logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Prologue

"Everyone please get ready, there is  School Bus accident, our ambulances will arrive in more or less 10 minutes from now." mula sa pagkukwentuhan ay napatayo kami ng mga kapwa ko nurse na on break. Urgent ang pananalita ni Doctor Esguerra sa amin maging sa mga kasunod niyang nurses on duty din, may mga sinabi pa muna siya sa amin na paalala bago kami iniwan at sumama sa iba pang Doctor sa labas ng ospital para salubungin ang padating ng mga ambulansiya at medics team. Buong maghapon akala namin ay walang mangyayaring ganito, kundi kasi mga manganganak na babae ay mga matatanda at batang may sakit lang ang dinadala sa EHMC o Esguerra Hospital and Medical Center.
Kaya ngayon ay animo mga sabik na lumabas pa sila sa entrada ng ospital para salubungin ang pagdating ng mga ambulansiya.
"Grabe patapos na lang ang duty may humabol pang mga pasyente!" pabulong na sabi sa akin ni Megan. Tipid ko siyang nginitian at humawak sa batok ko habang dinidiretso ang likod. Nakakangawit at nakakapagod ang uri ng trabaho na napasukan ko pero masaya naman ako. Ito na lang yata ang nakakapag pasaya sa akin ngayon, ang makatulong sa mga pasyente at pagurin ang sarili.
"Here's your coffee Ma'am." napatingin ako kay Jomzel at binigyan din siya ng tipid na ngiti.
"Thanks." sabi ko sa kanya.
"Always, Ma'am." nakangiting aniya pa sa akin. "And of course for you, boss of bosses.." baling naman niya kay Megan na ngayon ay masama na agad ang tingin sa kanya, kahit kailan talaga ay parang aso at pusa ang dalawang ito. Naiiling na humigop ako sa coffee ko na binili ni Jomzel.
"Thank you, Doc!" pasupladang tinanggap ni Megan ang kape na inaabot sa kanya ni Jomzel.
"Ay galit pa rin??" nakahawak pa sa dibdib na tanong ni Jomzel sa kanya. Inirapan lang naman siya ni Megan sabay higop sa kape.
Nakita kong napangisi na lang si Jomzel habang parang na-aamaze na nakatingin sa kanya, ilang segundo rin iyon bago siya muling bumaling sa akin.
"May bus accident daw?"
Tumango naman ako. "May humabol pa bago matapos ang duty namin, akala ko petiks lang kami ngayon, hindi pala.." sagot ko sa kanya, kasunod niyon ay narinig namin ang sirena ng ambulansiya.
"Iyan na pala sila!" inilapag ni Jomzel ang kape niya sa lamesa at nauna pa sa pagtakbo para salubungin ang mga pasyente. Ganoon din ang ginawa namin ni Megan.
"Check the vitals." utos sa akin ni Doctor Esguerra na agad ko namang sinunod.
Paulit-ulit lang ang ginawa namin, lahat ay naging abala sa pagbibigay ng pang unang lunas sa mga estudyante na kasama sa aksidente. I-checheck ang vital signs, lalapatan ng pang unang lunas, gagamutin ang sugat at irerecommend for stitch, CT-Scan o X-ray.
"Excuse me nurse?" nakangiting humarap ako sa maganda at maamong boses ng nagsalitang babae, kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin na animo ay ineeksamin ang kabuuan ko.
Napakunot noo din tuloy ako't pinaliit ang mga mata ngunit biglang kumabog ang dibdib ko ng mapamilyaran ko ang itsura niya. Ang kaninang naniningkit kong mata ay biglang nanlaki.
dO.Ob
Sunod-sunod akong napalunok at pilit kinalma ang sarili.
"Ate Mika ikaw nga!" pasimpleng napabuga ako ng hangin. Dumagundong lalo ang kaba sa dibdib ko.
Mas lalo siyang gumanda, para na siyang dalagang-dalaga, tumangkad din siya at mas lalong pumuti ang balat niya.
"I-It's been a very long time.." kinakabahan kong sinabi sa kanya.
"I missed you ate Mika!" patalon siyang bumaba sa kama at yumakap sa akin.
"Huk!" ang higpit ng yakap niya!
"A-ahh hehehe..k-kamusta K-Kyla?" naiilang kong tanong ng kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.
"WAAAAAAAH Ate Mika I'm good po! How about you? You look gorgeous po! Oh my gosh!" napahawak pa siya sa bibig niya habang parang manghang-mangha siyang nakatingin sa akin.
"I-I'm good too Kyla. What are you doing here anyway?" okay ang stupid ng tanong ko. Medyo bumabalik na sa normal ang tibok ng puso ko pero halu-halo pa rin ang emosyon ko.
She pointed at the side of her forehead using her pointer finger and shrugged her shoulders. "Our school bus had an accident po." sagot niya sa akin. Doon ko pa lang din napansin ang gilid ng noo niya na may bandage. Nakaramdam ako ng pag-aalala.
"Are you okay now? Inasikaso ka ba nila?" tanong ko sa kanya.
"Yes po, they even asked me to have a CT-Scan to make sure na walang internal damage."
"Oh? Na-CT-Scan ka na ba?"
"Opo tapos na po.." magalang na sagot niya sa akin.
"That's good..sige magpahinga ka muna diyan ha? Babalikan na lang kita mamaya kapag nakuha ko na ang results ng CT-Scan mo." sabi ko sa kanya.
"Okay po." halatang marami pa siyang gustong sabihin, marami naman akong gustong itanong pero hindi ito ang tamang oras dahil nasa trabaho ako.
Bingyan ko muna siya ngiti bago siya iniwan. Napapabuntong hininga na umupo ako sa tabi ni Megan.
"Lumamig na naman ang kape natin." naiinis na sabi niya, tinignan ko naman ang kape ko at nasalat na malamig na nga iyon.
Ininom ko na lang din dahil sayang, may takip naman kaya hindi na exposed.
Bumuntong hininga ulit ako dahilan para mapatingin sa akin si Megan.
"Ang lalim naman nun." binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Wala naman." tipid pa rin na sagot ko.
"How about your meds? Naiinom mo ba sa tamang oras?" tanong niya ulit sa akin.
Tumango ako. "Oo naman." ngumiti ulit ako sa kanya.
"Are you sure?" tanong ulit niya.
"Oo nga.." natatawa kunwari na sagot ko.
Matapos magpahinga ng kaunti ay nag-rounds pa kami sa mga hawak naming pasyente bago umuwi.
Naalala ko ang CT-scan result ni Kyla. Kinakabahan ako na baka makita ko siya. Kapag bumalik ako doon. Sa takot ay ibinilin ko na lamang sa isang nurse ang tungkol sa bagay na iyon bago naghanda sa pag-uwi.
"Bye.." tipid ang ngiting sabi ko kay Megan nang makarating kami sa parking lot ng Hospital.
"Bye, take care." aniya pa bago sumakay sa kotse niya.
Sumakay na din ako sa kotse ko at nagmaneho pauwi sa condo unit ko.
Pagod na pagod ang pakiramdam na dumiretso ako sa kwarto at naghubad ng uniform. Hubad barong pumasok ako sa bathroom at tinimpla ang temperatura ng tubig sa bath tub, nilagyan ko din ng liquid soap at ilang saglit pa ay nakababad na ang katawan ko doon.
Isinandal ko ang likod ko at tumingala. Napapikit ako pero pakiramdam ko ay hindi ako narerelax.
Ilang beses akong huminga ng malalim. Sa huli ay nagtapis ako ng tuwalya sa katawan at lumabas para kumuha ng isang bote ng lady's wine at glass bago muling lumusong sa tubig.
'Bakit ganun? Narerelax naman ako sa tuwing ginagawa ko ito pero bakit ngayon ay hindi?'
Sumimsim ako ng kaunting alak sa kopita at muling pinikit ng mariin ang mga mata. Pakiramdam ko ay maghahabol na naman ako ng hininga ano mang oras kaya kailangan kong mapakalma ang sarili ko.
Habang nakapikit ay kung saan-saan na naman naglakbay ang isip ko..
'Nakabalik na sila ng bansa, pero teka.. hindi ko pala sigurado kung kasama ba siya.'
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero malinaw sa akin, hindi ko itatanggi na umaasa pa rin ako.
It's been six long years since he left me without any clue what the hell happened to him. Yes, it's been six years and I'm still hurting. Nasasaktan pa din ako sa tuwing naaalala ko lahat ng pinagdaanan ko habang wala siya.
FLASHBACK
Ilang araw lang matapos ang 15th birthday ko ay nagpasya akong pumunta sa bahay nila. Hindi na kami nagkita pa matapos ang huling araw na nagkasama kami hanggang buong magdamag, bakasyon naman sa School pero bakit parang sobrang busy niya para makipag kita sa akin o kahit magtext o tumawag manlang? Ano bang pinagkakaabalahan niya?
Nagdoorbell ako ng tatlong beses at ilang sandali pa ay bumukas ang malaki nilang gate.
Guard? Bakit may guard na sila?
"Good morning po.." nakangiti ngunit may pagtatakang bati ko sa guwardiya.
"Good morning din po Ma'am. Ano pong atin?"
"Ahm gusto ko po sanang makausap si Kiel."
"Si Sir Dominic po ba 'ka niyo? Aba' y nakaalis na po sila noong isang araw." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Kuya sinong dumating?" tanong ng isang boses ng babae. Nagtama ang paningin namin at nakita kong nanlaki ang mata niya.
"Mikaella?!"
"Samantha.." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Pasok ka!" nakangiting hinawakan niya ako sa braso at hinatak papasok sa bahay ng mga Fuentabella.
Puno man ng pagtataka ay nagpahatak na lang ako sa kanya.
"B-bakit kayo narito?" tanong ko matapos magbaba ni Manang Evitha ng miryenda. Pinagmasdan ko sila, mga nakangiti sila sa akin pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang AWA sa paraan ng pagtingin nila na iyon.
"Kami ang kinuhang taga bantay ni Dominic habang wala sila, nakikita mo ba yung ginagawang bahay diyan sa tabi? Regalo nila sa amin yun ng Daddy niya." mas lalo akong naguluhan bagaman at natutuwa ako sa nababasang galak sa paraan ng pagsasalita ng matanda.
"Bakit po? Hindi ko po maintindihan.." naguguluhan talagang sabi ko.
"Umalis na sila hija.." napatingin ako sa diretsong sagot na iyon ng nanay nila na si Manang Edna.
"Saan po ba sila nagpunta?"
"Sa ibang bansa.." si Manang Evitha ang sumagot.
"B-Bakit daw po?" nakangiti at nagpipigil ng luhang tanong ko. Kung bakit mas pinili kong magkunwaring walang ideya sa mga nangyayari ay hindi ko alam.
"Para sa operation ni Kyla, nakahanap na sila ng heart donor niya at kailangan bago dumating ang petsa ng heart transplant niya ay nandoon na sila kaya noong 22 ay lumipad na sila pa-America, at ngayong ika-24 ng buwan ding ito ang nakatakdang operasyon. Ngayon yun Mikaella." si Samantha ang sumagot.
"B-babalik naman siguro sila di ba?" nangingilid na ang luhang tanong ko. Nasabi na sakin ni Kiel ang tungkol doon, nangako pa nga siya na babalik siya pero hindi ko naman akalain na pagkatapos pala ng date namin dun sa 'Hardin' ay flight na nila matapos lang ang ilang araw. Hindi manlang siya nagpaalam, hindi ko manlang sila naihatid sa Airport.
"Siguro.. Wala silang sinabi e, pero sa tingin ko naman ay babalik sila dahil kasama nila ang kapatid kong si Estrellita." ani Manang Evitha na ang tinutukoy ay si Manang Estrella o Lita.
Napabuntong hininga ako. Kasunod niyon ay inaya ako ni Samantha.. Hinatak niya ako papunta sa ikalawang palapag ng bahay.
"Wag mong pigilin yung luha mo.." napatingin ako sa kanya. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, pwede kang umiyak kung gusto mo." parang bata na umiyak nga ako at mas lalo lamang napahagulgol ng iyak nung yakapin niya ako.
"Ayos ka na?" tanong niya ng maramdaman na hindi na ako umiiyak matapos ang ilang minuto.
Nahihiyang tumango ako. "Tara.." hinila ulit niya ako papasok sa kwarto ni.. Kiel.
"A-anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya.
"May binilin siya sa akin bago sila umalis. Sabi niya ipakita ko daw sa'yo ang bagay na nasa ilalim ng kama niya." nakangiting sabi sa akin ni Samantha.
Kunot ang noo na tinignan ko lang naman siya ngunit tinanguan niya ako na parang sinasabing tignan ko at kunin ang nasa ilalim ng kama.
Dahan-dahan akong lumapit sa kama at umupo para tignan nga kung ano ang nasa ilalim niyon.
Doon ay nakita ko ang isang kahon.. Kinuha ko iyon at nagtatanong ang mga mata na tinignan si Samantha.
"Maiwan muna kita.." nakangiting sabi niya at iniwan ako doon.
Dahan-dahan ko naman na binukas ang kahon at nakita ang laman niyon.
Mga picture! Kinuha ko iyon at nangunot ang noo ko.
Pamilyar ang unang picture na nadampot ko, kuha iyon noong bata ako, sa larawang iyon ay may kasama akong batang lalaki na medyo mataba. Sa likod ay may nakasulat na Lala and Dommy.
Ang sumunod na larawan ay solo picture nung batang lalaki at sa likod ay may nakasulat din.. Kiel Dominic Fuentabella, 12 years old..
12 years old? Pero parang magkaedad lang kami sa base sa picture.. Ang pinagkaiba lang, siya ay mataba at mas matangkad sa akin samantalang ako ay may kapayatan at maliit pero kung sa itsura ay parang magkaedad lang kami.
Unti-unti ay luminaw sa akin lahat. Kung ganoon ay siya si Dommy, ang batang pinangakuan ko ng kasal dati?
Ang mga sumunod na larawan ay pawang mga bago pa, picture namin iyong dalawa sa Amusement Park at Colorful Paradise. Ang iba ay stolen pictures ko, sa hospital pagkatapos nung matinding kidnapping sa amin nila lola, noong huling date namin, nung 15th birthday ko at ang nakapag patulo sa luha ko ay ang mga bagong picture ko noong mga araw bago at pagkatapos ng birthday ko kung saan hindi na kami ulit nagkita pa.
Ibig sabihin ay nakikita niya ako pero hindi siya nagpapakita sa akin? Bakit?
Tama nga siguro ang hinala ko na sinasanay na niyang wala ako..
Ibinaba ko ang mga larawan at nagpahid ng luha. Nang muli kong ibinaba ang aking paningin ay may nakita akong nakatuping puting papel, dinampot ko iyon at binuksan. Isang sulat..

หนังสือแสดงความคิดเห็น (103)

  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    I like the ending, I already love it,.. Masyado akong nagpadala sa mga Imosyon ng dalawa kaya pati ako ay maiyak iyak na rin sa kakabasa. Hoping another story from you, thanks author and good job.

    09/06/2022

      0
  • avatar
    John Mark Torrejas

    because this please fruit and VIP group text is the best time to go raid light 🚨 to go raid and john mark torrejas a diay duwa ta rank dol you for the update and john mark ❣️ me know what if I Love 😘 ok I'll see you so you so much te ❤️ By me know what you want for dinner etc etc ok I'll be home 🏠 me know when you are free I can do it tomorrow and john mark ❣️ me fruit and veggies and john harvey me to do that too 🌺 you for all the help you eat well ❤️‍🩹 you for your time kw if I have to go

    04/07

      0
  • avatar

    😍🥰

    05/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด