logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2 : The Graves

KIARA'S P.O.V
Nagpaalam muna ko kila Ate Kiana pati sa mga kaibigan ko pagkatapos namin makita yung karima-rimarim na nang yari sa prisinto. Naisipan ko muna dumiretso sa sementeryo para madalaw ko ulit yung puntod nila Papa at Mama dahil kahit hindi ko sila nakilala , feeling ko ay naging malaking parte rin sila ng buhay ko noon at naging mabuting magulang rin sila sa nakatatanda kong kapatid.
Matagal na sakin itinuro ni Auntie Nicole kung saan inilibing si Papa pati si Mama kaya madali ko na silang nadadalaw sa sementeryo kapag pumupunta ko sa lugar na yon. I still feel sad when I think I didn't even know my parents. Hindi kagaya ni ate Kiana dahil kahit papano ay nakasama pa rin nya sa maiksing panahon sila Mama at Papa.
"Don't trust anyone if you don't want to risk your life."
Dali dali naman sumagi sa isipan ko yung nabanggit sakin ng matandang babaeng naka banggaan ko kanina sa prisinto. Hindi ko maiwasang mawirduhan sa kanya dahil bigla na lang sya lumitaw sa harapan ko na kinagulat ko naman.
Tsaka ano rin yung pinaparating nya sakin ? Pano nya rin nalaman yung full name ko ? Nakilala ko na ba sya ? pero baket hindi ko man lang sya matandaan ? tsaka parang ngayon ko lang naman sya nakita. She is really very weird and I seem to be terrified of the words her left me.
Di bali na nga , ang gusto ko lang naman ngayon ay mapuntahan yung puntod nila Papa at Mama sa sementeryo , kaya napa buntong-hininga na lang ako at pinag patuloy ko na lang ang pag lalakad sa matahimik na kalsada. Matagal tagal na rin akong hindi nakaka punta sa lugar na yon kung saan inilibing sila Mama at Papa , kaya naisipan ko na rin mag dala ng dalawang kandila para makapag tirik sa kanila.
****
Inalis ko muna yung mga nabubulok na dahon sa dalawang lapida na nasa harapan ko pati ang mga basura na nakakalat dito , bago ko itinirik yung dalawang kandila para kila Mama at Papa. Nilinis ko muna yung paligid kung saan sila naka libing , at tinanggal ko rin yung mga damo at talahib na nakapalibot sa puntod nila hanggang sa makita ko yung mga pangalan nila na naka ukit dito.
Ewan ko ba kung baket unti unting umagos yung mga luha ko sa mata , at hindi ko rin alam kung baket nakakaramdam ako ng pag hihinagpis. Napa singhap na lang ako habang pinipigilan kong umiyak at humagulgol pero patuloy pa rin lumalagaslas ang mga luha kong nangingilid at namumuo sa aking mga mata.
Hanggang ngayon kase ay sinisisi ko pa rin yung sarili ko kung baket namatay sila Mama at Papa , dahil kung hindi lang nila ko sinilang ay hindi sana sila magkaka ganito ? Kaasar !! Baket ba kase nabuhay pa ko kung makakaranas naman ako ngayon ng matinding kalungkutan ?
Namatay lang naman si Mama dahil sa panganganak sakin , kaya nilamon ng matinding pagka depressed si Papa hanggang sa nagpaka tiwakal sya. I just cry when I think of their deaths, because I feel like I am to blame for everything. Lechugasss !! Napayuko na lang ako at napansin kong pumatak ang luha ko sa lapida ni Papa.
Pakiramdam ko ay isa kong malas sa pamilya namin mula nung sinilang ako ni Mama , hindi ko alam kung baket ? pero yun ang nararamdaman ko. Napaka sakit !! Napaka bigat sa kalooban kaya hindi ko na naiwasang mapa hagulgol habang naka luhod ako sa harapan ng mga lapida nila dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako lalo na't hindi ko rin sila nakilala.
"Sa tingin mo ba ? Mabubuhay ba yung mga nakalibing dyan kapag umiyak ka ?" Nagulat na lang ako at namilog ang aking mga mata nang biglang may nag salita sa likuran ko kaya napa lingon ako sa direksyon nya kung saan sya naka tayo.
"Sino ka naman ?" Kunot-noong tanong ko sakanya , habang pinupunasan ko yung mga luha ko sa pisngi. Bigla ko na lang nasilayan ang isang lalakeng nakatayo sa harapan ko nang mapalingon ako sakanya at mukhang kaedaran ko lang sya at isa lamang syang estudyante kagaya ko.
"Dinalaw ko lang rin yung puntod ng ermats ko dito sa cemetery." Giit ng lalakeng naka black jacket kaya napa tayo na lang ako mula sa pagkaka luhod habang pinupunasan ko pa rin ang mga luha ko sa pisngi.
"Sino ka ba ? Baket nandito ka ? Bumalik kana dun sa puntod ng Mama mo." Bulalas ko sa lalake na to pero ni hindi man lang sya natinag sa kinatatayuan nya. I just felt confused when he looked again at the tombstone of Papa and Mama while he smiled slightly and just shook his head.
"Masaya na si Mama kung nasaan man sya , at alam kong masasaktan lang sya kapag nakita nya kong umiiyak , kaya okay na siguro yon. Okay nang dinadalaw dalaw ko yung puntod nya." Paliwanag nya na kinakunot naman ng noo ko , dahil hindi ko maintindihan yung pinapahiwatig nya sakin.
"Huh ? Ano ba yung pinaparating mo ? Baket mo naman sakin sinasabi yung mga bagay na yan ?" Naguguluhan at kunot noong tanong ko sakanya , kaya unti unti syang naglakad palapit sa aking kinatatayuan at napa atras naman ako ng bahagya.
"Mga parents mo ba yung mga nakalibing dyan ?" Giit naman nya kaya tinanguan ko na lang sya bilang sagot ko. "Alam mo ? Wala naman mababago kapag umiyak ka." He said while he was still looking at the two tombstones in front of us.
"Pero ako yung may kasalanan kung baket sila namatay , Pakiramdam ko , isa kong salot sa pamilya namin." Napa tingin na lang ako sa dalawang lapida na nasa harapan ko , kaya hindi ko na naiwasang mapaluha lalo na't palagi pa rin akong ginagambala ng konsensya ko.
"What do you mean ? You killed your parents ?" Kunot-noong tanong nya sakin na mistulang naguguluhan , at ngayon ko lang napansin na mag tatakip-silim na pala at malapit na rin lumubog yung araw.
"Hindi ... Namatay si Mama dahil sakin ... namatay sya nung pinanganak nya ko .... pagkatapos sumunod naman si Papa nung panahong nadepress naman sya sa pagkasawi ni Mama. Nakakaasar !! Baket ba kase isinilang pa ko sa mundo ? Kung kapalit naman nun ay pagkamatay ng dalawang tao." Pag kukwento ko sakanya , at napa singhap na lang ako dahil sa kalungkutan na nararamdaman ko ngayon.
"Wag mong sisihin yung sarili mo , hindi mo naman kasalanan yung nangyari. Isinilang ka sa mundo para sumaya , hindi para maging misserable ang buhay mo sa nakaraan na yon dahil wala ka namang ka muwang muwang sa mga kaganapan at nangyayari nung panahong iniluwal ka ng Mama mo." Kalmadong sabi nya kaya unti unti akong napa tingin sa lalakeng nagpakita na lang dito , at hindi ko maintindihan kung baket napanatag yung kalooban ko sa makabuluhang pananalita nito.
Kung iisipin kase ay may point rin naman sya at hindi ko yun maikakaila pero ganun pa man ay hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil hindi ko man lang nakilala ang mga magulang ko. Mabuti na't may napag sabihan ako ng mga problemang matagal ng nakadagan sakin at palagi kong kinikimkim dahil mula nung kinuwento yun ni Auntie Nicole ay palagi na rin akong binabangungot at inuusig ng konsensya ko.
Palagi ko rin tinatanong sa sarili ko dati na baket pinanganak pa ko sa mundo ? Kung hindi ko naman mararamdaman ang pagmamahal ng mga magulang at paghihinagpis lang ang matatamasa ko ngayon. Lechugasss !!
"Anyway ... kanina pa kita kausap .. pero wala pa rin akong kaidea idea kung ano yung pangalan mo." I will change the topic because what we are talking about is too complicated.
"Ayyy sorry ... ako nga pala si Denver." Napa kamot na lang ng ulo si Denver na mistulang nahihiya sakin , kaya hindi ko na naiwasang matawa sakanya. Napangiti na lang ako at para bang guminhawa na lang ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan ko sya
"Kiara Alvarez nga pala." Pag papakilala ko naman na ikinagulat nya dahil namilog pa ang mga mata nito na tila ba'y nawindang , kaya napa kunot na lang ang noo ko dahil hindi ko alam kung baket ganon na lang ang naging reaction nya nang marinig nya ang pangalan ko.
"So ? Isa ka palang survivor sa massacre kagabi." Paniniguro nya habang naka tingin lang sya ng diretso sa aking mga mata na para bang kinikilatis nya ko.
"Yup. Hindi ko alam na bali-balita pala sa bayan na to yung nang yaring massacre sa compound namin." Napa buntong hininga na lang ako at napa pikit ako saglit. The news spread in the town that this was the massacre that took place in our compound. I just sighed and looked at Mom and Dad's grave again.
"Hahahah ... kahit kailan may pakpak talaga ang balita." Sambit ni Denver habang tumatawa sya kaya unti unti nang kumurba yung malapad na ngiti sa labi ko at ibinalik ko agad ang atensyon ko sakanya.
"Malamang .. Ano pa ba inaasahan ko ?" Sambit ko naman , at napa halukipkip na lang ako nang biglang umihip ang malamig na hangin dito sa sementeryo. Napaka nipis pa naman ng suot ko kaya hindi ko maiwasang mapayakap sa aking sarili.
"Hayaan muna yon , at least naka survive ka sa massacre." Tugon nya sakin kaya muli akong napa ngiti at para ba kong nakahinga ng maluwag habang unti unti akong naaaliw kay Denver.
Nangibabaw ang mga tawanan dito sa kinaroroonan namin at kulang na lang ay magising yung mga bangkay dito sa sementeryo pero kahit papano ay nabawasan na rin yung mga problema ko, at ngayon ko lang naintindihan na masaya talagang mabuhay dito sa mundo.
Hindi ko lubos maisip na may pagkabaliw rin pala tong si Denver , hindi ko lang nahalata sa kanya dahil napaka inosente rin ng mukha nya sa first impression at mukhang hindi pa sya nakaka gawa ng kalokohan sa buong buhay nya nang magpakita sya sakin. Ganun pa man ay nagpakilala sya ngayon bilang mapagbiro at malokong tao kaya dali dali nya napa gaan ang kalooban ko.
"Sige na gabi na !! Mauna na ko. Umuwi kana rin sa inyo baka mapano ka pa." Pagpa paalam nya sakin , at binigyan nya pa ko na nakaka lokong ngiti bago sya tumalikod kaya napalunok na lang ako dahil mayroon pa kong gustong sabihin sakanya.
"Nangupahan muna pala kame sa Eminence Village , para makalayo kame sa bangungot na naranasan namin last night." Pahabol ko kay Denver kaya napa tingin muna sya sakin nang hindi pa sya nakakalayo sa aking kinaroroonan.
"Ganon ba ? Kung sa bagay. Anyway ... Enjoy your life and don't think of negative things." Tugon naman nya sakin bago sya tuluyang umalis sa kinaroroonan namin kaya muli akong napabuntong hininga habang naiwan akong nag iisa dito sa lugar kung saan nakalibing sila Mama at Papa.
Napa ngiti na lang ako at nag simula na rin akong mag lakad papunta sa ibang direksyon dahil dali daling guminhawa yung pakiramdam ko dahil kay Denver kahit ngayong araw ko lang sya nakilala. -- Napatingin na lang ako sa kalangitan at napabuntong hininga sa hangin dahil pakiramdam ko ay unti unti nang nawawala ang pag hihinagpis na kinikimkim ko sa loob ng ilang taon.
THIRD PERSON'S P.O.V
Pagka alis nila Denver at Kiara sa sementeryo , hindi nila namalayang may nag mamasid sa kanila kanina pa kaya dali daling lumabas yung misteryosong tao sa pinag tataguan nito.
Pumunta sya sa puntod ng mga magulang ni Kiara habang may mala demonyong ngiti sa labi nya , at agad agad nyang kinuha yung kandilang naka tirik sa puntod ng ama ni Kiara. Binali ng salarin yung kandila , at hindi pa sya nakuntento dahil pinag tatadyakan at dinumihan pa nya yung lapida nito.
"Balang araw , mapapa bilang ka rin samin ... Kiara." Bulong nya sa sarili nya , at hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa mukha nya yung mala demonyong ngiti.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (74)

  • avatar
    ManlanatJinelle

    keep doing that

    19d

      0
  • avatar
    Xander M Tambo

    Xander m tambo

    05/08

      0
  • avatar
    Jam Jam

    it so nice history

    23/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด