logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

"Magjojogging lang po ako!" pasigaw na paalam ko kay Manang na abala sa kung anong bagay sa kusina. Hindi ko na nagawang makapag paalam kila mama dahil umagang-umaga ay mukhang may importante silang pinaguusapan sa library ni papa.
This past few days, kapansin-pansin ang pagiging abala ng magulang ko sa kung ano. Hindi ko naman magawang mag-usisa dahil baka sabihin nila na usapang matatanda iyon at bawal akong makisalo. Pero siguro ay tungkol sa negosyo ang mga iyon. Lalo ngayon na kasama namin si lola, tiyak na doble ang focus nila sa mga negosyo ng pamilya.
Kahit si Mama nga ay palaging out of town, tumutulong na rin siya sa pagmamanage ng mga hotel dahilan para mag-hire sila ng karagdagang tauhan sa bahay, bukod sa mga guard, may taga asikaso na din sa garden (kapag wala si lola) na siya ding tumatayong family driver. May kasama na din si Manang kaya dalawa na ang aming kasambahay, naaawa kasi sila kay Manang dahil may edad na at all around pa ang trabaho sa amin kung kaya nagpasya sila na manguha ng makakatulong niya, bukod pa iyong weekly na tagapag laba ng mga damit namin at tagapag-alaga ni Mia, nag-aaral na kasi siya sa kindergarten kaya kailangan ng magbabantay sa kanya sa School, iyong kinuhang tagapag-alaga at isang body guard/driver ang lagi niyang kasama sa pagpasok at pag-uwi galing sa school tuwing busy si mama. Pero syempre gusto ni mama na matutukan niya si bunso.
Si Zander? Iyon pinagpatuloy ang kanyang kurso na Business Management, napag alaman kasi namin na nahinto pala siya sa pag-aaral dahil kay Misael. Hindi ko alam ang eksaktong dahilan pero may kinalaman si Misael doon.
Si Kuya Michael at Kuya Vincent ay kasalukuyang namamahala sa Airline Company. Mas intresado kasi sila doon sa mga eroplano kaysa sa mga hotel na siyang pinamamahalaan nila papa, si tito Melvin naman ay abala pa rin sa taekwondo school niya pero paminsan-minsan ay tumutulong kay papa.
Ngayon na wala na kaming pinagtataguan, maaari na naming ilantad ang tunay na katayuan namin sa buhay. Hindi na kami nagtatago sa Apelyidong Corpuz. Bagaman ganoon ang nangyari, nananatili pa rin kaming tahimik at tikom ang bibig sa media. Nananatiling nakatapak sa lupa ang aming mga paa.
Ayaw namin mamuhay tulad ng ibang mayayamang pamilya na sobrang taas ng tingin sa mga sarili nila. Iyong tipong pakiramdam nila ay Diyos sila na kailangan luhuran at sambahin ng mga tao.
Nananatili kaming simple ang pamumuhay tulad ng nakasanayan, may nagbago man, iyon ay nagkaroon kami ng mga tauhan o empleyadong pinasasahod. Atleast nakakatulong pa din dahil nagkaroon sila ng trabaho na may magandang sweldo at benepisyo.
Si lola ay abala sa mga charity, madalas siyang umattend sa mga charity events at ball. Syempre kasama niya palagi si mama at tita Cynthia bilang representative ni papa at tito Melvin.
"Hey!" abala ako sa mabagal na pagtakbo habang nakikinig sa music ng may humablot sa earphone na nasa tainga ko. Kunot noong hinarap ko ang taong may gawa niyon.
"Oh, Zachareus? Why?" takang tanong ko. Napansin kong naka jogging attire din siya.
"I'm calling your name but seems like you didn't hear me, I thought you're just ignoring me but now I know why."
"Sorry, alam mo naman na hilig kong makinig ng music habang tumatakbo. Teka sinundan mo ba ako?"
"Ahm, I was about to left home when I saw you running out of the gate, so yeah. Sabay na tayong mag jogging." sabi niya sabay takbo, natigilan pa muna ako saglit bago sumunod sa kanya.
About Zachareus and his mom. Namili sila ng lote sa Forbes Village (our village's name) at pinatayuan ng two storey house. Ngayon nga ay kasalukuyan na silang doon naninirahan ng mommy niya, patuloy pa din ang medication ng ginang ngunit napakalaki na ng progress ng mental health nito. Masasabing bumalik na siya sa dating siya. Pero bilang kasiguraduhan, para maalis na din ang trauma na sinapit sa kamay ni Misael, ay kumukonsulta pa din sila sa Psychiatrist para sa therapy.
Samantala si Attorney Lazaro ang pansamantalang namamahala sa mga naiwang kabuhayan ng pamilya Santiago. Mukhang hindi na matutupad ang pangarap ni Zachareus na maging pulis sapagka't siya lang ang inaasahan na magmamana at mamamahala balang araw ng mga negosyo nila. Pero dahil ayaw ng mommy niya na tuluyang mawala lahat ng gustong gawin ni Zachareus kaya nagpatayo ito ng opisina para sa mga agents niya na ngayon ay pinamumunuan ni Agent Alvin pero paminsan-minsan ay pumupunta doon si Zach, noong bakasyon nga nabalitaan ko na doon siya namalagi.
Sa ngayon ay nag-aaral muna si Zachareus ng kursong Business Management. Nasa unang taon pa lang siya, mahaba-haba pa ang lalakbayin niya bago mahawakan ang kanilang kompanya.
Masasabing back to normal na. I mean kaming mga naperwisyo ni Misael, parang bumabalik na ang dating saya at katahimikan ng pamilya namin dahil nakakulong na siya. Nakakakilos na ulit kami ng malaya, bagama't alam ko na nauunawaan ng pamilya ko kung bakit gusto ko na may guard pa rin kami, masyadong traumatic ang pinagdaanan namin, kaya ngayon na tahimik na ulit ang buhay namin, hindi ko maiwasan na mag-alala pa rin. Habang buhay ko na yatang dadalin ang takot na dulot ng masalimuot na pangyayaring iyon sa buhay namin.
Ngunit sana nga, sana nga ay wag ng maulit pa. Sana totoong payapa na ulit ang buhay namin at magtuloy-tuloy na.
Seems like everyone's moving forward. Lahat ay sumusulong na sa kani-kanilang buhay. Pero pakiramdam ko ay naiiwan ako, pakiramdam ko ako lang ang walang pagbabago, sa halip na maging maayos ang buhay ko, bakit pakiramdam ko ay napag-iiwanan ako? dahil ba ayokong umalis sa pwesto kung nasaan ako ngayon? Dahil ba may bagay akong pilit hinahawakan at ayaw bitiwan? O dahil gusto ko na kasama ko siya sa bawat hakbang pasulong? Alin man doon, nananatiling nakakonekta sa kanya ang sitwasyon. Dahil patuloy akong kumakapit. Kailangan kong kumapit no! Iilang buwan pa lang naman kaming hindi magkasama.
At alam ko na mahal namin ang isa't-isa.
Habang may pagmamahal kaming nararamdaman, kailangan kong lumaban.
Dahil mahalaga sa akin iyon. At ayokong bitiwan. Dahil alam kong kapag ginawa ko yun ay ako din ang mahihirapan, ni hindi ko nga sigurado kung kaya ko bang bitiwan, eh.
Naabutan ko si Zachareus pagdating sa Park ng village. Napairap na lang ako mag-isa.
Sabay daw kami mag jogging pero iniwan ako, patawa?
I watch him to do his push ups while I'm doing my legs and arms exercise.
Tumakbo kami ulit pagkatapos niyon, pero sa halip na pabalik sa direksyon ng bahay ay palabas ng Forbes Village ang tinahak namin. Sayang naman kasi kung tatangghihan ko ang libre.
After few arguments on where to grab our breakfast, we just decided to go for a cup of coffee and bread.
We jogged on the way to a coffee shop outside the village.
Nang makarating sa destinasyon ay umupo agad ako sa pangdalawahang lamesa at nagpunas ng pawis.
"What do you want?" tanong ni Zachareus na galing sa counter, nakabili na agad ito ng dalawang bottled water at inabot sa akin ang isa.
"Ikaw na ang bahala, just don't order me anything that is matcha flavored."
"Yeah I remember your ugly face back then when you accidentally drunk my Matcha flavored milk tea."
"Wala akong maalalang ganoon." pambabara ko sa kanya. Hindi ko talaga matandaan, pero totoong hindi ako mahilig sa ganoong flavor.
"Because that was years ago. Okay then, no matcha. And oh, no peanuts." paalala pa niya sa sarili niya bago tuluyang tumalikod at bumalik sa counter para umorder. Dinukot ko naman sa inner pocket ng jacket ko ang cellphone ko para i-stop ang music. Pero hindi ko pa man napipindot ang stop ay natigilan ako sa panibagong kanta na pumailanlang, nagmumula iyon sa earphone, iyong nasa kaliwa na lang ang nakasuksok sa tenga ko.
Kanta iyon na may pamagat na Hanggang Kailan by December Avenue.
Iisang tao lang ang agad pumasok sa isip ko pagkarinig ko sa intro.
Kung hindi pa nag snap sa tapat ng mukha ko si Zachareus ay hindi ko mamamalayan na nakabalik na pala siya mula sa counter at dala na ang order namin. Masyado akong engrossed sa pakikinig ng kanta habang nakatingin sa labas ng shop mula sa glass wall kaya hindi ko siya napansin.
"Tapos ka na pala." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Kanina pa, actually I called your name 3 times or more but you didn't hear me, again." yeah, naiayos na pala niya ang bread, cake at coffee namin sa lamesa.
"Sorry I'm busy listening to the music."
"Whatever. Let's eat."
"Okay."
Pansamantala kong nakalimutan ang problema ko. Reminiscing the past while sipping a cup of coffee with my childhood friend is somehow a good thing, indeed.
"Eh yung nadulas ka sa stage noong practice natin ng play?" tanong sakin ni Zachy matapos kong ipaalala sa kanya na mas takot pa siya sa akin dati sa aso.
"Paano ko naman makakalimutan yon? Eh ikaw ang pinakamalakas tumawa noon!" inirapan ko siya pero nahawa din sa tawa niya. "Saka malay ko ba kasi na may natapon palang tubig doon? Kung alam ko edi sana ay naiwasan ko at hindi ako nadulas di ba?" sabay kaming natawa sa mababaw na dahilan na iyon. The feelings were all just fine and light because of the thoughts brought by the past.
" Tinulungan naman kitang tumayo noon, grabe ka!" protesta niya.
"Oo pagkatapos mong tumawa!" hinampas ko siya sa balikat.
"Eh noong nagprisinta kang ikukuha ako ng bayabas pero hindi ka makababa ng puno dahil sa aso?" tumawa ako pagkatapos kong sabihin yun.
"Hey! Tayong dalawa kaya yun!"
"Ay tayong dalawa ba? Bakit sa alaala ko ay ikaw lang? HAHAHAHAHA." pero syempre naalala ko na kaming dalawa nga yun. Hahaha, hindi kami makababa noon sa puno ng bayabas kasi may nakaabang na aso! Ang siste nahuli tuloy kami nung may-ari. Loko kasi si Zachy, sabi niya close daw niya iyong may-ari, iyon napagalitan tuloy kami.
Nagtaxi na lang kami pauwi. Panibagong experience, ngayon lang kami sumakay sa taxi ng magkasama, eh.
"Thanks for the treat." masayang sabi ko.
"Thanks for coming with me. Nabalitaan ko kasi na buong bakasyon kang nagkukulong sa kwarto mo."
"Hoy grabe naman yung nagkukulong! Sinulit ko lang po ang bakasyon at natulog ng natulog!" pagkakaila ko.
"Ang sabihin mo ay nag-emo ka!"
"At bakit naman ako mag-eemo?"
"Bakit nga ba? Huh?" nang-iinis na tanong niya sakin. Inirapan ko siya.
"Sige na papasok na ko. Salamat ulit." hindi ko na hinintay ang sagot niya, pumasok na 'ko agad sa gate.
"Next time ulit!" narinig ko pang sigaw niya. Tinaas ko na lang ang isang kamay ko bilang tugon at hindi na siya hinarap pa.
Mauuna ang bahay namin sa kina Zachy. Pero ilang bahay lang ang pagitan. Talagang pinili niya yung bakanteng lote na pinaka malapit sa bahay namin.
"Nag jogging ka daw?" bungad sakin ni mama.
"Opo, kasama ko si Zachareus. Kumain na tuloy kami at nagkape."
"That's good. Akala ko magpapatuloy ka sa pagkukulong sa kwarto mo, eh. Anak maglibang ka naman paminsan-minsan."
"Opo." sagot ko na lang.
Sa totoo lang, nabawasan kasi yung lungkot ko dahil nga sa plano ko na susunod ako sa America. Pupuntahan ko si Kiel after 6 months.
Oo maximum na yun, within 6 months, he needs to reach out on me. Or else I'll kick his ass off when I found him!
Sa ngayon ay pipilitin kong maging okay habang hinihintay ang anim na buwan. Mabilis lang naman iyon.
After changing my jogging attire into above the knee black knitted shorts and top, I went downstairs and look for Mia. I want to swim with her. Oo, may pool na kami sa likod ng bahay. Sa loob ng dalawang buwan na bakasyon kasi ay ang daming pinagawa ni Papa dito sa bahay, isa na nga doon ang pool. While the big vacant lot behind our house if you still remember, (yung may maze tunnel) is now lola Esmeralda's garden of flowers and different kinds of bearing plants and newly planted trees. Bukod sa pagzu-zumba ay iyon ang nagsisilbing libangan niya lalo na at madalas niyang nami-miss ang dating buhay hacienda.
Ilang oras din kaming nagbabad sa pool ni Mia, kung hindi pa nga kami pagalitan dahil pareho na kaming nilalamig at nanginginig ay hindi pa kami aahon sa tubig. Nakailang laps din ako mula sa dulo ng pool hanggang sa kabila pang dulo. Talagang napagod ako at pakiramdam ko ay nakalutang pa rin ako sa tubig habang nagbabanlaw sa cr ng kwarto ko.
Hindi ko alam kung bakit gusto ko palaging may ginagawa, ayokong nai-stock ako sa isang lugar na wala akong pwedeng gawin, gusto ko laging napapagod, laging nagagamit ang lakas at isip sa mga kapaki-pakinabang na gawain, para siguro hindi ako makapag-isip ng malulungkot na bagay?
Dear Diary,
While taking a jog this morning, Zachareus suddenly appeared behind to jog with me and also, he offered me for a cup of coffee. Salamat at dumating siya dahil nalibang ako. Pansamantala kong nakalimutan ang taong nagbigay sa'yo sa akin.
Nagswimming naman kami ni Mia sa pool pagkauwi ko sa bahay. Gusto ko palagi akong may ginagawa para hindi ko siya maisip.
Mabilis lang naman ang panahon di ba? Kailangan kong maghintay ng anim na buwan, at tulad nga ng sinabi ko..susunod ako sa America, pupuntahan ko siya.
Ooh, I'm so tired! Nakailang laps ako sa pool kanina kaya ngayon patang-pata ang buong katawan ko pero alam kong kailangan ko 'yon para hindi ako masyadong malungkot. Goodnight!
-Mikaella
❤️❤️❤️

หนังสือแสดงความคิดเห็น (103)

  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    I like the ending, I already love it,.. Masyado akong nagpadala sa mga Imosyon ng dalawa kaya pati ako ay maiyak iyak na rin sa kakabasa. Hoping another story from you, thanks author and good job.

    09/06/2022

      0
  • avatar
    John Mark Torrejas

    because this please fruit and VIP group text is the best time to go raid light 🚨 to go raid and john mark torrejas a diay duwa ta rank dol you for the update and john mark ❣️ me know what if I Love 😘 ok I'll see you so you so much te ❤️ By me know what you want for dinner etc etc ok I'll be home 🏠 me know when you are free I can do it tomorrow and john mark ❣️ me fruit and veggies and john harvey me to do that too 🌺 you for all the help you eat well ❤️‍🩹 you for your time kw if I have to go

    04/07

      0
  • avatar

    😍🥰

    05/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด