logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 12

Zedic's POV
"May pakialam ako kasi nasasaktan ako, hindi mo alam ang pakiramdam habang nakikita ang mahal mong pinapaiyak ng ibang lalaki, hindi mo alam kung gaano kasakit na nakikitang sinasaktan ng iba 'yung babaeng gusto mong alagaan at ipagsigawan sa buong mundo kung gaano mo kamahal!"
Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga katagang iyon na binitawan ni Jester sa harap ko, hindi ko maunawaan ang pakiramdam na tila ba muli ko na namang naramdaman ang dating sakit kung paano nila ako dinurog habang nakikita silang dalawa ni Estella dati na naghahalikan.
Alam kong bago ako dumating sa buhay ni Estella si Jester ang nauna, si Jester ang mahal niya bago pa dumating ang araw na pinagtagpo kami ng mga magulang namin at sinabing kami ang nakatakdang magkatuluyan para sa letseng kumpanya at kagustuhan nila.
Si Jester ang lalaking masasabi kong hindi tumitingin sa kung anong istado ng buhay mayroon ka, base ang mga nalaman kong iyon sa pagpapaimbistiga ko rito. Hindi ko masasabing mahirap ang buhay niya at hindi ko rin naman masasabing mayaman dahil nasa gitna lamang ang buhay niya roon.
Ngayon ay naging malinaw na sa akin ang lahat, mahal pa rin ni Jester si Estella at subrang sakit noon sa'kin, para bang mas lalo akong nawalan ng pag-asang maayos ang sa amin dahil alam kong may masasaktan.
Minahal ko si Estella kaya mahirap din sa akin ang lahat ng mga ginagawa kong panlalamig sa kaniya.
Ngunit gustuhin ko man na ibalik lahat sa dati ay hirap na hirap na akong gawin, dahil sa isang beses lang na nagawa mong siraan ang tiwala ko 'wag ka nang umasa na muli ko pa iyong maibabalik dahil isang beses lamang akong nagtitiwala ng buong-buo.
Iyon ang pagkakamali ni Estella, binigay ko lahat ng tiwala ko sa kaniya ngunit sa likod pala nito ay palihim akong pinagtataksilan.
Bigla kong ikinagulat ang magkasunod na katok sa bintana ng kotse ko, si Aling Sol iyon. Hindi ko na lang namalayan na nakarating na pala ako sa bahay na wala ako sa sarili ko.
Mabilis na akong bumaba sa sasakyan.
"Kanina pa nakahinto iyang kotse mo, akala ko hindi ikaw ang dumating kasi wala namang pumapasok ng bahay," malumanay na usal ni Aling Sol sa akin.
"Marami lang akong iniisip," tipid kong tugon.
"Ako na ang bahala riyan pumasok ka na," pagprisenta nito na siya na ang gagawa nang makita niyang kukunin ko na ang mga gamit ko sa likod ng kotse kong saan ko nilagay.
Hindi na ako tumanggi pa dahil pagod na rin naman ako at gusto ko nang mainit na sabaw na magagawang pagaanin ang nararamdaman ko.
"Zedic tamang-tama ang dating mo kakatapos ko lang magluto, pinagluto kita ng paborito mo." Masiglang salubong ni Ate Salve sa akin ng sa kusina agad ako tumungo at hindi manlang muna nagbihis.
Alam na nito na ang paborito kong ulam ay sinigang na baboy, marahil sinabi na iyon sa kaniya ni Aling Sol.
Pagtango lang ang sinagot ko sa kaniya, napansin na rin siguro nito na hindi ayos ang timpla ng mukha ko kaya matapos ang masiglang bati nito sa akin ay agad na siyang bumalik sa pananahimik at pinagsilbihan na lang ako.
Hindi nga ako nagkamali na pagaanin ng pagkaing iyon ang nararamdaman ko, matapos kumain ay agad na rin akong tumungo sa silid ko.
Nagpahinga muna ako saglit, pakatapos ay naligo na.
Nagbihis ako ng itim kong maong na pantalon sabay maroon t-shirt na pinatungan ng denim jacket ko, kung ang ayos kong iyon ay inaakala ninyong suot ko kapag natutulog ay nagkakamali kayo dahil may pupuntahan pa ako.
Mabilis kong kinuha ang pitaka at sinilid sa likod na bulsa ng pantalon ko. Sunod ko ring kinuha ang cellphone ko, binuksan ko muna ito at nakita ang messages na nagmumula sa dalawang tao, kay Estella at Sanchez. Binuksan ko iyon.
Ang message ni Sanchez na pinapaalala ang pag-inom ko ng gamot na hindi ko manlang nagawa dahil kahit pagkain nga ay nakalimutan ko e, ang laman naman ng message mula kay Estella ay sinasabing pupuntahan niya ako, marahil iyon ay ang pagpunta nito sa opisina ko kanina.
Hindi na ako nag-abalang sagutin ang mga text na iyon at agad ko na ring ibinulsa sa kaliwang bulsa ng pantalon ko ang cellphone.
Sunod ko na ring kinuha ang susi ng motor sa isang pasamano upang ito nalang ang gagamitin ko para mas mabilis akong makarating sa pupuntahan ko.
Kasabay ng pagkuha ng susi ay kinuha ko rin ang isang itim na helmet na nakapatong sa istante sa gilid lang din kung saan ko kinuha ang susi.
"Zedic aalis ka?" tanong ni Aling Sol ng makita ako nitong bumaba at may dalang helmet.
Magkasamang nanonood sa sala sina Aling Sol at Ate Salve nang maabutan ko ito sa baba.
Pagtango lang muli ang sinagot ko rito, hindi naman nila ako pinigilan pa kaya agad na akong umalis.
Sakay ng motor ko ay sunod akong tumungo sa lugar kung saan ako lang ang nakakaalam.
Isang sekretong lugar para sa isang samahan ng mga taong may malalaking salapi na gustong maghiganti.
Ang lugar ng mga MAFIA.
MGC ang ngalan ng grupong iyon na ang ibig sabihin ay 'Mafia Group - Collinsville'. Ang Collinsville ay pinagsamang Collins at Village dahil eksklusibo lang ang lugar na ito para sa mga miyembro ng kanilang grupo wala akong ideya kung paano nabuo ang pangalan ng letseng grupong iyon at wala na rin naman akong pakialam. Marahil ang Collins ay apelyido ng totoong boss ngunit simula ng makapasok ako sa grupo nila ay hindi ko pa nakikilala kung sino at anong itsura ni Mr. Collins na siyang pinaka-lider ng grupong MGC.
Hindi kailangan na masamang tao ka para makapasok sa grupo nila dahil ang mahalaga lang naman ay may malaki kang salapi na maiaambag sa grupong ito. Bunos na lang kung halang talaga ang kaluluwa mo para magawa mong pumatay, at sa tingin ko magagawa ko ang bagay na iyon kapag nalaman ko kung sino ang nakabangga at dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko.
Iyon ang pinakamalaking rason kung bakit ako napasama sa grupong ito para hanapin kung sino ang may sala sa pagkawala ni kuya at gusto kong pagbayarin iyon, buhay sa buhay.
Halos isang taon na rin akong miyembro ng grupong MGC at sa tingin ko hindi nasasayang ang mga pera kong ipinapasok sa grupong ito dahil nagagawa nila ng maayos ang mga utos ko, ang ilan sa mga tauhan ko rito ay ang nagbigay sa akin impormasyon dati kaya nalaman ko ang buhay ng ex ni Estella at ng ilan pang kakilala nito, ngunit maliban lang sa isang utos na hanapin ang totoong may sala na talaga namang kahit mga magagaling na sa pag-iimbistiga ang mga inutusan ko ay hindi pa rin nila nalalaman ang letseng nakabangga sa kapatid ko.
Hininto ko ang motor sa tapat ng malaking gate ng village ng harangin ako ng dalawang guwardiya na parehong itim ang suot na nagbabantay roon.
"ID boss," sita sa akin ng isang guwardiya. Hindi ka makakapasok sa lugar na ito kapag wala kang patunay na kaisa ka nila.
Mabilis kong kinapa ang pitaka sa bulsa ng pantalon ko. Nang makuha ko iyon ay iniharap ko sa kanila na mismong makikita ang ID na katunayan na miyembro ako.
Inilawan naman ng isa ang hawak kong pitaka gamit ang flashlight na iyon upang masigurado na ako nga iyon.
Ang ID na ipinakita ko sa kanila ay ang ID na ibinalik sa akin ni Miss Flor, ikinagulat ko iyon na napunta sa kaniya dahil nawala ko pala ito ng hindi ko manlang namalayan.
"Mr. Lim ikaw pala 'yan hindi ka namin na mukhaan sige tuloy ka." Pagpapatuloy na ng isa sa akin. Hindi nga marahil nila ako nakilala dahil sa nakasuot rin ako ng helmet.
Hindi na ako sumagot at muling pinaandar ang motor papasok na ng village na iyon.
Kung iniisip n'yong abala na ako sa mga tao rito dahil dis-oras na ng gabi ay nagkakamali kayo, dahil lahat ng mga tao rito ay gising na gising sa gabi.
Marahan ang pagmamaneho ko habang kuntrulado pa ang hawak ng kaliwang kamay ko sa hawakan ng motor dahil pa rin sa sugat ko, habang ang ilaw sa motor ko ang nagsisilbing liwanag ko sa daan dahil sadyang napakadilim ng lugar na kulang na lang ay mapundi ang mga bumbilya ng malalamyang ilaw sa poste at kung hindi rin matibay ang iyong loob ay baka kanina ka pa nanginginig sa takot dala na rin ng kakaibang pakiramdam na tila ba pumapasok ka sa isang horror house o sabihin na nating hunted village.
Ngunit kinasanayan ko na ang ganitong senaryo sa ilang ulit kong pagtungo sa lugar na ito.
Nakarating ako sa centro ng village kung saan nakatayo ang ilang matataas na gusali. Sampung palapag siguro ang pinakamataas sa mga gusali. Kung iisipin ay parang mga ordinaryong bahay lang ng mga mayayaman ang naririto ngunit hindi, dahil ibang-iba ang nasa loob nito.
Makikita sa loob ng lugar na ito ang talamak na sugal ng mga mayayamang miyembro, lahat ay nagwawaldas ng salapi, nagsasaya at nag-iinoman. Ganoon ko ilarawan ang lugar na ito.
Makikita sa labas ang mga nakagarahing sasakyan, kaya humanap ako ng bakanting puwesto kung saan ko p'wedeng iwanan ang motor ko.
Nang masiguradong ayos na ang kinalalagyan ng motor ay agad na akong pumasok.
Agad naman akong pinapasok ng dalawang lalaking guwardiya na malalaki ang katawan at itim din ang kasuotan katulad ng naunang guwardiya na nakita ko pagpasok ko sa village kanina.
Ingay sa unang palabag ng gusali ang sumalubong sa akin, kasama na ang patay sinding iba't ibang kulay ng mga ilaw na iyon na nakakasulang panuurin.
Ang unang palapag ay para sa mga nagsasaya at nag-iinoman dito mo makikita ang ilang mga babae at lalaki na lango na sa alak ay patuloy pa rin sa pag-inom.
Hindi ko iyon pinansin at tinungo ang ikatlong palapag upang puntahan ang pakay ko.
Sa ikatlong palapag naroon ang ilang miyembro na nagsusugal para lang makapaglibang at hindi na kailangan ng pera pantaya.
"Ginoong Zedic Lim, ikinagagalak kong makita kang muli ilang buwan na rin ng huli kang naparito Ginoo." masiglang bati sa akin ni Hector, siya ang kilala kong kanang kamay ni Mr. Collins at ang ikalawang Mafia Boss.
Napansin agad nito ang pagdating ko dahil wala naman masyadong tao sa lugar na iyon maliban lang sa mga tauhan niya.
Hindi ako sumagot at marahan nalang na naglakad papalapit sa kinaroroonan nito.
Nakaupo ito sa harap ng mahabang mesa na tanging mga tauhan niya lang ang mga kaharap nito.
Nasa harap ni Hector ang isang baso na naglalaman ng madilaw na kulay ng alak na halos lagpas kalahati na ang laman. Ang dalawang kamay naman nito ay hindi natigil sa pagbabalasa ng mga barahang hawak na tila pinaglalaruan lang sa mga kamay at walang balak ipamahagi sa mga kasama upang simulan ang laro.
Sa maamong mukha nito makikita ang makapal na kilay at manipis na bigote na sa tingin niya siguro ay ikinadagdag ng kanyang gandang lalaki habang magiliw pa na nakangiti sa akin na tila ba nagagawa niyang maging mabait sa pamamagitan ng ngiti niyang iyon sa labi.
"Napadaan lang naman," walang emosyon kong tugon rito ng tuluyan naman akong nakalapit.
Mabilis na binigyan ako ng mauupuan ng isang lalaki na tauhan ni Hector.
"Mabuti pa at saluhan mo kaming uminom habang nagpapalipas ng oras, mukhang may sadya ka rin sa akin dahil hindi ka naman napaparito kong wala kang kailangan tama ba ako Ginoo?" pangungumpirma niya sa hinala niya.
Hindi na ako sumagot pa at napansin na lumabas sa isang silid ang tauhan ni Hector dala ang isang baso at bote ng alak na batid kong para sa akin.
"Sabayan mo kaming uminom Ginoong Lim."
"Hindi ako naparito para uminom lang, nais ko ng kasagutan kong may impormasyon na bang nakuha ang mga bata mo sa ipinapagawa ko," mabilis kong sinabi ang pakay ko.
Sininyasan nito ang mga tauhan na kaharap din namin sa mesa, agad naman na tumayo ang apat na lalaki at naiwan na lang ang dalawa na alam kong siyang inutusan kong alamin ang mga nangyari sa aksidente ni kuya tatlong taon na ang nakararaan.
"Anong balita sa pinapagawa ko Tiago, ilang buwan na akong naghihintay na may maibibigay kayong impormasyon sa akin," pagkausap ko sa isa.
"Malabo talaga boss e, sinabi ko na sa'yo dati na mukhang nabayaran din ang mga pulis at ayaw nilang kumanta kahit ilang beses na kaming bumalik," sagot ni Tiago.
"Wala akong pakialam kong nabayaran sila, gusto kong malaman ang totoo at kung kinakailangan na dublehin ko ang ibinayad ng mga taong iyon gagawin ko," nagpipigil na sa galit kong sabi na mukhang ikinagulat naman nila, sawang-sawa na akong maghintay para malaman ang totoo kung nabayaran man ang mga pulis p'wes magbabayad din ako kung pera lang ang mahalaga sa kanila.
"Haha, kumalma ka Ginoo. Matagal mo nang gustong malaman kong sino ang nakabangga sa kapatid mo, ano pang saysay ng iyong paghahanap mahalaga pa ba sa'yo iyon gayung ang kapatid mo ay tahimik nang nakahimlay," prenteng saad ni Hector.
"Mahalaga iyon sa taong nawalan at gusto kong maranasan din nila ang sakit na nararamdaman ko sa loob ko," mariing sabi ko.
Kasabay noon ay naglagay ako ng yelo sa baso at saka sunod na nagsalin ng alak, mabilis na lumapat ang basong iyon sa labi ko saka nilagok ang alak, nalasahan ko ang pinaghalong lamig at pait ng alak na iyon at unti-unti ay naramdaman ko ang pagdaloy nito sa lalamunan ko, malamig ang alak ngunit nagbigay init iyon sa katawan ko.
"Kakaiba talaga ang tapang ng mithiin mong maghiganti nawa'y hindi ka magsisi sa huli," saad pa ni Hector. Nakita ko ang sumilay na nakakalukong ngiti sa labi nito na para bang alam na niya ang kakahantungan ng paghihiganti ko kahit wala pa mang nangyayari.
"May isang tao na gusto ko ring paimbistigahan sa inyo," muling pagkausap ko sa dalawang tauhan na agad namang tumango sa akin.
"Na-imbistagahan na namin lahat ng lalaking dumaan sa buhay ng girlfriend mo boss may kulang pa ba sa listahan ng mga iyon?" natatawang tanong ng isa.
"Wala na akong pakialam sa mga letseng iyon, hindi lalaki ang pa-iimbistigahan ko kung hindi babae," saad ko at mabilis ko ring kinapa ang phone sa bulsa ko.
Hinanap ko ang litratong na save ko sa phone at nang makita ko iyon ay inabot ko sa dalawa ang phone ko upang ipakita sa mga ito.
"Emmaline Flor iyan ang pangalan ng babaeng iyan gusto kong alamin niyo ang lahat sa kaniya kagaya kong paano niyo ginawang alamin ang buhay ng mga ex ni Estella, alamin niyo kung paano siya naaksidente," mahabang usal ko.
Ipinagtaka ko kung bakit biglang natahimik si Hector matapos ang mga sinabi ko, natigil din ito sa pagbabalasa ng baraha niya na kanina pa niyang ginagawa.
Ipinasa ni Tiago ang phone ko kay Hector at ito ang sunod na tumingin dito, wala akong nakitang emosyon sa mukha nito at tila pinipigilan lang niyang 'wag magulat sa nakita.
"Kilala mo ba siya Hector?" tanong ko na dahil sa pagtataka ko sa biglang pagtahimik nito.
"H-hindi," sagot niya at pinilit nitong 'wag mautal ngunit nabigo siya. Gustuhin ko mang tanungin pa kung bakit gano'n ang naging reaksyon niya ay hindi ko na ginawa saka nito ibinalik sa akin ang phone ko.
"Iyan na muna ang ipapagawa ko habang wala pa kayong nakukuhang impormasyon sa mga pulis, hindi kayo magsisisi sa ibabayad ko kapag nagawa niyo iyan ng tama at nalaman ang sanhi kung paano rin naaksidente ang babaeng iyan."
Muli akong lumagok sa baso ko ng alak at sunod ay tumayo na upang agad na lisanin ang lugar na iyon dahil nasabi ko na rin naman ang sadya ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (287)

  • avatar
    gomezmaicy

    ❤️❤️❤️adik n talaga ako sa mga story about sa professor isa na naman sa mga favorite k na story ito..ang ganda ng story n ito simula palang matatawa kana kaya nakaka gana syang basahin at super kilig tapos nakaka iyak din kaya na enjoy k pag babasa..thank u author sa napaka gandang story

    05/08/2022

      1
  • avatar
    MinMin

    ang ganda super hindi lang love between student and prof yung umiikot sa kwento pati pagmamahal sa magulang sa kaibigan, kung paano maging matatag, at higit sa lahat mag patawad, kaya basahin niyo na para malaman niyo kung gaano kaganda tong kwento na tohh supeeeeeer!!!!!😭💖💖

    08/02/2022

      2
  • avatar
    Willy Quilatan

    lol

    6d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด