logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 44

This Chapter is connected to chapter 25, pwedeng basahin niyo muna iyon para mas maintindihan niyo kasi POV ni Mikaella 'yong nasa Chapter 25 then ito naman ay POV ni Kiel.
"Come on, Nic!"
"Wait." napahawak ako sa tapat ng dibdib, nakita ko ang pag-ikot ng eyeballs ni Hazelle dahil doon.
"Akala ko ba handa ka na?" iritadong tanong niya.
"Yes, but.. Kinakabahan ako, the last time I talked to her family was years ago."
"Akong bahala." hinatak niya ako palapit sa pinto ng hospital room at agad iyong binuksan. Pagkapasok namin ay bumungad ang nagtatakang mukha ng mga Saavedra.
"Goodevening po, tito, tita, Joice.. Michael." and Ella.. Gusto ko rin sana siyang batiin pero naunahan ako ng kaba at hiya. Kailan pa ako naging mahiyain?
"Wait, who's she?" narinig kong bulong ni Joice kay Ella.
"Hi! I'm Hazelle. But call me Zelle for short. And you are?" mukhang narinig din ni Hazelle ang tanong ni Joice kaya siya na ang nagpakilala sa sarili niya.
"Joice." bakas ang pagtataka sa mukha niya.
Samantala ay hindi ko na naman maalis kay Ella ang paningin ko. Marahil ay naramdaman niya iyon kaya bigla siyang napatingin sa akin at bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang magsalubong ang mga paningin namin.
"What happened to you, by the way?" tanong ni Hazelle na ngayon ay umiiral na naman ang kadaldalan.
Naging alerto ako dahil iyon din ang gusto kong itanong. Anong nangyari sa kanya?
"Over fatigue. Makulit kasi, eh." tumalon ang puso ko nang makitang napanguso si Ella sa sinabi ni tito Mikael. She's still my Ella, iyong Ella na mahilig ngumuso noon.
"Over fatigue? I don't think so. Nandoon kami bago siya mawalan ng malay." sabi ni Hazelle.
And I don't think so too, parang ayokong maniwala na over fatigue ang dahilan nang nangyari kanina sa kanya. But I refused to talk.
Pero madaldal si Hazelle, at gusto ko siyang pigilan dahil mukhang hindi komportable si Ella sa mga sinasabi niya pero hindi manlang tumitingin sa gawi ko si Hazelle, feeling close din siya kaya ngayon ay nasa mismong harap siya ng bed ni Ella.
Pamilya ka?
Kita ko na parang may iniisip si Ella, siguro iyong nangyari kanina sa condo.
"I-It was just a fatigue." sagot ni Ella na bahagya pang nautal, napakagat din siya sa labi. At alam na alam ko, na hindi siya nagsasabi ng totoo kapag ganoon ang reaksiyon niya.
"But.." sabi ni Hazelle na parang ayaw magpatalo at maniwala sa alibi ni Ella. Mabuti na lamang at may dumating na babaeng doktor kung kaya natuon doon ang paningin ng lahat. Nakita ko pa na napahinga ng malalim si Ella.
I knew it, may tinatago siya. At ayoko nang naiisip ko, ayokong mag-isip ng hindi maganda. Ayokong isipin na m-may s-sakit siya..
Pagkatapos kausapin ng Doctor ang parents ni Ella ay agad din itong umalis. Lumabas naman si Michael at Joice para icheck ang bill. Si tito Mikael at tita Michelle ay kausap ko ngayon pero ang paningin ko ay pabalik-balik kay Ella na ngayon ay kinukulit ni Hazelle.
"I'm a nurse kaya sanay na ako sa ganito." narinig kong sabi ni Ella habang tinatanggal ang sariling dextrose. May kung ano sa dibdib ko, proud na proud ako sa kanya.
"My gosh, you're really amazing! Sana talaga hindi Architecture ang pinag-aralan ko!" matinis ang boses sa pagkamangha na sabi ni Hazelle.
Nakatingin lang ako kay Ella habang nagkukwento si Hazelle kung paano niya pinangarap dati na maging nurse o doctor, hindi nga lamang siya pinayagan ng kanyang lola. Pero nangunot ang noo ko nang makita na tila nakatingin lang siya kay Hazelle pero ang isip ay lumilipad. Parang.. Wala siyang pakialam sa paligid.. Parang may sarili siyang mundo, parang may ibang pinagkakaabalahan ang isip niya.
Nagtama ang paningin naming dalawa nang bigla siyang mag-angat ng mukha sa gawi ko, sa isip ko ay paulit-ulit ang tanong..
Ano ba talaga ang nangyari? Bakit parang.. Ibang-iba na siya? Naputol ang koneksyon ng mata namin ng siya mismo ang mag-iwas ng tingin.
"Ma, gusto ko ng umuwi. Mag-eempake pa ako ng mga dadalhin na gamit."
"Alright. I will go check your Kuya and ate Joyce. Nasaan na ba kasi ang dalawang iyon?" lumabas ng hospital room si tita Michelle.
Si Ella naman ay nagsimulang magligpit ng mga gamit na maaabot ng kanyang kamay, nang matapos ay tumayo siya para iligpit ang iba pang gamit at awtomatiko naman akong napalapit sa kanya para alalayan siya, para akong napaso nang maramdaman ang pagdadaop ng balat naming dalawa.
Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin at pinilit kong hindi magpakita ng kahit na anong emosyon. Ayokong makita niya kung gaano ako nasasaktan kapag lumalayo siya sa akin o sa tuwing mag-iiwas siya ng tingin.
Nagtama ang paningin naming dalawa nang tumingala siya sa 'kin. Nakita kong pinag-aralan niya ang kabuuan ng mukha ko at hindi nakatakas sa akin ang pamumula ng mukha niya bagay na ikinatalon ng puso ko.
May epekto pa rin ako sa kanya..
Muli siyang lumayo sa akin at tuluyan ko nang nabitawan ang pagkakahawak ko sa kanya. Pero naging maagap ako at muli ko siyang hinawakan sa braso kahit pa para akong napapaso.
"Kaya ko na." halos pabulong na sagot niya pero iba ang dating niyon sa akin.
Parang, iba ang kahulugan. Bakit pakiramdam ko ay iba ang ibig niyang sabihin doon?
Kaya niya na..
Kaya niya kahit hindi ko siya tulungan at alalayan ngayon? O kaya niya ng wala ako sa buhay niya?
"Baka mawalan ka ulit ng malay." nawawalan na ako ng pag-asa, gumaan na ang pagkakahawak ko sa kanya. Hindi rin ako nagpapakita ng kahit na anong emosyon dahil sa mga oras na ito ay sobra akong natatakot. Natatakot na makita niyang mahal ko pa siya dahil baka pagtawanan niya ako. Ayoko rin ipakitang nasasaktan ako dahil natatakot akong makita na baka magalit o maging masaya siya kapag nakita niyang nasasaktan ako.
"Sabi ko kaya ko na." napalunok na lang ako upang maalis ang bikig na namumuo sa lalamunan.
Her phone rang, at kinuha ko ang pagkakataon na iyon para huminga ng malalim. Nagiging emosyonal ako, at ayokong ganoon sa harap niya.
"Hello, tita Lucila?" lumabas siya ng kwarto matapos tumingin sa amin, hinatak naman ako ni Hazelle pasunod.
"Sagutin ko lang ang tawag ni Thaddeus, punta na rin akong wash room." tango na lang ang naisagot ko kay Hazelle.
"Yes, tita. Ayos na po ako." Mas lumapit pa ako sa kanya para marinig ng mabuti ang boses niya.
"Pakisabi na lang po sa kanya na huwag siyang mag-alala, mukhang hindi rin po kasi siya okay kanina." narinig kong sabi ni Ella sa kausap.  Gusto ko lang naman malaman kung anong nararamdaman niya tungkol sa nangyari kanina sa pagitan nila ni Zachareus. Pero ngayon bakit nasasaktan na naman ako?
Hindi ko gusto na nag-aalala pa rin siya sa taong iyon kahit ginawan na siya ng hindi maganda.
Bakit ang unfair? Bakit kapag ako ay galit na galit siya?
Biglang pumihit paharap sa likod si Ella dahilan para halos tumama na ang noo niya sa dibdib ko.
Dahan-dahan siyang tumingala at nagtama ang paningin naming dalawa, kita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Bye, tita. Thanks for the call." sabi niya sa kausap habang ang paningin ay nasa akin pa rin. Pinatay niya ang tawag at nilagay ang phone sa bulsa.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Are you following me?" mataray niyang tanong sa 'kin. Sasagot pa lang sana ako ngunit hindi natuloy dahil sa biglang pagdating ni Hazelle.
"Nic, I'm done!" sabay kaming napatingin sa kanya.
Bumalik ang paningin ko kay Ella at kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Iniisip niya siguro na napahiya siya pero totoo naman na sinundan ko siya.
But I like how she blushed because of me.
"Let's go, Sweet." kita ko ang pagkunot ng noo ni Hazelle, nagtataka marahil sa pangalan na tinawag ko sa kanya. Muli kong hinarap si Ella.
"Mauna na kami, nagpaalam na ako kila tito."
Tango lang ang naging tugon niya, bahagya pa ring mapula ang mga pisngi.
Hindi ko napigilan na matawa ng kaunti . "Atleast she's still unbelievable." bulong ko sa sarili ko.
Si Hazelle ay bumeso pa sa kanya at nagpaalam.
Nang sumunod si Hazelle sa akin ay sumulyap pa ako ng isang beses at nakita ko na tulala siya habang nakatayo doon.
Ayoko pa sanang umalis pero baka hindi lang ako makapag pigil.
Only God knows how much I wanted to be with her, to hug her, to kiss her, and to make her mine again.
Pero alam ko na baka kapag nagpadalos-dalos ako ay hindi maging maganda ang kalabasan. Ayokong tuluyan siyang mawala sa akin.
Pero naalala ko ang palaging bukambibig ni Thaddeus.
"Buntisin mo na agad para walang kawala."
Napailing na lang ako. Bakit bigla iyong pumasok sa isip ko? Bad influence talaga ang tarantadong Thaddeus na iyon.
Pero ang tanong, kaya ko nga bang gawin 'yon? Kaya ko bang gawin sa kanya 'yon?
Siguro nga kaya ko, kung iyon na lang ang nakikita kong paraan..
***
"Bukas na ang alis nila papuntang Palawan." sabi sa akin ni Esguerra. "Are you ready?" dugtong niya.
"I am more than ready." sagot ko at muling uminom ng alak.
"Baka naman lasing ka lang, dude? Ano yabang lang ba 'yan? Sabihin mo agad hangga't maaga."
"Why are you doing this?" tanong ko sa kanya. "I thought you like her?" natawa siya sa tanong ko.
"I liked her, pero iba na ngayon. Alam ko naman na walang pag-asa kaya nag move-on na lang ako."
"How about Santiago?"
"I don't like the guts of that fvcker. Masyadong maangas ang dating niya para sa akin. Kung makabakod dude! Umaastang boyfriend ang loko. And I don't think he can make her happy." tumaas ang sulok ng labi ko sa narinig.
Hearing those words from other people's mouth is like a music to my ears. Atleast hindi lang ako ang naiinis sa Santiago na iyon. Dati pa naman, mula noong malaman ko ang ginawa niya kay Ella noong mga bata pa lang sila, doon sa plano niyang pagharang sa communication namin ni Ella at hanggang ngayon.
Tumiim ang tingin ko sa bote ng alak. Iniiwasan ko nang mag-inom pero dito pa sa maingay na lugar na ito napili ni Esguerra na makipagkita. May sinabi lang naman siya tungkol doon sa 'business matter' hanggang sa kung saan-saan na napunta ang usapan, masyado siyang madaldal.
"Aalis ka na agad?" tanong niya sa 'kin ng makitang tumayo ako.
"I need to do something." tipid kong sagot sa kanya, halatang marami pa siyang gustong sabihin pero kailangan ko nang umalis.
Kanina pa ako binubulabog ni Thaddeus, hindi pa rin ako nakakapag empake ng gamit na dadalhin sa Palawan.
Nagdrive ako papunta sa condo. Noong unang beses na tumapak ako roon ay normal lang naman pero simula nang malaman ko na doon din nakatira si Ella, at katabing unit pa nga ni Hazelle ay palagi na akong kinakabahan, parang palagi na akong nasasabik.
Narating ko ang floor ng unit ni Hazelle at napangiti na lang habang nakatingin sa unit na katabi niyon.
'Nasa loob kaya siya? Should I say hi to her? Or get some foods for her dinner?'
Pero bakit ko naman gagawin iyon? O mas tamang sabihin na anong karapatan ko para gawin 'yon?
Hindi pa nga kami nagkakaayos.
Napabuntong hininga na lang ako.
Mukhang mahihirapan ako na paamuhin siya, tingin pa lang nga niya halos manginig na ako sa kaba. Hindi ko alam kung kelan pa ko naging ganito katorpe at kaduwag pagdating sa kanya pero hindi talaga ito yung tipo na susuyuin lang siya. Dati nadadaan ko pa sa bulaklak at pagkain pero ngayon hindi ko alam kung saan ako magsisimula, dude.
Naputol lang ang ginagawa kong pagtitig sa pinto ng unit ni Ella ng makarinig ako ng mga ingay sa unit ni Hazelle.
Nagdoor bell ako at mahigit isang minuto rin bago ako pinagbuksan ni Thaddeus.
Nakabusangot na naman siya at parang pasan ang mundo.
Sinundan ko siya ng tingin habang bagsak ang mga balikat na naglalakad palapit sa couch.
"Anong problema niyo?" tanong ko nang makaupo sa katapat na single sofa.
Kibit-balikat lang naman ang sinagot niya sa akin bago bumuntong hininga. Akala ko nga ay hindi na siya sasagot pero makalipas ang ilang segundo ay nagsalita ulit siya.
"Hindi ko na maintindihan ang babae na 'yon. She's being bossy everyday, fvck bro nagpapabili ng fries with mango ketchup, saang lupalop naman ng Maynila ako maghahanap ng ganoon?" maski ako ay napakunot noo sa narinig.
Mango ketchup? May ganon pala? I thought ketchup were made of bananas?
"Meron daw siyang nakita sa internet,  sa Guimaras pa! It's fvcking 5 hours long car travel, bro! Pagod ako galing sa company tapos kung anu-ano ang ipapabili, kahapon ang layo na nang biniyahe ko makabili lang ng puto!" frustrated na napasuklay sa buhok si Thaddeus.
Habang ako naman ay hindi maiwasang mag-isip ng kung ano.
Napatingin ako sa kanya, my brows were furrowed. Naramdaman siguro niya na nakatingin ako kaya napatingin din siya.
"Anong klaseng tingin naman 'yan?" takang tanong niya dahilan para mabatukan ko na lang siya.
"Aba't tang*amo ka, ah!" malutong niyang mura habang hawak ang parte ng ulo na tinamaan ng palad ko.
"Ang bobo mo!" sagot ko sa kanya.
"Hoy g*go kuya mo 'ko!"
"Bobo!" sigaw ko ulit sa mukha niya.
"I'll tell you to Mom and Dad!" pagbabanta niya sa akin.
Napailing na lang ako. Mahina ang kukote ng isang ito.
"Where's Hazelle?" maya-maya ay tanong ko.
"In her room, crying again." kibit balikat niya.
Now I understand Hazelle, alam ko na ang dahilan kung bakit siya problemado nitong mga nakaraang araw. Idagdag pa na bobo si Thaddeus. Bahala silang dalawa.
Tumayo ako, handa nang umalis pero bandang huli ay hindi rin nakatiis.
Tinawagan ko si Fredd at nagpahanap ng mango ketchup.
And to my amaze, it only took half an hour.
Takang-taka si Thaddeus.
"Where the hell did you buy these?" tanong niya kay Fredd. "I fvcking searched all the food chains pero lahat ay walang tinda na ganyan!" masamang-masama ang tingin niya sa paper bag na pinaglalagyan ng bote ng ketchup.
"Guess that you didn't thought of the groceries and malls." sagot ni Fredd. Napangisi na lang ako, 'di ba sabi ko na nga na bobo siya? Hindi manlang niya naisip na maghanap sa mga grocery stores at mall.
"Eat them all! Ayoko na niyan!" umirap si Hazelle sabay pasok ulit sa kwarto.
Napasapo na lang sa noo si Thaddeus. Samantalang ako ay napangisi habang pinapanood siya na sundan ang nagtatampong nobya. Ilang minuto ang lumipas bago lumabas ng kwarto si Thaddeus, at mas lalo itong nagmukhang problemado ngayon.
"What happened?"
"Fvck bro, she's so weird. That spoiled brat, really!" bumuga siya ng hangin. "Gusto naman niya ngayon ng apples with mayonnaise!"
"Okay I'm out here. Mag-eempake pa ako." sabi ko sa kanya sabay talikod. Malaki na siya, kaya na niyang bilhin 'yon.
"Bro, help me! I need to find purple colored apples!" napahinto ako sa narinig.
Sa huli ay hindi ko napigilan ang tawa ko. Iniwan ko siya doon na problemado. Mas malaki pa ang kinakaharap ko ngayon. Kung siya ay kailangan makahanap ng purple na mansanas ako naman ay kailangan mapaamo ang babaeng mahal ko. At sisimulan ko iyon sa pag-eempake ng mga gamit na dadalhin sa Palawan.
Nagmamaneho na ako pauwi ng biglang tumawag si Thaddeus.
"What is it again now?" bungad ko sa kanya.
"My night will be surely a very long night. Please tell Mom or Manang to pack my things, hindi pa rin ako nakakapag empake."
"You'll go with us in Palawan?"
"Get out of my room, Thaddeus!" boses iyon ni Hazelle.
Napangisi na lang ulit ako.
"Need to go, bro!"
"Congrats."
"What? Para saan?" takang tanong ng kapatid ko na bobo.
"For being a dumb ass man." I ended the call and got my focus back on driving.
Naging mabilis lang ang pag-eempake ko ng mga gamit, si Manang at Mom ay nagtulong sa pag-eempake nong kay Thaddeus.
Kinabukasan ay flight na rin dapat namin ng hapon dahil iyon ang nakuha namin na schedule pero dahil sa bangayan ng dalawa at biglaang desisyon ni Thaddeus na sumama ay hindi kami natuloy. Inis na inis ako, gusto ko na ngang mauna kung hindi lang dahil kay Mommy, nag-aalala pa rin siya sa panganay niyang anak.
Pinamove ko na lang tuloy ang flight namin on next day para kasabay ng flight ni Thaddeus at para makasunod din agad ako kay Ella. I want to see her, I want to be with her already.
Kung pwede nga lang na yakapin ko siya kaso malamang hindi pwede.
Nakarating kami sa Palawan ng alas dos ng hapon. Excited ako na makarating sa Isla kung saan pinasimulan ko na ang paghuhukay para sa footing ng itatayong Hospital. Kailangan pang bumiyahe sa bangka ng halos 30 minuto bago marating ang nasabing Isla ng San Vicente.
Pagkarating doon ay sinalubong kami ng mga manggagawa na taga roon lang din sa Isla.
Agad naglikot ang paningin ko. Malapit lang pala ang tent ng medics team sa site. Unang araw pa lang naman kung kaya't wala pa kaming gagawin na trabaho.
Nagcheck-in muna kami sa hotel suite, iyon lang ang tanging libre sa amin ng EHMC, tinanggap ko na dahil malaki na rin naman ang lugi ko sa libreng trabaho dito.
Si Hazelle ay agad natulog, si Thaddeus at Cayl ay pumunta sa kung saan habang ako ay pumunta sa verandah.
Halos nalibot ko na ang kayang tanawin ng mga mata ko gamit ang binocular ay hindi ko pa rin nakikita si Ella. Inis na inis na ibinaba ko ang aparato na hawak at humawak sa grilles ng verandah.
Akala ko ba ay narito si Ella? Naloko ba ako ni Esguerra?
Inis pa rin na tinawagan ko ang number niya.
"You said she's here!" bungad ko sa kanya.
"Oh, hello too, dude."
"Where's Ella?"
"Relax, dude. Nariyan siya for sure."
"I can't see her!"
"Calm down, tatawagan ko si Marco. Will call you after talking to him."
After couple of minutes ay nag ring ang cellphone ko, agad kong sinagot ang tawag niya.
"She's busy with her patient, nasa kabilang baryo dahil may dinalang pasyente doon. She's with Doctor Benitez."
Inip na inip ako, kulang na lang ay mamuti ang mga mata ko kakahintay sa pagdating niya.
Gamit pa rin ang binocular ay tinatanaw ko ang karagatan. And damn! I saw her! After hours of patiently waiting, I saw her already! I saw her beautiful face..
My heart throbbed louder in mix emotions.
Seeing her face just in distance can make me feel the havoc in my stomach.
Ganoon na ba talaga ako kapatay na patay sa kanya?
Nakakahiya o nakakabaklang aminin pero fvck, dude. Mahal na mahal ko, eh.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (103)

  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    I like the ending, I already love it,.. Masyado akong nagpadala sa mga Imosyon ng dalawa kaya pati ako ay maiyak iyak na rin sa kakabasa. Hoping another story from you, thanks author and good job.

    09/06/2022

      0
  • avatar
    John Mark Torrejas

    because this please fruit and VIP group text is the best time to go raid light 🚨 to go raid and john mark torrejas a diay duwa ta rank dol you for the update and john mark ❣️ me know what if I Love 😘 ok I'll see you so you so much te ❤️ By me know what you want for dinner etc etc ok I'll be home 🏠 me know when you are free I can do it tomorrow and john mark ❣️ me fruit and veggies and john harvey me to do that too 🌺 you for all the help you eat well ❤️‍🩹 you for your time kw if I have to go

    04/07

      0
  • avatar

    😍🥰

    05/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด