logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata III: Pagpapatuloy at Pagtatapos ng Dwelo

Sa ilalim ng mayabong na punong kahoy, naroroon ang tatlong bata. Sina Malik, pitong taong gulang, Florena, sampung taong gulang, at ang nakatatandang kapatid ni Malik, si Redentor, siyam na taong gulang. Pare-pareho silang may damit na parang basahan. Kaharap nila si Gideon, na sarado ang dalawang mata. May maliit na pilat siya sa kanan niyang pisngi. Mayroon din sa kanan niyang kamay, na siguradong nagkaroon ng napalaking sugat noon. Pitong taon na ang nakakalipas magmula ng masakop niya ang Grandiya at Hamporo. Subalit parang ang lahat ay naganap lamang kahapon.
Nakalupagi sa maberdeng damuhan si Florena. Buhaghag ang kaniyang buhok na parang kawad. Malumanay siyang magsalita at hindi makabasag pinggan ang kaniyang mga kilos. Kakikitaan din ng tanikala ang kaniyang mga paa't kamay, na nagpapakilala ng antas niya sa lipunan.
Nasa tabihan niya si Malik. Madalas namimilog ang kaniyang mga mata. Kalbo at mabilog maging ang hugis ng kaniyang katawan. Kapag nakikinig na siya ng mga kwento ni Gideon, patungkol sa kaniyang karanasan, ay madalas na siyang mapanganga. Nakalapat ang dalawa niyang tuhod at dalawang palad sa lupa. Titig na titig siya kay Gideon, na tahimik na nakaupo, sa kanilang harapan. Dahan-dahang gumapang si Malik, papalapit kay Gideon. Nang imulat ni Gideon ang kaniyang mga mata, ay ang mukha ni Malik, ang una niyang nakita. Nakatayo na ito sa harapan niya at iisang pulgada lamang ang agwat ng kanilang mukha sa isa't isa.
"Ano na ang sumunod na nangyari, amo?" tanong ni Malik. "Napatay ka ba ng Heneral ng Hamporo?"
Matapos niyang sabihin ang isang walang kwentang katanungan, ay nakaramdam siya na parang may kung anong bagay ang tumama sa kaniyang likuran. Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa dalawa pang bata na kaniyang kasama. Hindi magagawa ni Florena, na saktan siya. Kaya nakasisiguro siyang ang nakatatanda niyang kapatid na si Redentor, ang bumato sa kaniya. Makapal ang kilay nito. Dungisin at mayabahong amoy. Mata niya'y kakulay ng nagbabagang bakal. At maaaring mong mapagbintangan na magnanakaw ng lupa, dahil sa labis na kadungisan.
"Wala ka talagang utak, Malik! Kung namatay sa laban na 'yun si amo, wala sana siya sa harapan natin ngayon!" wika ni Redentor.
Bigla na lamang kumilos si Malik, at lumapit sa kaniyang nakatatandang kapatid. Kaagad namang tumayo si Redentor, para tiyaking magagawa niyang protektahan ang kaniya sarili, laban sa kaniyang kapatid. Nakasara ang kanilang mga palad, at hindi maganda ang tinggin nila sa isa't isa. Nakatingala si Malik, dahil mas matangkad si Redentor sa kaniya.
"Naghahanap ka na naman ba ng away, taong lason?" tanong ni Malik.
"Masyado ka kasing madaldal! Kahit walang kwentang katanungan, itatanong mo, makapagsalita ka lang!"
"Mabantot ka pa rin!"
Hindi nila gusto ang isa't isa. Pero kung ano ang gusto ni Redentor ay gusto din ni Malik. At ang gusto ni Malik, ay gusto din ni Redentor. Kaya bago pa magkainitan nang husto ang magkapatid ay inawat na sila ni Gideon. Nang mamatay ang dalawang pares na mag-asawa niyang alipin, ay napagpasyahan niyang siya na ang mag-alaga sa tatlong bata. Bagama't mga alipin pa din ang kanilang estado sa lipunan, ay itinuturing sila ni Gideon, na parang mga tunay niyang anak.
"Magtatalo na lang ba kayo o makikinig sa kwento ko?" tanong ni Gideon.
"Syempre gusto ko pa ding makinig sa kwento mo, amo," sabay na sagot ng magkapatid. Pareho silang nakangiti. Pero kaagad din itong naglaho nang mapagtantong nagkapareho at nagkasabay sila ng sagot. Muli nilang tinitigan nang masama ang isa't isa.
"Mamaya ka sa akin!" bulong ni Malik.
"Maupo na kayong magkapatid," saad ni Gideon.
Sumunod naman ang magkapatid sa kanilang amo. Naupo si Malik, sa pagitan ni Redentor at Florena, at muling nakinig sa kwento ni Gideon.
Ang labanan ay hindi pa natatapos, dahil may nakatago pa akong baraha. Hindi ako tumatakbo para lang umiwas sa kamatayan. May binabalak akong tatapos sa buhay ni Thyke. Batay sa posisyon ng espada niya ay ang kaliwa kong leeg ang kaniyang pupuntiryahin. Iyon na ang pagkakataong aking hinihintay. Bago pa tuluyang makalapit ang matulis na bahagi ng kaniyang espada sa aking leeg ay itinapat ko dito ang kaliwa kong palad. Sinalubong ng kaliwa kong palad ang matulis na bahagi ng kaniyang espada. Nakaramdam ako ng matinding sakit nang tumagos sa aking palad, ang espada ni Thyke. Tiniis ko ito at itinuloy ang aking binabalak. Mas lalo ko pang pinalalim ang pagkakabaon ng kaniyang espada. Ginawa ko ito nang napakabilis. Kung dadahan-dahinin ko pa ito'y maaaring mawala pa sa akin ang maliit na tsansa para manalo. Nang marating ng aking palad, ang ibabang bahagi ng talim ng kaniyang espada'y, tiniyak kong hindi na niya ito maigagalaw pa. Pinipilit niya itong ikutin, para mas lumaki ang aking sugat. At bago pa ako maubusan ng lakas, ay kinuha ko mula sa aking tagiliran ang aking punyal. Ito ang ginamit ko para tapusin si Thyke. Nagawa pa niyang hawakan ang aking kamay nang akoy umatake. Subalit nagawa ko na itong ibaon sa ilalim ng kaniyang baba. Bumulwak ang dugo mula sa kaniyang bibig. At habang nakanganga ito'y nakikita ko sa loob ng kaniyang bibig ang talim ng aking punyal. Nang hugutin ko ito'y tuluyan na siyang bumagsak sa aking katawan. At nang ako'y tumagilid ay napahalik na siya sa lupa.
Nagawa kong manalo laban kay Thyke. Nangangahulugan itong bumagsak na naman sa aking mga kamay ang isang kaharian. Natigilan ang Hari ng Hamporo, sa kaniyang nasaksihan. Para itong rebulto kung pagmamasdan. Walang kibo at tila huminto na sa paghinga. Ang kaniyang mga kawal ay isa-isang napaluhod. Natulala at tila naubusan na ng lakas.
Isang malakas na sigawan naman ang aking narinig mula sa aking mga tauhan. Lahat sila'y nagbunyi sa aking pagkapanalo. Kinuha nila ang mga lubid na yari sa abaka, at isa-isang tinalian ang mga kawal ng Hamporo. Una ko namang dinampot ang espadang ginamit ni Thyke. At habang iginagapos ng aking mga tauhan ang mga kawal ng Wington, ay lumapit ako sa hari. Tila tinakasan na ito ng katinuan. Hindi ko masabi kung gusto ba niyang tumawa o kung gusto ba niyang umiyak, habang pinagmamasdan akong naglalakad papalapit sa kaniya. Ipinikit na lang ng mga kawal ng Hamporo, ang kanilang mga mata, at nagpaubaya sa mga susunod na mangyayari. Minadali ko ang pagtapos sa hari. Tiniyak kong walang kahit na anong tinig ng paghihirap na maririnig ang kaniyang mga kawal. At mula sa kulay pula niyang kapa ay pumunit ako ng kapirasong tela, para itali sa kaliwa kong palad. Kinuha ko din ang kaniyang korona, para dalhin pabalik ng Wington.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (87)

  • avatar
    Randy Garbida

    thank you🙏

    23d

      0
  • avatar
    Zean Belda

    Nice story

    24/07

      0
  • avatar
    Rey Batiancila

    very nice the stretch

    21/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด