logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 31

Isang tapik ang nagpagising sa akin. Agad na bumungad sa akin ang mukha ni Axel bago niya hinaplos ang aking pisngi.
"We're here. Go get your brother. I'll wait here, baka mabugbog ako." Biro niya.
Natawa ako at sumulyap sa labas ng mansion ni tito. Nagulat din ako na may nakataling tela na sa braso ko. I looked at Axel who peacefully eats. Bumuntong hininga ako at kasabay nang pagbukas ko ng pinto ay ang pag busina ni Axel, senyales na nandito na kami.
Kailangan ko paring bilisan dahil ayaw kong dito kami maabutan ng mga tauhan ni Allan at madamay pa sila tito.
Nilagay ko sa aking bewang ang baril na nasa compartment kanina ni Axel. Huminga ako nang malalim bago ako pumasok sa bukas na na malaking gate. Sa pangalawang paghakbang ko sa maliit na hagdan pakatok sa malaking pinto ay bumukas na ito. Bumungad sa akin si Elle na basa ang mata at agad akong niyakap.
Mahigpit ang yakap niya kaya sumasakit ang natamaang bala. Hindi na dumurugo ito kanina pero sa paraan ng pagyakap sa akin ni Elle ay magdurugo ulit ito.
Sa likod niya ay nakita ko sila tito, Nix, Michael, Martha, Tristan at Calvin na nakaupo sa sofa. Agad na tumayo si tito at dinala sa akin si Nix.
Pagkatapos nang mahigpit na yakap ni Elle ay tsaka naman si Nix. Lumuhod ako at niyakap pabalik ang kapatid. Ilang araw ako nangulila sa yakap niya. Sunod naman si tito.
Nang matapos ay nagkatinginan kami ni Calvin. May namumuong luha sa mata niya at mukhang hinang hina siya at gusto niya akong yakapin. Ako rin gusto ko, pero siya ang dahilan nito.
Sinuri niya ako at nanlaki ang mata at pupuntahan na sana ako nang biglang sumigaw si Elle.
"Gosh! Dumurugo ang braso mo, Alexin!" She cried. Agad naman siyang inalo ni tito at sinabihan sj Tristan na dalhin siya sa kwarto ngunit umayaw si Elle.
Nginitian ko lang sila Michael at Martha bago ako bumaling kay tito, nilagpasan ang tingin ni Calvin.
"We need to go now."
"Go? Saan kayo pupunta, Alexin?" Agap ni Calvin. Lahat kami ay napalingon sa kaniya. Nilingon ko naman ang aking kapatid at hinaplos ang buhok nito.
"It is none of your business." I exclaimed.
Nalingunan ko siya at nakita ko ang gulo at pagkalito sa kaniyang itsura. Bakit, Calvin? Why do you need to know kung saan kami pupunta? Para masabi mo sa tito mo?
Gustong magtanong ni tito kung anong nangyayari sa akin ngunit pinili na lamang manahimik.
"What? Anong none of my business? You are my girlfriend!" Katwiran niya. Naglakad siya palapit sa akin. Ngunit natigil din nang makita ang paghakbang ko paatras.
Bumuka ang kaniyang labi ngunit agad ding ipinagdikit.
"What's wrong with you-" Naputol ang sasabihin niya nang may nagsalita sa likod ko.
Agad akong napapikit nang marinig ang boses ni Axel na may nguya nguya pa atang pagkain.
"Why you're taking so long..." pahina nang pahina ang pagkakasabi niya non.
Bigla bigla kasing pumapasok, Axel!
"Axel?"
"Hey, Calvin. Sup!"
Kita ko ang matalim na titig ni Calvin kay Axel kaya agad kong binigay kay Axel si Nix at sinabing mauna na sila roon sa kotse. Nalipat naman sa akin ang tingin niya.
"Ano iyon?" malamig niyang tanong.
"What?!" bulyaw ko. "Please, huwag ngayon." Lumingon ako kay tito, "mauna na kami. Bye."
Binilisan ko ang pagtalikod sa kanila at pag lalakad palabas. I don't want to talk to him. Nasa gitna na ako ng gate at paalis na talaga nang may humatak sa braso ko kung saan ako natamaan ng bala kaya napalingon agad ako sabay hugot ng baril na nasa tagiliran ko.
Mabigat ang paghinga ko habang nakatutok ang baril ko sa kaniya. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni tito na agad na sumunod sa amin. Nanghihina akong pinagmasdan ni Calvin.
Binawi ko ang kamay ko bago umatras, nakatutok pa rin sa kaniya ang baril. I saw how my blood from my arm stained his hand. Wala naman talaga akong balak na ilabas ang baril na ito pero ang kulit niya!
"What do you want?" may diin kong tanong.
Napalunok siya at ginulo ang buhok. "What happened to you? Sino may gawa niyan?" Sinuri niya ulit ako.
Hindi ako makapaniwalang tinignan siya. Talaga ba? Hindi mo alam nangyari sa akin? Ang galing nga naman umarte. Akala ko ba mag pupulis ka? Pero parang mas bagay sayo maging actor.
"It's none of your business."
"It's none of my business, huh?" Ulit niya. "I care for you! Hinalughog ko ang buong resort at mga kalapit niya para lang mahanap ka!" he licked his lower lip. "Hindi mo alam kung anong nangyari sa akin sa mga araw na nawawala ka!"
"At hindi mo rin alam kung anong ginawa ng tito mo sa akin! At hindi mo alam kung ano ang mga nalaman ko!" sigaw ko.
"What?! Ano bang problema mo?! Tapos ano? Aalis ka pa? kayo? Saan kayo pupunta? Bakit kayo aalis?!" gulong gulo na siya at todo galaw din ang mga kamay niya sa bawat pagbitaw ng mga salita.
Tumawa ako. Naramdaman ko ang paghawak ni tito sa braso ko. Pinapababa niya ang pagkakatutok koo ng baril kay Calvin.
"Calvin... Alexin, please. You two just calm down for now." si tito.
Umiling ako. "No!" Nilingon ko si Calvin habang may namumuong luha sa aking mga mata. Tinuro ko siya. "Wala ka ng pakealam don! At bakit ba? Para sabihin mo na naman sa tito mo? Ha?!" bulyaw ko sa kaniya habang palapit nang palapit sa kaniya.
Hindi siya kumibo at gumalaw habang patuloy akong naglalakad palapit sa kaniya.
"At tsaka bakit ka nga ba narito?! Nasainyo ngayon ang tito mo ah... magkikita kayo ah!" Tumawa ako.
Hindi siya makapagsalita. Magsalita ka Calvin! Ano hindi ka makapagsalita dahil totoo lahat ng sinasabi ko?!
Aatras na sana ulit ako nang hinuli niya ang bewang ko at siniil ako ng halik. Isang halik lang, Alexin! Isang halik lang makakalimutam mo na naman ba?! Tuluyan nang nahulog ang mga namuo kong luha.
Nang matauhan ay agad ko siyang tinulak palayo sa akin. Parehas kaming naghahabol ng hininga habang tanaw ko sila Elle na nasa bukana ng pinto.
Pinakatitigan ko si Calvin na uhaw pa sa halik dahil sa pagbasa niya sa kaniyang labi. Hindi na siya ang Calvin na nakilala ko. Parang nagbago na ang pagtingin ko sa kaniya. Nagbago na siya sa paningin ko.
May tumulong luha sa kaniyang magagandang mga mata habang unti-unti akong tumalikod sa kanila. For the last time, I saw his soft, tired, and beautiful eyes. At kanina naramdaman ko rin ang mga labi niyang nangungulila.
Hinawakan ko ang pinto ng sasakyan ni Axel nang mapahinto ako sa paghila nito. Nanginginig na ako sa pag iyak.
"I love you, Cala..." he softly said.
I pursed my lips and trying not to stutter while answering.
"I hate you."
Pabigla kong binuksan ang pinto at mabilis kong sinarado nang makitang tumakbo palapit sa kotse si Calvin. Nilipat ko ang paningin kay Axel na nag aalalang nakatingin sa akin.
"Just drive. Sa Airport. Si Roncer." putol putol kong sinabi. Tumango siya.
Naririnig ko pa rin ang pagkatok ni Calvin sa bintana ko at ang pagtawag niya sa akin. Stop acting like you really care about me! I'm not part of your life kaya bitawan mo na ako! You destroyed my trust in you!
Nang medyo nakawala na ang sasakyan kay Calvin dahil sa pagpigil ni tito ay napasulyap ako sa rear-view mirror. Nandon siya. Nakaluhod habang nakatingin sa kotse na sinasakyan ko. Pinapanood niya ang paglayo nito.
Pinapanood ng taong mahal ko ang pag alis ko. Pag alis ko sa bahay. Pag alis ko rito sa bansa. At ang pag alis ko sa buhay niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (23)

  • avatar
    Gia Dashna Vigor

    it's a really great story, I love it, specially the plot.

    06/07/2022

      0
  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    Hm... Thrilling ng story I like it, maganda Yong story, matagal din akong nag hintay ng update ng chapter hindi ko binabasa lahat kasi gusto tuloy tuloy basa ko, pero kaunting chapter palang ang naiipon so kailangan ko nanaman maghintay, please update po.... Nakakabitin kasi magbasa, excited na akong mabasa ang mga susunod na mangyayare sa buhay ni lex.

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Nicolette Valdevilla

    LOVE THISSS

    31/10

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด