pala ang ganda ng Lagoona. Napapalibutan ito ng mga iilang puno at matataas na bato at may maliit na falls rito. Buong akala ko ay sa dagat lang umiikot ang Mar De Vena.
"Sabi ko sayo maganda rito Cy. Akin na yang bag mo."
Tulala parin at manghang-mangha kaya't hindi ko na nagawang tanggihan pa si Jomar. Pumunta ako sa dulo ng damuhan at hinawakan ang tubig roon. It was cold.
Ngiting ngiti kong nilibot ang aking paningin.
Natatakpan ng mga nagtataasang puno ang langit dahilan para magkaroon ng lilim rito sa ilalim. Kaya siguro napaka lamig ng tubig.
"Bakit naman kaya ayaw ni Lourd pag usapan yung pamilya niya?" Sinilip ko sa gilid ng mga mata ko si Alicia at Mariel na nakikinig sa Cellphone na ginamit namin kanina.
Iniwas ko ang tingin ko dahil sa pagsisinungaling na ginawa ko kanina. Sinabi ko sa kanila na nakalimutan kong pindutin ang record button kaya hindi ko nakuha ang mga sinabi ng lalaki na iyon. At isinulat lamang ang iilang bagay na sinabi niya.
I feel guilty okay? But I don't know what has gotten into me para lang hindi malaman ng iba na ganun kasama ang ugali niya.
"Hayaan mo na 'yun Alicia. Sapat nayang nakuha natin. Napaka yabang naman kasi ng lalaking yun. Mataas ang tingin sa sarili." Jomar said while removing his shirt.
Agad naman akong umiwas ng tingin ruon.
Nakita ko si Mariel na tumingin sa akin at kay Jomar. Tila wala ng bago sa kanila na maghubad sila sa harap ng isa't-isa.
Magkadikit parin si Mariel at Alicia habang si Leo at Oscar ay sumunod narin sa ginawa ni Jomar. Namula ang pisngi ko at umiwas sa direksyon nila. Babalik nalamang siguro ako sa batuhan.
"Cy. Maligo na tayo." Mabilis pa sa alas-4 kong iniwas ang sarili ko kay Jomar.
"P-pwedeng mauna na ako Jomar? Mag gagabi na. Malalagot ako sa mga Solidad." Sinigurado kong sa mata ko lamang siya matitigan.
"Huh? Bakit naman uuwi ka kaagad? Kararating lang natin." sunod niya pa sa akin sa mas mataas na bahagi ng mga batuhan at lumalayo sa kanila.
"Sa ibang araw nalang ako Jomar, hindi ako pwedeng abutan ng gabi sa daan." Kinuha ko ang bag ko na nakatabi sa mga bag nila.
"Ihahatid naman kita."
"Pasensya ka na talaga Jomar. Sa susunod nalang ako kapag mas maaga tayo." crossed finger, I silently pray for him to let me go.
He sighed and smile faintly.
"Cy. Siguro naman ay alam mo ang nararamdaman ko sayo."
My eyes went out of focus as he said those words.
"Ngayon dapat ako aamin sayo kaso uuwi ka naman."
He then, hold my hand at napa atras ako sa ginawa niya.
"Gustong-gusto kita Cy. Sana payagan mo kong manligaw sayo."
"H-ha? Manligaw?"
Tumango siya at matamis na ngiti ang sinukli sa akin. Bakit pakiramdam ko ay obligasyon kong wag siyang tanggihan?
Malaki ang pasasalamamat ko kay Jomar dahil mabuti siyang kaibigan sa akin, pero alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa para sa mga ganitong bagay. Hindi ako para duon.
"H-hindi pa ako handa para sa mga ganyang bagay Jomar." Ngiwi ang isinukli ko sa kaniya.
"Aantayin naman kita Cy. Hindi kita minamadali." he assured me.
"Kahit kaibigan muna tayo ngayon, hihintayin kita hanggang sa maging handa ka na." He smiled. Lumambot naman ang puso ko sa sinabi niya. At least he know how to respect my decisions.
Siguro nga ay hindi naman ganun kasamang kaibigan sila Jomar.
Tumango ako sa kaniya at nakita kong sumilay ang liwanag sa kaniya.
"Antayin mo ko. Ihahatid kita sa sakayan." Tumakbo siya pabalik sa kanila at nakita ko pang lumingon silang lahat sa akin ng may sinabi si Jomar sa kanila.
Kumaway naman ako at tanging si Leo at Oscar lang ang nagbalik nito sa akin.
Tahimik kong tinatahak ang daan ng Mar De Vena. Malayo ang pinag babaan sa akin ng tricycle na sinakyan ko kanina na dapat ay sa arko ng bayan pa ako ibababa. Sa sakayan muli ng tricycle pa punta sa mga mansion ng mga Solidad.
It was dark at iilang tao na lamang ang naglalakad roon. Nalagpasan ko narin ang baranggay na naaala kong pinuntahan ko noong pista, sa tiya ni Oli.
Nakita ko ang arko at ng makita ko paring madilim roon ay hindi na ako tumuloy.
"You take care."
Minsan ko nang narinig sa kung sino, para daw makalimutan mo ang isang tao, you need to make yourself busy. Educate yourself, have leisure time, do sports and many more.
Paano ko naman kaya gagawin iyon kung lahat ng iyon ay halos kasama ko siya?
For consecutive weeks, everything was back to normal. O ako lamang yata ang nag iisip ng ganun?
I made myself busy and tire myself until I reach my limit.
There's nothing much to do, kahit na mula umaga hanggang mag gabi ay wala ako sa bahay, pakiramdam ko parin ay wala akong nagawang tama.
Weeks, the whole section was cramming because finals is a week away. Nagsabay sabay ang mga guro sa pagbibigay nila ng mga requirements. Nagsabay pa ang mataong coffee shop.
Yes, napagod ako. But still loosing sleep at night.
Nakakagalit, na kailangan mo pang kalabanin ang sarili mo para lang makatulog ka.
"Sorry, sorry po talaga." Agad kong niluhod ang nagkalat na kape sa harapan ng customer nang hindi ko sinadyang mahulog ito dahil nawalan ako ng balanse.
Mabuti na lamang at isang matandang lalaki ito at hindi nagalit gaya ng inaasahan ko.
"Cyreese, okay ka lang ba?" Hinagod ni Marie ang likod ko ng pumasok ako sa kitchen.
Tumango ako at pumikit . Naramdaman ko ang bigat ng pakiramdam at ng ulo ko. Mainit na pakiramdam sa mata ko at ang lumalabas na hangin sa ilong ko ay ganun rin.
"Nilalagnat ka Cyreese!" Halos pasigaw ni Marie na sabi dahilan para mapatingin ang dalawang cook rito sa loob ng kusina.
Huminga ako ng ilang beses at mas nakaramdam ako ng inis sa sarili dahil ngayon ay ramdam ko na na masama ang pakiramdam ko.
"Okay lang ako Marie. Kaya ko pa naman."
"Dito ka nalang muna sa counter. Ako na muna ang magseserve." Dahil takot na ako sa nangyari kanina, ay pumayag na lamang ako sa gusto ni Marie.
Siguro rito ay kakayanin ko dahil minimal lamang gagawin.
You reap what you sow Ava. Ginusto mong magpaka pagod ngayong ibinibigay sayo ay naiinis ka? Ungrateful.
After an hour at ramdam ko na ang lalong pagbigat ng pakiramdam ko. Ang kaninang pagsakit ng ulo ko ay nadagdagan na ngayon ng pagkahilo.
Sinusuporta ko na lamang ang sarili ko sa Bar counter sa tuwing makikipag usap sa mga customer para lang maiayos ang sarili.
Pinipilit kong gisingin ang sarili ko kahit na gustong gusto ko ng magpahinga.
Malapit na ang uwi ko, it was almost 5 PM when the door chimed. Ito na ang huling customer ko at uuwi na ako.
Lihim akong nagpasalamat sa gitna ng pagkahillo ko.
"Good afternoon Sir, May I take you or...der?"
Nanlambot ang mga tuhod ko sa nakita. Nanginginig ang mga labi ay hindi ko na alam ang susunod kong sasasabihin.
The reason of this all. Tore myself and pushed myself into my limit para lang walain ang sarili. At ngayon ito siya't bumabalik?
Like the first time I saw him, wearing a button-down white loong sleeve it was rolled up to his elbow. Ang relo niya ay kumikinang sa kaniyang pulso. His other hand was holding his black suit.
Walang nagbago sa kaniya, ganun parin. The only thing that have change is when I met his eyes.
Those deep dark eyes who used to stare at me, now has a hint of joy in it. Kita ko ang pagod rito ngunit mas nangingibabaw parin sa akin ang kaunting ngiti na sumisilay sa kaniya.
O nawawala na ba ako sa sarili?
"Levi,"
Sinabi ko diba? Na wag kang babalik dahil aangkinin kita kahit na hindi ka sakin?
"Cyreese ako na. Umuwi ka na at baka tumaas pa ang lagnat mo." singit ni Marie.
But I did not remove my eye on him. Is it really him? Did he really came back?
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang tinitignan si Marie ng magsalita ito.
Marie hardly insisted at pinalitan ako sa pwesto. "Ah Sir wait lang po ah?"
"Cyreese, umuwi ka na at uminom ka ng gamot. Mukhang wala ka na talaga sa sarili mo." Bulong ni Marie sakin at hindi parin naalis ang tingin ko sa kaniya.
Hindi rin naman naalis ang pagkunot ng kaniyang noo at pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Marie.
"Yes sir? Can I take your order?" Marie said cheerfully.
Tila ba napako na ako sa kinatatayuan ko at kakayaning tignan na lamang siya buong gabi kahit na umiikot na ang paningin ko.
"Sorry miss but, " Bumaling siya sa akin, "Ava, I'll take you home."
Natigilan si Marie sinabi ni Levi at lumingon sa akin. She looked at me as if I'm a ghost. Laglag ang panga niyang tinignan kaming dalawa ni Levi.
"S-Sandali lang, kukuhanin ko lang ang gamit ko sa loob."
Kahit ayaw siyang iwan ng paningin ko ay pinilit kong iwan siya at pumasok sa loob para kuhain ang mga gamit ko.mHalos matumba ako ng paglabas ko sa pintuan at nakatayo na siya roon. Kumapit ako sa pintuan para alalayan ang sarili.
Nakita ko si Marie na wala rin sa sariling nakatingin sa aming dalawa.
Sino ba naman kasi ang taong ito na bigla na lamang susulpot rito at sasabihing iuuwi ako sa bahay? Nakita kong magkasalubong ang kilay niya at walang sabi-sabing kinuha ang bag na dala ko. Tinanggal ko sa pagkakatali ang apron ko ng naramdan ko ang palad niya sa aking noo.
"You're sick. "
I'm sick, yes.
His hard expression was present but instead of being intimidated, ay sinuklian ko pa siya ng matamis na ngiti. Ako lang ba ang may sakit na ganito kasaya ngayon? Hindi ko maipaliwanag ang saya ng puso ko.
"Mauuna na ako Marie." Nagawa ko pang mag paalam kahit na naduduwal na ako sa pinag halo-halong nararamdaman.
Tumango si Marie at pahabol na sinabi. "Wag ka munang pumasok, ako na'ng bahala kay boss! "
I chuckled. Mawawala rin ito bukas.
Naramdaman ko si Levi sa likod ko ngunit nauna siya sa pinto at binuksan ito para sa akin. Hinanap ko ang paningin niya at susuklian ulit siya ng ngiti. This ain't enough. Gusto kong malaman niya kung gaano ako kasaya ngayon. Hindi naman nagbago ang expression niya at tila ba naiinis at nagtataka pa akong tinignan.
Nang makalabas ay nakita ko agad ang isang itim na sasakyan. Iba na ito at hindi na ang puting sasakyan na pamilyar sa akin. Mas malaki ang isang ito kumpara sa puti niyang kotse.Pinatunog niya ito at nagtungo sa pintuan ng passenger seat at binuksan ito.
Maingat akong naglakad patungo sa direksyon niya dahil natatakot akong mabuwal sa pagkahilo. Hindi parin maialis ang saya sa mukha ko kaya't hindi na nakakapagtaka na ganito ang itsura niya ngayon. Inalalayan niya pa ako sa pagpasok at umikot na sa driver seat.
Can't take my eyes off him, kita ko ang mahigpit na paghawak niya sa manibela at ang pag start niya ng kotse.
"It was just weeks Ava. Weeks."
Just weeks? It as for weeks! My mind shouted.
Napaka riin ng pagkakasabi niya at ramdam ko ang pagkabig ng dibdib ko nang madinig ko ng malinaw ang boses niya.
Umandar ang kotse at iniwan ang lugar, but my eyes didn't dare to leave him.
"Didn't I said that you should take care of yourself?"
Kita ko ang paggalaw ng panga niya pagkasambit niya ng salitang iyon. My breath hitched. Ang init ng hininga na lumalabas sa aking ilong ay mas nagpapa hilo sa akin. Pero ayos lang, ngayon ay ayos lang.
"And still you're acting as if everything was okay?" isang lingon ang ginawa niya at ibinalik ang tingin sa daan.
I miss his voice. Kahit pa siguro isumpa niya ako ngayon ay pasasalamatan ko pa siya.
I realized how his stubbles have grown. Dati malinis ito ngunit ngayon ay makikita mo ang bakas ng mga ito.
Nilingon niya akong muli at nakita ko ang pagkibot ng labi niya at ilang beses napaglunok niya.
"I miss you."
There. I said it.
I saw how his hard expression softened. Umawang ang labi niya at naramdaman ko ang pagbagal ng sasakyan at tuluyan niyang pag hinto nito.
Ilang segundo at hinarap niya ako.
"What did you say?" Amusement was clear. I'm sure of that.
Ngayon naman ay naramdaman kong uminit ang mukha ko sa kahihiyan ngunit ano naman ngayon? Im not in the right mind to think right now.
"I m-miss you. Akala ko, h-hindi ka na babalik. " Ilang kurap at naramdaman ko ang namumuong luha sa aking mata.
Damn this tears, I want a clear sight of this man right now.
He shifted in his seat at mas hinarap ang sarili sakin. He removed his seatbelt at mas lumapit pa. Halos pumikit ako ng tuyuin niya ang pisngi ko na napuno ng luha ngayon.
I miss his touch. I miss all of him.
"This is where I belong Ava, right here. I'll come back. I'll always will."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    3d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    21d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด