After Hindi ko na mailarawan ang nararamdaman ko ng mga panahong iyon. Inaamin kong medyo naging masaya ako na nandito na naman siya. Pero may halo din iyong kaba at takot. Dahil baka iba na siya. Baka nagbago na siya. O sadyang ganito na siya noon pa lang. May narinig akong pagbukas ng kung ano at doon ko natanto na alam nga siguro niya ang password ng pinto sa itaas. Hindi ko alam kung paano, pero kung madali niyang nahulaan iyon, then I really should be afraid right now. Ilang sandali ay may narinig na naman ako galing sa labas. Mga yapak ng tao sa hagdanan. Gawa yata sa bakal iyon kaya rinig na rinig ko nang may maglakad dito. Sunod niyon ay ang pagkalabog ng kung ano. Mas lalo akong kinabahan. What the hell is happening now? My curious mind so badly wants to open the door in front of me and see what is happening outside. Parang nagkakagulo na. Pero kung ganun na nga ang nangyayari, hahayaan ko pa ba ang sarili kong makialam? Kasunod ang ilang suntok at tadyak na narinig ko ay ang pagsalita ng isa sa mga lalaking nakapasok, "Asan siya, ha?! Saan mo tinago ang putang inang batang 'yun?" Nakakatakot ang tono ng pananalita ng lalaking iyon. So they really are looking for me, huh? Siguro taon-taon na may nangyayaring ganito sa buhay ko, pero ngayon mas kakaiba ang nararamdaman ko. Nakakapanibago. I felt scared for myself. I felt extreme danger for my life. Kahit nung panahon na kinidnapp ako n'ong nakaraan ay hindi ganito kalakas ang takot na naramdaman ko. Siguro dahil malaki ang pakiramdam kong may sasagip sa akin. My parents will know what to do, at that time. But will that be similar to the situation now? May sasagip ba muli sa 'kin? My mind is telling me that there will be no one, and that just made me panic more. Basang-basa na ang katawan ko ng pawis dulot ng pinaghalong kaba at takot. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa nangyayari. Why do I feel like someone I know is responsible for this? Todo na lang ang gulat ko nang biglang may sumipa sa pinto ng kwartong iyon. Mas lalo akong natakot, and I began to shake uncontrollably. Kapag nakuha nila ako, anong mangyayari? Kung sila nga iyong mga lalaking nagtangkang pumasok sa mansion noon, siguro ngayon ay nagbago na nga sila. Kung noon ay padalos-dalos pa sila dahil ang masyado pa silang bata, ngayong ilang taon na ang nagdaan ay baka mas planado na itong ginagawa nila. The door flew open and I saw my driver passed out on the floor. I gasped in shock but covered my mouth immediately. Right in front of me are three men. Two unknown yet familiar faces are standing right before my eyes. The last guy was... him. I almost did not recognize him. He is much taller than before. Much more matured and muscular than the last time I saw him. He was behind the other two men. The resemblance on their features are uncanny. Thick eyebrows and very dark eyes, staring right through me like my soul will give them the answers they have been trying to find. Ngumisi iyong isa, tila naaliw sa ekspresyon ko. Kalaunan ay ang ngising 'yun ay naging isang mapanuyang tawa. He's smiling without humor, and the fear aroused in me like never before. I slowly took a step back, then another. Napatingin naman ako sa lalaki sa pinakalikod, that familiar boy from years ago who gave me surreal peace in such a very short time. Pero, nagulat na lang ako nang maglabas siya ng kutsilyo mula sa gilid niya. The knife was so sharp it showed a hint of shine before he pointed it to my direction. Withe the continously raging fear inside me, mas lalo ko lang binilisan ang paglakad palayo sa kanila. The other two guys made way for Kian, kaya mas mabilis siyang nakalapit papunta sa 'kin, habang nakatutok na mismo sa 'kin ang kutsilyong hawak niya. He was approaching me so fast, when I woke up catching my breath. Hindi ko namalayang nasa gate na pala kami ng mansion. I felt relieved even when still panting from that sudden dream. Nasa sasakyan pa ako, nakatulog lang saglit. I didn't even realized that I was already sweating bullets. Hindi rin siguro napansin ng driver na muntik na akong mamatay dito sa likod niya. Those nonsense nightmares. I've been having them nonstop lately. I wiped my eyes when I felt droplets of water on my face. Umiyak pa talaga ako. I sighed. Nakakatakot din naman talaga ang mga bangungot iyon. Nakakapanibago lang iyong ngayon kasi siya na naman ang napanaginipan ko. Hindi ko na siya naisip sa mga nagdaang taon. Bakit nagbalik na naman siya sa isip ko? Nang nakaabot tuloy kami sa garage ay tinignan ko pa talaga kung nandoon iyong mga sasakyang nakita ko sa panaginip ko. Those old fashioned cars. But there was nothing suspicious there. Napabuntong hininga na naman ako. Panaginip nga lang talaga iyon. The rest of the school year went by faster than I thought. Sadyang ang bilis nga ng oras. Nang mag-tatlong taon na ako sa highschool ay gan'on pa rin naman ang buhay ko. Puro pag-aaral sa umaga, gala kasama ang barkada kung may time sila, kung wala ay ako na lang gumagala mag-isa. I also found some new friends, though. This time, they're my age. Matagal ko na pala silang batchmate pero ngayon ko lang nakilala dahil ngayon lang na year sila napunta sa section ko. Amber and Krystal are neighbors. And they have been friends since they moved to their houses. I am now a new addition to their friendship. Masaya naman ako at mabait naman sila sa akin. They treat me in a way I wanted to be treated, so I treat them the same way, too. "Girls! Baba na kayo, kakain na!" sigaw iyon ng Mama ni Krystal. "Ay, si Mommy nga naman, oh! Hindi pa kami tapos mag-make up, eh!" iritado namang sumbat ni Tal. Tinawanan ko na lang ang sinabi niya. "Mabuti pa, pumunta na tayo. Gosh! We have all day to do our makeup. Dito naman kami matutulog ni Amber, e," She just sighed. Bumaba nga kami para sa lunch. Kami lang tatlo doon at ang Mommy niya. Her father is a businessman kaya palagi iyong wala sa bahay. She have a brother pero wala rin dito. Nasa abroad nag-aaral. Amber right here, is the only daughter of a socialite and another businessman. They both live in these luxurious big houses on a known subdivision. Medyo malayo ang amin dito pero worth it naman dahil may nakakasama ako. Hindi naman kami palaging may ginagawa, minsan nabo-bored din naman kami. At least I'm bored with some friends. Boredom is a lot more hard to bear when you're alone. We talked about things while eating. Masaya kasama ang mga bagong kaibigan ko. Masyado nga lang madaldal si Krystal pero keri naman. Kabaliktaran naman si Amber na mahinhin at madalang lang magsalita. Dahil bakasyon ngayon ay madalas ako sa mga bahay nila. Their parents don't mind, though. In fact, their parents treat me more affectionately than my own parents. I stayed at with them for the entire vacation. Hindi naman sa lahat ng araw ay nasa bahay lang kami nila Krystal. One week is spent at their house, the next was spent at Amber's. The last five days was spent at our residence at wala kaming ibang ginawa kung hindi mag-dress up, mag-swimming sa pool, o kaya'y mag tea party. After they left, my other friends visited me at weekend. Nag-overnight lang kami sa isang beach resort at bumalik din agad dahil nga magsa-start na ang klase ko sa Lunes. Dumating nga ang Lunes at just as usual, dumating ako sa school nang mas maaga pa kaysa sa ibang estudyante. I waited at our classroom for Amber and Krystal pero medyo napaaga nga talaga ako at matatagalan pa ang paghihintay ko. I decided to roam the school's halls because of boredom. May mga iilan na ding mga early birds na nandoon. I scanned each classroom until I stopped a few steps before I approached the faculty room. There was an old man, trying to open the faculty's door with a bunch of keys. He doesn't seem familiar, but he's wearing boring clothes. Simple yet dirty shirt and pants. His hair was white and he also has a long beard with the same color. When he glanced my way, his face lighted up and gave me a smile. It was creepy, though. And when he started to approach me, I immediately ran my way back to our classroom. I, was not expecting that to happen! And heck, I won't even wish for that to happen again! That old man creeped me out! I wish he's not working here. A few minutes before class starts, my friends arrived. They looked fresh and pretty habang ako naman ay gulatang pa rin sa nangyari kanina. The old man from this morning gave me chills that I can't even concentrate on anything in class. First day of school pero buong araw yata akong lutang. I didn't bother to tell my friends what happened. Isang beses lang naman iyon. Magdadasal na lang akong hindi na iyon maulit. My first weeks on the new school year went by as normal as I expected. Hindi ko nga lang nakikita na sila Ron at ang barkada dahil nga masyado na silang busy sa college. My friends at school were always keeping me company though, so there's nothing to worry for now. But that's just what I thought. Isang araw sa school ay nagkaroon ng emergency ang isa sa mga subject teachers namin kaya kinailangan siyang palitan pansamantala. I felt sad. Paborito ko pa naman ang teacher na iyon. At dahil masyadong busy ang schedule ng ibang teachers, she was pressured to find another person to teach our class for the meantime. The whole class went silent when a man walked inside our classroom. He was familiar. Tall and lean body with those muscles on their right places. Those thick eyebrows and dark eyes that has now seem to be lighter to show a great facade. It was him! I was shocked. How can it be? I mean, hindi naman siguro ganoon ka desperada ang teacher namin para kumuha na lang ng kung sino para magturo sa amin diba? Does this mean that he's also a teacher? Pero kung totoo iyong sinabi niya sa akin noon, then he's still young. Hindi pa siya pwedeng maging teacher! He's maybe just around 19 or 20! "Good morning, everyone," he said in a very deep voice that I almost shuddered. Even his voice became so manly now. Well, it's been years already. He must have changed a lot. "I assume you already know that your teacher for this subject have something important to do with her personal life, that I still can't disclose to you. So, for now, I will be the one teaching you. My name's Adam. You can call me Sir Adam. I hope we'll get along just fine," Everyone was still silent, then started panicking. They all look at the man in front of them with evident shock and astonishment. Malamang, gwapo, eh. Lalo na ang mga girls dahil pang-fictional daw ang kagwapuhan nito. Pati ang katabi kong si Krystal ay niyugyog na ako dahil sa kilig. Si Amber din sa gilid ko ay nakita ko pang kinukurot ang sarili, tila inaalam kung nananaginip ba siya o hindi. "Hala, Sir! If you don't mind lang po ha. Pero, ang bata niya pa po yata? Teacher na po kayo?" tanong ng isang classmate kong sipsip. "No, no I'm not. I'm studying a pre-Med course. Si Ma'am Agripa ang nagpapa-aral sa akin kaya ngayong may problema siya at saktong break namin, ako na lang ang nag-volunteer na magturo sa inyo," kalmadong sagot niya at tila kinilig na na naman ang lahat ng girls sa paraan ng pagsasalita niya. Even I blushed a bit because of how calm yet stern he is while talking. "Magdo-doktor ka po, Sir?" tanong na naman ng isa ko pang classmate. "Yes," he quickly answered and everyone went 'ooohhh'. Mukha nga naman siyang matalino. At Science naman ang subject na ituturo niya kaya siguro sisiw lang 'to sa kanya. Last year na kasi namin sa junior high at dapat mas focused kami sa pag-aaral ngayon. At para mas lalong hindi magpabaya ang lahat, malamang ay kailangan ng teachers na magtuturo at magbantay sa amin every subject. Malaki kasi ang chance ma mag-cutting ang iba dahil may subject kaming walang teacher. Magaling siyang magturo. Siguro dahil estudyante pa rin naman siya ay alam niyang makisama sa mas bata pang students. Hindi man siya masyadong ngumingiti, magaling pa rin siyang um-entertain sa mga kaklase ko. He always answer questions politely. Magaling siyang mag-discuss, madaling maintindihan ang sinasabi niya dahil pinapa-simple niya ang nga description sa libro. I mean, oo gwapo siya, pero nakikinig pa rin naman ako sa dini-discuss niya ha! Hindi ko nga lang talaga maiwasan na tumigil sa pakikinig at sumulyap ng matagal sa mukha niya. Pero of course, I will immediately look away at times when he catches me. Bwisit na buhay. Kung kailan ga-graduate na ako ng highschool at mas kailangan kong mag-focus sa pag-aaral, kailan pa kami binigyan ng napaka-gwapong teacher. Porkchop lang. Baka mamaya itigil ko na nang tuluyan ang pakikinig at habambuhay na lang akong tititig sa kanya. 'Yon din naman siguro ang ginagawa ng lahat ng babae kong kaklase. Dumaan ang ilang subjects hanggang sa mag-lunch break na, pero si Sir Adam pa rin ang bukambibig ng lahat ng kaklase ko. Siguro nga lahat ng ng estudyante sa school. Lahat kasi ng mga klase ni Ma'am Agripa sa lahat ng sections ay si Sir Adam nga ang nagtuturo. Sa totoo lang, illegal 'tong ganito, e. Paano kami makakapag-focus sa pag-aaral kung may ganun ka-gwapong teacher na magtuturo? Tsk. Wrong move si Ma'am Agripa. May dalawang subject kami kay Ma'am Agripa sa araw na iyon. Kaya ngayon, babalik na naman si Sir Adam sa section namin. Bago pa siya pumasok ay nagtitilian na ang lahat at may isa pa akong classmate na nakasilip sa pinto para tignan kung paano daw maglakad si Sir. "Pati lakad, ang gwapo pa rin!" Napatawa rin ako sabay ang ibang kaklase ko. Natahimik nga lang kami nang pumasok na si Sir. Umayos ng upo ang lahat. Well, the boys didn't care. Ang mga babae lang itong nagpasikat through behaving elegantly, kuno. Ako lang 'ata 'tong walang pakialam sa ayos ko. My elbow is on my armchair at sapo ng kamay ko ang mukha ko. I'm shamelessly watching him, almost drooling, just like what everyone is doing. Nagsimula na naman siya sa pag-record ng attendance namin. Ginawa niya naman 'to kaninang umaga, ngayon mauulit na naman. Pwede na lang namang tanungin kung sinong present kanina na absent ngayon. Pero sige, bahala siya. Grabe na ang kaba ko kanina nang tawagin niya ang pangalan ko. Muntik akong hindi makapagsalita. Tsk. Mauulit na naman. Iniba nga lang niya ang ngayon. Apelyido ang tatawagin niya. Kinabahan tuloy ako. What will be his reaction once he know that there is an Esquivel in this class? Maalala kaya niya lahat ng nangyari sa nakaraan namin? Ang mga pinsala na naidulot ng pamilya ko sa buhay niya? I mean, for sure nakita niya naman na siguro kanina na may Esquivel sa record. Pero paano na lang kaya ngayon na siya mismo ang babanggit sa apelyido ko? Damn, this surname. I didn't do anything to him, but carrying this surname makes me feel like I'm a direct criminal. "Esquivel," at nabaliw na nga ang buong sistema ko. Kailangan ko pang sermonan ang sarili para lang makasagot nang maayos. "Present, Sir," Tinignan niya pa talaga ako ng matagal dahil medyo natagalan ako sa pagsagot. I almost lost my breath. Nakahinga lang ako ng maluwang nang magtawag na siya ng iba. I glanced at my friends beside me. Natawa sila sa nangyari. Hindi pa 'ata nila nakitang kinabahan ako ng ganoon. Mga loka. Ginaya pa talaga ako. They imitated how I looked before I was called, and how I flinched after. "Crush mo na, Cianna? Ako rin!" humagikhik si Krystal. I just sighed. Nag-focus na lang ako sa discussion. Ngayon, Math na naman ang tinuturo niya. Bagay nga talaga sa kanya ang mag-doktor. Matalino, eh. Kamusta naman akong mumurahin lang ang utak pero nangangarap na maging abogado? Gaya kaninang umaga ay mas pinasimple niya ang mga nasa libro. Kahit hindi naman ako masyadong marunong mag-Math ay naintindihan ko ang pinagsasabi niya pati ang sinusulat niya sa board. Binigyan niya kami ng assignment bago kami na-dismiss. Dahil last subject na iyon ay dali-daling niligpit ng mga kaklase ko ang mga gamit nila. Gan'on din ako. Malamang ay ayaw kong magpahuli at baka magkasabay kami ni Sir Adam. Napansin kong napaka-bagal niya pa namang mag-ligpit ng gamit niya. Sumabay ako kina Amber at Krystal palabas. Hihinga na sana ako ng maluwag nang mapansin kong tatlong libro lang ang dala ko. Apat na subject ang klase namin ngayong hapon kaya dapat apat na libro rin dapat ang dala ko. Pero wala iyong isa! Dali-dali akong bumalik sa classroom para kunin iyon. May assignment pa naman ako sa subject na 'yon. Tumigil din sina Krystal pero sinenyasan ko lang sila na mauna na. Sumilip muna ako sa loob ng classroom nang nakita kong nandoon pa si Sir! Paano na 'yan? Ayokong mapag-isa kasama siya! Hindi ko 'to naisip kanina pero paano kung isa sa dahilan kung bakit nandito siya ay dahil... para ipagpatuloy ang paghihiganti niya? Sigurong hindi pa naalis sa isipan niya ang nangyari sa pagitan ng mga pamilya namin mahigit limang taon na ang lumipas. Paano kung saktan niya ako? Umiling ako para maalis ang bagay na iyon sa isip ko. May katawagan siya. Mukhang seryoso ang tawag kaya seryoso rin ang mukha niya. Siguro maghihintay na lang ako hanggang matapos iyong tawag saka ako papasok para hindi kami magkasalubong. Papaalis naman siguro siya dahil bitbit niya na ang mga gamit niya, naalintana lang dahil sa tawag. Nandoon lang ako sa gilid ng classroom, nagtatago at sumisilip paminsan-minsan para tignan kung tapos na ba ang tawag niya. Pero lumipas ang limang minuto at hindi pa rin siya lumalabas sa room. Nang sumilip ulit ako ay nakita kong nakaupo na siya sa isang armchair at sapo ang mukha niya habang patuloy pa din ang tawag. Sa armchair ko pa talaga! Gosh! Inaapakan ng siko niya ang libro ko. Tsk. Bahala na nga. Bukas ko na kang kukunin iyon. Madali lang naman siguro 'yong assignment. Maaga naman ako palaging dumadating kaya may oras pa akong gawin iyon. Tsaka, sa hapon pa naman iyon na ipa-pass. Maglalakad na sana ako paalis. Pero nagulat na lang ako nang may tumawag sa 'kin galing sa likod. Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko. "Cianna... Esquivel?" his deep chanted my name, sounding hesitant when it was already my surname that he pronounced. Hindi ako lumingon agad. I remained frozen in my spot. But then I realized that I really have to face him. And just turninga round already needed me to exert much of a force to move my muscles. Porkchop. Ano bang klaseng kaba 'to? Papatayin yata ako neto, eh. "Yes, Sir?" mabuti naman at hindi ako nautal. May inabot siya sa akin at nang tignan ko iyon, it was my book! 'Yong libro ko, hawak niya! Porkchop na talaga. Lalagyan ko 'to ulit ng plastic cover mamaya kahit may cover na. Shocks! Anong kabaliwan na naman 'tong pinasok ko? "Your book," nanginginig pa ang kamay ko nang tanggapin ko iyon. Sinama ko iyon agad sa tatlo pang libro na hawak ko. Hindi naman iyon mga makakapal na libro kaya hindi naman mabigat. Niyakap ko lang iyon sa harap ko bago nagpasalamat sa kanya. "Naku, salamat po, S-sir," I bit my lip for stuttering before giving him an awkward smile. Ngumiti rin siya sa akin. I was about to take a step back and turn around to leave, when I heard him chuckle and said something. "Nice meeting you again, Esquivel..."
thank you
09/02/2025
0yokonga
12/11/2024
0ijkj
06/11/2024
0ดูทั้งหมด