logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata IV: Ang Kahilingan ni Gideon

Sabik na naglakbay ang lahat ng mga kasama kong kawal, pabalik sa lupa naming sinilangan. Wala kaming anumang kabayong gamit, dahil isa ito sa pagsubok na ibinigay sa amin ng hari. Inakyat namin ang mga kabundukan at tinawid ang mga ilog. Pitong araw kaming naglakbay bago namin narating ang Wington.
"Nagbalik na sina Gideon! Buhay ang ating bayaning heneral!" sigaw ng isa.
Nang marinig ito ng kaniyang mga kapitbahay ay isa-isa silang naglabasan, mula sa kanilang mga bahay. Namumuhay silang malayo sa palasyo ng Wington. Mga pangkaraniwang mamamayan na mapayapang namumuhay. Habang pinagmamasdan ko silang kumakaway at nakangiti sa akin ay nakaramdam ako ng inggit. Oo nga't mas marangya ang pamumuhay ko kumpara sa kanila. Ngunit namumuhay silang nagagawa ang kanilang nais. Namumuhay nang walang nagdidikta at hawak ang kanilang oras.
"Binabati ka namin, Heneral Gideon!"
"Alam naming kakakayanin mo! Hindi kami nagdududa na magagawa mo!"
Usap-usapan na noon pa man sa kaharian ng Wington, na wala pang kahit na isang kawal, ang nakabalik nang buhay, matapos pangakuan ng hari, ng isang kahilingan. Kaya naman ang lahat ng mga mamamayan ng Wington, na nakakita sa akin, ay iniwan ang kanilang gawain, at naglakbay kasama ko papunta sa palasyo ng Wington.Napakarami ng mga taong sumunod sa akin, at isinisigaw ang aking pangalan.
"Gideon! Gideon! Gideon!"
Tila ba isang parada ang nagaganap noong mga sandaling 'yun. Nakadama ako ng labis na kagalakan, ngayong nakabalik na ako sa lupa kong sinilangan. At alam kong ganito din ang nararamdaman ng mga kasama kong kawal, maging ng mga mamamayan ng Wington. Sa patuloy naming paglalakad ay natanaw ko na din ang tarangkahan ng Wington. Nakarinig kaming lahat ng malakas na tunog mula sa isang trumpeta. Sa wakas ay magagawa ko nang makabalik sa palasyo, kung saan naroroon ang taong aking pinaglilingkuran.
Magiting na nakatayo ang Palasyo ng Wington, sa malawak na lupain. Kagaya ng Hamporo, konkreto din ang mataas naming bakod. Ang kaibahan nga lamang ay napapaligiran ng tubig ang palasyo ng Wington. Aakalain mong nakatayo ito sa gitna ng lawa. Ngunit ang katotohana'y bahagi ito ng disensyo ng palasyo, para na din mapigilan namin ang mga magtatangkang sumakop ng aming kaharian. Hindi nila magagawang makapasok nang basta-basta, dahil na din sa tubig na lampas pitong talampakan ang lalim.
Mula sa kailaliman ng tubig, ay isa-isang lumitaw ang mga bagay na yari sa konkreto. Nang magdikit-dikit ang mga ito'y nabuo ang isang tulay. Sa lapad nito'y maaaring maglakad nang magkakatabi ang labing limang tao. Humigit kumulang isang daang hakbang ang kakailanganin ng kagaya ko para marating ang dulo ng lumitaw na daan. Subalit ang haba nito'y hindi pa din sapat para magawa naming makatapak sa lupang kinatatayuan ng palasyo. Ang dambuhalang tarangkahan na yari sa kahoy ay dahan-dahang bumaba. Lumapat ang dulo nito sa dulo ng konkretong daan na aming nilalakaran. Ito ang nag-ugnay sa kung saan kami nakatapak, at sa palasyo ng Wington.
Patuloy ang malakas na sigawan ng mga taong bayan, na nakasama ko sa aking pagbabalik sa palasyo. Huminto kami sa pusod ng lupang kinatatayuan nito. Kasabay nito ay ang paglabas ng hari, sa balkonaheng nasa ikalawang palapag ng palasyo. Huminto ang lahat sa pagsigaw ng aking pangalan. Napalitan ito ng sigaw ng kagalakan nang masulyapan nila ang hari ng Wington, na si Haring Riki. Apatnapu't apat na taong gulang na ito. Marami siyang asawa, ngunit hindi biniyayaan ng anak, dahil sa pagkabaog. Ang katotohanang 'yun ay ayaw niyang tanggapin. Madalas niyang sabihin na ang kaniyang mga asawa ang dahilan kung bakit hindi siya magkaroon ng anak. Kaya naman paulit-ulit siyang naghahanap ng bagong asawa. Mabilog ang kaniyang katawan. Makinang ang korona at walang tigil sa pagkain. Kahit mayroon siyang kausap ay hindi siya tumitigil sa pag-nguya. Karaniwang karne at prutas ang kaniyang tangan.
Huminto lamang ang sigawan nang itaas ng hari ang kanan niyang kamay. Matagal-tagal din na ganoon ang kaniyang posisyon. Ibinaba ko ang dalawang kapa at dalawang korona, at isang espada sa lupa. Akala ko'y ikatutuwa ito ng hari, ngunit para bang wala siyang nakita. Patuloy lang siya sa pagkain ng mansanas.
"Hindi lang ang mga bagay na nasa 'yong harapan, kundi ang mga kahariang pag-aari, ng mga haring aking napatay ang nais ko sa'yong ialay, kamahalan," saad ko.
Parang wala itong narinig. Nagsalita lamang siya nang maubos na niya ang hawak niyang mansanas. Itinapon niya ang bahaging hindi makakain, at bumagsak malapit sa aking paa.
"Binabati kita, Heneral Gideon," pagbati ng hari, "sa haba ng panahon na ating kasaysayan ay ikaw pa lamang ang nag-iisang kawal na nakabalik nang buhay, mula sa isang matinding digmaan. At kagaya ng aking ipinangako, nakahanda akong ibigay sa'yo ang anumang kahilingan na iyong naisin. Kaya naman sabihin mo na ito ngayon din."
Tila ba minamadali ako ng hari. Nagawa kong magtagumpay pero parang balewala lang sa kaniya ang lahat. Napahinga na lang ako nang malalim. Matagal na panahon ko nang alam kung ano ang gusto kong hilingin sa hari. Nakarinig ako ng mga taong nagbubulungan. Hinuhulaan nila kung ano ang ba ang aking hihilingin sa hari. Ginto? Lupa? O kaya nama'y pagkakataong manirahan sa palasyo. Maaari din namang ang trono, ang aking hingin. Subalit wala kahit na isa sa mga ito ang makakapagpaligaya sa'kin.
"Salamat po kamahalan," saad ko, "ang akin pong kahilingan—kapayapaan." Nagulat ang lahat ng nakarinig. Inisip nilang materyal na bagay ang hihilingin ko. Hindi nila alam kung ano ba ang ibig kong sabihin. "Nais ko na pong mamuhay nang malayo sa buhay ng isang heneral. Gusto ko pong magbitiw sa aking tungkulin, at magkaroon na lamang ng payak na pamumuhay."
Dismayado ang aking mga kawal, maging ang mga taong bayan. Alam kong nalulungkot sila ngayong magpapaalam na ako sa aking tungkulin.
"Matutupad," mabilis na sambit ng hari. Pinunasan din niya ang kaniyang noo, na mukhang pinagpawisan, at umalis sa kaniyang kinatatayuan. Papaalis na sana ako nang may marinig akong tinig na pumigil sa akin.
"Sandali, Heneral Gideon," saad nito. Isa siya sa mga taong katabi kanina ng hari. Siya ang tagapayo nito. "Iniimbitahan ka ng hari sa kaniyang silid. Maaari ka ding magsama ng mga tauhan mo kung iyong nanaisin."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (87)

  • avatar
    Randy Garbida

    thank you🙏

    23d

      0
  • avatar
    Zean Belda

    Nice story

    24/07

      0
  • avatar
    Rey Batiancila

    very nice the stretch

    21/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด