logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 7 Disowning Him

'Lahat ng mayayaman, masasamang tao daw. Grabe naman siya!'
Nakatingin sa puting kisame si Chance habang iniisip ang ginawang pagtataboy sa kanya ni Sunny. He can't blame her, probably there's a reason why she acted like that. Sa mga mata pa lang nito, maaring may nangyari na 'di nito masabi kina Mang Elmo. He breathe heavily. Pero masakit palang mahusgahan. Sana lang naramdaman ng parents niya kung anong feeling no'n para 'di na sila makapagbitiw ng insulto sa kapwa.
Napahanga na nga rin siya sa kabaitan ni Sunny kina Mang Elmo, Raisa at Bitoy. Naikuwento kasi ni Mang Elmo kung paano sila kinupkop ni Sunny. Si Mang Elmo ay galing pa sa home for the aged na dating pinasukan ni Sunny, napakalungkot ng buhay ng matanda dahil inabandona ng sariling mga anak. Dahil may karamdaman din noon si Mang Elmo at napamahal na siya kay Sunny, pumayag siyang magpakupkop dito. Lumipas naman ang ilang buwan, nasagip nila si Raisa, ang batang babae na muntik nang k-idnap-in ng sindikato malapit sa palengke ng Urduja, tatlong taon pa lang ito noon at hindi pa makapagsalita kaya 'di nalaman nina Sunny kung sino at saan nakatira ang mga magulang nito. Lumipas ang ilang buwan, may isa pang batang nasagip sina Mang Elmo at Sunny, isa itong batang ginagawang runner ng droga— si Bitoy. Nagkaroon kasi ng habulan sa eskinita, sa palengke pa rin ng Urduja at muntik na itong madakip ng pulis, anim na taon lang noon si Bitoy at nabuhayan siya ng pag-asa nang saklolohan siya nina Mang Elmo. Limang taon na silang magkakasama sa iisang bubong at parang totoong magkakadugo ang turingan sa isa't isa.
That's the kind of bond that Chance wished for. Iyong tipong walang bangayan at pagmamahalan lang ang mamamalagi sa kanilang tahanan. Pero hindi 'yon ang setup ng kanilang pamilya.
Magkakasama nga sila pero pakiramdam niya'y may pumapagitan sa kanila. Marangya nga ang buhay, pero daig pa nila ang pamilyang nag-aaway dahil lang sa kasalatan sa pera. Madalas magtalo ang kanyang mga magulang at kapag may family occasions, puro negosyo lamang ang napag-uusapan ng mga ito. How petty he is. Napaka-selective din ng mga magulang niya sa mga kakaibiganin niya. It's like he's slightly prohibited to talk to everyone, dapat ay katulad lang nila na mayayaman. Nakakasakal iyon at wala siyang karapatan na magdesisyon para sa sarili.May isa siyang naging bestfriend, kaso elementary pa lang siya noon. Hindi na siya nagkaroon ng totoong kaibigan after grade school.
Paulit-ulit siyang napabuntong hininga. Muli niyang naisip sina Mang Elmo. Sana, sila na lang ang naging kapamilya niya. Kung maaari lang humiling sa wishing well na sana'y isilang siyang muli sa ibang pamilya.
****
"Chance, alam mo ba? Hindi na namin alam ang gagawin namin sa'yo, bagsak ka sa exam! Hindi ka ba aware? At saan ka nagpupunta nitong mga nakaraang araw huh!"
Dinig na dinig sa buong mansyon ang nakakabulahaw na pagsinghal ni Don Manolo. Nasa tabi niya si Donya Imelda na napahilot naman sa sarili nitong sintido.
"Chance, answer your dad," kalmado pa ring utos ng ina. Napayuko si Chance, ito na naman ang moment na mabubugbog siya ng kanyang ama. Hindi niya pwedeng sabihin na kina Mang Elmo siya nagpupunta, baka kasi madamay pa sila sa galit ni Don Manolo.
"Chance!"
Kasabay ng untag ni Don Manolo ay ang paglipad ng baston na hawak at tumama sa noo ni Chance. Parang wala lang iyon sa binata. Hindi niya maramdaman ang sakit na pisikal. Manhid na talaga siya.
"Hindi ka sasagot huh!"
Unti-unti siyang nilapitan ng ama. Inambahan na siya ng suntok pero saglit na napatigil. "Inuubos mo ang pasensiya ko. Ano bang pinagmamalaki mo huh?"
Tumiklop ang mga kamao ni Chance. Inipon niya nang kay tagal ang lakas ng loob upang labanan ng maling paraan ng pagpapalaki sa kanya. Sa tingin niya ay ngayon na ang tamang panahon upang lumaban.
"Kayo? Ano bang kaya n'yong ipagmalaki? Iniisahan n'yo lang naman ang maliliit na negosyante, niyuyurakan ang mahihirap ara lumago ang pera n'yo. At pinanghihimasukan n'yo ang buhay namin!"
Sarkastikong natawa si Don Manolo. "Tonto! Lahat ng perang nakuha ko, kayo ang nakikinabang!"
"Ayoko sa pera n'yo! Para kayong nagnanakaw tapos ipapakain n'yo samin!" buong tapang na katwiran ni Chance.
"Sino bang umaasenso sa pagawa ng marangal? Iba na ang mundo Chance, talo na ang mga lumalaban nang patas."
"At ang mga katulad n'yo ang malaking salot. Kayo ang nag-uudyok sa mabubuting tao na gumawa nang masama. Kaya ngayon, ayoko na po! Hindi ko na masisikmurang tumira dito!"
"Saan ka titira, aber? Ikaw ang pinakamahinang anak ko, madali kang magkasakit. Wala kang diskarte at para kang mangmang. Paano ka makakatayo sa sarili mong mga paa nang wala kami?"
"Kakayanin ko 'Pa."
"Oh? Ano pang hinihintay mo? Layas na!"
Sinenyasan ni Don Manolo ang mga bodyguard at pinalibutan si Chance. "Ayoko nang makita 'yan dito! Pakialis na sa harap ko! At lahat ng pag-aari ko, pakitanggal sa katawan niyan!"
Walang kalaban-laban si Chance nang buhatin siya ng dalawang bodyguards na matitipuno ang pangangatawan palabas ng mansyon. Nasa labas na sila ng mansyon at mukhang susundin pa ng bodyguard ang isa pang utos ng don.
"Paano ba 'yan Sir? Utos kasi ni Sir na tanggalin lahat ng pag-aari sa katawan mo eh. Maghuhubad ka ba o kami na magtatanggal niyan sa'yo?" nakangising tanong ng isang bodyguard.
Umiling si Chance. "Bakit ko gagawin 'yon? Nasisiraan na ba kayo?"
"Pero Sir, kami naman kasi ang malalagot kapag hindi namin nagawa ang pinagagawa niya," katwiran naman ng isa. Nakaisip naman ng paraan si Chance. "Sige, maghuhubad ako pero bigyan n'yo ako ng kapalit na damit. Doon sa sampayan!"
"Mahuhuli kami Sir."
"Andyan lang naman ang sampayan oh." Inginuso niya ang kinaroroonan ng sampayan. Abala pa ang kasambahay nila sa pagsasampay ng bagong labahin. "Ikuha n'yo ako kahit basa pa."
****
Walang laman ang tiyan at nanlalamig si Chance habang papunta kina Mang Elmo. Wala na siyang ibang choice kundi kapalan ang mukha at makiusap na makitira sa bahay nila. Suot ang basang damit mula sa sampayan, mas lalo siyang nakaramdam ng lamig at dagdagan pa ng masamang panahon. Wala siyang dala na kahit ano. Ngayon niya nararamdaman ang pakiramdam ng mahirap pa sa mahirap. Pero kahit gano'n, wala siyang pinagsisihan. Finally, nakalaya na siya.
Malayo-layo pa ang bahay ni Mang Elmo at bibigay na talaga ang kanyang katawan.
'Kanina pa ako naglalakad.'
Napasilong muna siya sa waiting shed, nagbabakasakaling maibsan ng panandaliang pagpapahinga ang gutom at pagod. Matagal siyang nanatili sa gano'ng kalagayan hangga't sa 'di niya namalayang napapikit na siya nang nakasandal sa posteng may upuan.
Chance woke up with a tiny blanket. Unang nasilayan niya ang mga nakaunipormeng barangay tanod na nakaupo sa bangko na gawa sa tabla. Kaagad siyang bumangon at tinanong ang dalawang tanod na nakita niyang nakamasid lang sa kanya.
"Nasaan po ako?"
"Nandito ka sa barangay hall. Nagroronda kami kanina tapos nakita ka namin sa waiting shed, akala nga namin patay ka na eh," sagot ng tanod na mukhang malapit nang magretiro dahil sa itsura nito.
"Ang init ng katawan mo kanina, mukhang hindi ka naman adik o pariwara, ginigising ka nga namin eh. Kaso 'di ka magising. Eh bawal pa naman ang mga natutulog sa lansangan kaya dinala ka muna namin dito. Noong una, akala rin namin ay lasing ka lang," pakli naman ng mas nakababatang tanod.
"May nakapagsabi pala sa'min na may kakilala ka raw sa barangay na malapit dito. Tinawagan na namin para puntahan ka, kawawa ka naman. Wala kang pera, tanging t-shirt at jersey shorts lang ang suot mo. Hindi ka ba na-holdap?"
Umiling si Chance. "Basta, mahabang kuwento po."
"Okay sige, mukhang nandyan na ang kakilala mong susundo sa'yo."
Narinig nila ang paghinto ng tricycle sa tapat ng barangay hall kaya in-assume nila na baka kakilala na ni Chance ang dumating. Hindi nga sila nagkamali dahil ang humahangos na sina Sunny at Mang Elmo ng mga bumaba sa tricycle at nagmamadaling pumasok sa loob.
"Chance?" sabay na bulalas nina Mang Elmo at Sunny. "Anong engkanto ang nagdala sa'yo sa lugar namin at bakit ganyan lang ang suot mo? Napakalakas ng ulan huh!" iritableng tanong ni Sunny. Mukhang mahina na naman si Chance, gano'n ba talaga ito ka-sensitibo? Nagkakasakit agad kapag maulan?
"Pinalayas ako, Sunny."
"Ano? Seryoso ka?"

หนังสือแสดงความคิดเห็น (107)

  • avatar
    Liza Estopa Mactal

    maganda po Ang love story po n chance tatapusin kopa po Ang love story n chance sana making sila n sunny sa bandang huli bagay po sila n chance Buti po ako sa kanila n chance sana mawala nayung Galit n sunny para po maayos napo Ang loob s chance at Mang Elmo

    21/12/2021

      5
  • avatar
    AshLey Quintos

    ang hirap tlaga pang mahirap Kang pinanganak Kasi tatapak tapakan ka lang Ng mga mayayaman gagawin Kang alipin pero hind Naman lahat Ng mayaman ay mapagmataas ang galing din Ng gumawa Ng story nito my twice siya pero hind pa ko tapos baka mas maganda pa ito sa kalagitnaan haha excited na ko sa magiging ending baka sa huli sila pa magkatulungan haha tapos magkaroon Sila Ng mga anak syempre kakasal Muna Sila bago magkaroon Ng mga anak hahaha excited na ko sa magiging kapalaran nila than you author

    29d

      0
  • avatar
    CaparasJennylyn

    ang ganda po ng novelah

    29d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด