logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

kabanata 30

Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni Allan habang may kausap na mukhang sa telepono.
Kanina pa ako nababagot dito at hindi makapaghintay na maka alis dito. Kung ano ano na ang ginawa ko para lang mamatay ang oras, pero talagang ang bagal ng oras.
"Yes, Calvin, I will be there." He laughed. "Don't worry about Alexin. Ako na ang bahala sa kaniya."
Halos maestatwa ako sa kinauupuan nang marinig ang pangalan niya. What? Ano ang ibigsabihin niya? Kausap niya si Calvin? Ang sabi sa akin ni Calvin, wala na siyang contact sa tito niya... How? The fvck?!
Sinubukan kong lumapit pa para lang marinig kahit alam kong hindi na ako makalalapit pa dahil sa kadena.
"Yes! Actually pupunta na ako d'yan mamaya. Yes, thank you again, Calvin. Pamangkin talaga kita..." Humihina na ang boses niya.
Namuo ang luha sa mata ko. Siya ba? Siya ba ang nagsabi kay Allan kung nasaan kami? Pero bakit? Akala ko mahal niya ako? Akala ko ba poprotektahan niya ako... kami sa tito niya. Paanong... siya pa ang magtuturo sa amin.
Pinakatitigan ko ang pinto na parang tatagos ito at mamamatay ang nasa likod ng pintong iyon. I want to scream! Pero walang lumalabas na enerhiya sa akin para sumigaw.
Parang gumuho ulit ako at unti-unti na namang namumuo ang pader na winasak dati ni Calvin dahil sa kaniyang pagmamahal.
Ako na naman ang may kasalanan kung bakit kami natunton. Kung hindi lang ako nagpadala sa matatamis na salita ni Calvin, hindi magkakaganito.
Dumating na ang hapunan ko at ibang tao na ang nagdala nito, hindi na si Celia. Siguro tinatawagan na si Axel. Honestly, gustong gusto ko talagang maging nanay si Celia. Everytime na nakikita ko kung paano niya asikasuhin si Axel noong mga bata kami ay nakakainggit.
Maayos din naman ang pag aasikaso sa akin ni mama Amanda, pero ilap siya dahil nga anak ako sa labas ni papa. Sino nga ba ang tatanggap sa anak sa labas ng asawa mo?
Nakatulog ako saglit. Ngayon ata ako bumabawe sa mga araw na wala akong tulog noong nandon kami sa resort. May trust issues ako pero ang bilis ko paring mauto! Oras na makita ko yang Calvin na yan, hindi ko na alam ang gagawin. Naiinis ako. Nagagalit. Niloko niya ako!
May kumatok kaya agad nabura ang mga iniisip ko. Hinintay ko ang pagbukas ng pinto para malaman kung sino iyon. Iniluwa ng pinto si Celia na mukhang nag iingat papasok.
She's taking a glance to her left and right, and one glance before she closes the door.
May hawak siyang susi na panigurado para dito sa kadenang nakakabit sa akin. Dali dali siyang pumunta sa akin at tinanggal ang kadena sa kamay ko. Sunod niya akong tinulungan tumayo.
Nag unat ako at agad naramdaman ang sakit ng braso. Nangawit ata ito. Ilang araw ba ako nandito? Isang linggo?
"Ito. Suotin mo ito." She gave me a black coat. May dala rin siya bottled water.
Pinakatitigan ko siya. Napansin niya ito kaya ngumiti siya at binigay sa akin ang tubig. Siya ang nag suot sa akin ng coat niya. Uminom naman ako at inayos na rin ang coat.
Pagkatapos ng ilang minuto, nagsalita siya.
"Nasa labas na si Axel, tsaka lang siya didiretso sa mismong gate kapag sumapit ang 12."
Nagtaas ako ng kilay. "Paano naman nya nasisiguradong eksaktong 12 tayo makakalabas-"
Naputol ang sasabihin ko nang may binigay siyang patalim sa akin at agad akong hinatak palapit sa pinto bago nagsisisigaw at humihingj ng tulong.
Gulat pa ako sa ginagawa niya nang may mga dumalo na sa amin agad. Hinawakan ko ng mabuti ang patalim na nakatutok sa leeg niya.
"N-no, don't shoot. She will kill me!" Pagsusumamo ni Celia sa mga hawak na baril na nakatutok na sa akin.
Para panindigan ang acting na ito. Itinutok, winasiwas at umikot ikot ako para lamang akalain nilang totoo.
Pababa na kami sa hagdan at napapalibutan na kami ng mga tauhan ni Allan. Natatakot ako, Oo. Dahil wala akong tiwala rito sa babaeng ito, mamaya ay trap lang pala ito.
Nang nasa hardin na kami ay natanaw ko na ang bukas na gate at ang nakapark na sasakyan na may nakadantay na braso sa bintana ng driver's seat.
Nagkatinginan kami ni Axel, he smiled before he winks at me bago binalik ang shades niya. Naka shades siya at nag he-head bang pa. Nagtaas ako ng kilay bago siya inirapan. Binilisan ko na rin ang lakad at nang nasa harap ko na ang gate, humarap ako sa bahay.
Lahat sila ay nakasunod sa amin. Parang ang onti lang ngayon, siguro kasi umalis at kasama ni Allan. Ang iba ay may katawagan at ang iba ay naghihintay lang.
Itutulak ko na sana si Celia nang marinig ang kaniyang boses.
"Mag iingat kayo. Mahal kita, anak. Patawarin mo ako." Wala siyang emosyon habang sinasabi iyon. Tinatawag na ako ni Axel kaya agad kong tinulak si Celia pababa at patakbong pumasok sa front seat.
Pagkatulak ko pa lang kay Celia ay agad na umalingawngaw ang pagputok ng baril at sa minamalas nga naman natamaan pa ako sa braso, sa kaliwa naman. Putcha!
Mabilis na nagpatakbo si Axel habang patuloy ang pag putok nila ng baril.
"Wohooo!" Sigaw ni Axel na tuwang tuwa habang ako rito namimilipit na sa sakit. Mas masakit ito kaysa sa naunang bala na dumaplis lang sa kanang braso ko.
Napansin ako ni Axel kaya napamura siya at binilisan pa ang pag mamaneho.
"Where's your phone?" Tanong ko.
Naramdaman ko ang paglingon niya saglit sa akin. "Why?"
Umirap ako at lumingon sa kaniya. "Why? Really?! Just give me your phone!"
Nagkatinginan kami. I glared at him. Bumuntong hininga siya at itinuro ang compartment. Ituturo naman pala ang dami pang alam. Binuksan ko ito at agad na idinial ang number ni Roncer.
Ang ingay ng music niya dito kaya medyo hindi ko marinig kung nag riring ba o out of coverage. Ang pinapatugtog pa is Way Back into Love. Hinampas ko siya sa braso at ang OA na reaction niya ang nakita ko.
Tinuro ko ang sounds at agad naman niyang pinahinaan nang makitang may katawagan.
"Who's this shit?"
"Ako ito, Roncer."
Narinig kong parang may nahulog na ano kaya medyo nilayo ko ang cellphone sa tenga.
"Shit! Buhay ka pa?! Thank God! Where are you?! Kaninong number to? I'll save it anyway and What the fvck! where have you been!" Sunod sunod niyang tanong.
Napahawak ako sa sentido ko at napansin ang paglingon sa akin ni Axel. Nagkatinginan kami, he raised his eyebrow before he mouthed 'Roncer?'. Tumango lang ako.
"Please, come down. We're leaving. Prepare our ticket. Uuwi kami ng Canada. Please, maghanda ka ng 3 tickets. Ngayon mismo kami aalis."
"Wait. Wha-" Tinaasan ko ng isang daliri si Axel para manahimik muna bago ko tinuro ang harap para senyasan siyang mag drive muna.
"Ok, ok. I already called sa kaibigan ko. Wait... 3? Sino ang isa?" he paused. "Dadalhin mo si Michael? or Martha? Elle? What?"
"Tsk. I'm with Axel." Itinapat ko kay Axel ang Cellphone at agad naman niyang naintindihan. "Um, hi Roncer!"
"Putcha! Bakit kasama mo 'yan?!"
"Shhhh! Tsaka na tayo mag usap. Kakausapin ko pa si tito para paghandain si Nix. Ready our tickets, ok?"
"Yeah yeah. Papunta na ako sa airport. Hihintayin ko kayo roon. Bye."
Nag stop pa talaga si Axel sa drive thru ng Jollibee. Tinignan ko siya. Really? Axel? Ngayon ka pa nag drive thru ah.
Naramdaman niya ata ang tingin ko kaya dahan dahan niya akong binalingan bago ngumiti at pinabilisan si ate na nag aayos ng order. Sinisisi niya pa si ate kung bakit natapon ang inumin niya nang makaalis na kami roon.
Umirap ako at binalik ang atensyon sa telepono nang mahinto ang pag riring nito.
"Hello?" Ang matipunong boses ni tito ang bumungad.
"Hi. It's me, Alexin."
Wala akong narinig na nagsalita kaya nag hello ulit ako. Hanggang sa dumating din ang mga tanong kanina ni Roncer sa akin.
"Tito, calm down. Please, pakiayos po ang gamit ni Nix ngayon at uuwi po kaming Canada."
"Kayo lang?" tanong niya.
"Yes. Please pakiayos po. Tsaka na lang po tayo mag usap pag nandon na po kami. Maraming salamat po."
Ibababa ko na sana nang may nagsalita.
"Alexin?"
That voice. Ang boses ng taong mahal ko na trinaydor ako. Calvin.
Agad kong binaba ang tawag at pabarang binigay kay Axel ang tawag. Matalim niya akong tinignan, ngunit agad ding lumambot nang makita ang isang butil ng luha ko. Agad ko itong pinunasan at tumingin sa kalsada.
"Sa pagkakaalam ko, hindi ka naman umiiyak kapag natatamaan ng bala. Bakit ngayon?" marahan siyang tumawa.
Alam kong alam niya kung bakit ako lumuha, ayaw niya lang masapak.
"Is it true that you and Calvin are dating? or kayo na?" Tanong niya sa gitna ng katahimikan.
"We were... pero ngayon, para sa akin, wala na kami."
"Is it okay If I ask why?"
Bumuntong hininga ako.
"Siya ang nagsabe sa daddy mo kung nasaan kami. Siya ang dahilan kung bakit mayroon ako nitong mga sugat at bugbog na ito." I slightly moved the coat para tignan ang mga pasa.
"What?!" Hindi siya makapaniwala. "He will never do that!"
I mockingly laughed. "H-he will never... pero ginawa na niya."
Natahimik siya o talagang pinili na lamang manahimik dahil sa hindi ko mapigilang paghikbi. Anong gagawin ko kung magkita kami mamaya? Sasampalin ko ba siya? Isusumbat sa kaniya na siya ang dahilan nito?
Hindi ko na alam. Basta ang gusto ko lang ay mawala siya sa buhay ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (23)

  • avatar
    Gia Dashna Vigor

    it's a really great story, I love it, specially the plot.

    06/07/2022

      0
  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    Hm... Thrilling ng story I like it, maganda Yong story, matagal din akong nag hintay ng update ng chapter hindi ko binabasa lahat kasi gusto tuloy tuloy basa ko, pero kaunting chapter palang ang naiipon so kailangan ko nanaman maghintay, please update po.... Nakakabitin kasi magbasa, excited na akong mabasa ang mga susunod na mangyayare sa buhay ni lex.

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Nicolette Valdevilla

    LOVE THISSS

    31/10

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด