logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Eleven

Papunta na kami ngayon sa mansion ni Chairman. Kanina ay nagtagal siya dahil pinuntahan niya rin si Waylon pagkatapos kay Braxton. Habang inaantay ko siya kanina ay nag-usap pa kami ng matagal ni Erikiar. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Akala niya siguro ay boyfriend ko si Tucker, hindi ko nalang sinabi iyon dahil hindi naman mahalaga.
"Are you now okay?" Lumingon ako sa kanya. 
Bumabakas at bumabagay ang kanyang adams apple. At ang makinis na mukha nito ay kumikinang, ano kaya ang skin care niya? Wala manlang balbas sa mukha. Napakagandang lalaki. 
"You're looking at me again," hindi ko siya pinansin. Paano ko kay 'to mapapatay? Sa sarap? Lagyan ko ng lason? Or diretsong saksakin? Kung ngayon nalang kaya? Guluhin ang pagmamaneho niya. 
"You're scary, you know?" I know. 
Umiwas ako ng tingin sa kanya at umayos ng upo. "Ayos na po ako. By the way Sir, puwede po tayong dumaan sa bahay ninyo? Kukunin ko lang po ang mga gamit ko." sambit ko.
"Don't worry, pinadala ko na sa iba ang mga gamit mo." Halos manlaki ang mga mata ko sa narinig.
Shit, it can't be. Paano 'yong makikita nila? Baka pinapakealaman nila ang gamit ko, malilintekan na. May maliliit na kutsilyo, baril at iba't ibang kagamitan pumatay. 
"Why? What's in your face, you look scared." Damn it, I am! 
Umiling ako ng dalawang beses at huminga ng malalim. "Wala naman po sigurong nagbukas ng bag ko? Nakakahiya po kasi ang damit ko roon." wika ko.
"I did." Damn it! What the hell? 
I automatically diverted my gaze to him, making sure na nagsasabi siya ng totoo. Seryos ba? Binuksan niya? 
"Po? Bakit po?" Kinakabahan kong tanong ngunit kalmado pa rin. 
Ayaw kong ipahalata na mas lalo akong kinabahan at natatakot na siya pa talaga ang nagbukas ng bag ko. Tangina! 
"Your phone keeps ringing so I answered it." Gulat at inis ang namayani sa akin ngayon. 
"Bakit?!" Hindi ko mapigilan ang pagsigaw sa kanya. Why did he answered that fucking call?
 
"Hindi mo dapat pinapakealaman ang gamit ng ibang tao. Why did you do that?" Galit kong usal. Sino ba ang pesting tumawag. 
Imbis na magulat siya sa pagsigaw ko, seryoso pa rin siya sa pagmamaneho. Mukhang walang pakealam na naiinis na ako rito. Gago ampota. 
"Your mother called. I answered it and told them what happened." Lintek na! 
Napapikit ako at hinayaan ang sariling kumalma. "Ano ang sinabi nila?" I asked.
"They will come here,"
"What?!" 
"I said, they will come here. Pinapasundo ko na sila sa mga tauhan ko. Gusto ka nilang makita dahil nag-alala sila." he said with a serious tone. 
Makiramdam ka naman Tucker na ayaw ko silang makita, ayaw kong mabuking ng maaga. 
"Sir, maayos naman na ako. No need to worry about. Puwede po bang huwag mo nang ituloy na papuntahin sila rito? I mean, I'm all good. Baka mapano pa sila at mag-alala lalo. Hindi ko sinabi ang nangyayari sa akin dito sa Manila sa kanila dahil ayaw ko silang mag-alala." Sunod-sunod kong wika. 
Nawala na ako sa wisyo kung paano ko sila iiwasan. I really need to talk to Almina, kailangan niya akong tulungan. 
"Paano 'yan, malapit na raw sila?" he fucking said! 
Sinusubukan yata ako ng lalaking 'to. Napabuntong-hininga ako, bahala na. Kapag nabuking e'di mabuking. Let Boss Alessandra kill me, but how about the girls? Mapapahamak sila. 
"Okay fine, I'll call them." Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, hindi pa rin nawala ang inis ko. "Hindi ko na papupuntahin ang magulang mo. Just lift yourself up. You look like a duck." I rolled my eyes. 
Duck my foot! Ngumiti ako ng plastik sa kanya. "Thank you, Sir." I said.
Kinuha niya naman ang cellphone at may tinawagan. Mabuti naman. 
"Hello, bring back to their house now. Maayos na ang kalagayan ni Alora. Yes, tell them na hindi na kailangan at bala mapahamak pa sila dito. Okay, bye." sambit nito sa kabilang linya.
"Happy now?" He turned his head to me. Gusto ko na siyang giitan ng leeg, ngayon din! 
I nodded and smiled, binalik ko ang pagiging ma-amo ang mukha. "Thank you so much, Sir." I said. 
Mabuti naman ay nakarating na kami, ang tagal yata ng biyahe naming dalawa. Pinatigil niya yata ang oras eh. 
Tumingin ako sa napakalaking bahay na akala mo'y isang gusali. Ang tayog. Ilang palapag naman kaya ang lilinisin namin dito. 
"Let's go," he said and get off from the car. Sumunod na rin naman ako sa kanya na naglalakad. 
Pinagbuksan kami ng gate ng dalawang guard. Mas malaki pa ito sa mansion ni Tucker. Ang ganda ng garden, ang sarap tambayan. 
"Tucker," tawag ng kung sino. Lumipat ang tingin ko sa Mommy ni Tucker, kasama nito ang dalawa pang anak. Mga kapatid ni Tucker na si, Trinia at Tram. 
"What took you so long son? We've been waiting you here." Palihim akong umirap nang marinig ang oa niyang boses. 
Akala mo talaga kung saan galing ang anak niya. "I went to the hospital, Mom. I visited Braxton and Waylon." sagot ni Tucker. 
"Oh, how are they? Maayos ba sila?" tanong naman ng bruha. 
Bakit pa ba ako nandito? Wala namang k'wenta ang mga tao. Aalis na sana ako nang bigla akong pigilan ni Tucker, hinila niya ang damit ko. Napatingin ako sa kanya, nagtataka. 
"Stay," he said like I am a dog. Gago! 
Palihim akong nakatingin sa pamilya niya. Si Tram na walang pakealam, lagi naman. Laging seryoso ang mukha nito at hindi namamansin, si Trinia na nakangiti sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya. At ang bruhang Mommy nila ay masama ang tingin sa akin. Hindi na naman 'to nakakakain. 
"You're still with her, son?" she asked na para bang nandidiri dahil kasama ko ang anak niya. Pasabugin ko kaya bungo nito? 
Yumuko ako at kunyari ay nahihiya. Pero napapairap na talaga ako nang hindi nila nakikita. Ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko ang Mommy nila, naiinis ako. O sad'yang ayaw ko lang na ganitong tao. Ang oa. 
"Yes Mom, simula sa araw na ito hindi na siya katulong." Gulat akong tumingin kay Tucker nang sabihin niya iyon.
Napansin ko pang lumingon saglit si Tram sa Kuya niya at napa takip ng bibig di Trinina habang ang Mommy nila ay nagtataka at umawang ang bibig. Teka, pinapalayas na ba ako? 
"Pinapalayas mo na siya? Mabuti naman kung gano'n. Hindi ko na makikita ang babaeng iya—"
"She will be my girlfriend, for now."
"What?"
"Huh?"
"The fuck?" 
"A-ano?" 
Sabay-sabay naming tanong. Anong sinasabi niya? Girl what? A fucking girlfriend? Nahihibang na siya.
"You heard it, she will be my girlfriend for now." he said and turned his back from us. 
Nagkatinginan kaming apat. Lumapit sa akin ang Mommy nila kaya napa-atras ako. "Anong ginawa mo sa anak ko? Ginayuma mo? Pinikot mo? What did you do!" Napangiwi ako nang sumigaw siya sa dulo. 
Parang tanga. Bakit ako ang tinatanong niya? Kahit ako ay nagulat sa sinabi ng anak nito. Hindi manlang ako tinanong kung payag ba ako. Desisyon sa buhay. 
"Mom, let's got. Let kuya explain it more." sabi ni Tram at inilayo na sa akin ang Mommy nito. 
Nang makaalis ang dalawa, hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko. Gulat pa rin sa narinig. Anong trip iyon? Ano na naman ba ang nangyari? Ano ba itong pinasok ko? Bakit ba kasi sa kanya ko lang naranasan ang hirap sa mission.
"Hey." Napalingon ako kay Trinia, hindi pa pala siya umalis. Ngiting-ngiti naman ang isang 'to. 
Sa ilang buwan ko rito, nagiging kasundo ko siya. Ako lang yata ang kinakausap niya kaysa sa ibang katulong. 
"Anong trip ng Kuya mo?" I asked. Bumungisngis naman siya na para bang gustong-gusto ang nangyayari. 
"Geez, I don't even know. But I am so happy. May girlfriend na ulit si Kuya and it's you." Halata ngang tuwang-tuwa siya. 
Kumapit pa siya sa braso ko at nababakas sa mukha ang exciting. "Let's, they are waiting what were Kuya will say." sambit nito. 
Hindi na ako makapalag nang hinila niya ako papunta sa loob. My legs felt melt when I saw the people inside. The Chairman, his Lola na asawa ng Chairman and some person na ang alam ko ay kamag-anak din nila. What is happening?
Iginaya ako ni Trinia sa Kuya niyang naka-upo. Tumingin ako sa mga kasamahan kong katulong, ang iilan sa kanila ay nagtataka at ang iba naman ay nakangiti. May mga alam na ba sila na mangyayari 'to? Ilang araw o oras ba akong natulog at paggising ko, magiging ganito na ang buhay ko.
"Listen everyone!" Agaw pansin ni Tucker sa lahat. 
Nakatutok lang ako sa kanya kahit nasa tabi niya na ako. "The night were someone attacked us, si Chairman at ako ang kailangan nila. They are attacking us dahil akala nila ay wala na ang magmamana sa kompanya dahil wala pa akong anak." He stopped. 
Wala akong maintindihan. "We all knew that Tram is not into business, bawal pa siyang sumabak sa company. That's why, I and Chairman decided na maghanap na ako ng mapapangasawa para hindi na nila iisipin na agawin pa ang kompanya na umabot pa sa pagpatay ng tao."
Nakikinig lang kami sa sinasabi niya. "Everyone, I tried to find a girl to be my wife but I failed. At somehow, I found someone na malapit lang pala sa akin." He looked at me that made me melt. Ano ang ibig niyang sabihin? 
"From now on, this lady beside me. Hindi na siya magiging katulong namin, her job will be my girlfriend and soon to be wife." 
What? Totoo ba ito? Hindi maaari! 
Hindi puwedeng maging girlfriend niya ako o maging asawa, magkakagulo ang mission ko. Damn it! 
Anong gagawin ko? Kailangan kong makatakas dito. I can't. 
Tumingin ako kay Tucker na seryos pa rin ang mukha. Umiling ako sa kanya ng maraming beses. Nakarinig pa ako ng pagsinghap mula sa mga tao. 
Lumapit ako sa kanya at bumulong. 
"Ano ang ginagawa mo?" 
"You have no choice but to be my wife, or else. I'll tell to everyone. That you are not, Alora Santos." I stopped. 
Ano? Alam niya ba kung sino ako? Damn, bakit? 
Halos manlumo ako sa ibinulong niya sa akin, tumingin ako sa mga tao na nag-aantay. 
Nagulat naman ako nang hilahin ako ni Tucker palapit sa kanya. Hinawakan niya ang baiwang ko at idinikit pa lalo sa kanya. He whispered something na mas lalong kinakaba ko.
"Am I right? Klailea Lyndsy Gatdula?" Shit! Shit what the fuck? How did he know me? Bullshit! 
Ito na ba kaagad ang katapusan ko? How come that he found out na I am not Alora Santos? Is he investigating me? Shit Klai! You are busted! 
Tumingin ako sa kanya na nagtataka, lift your fucking self Klai. Huwag kang magpapatalo sa kanya. 
"A-ano ang ibig mong sabihin, Sir?" I asked. Please, don't make this hard to me, Tucker.
He smiled at me like nothing happened, na para bang hindi niya ako pinakaba. Paano niya nalaman? Paano na ang mangyayari? Kailangan kong makaalis dito! Damn. 
I need to talk to them as soon as possible. 
He face the people. At bumalik na naman ang seryoso niyang mukha. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Ano ba?! 
"I want you to meet my soon to be wife. No other than, Alora Santos." 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (78)

  • avatar
    ElcanoVictoria

    nice story! love it🥰

    11/08

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Ganda ng story🫰🫰🫰

    16/05

      0
  • avatar
    Nicole Cuevas

    I love this story🥰🥰

    02/05

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด