logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 37 | pregnant

Ciara's pov
"SA AMIN MAPUPUNTA ANG REWARD NA 100,000! YES! WOOOH! YEAH! YUHOO!! 100,000 FOR ME! YEAH! YEAH! YEAH! WOOH!!" Masayang sigaw nito at nagtatatalon pa.
*Poink*
"Aray naman, ano ba?!"
"Manahimik ka, nakakahiya ka! Kita mong seryoso ang mga tao dito, tapos isisingit mo 'yang kaabnoyan mo!" Sermon sa kanya ni Jennifer at mabilis na humingi ng paumanhin.
"Haha it's okay! Don't worry, sa inyo mapupunta 'yon," saad nito na ikinalaki ng mga mata namin. Woah, hindi nga?
"Yes! Sabi sa'yo, eh! We deserve it!" Tuwang-tuwa na sambit ni Tyler.
"How are you? Kumusta ang naging buhay mo? Within 21 years, right?" Tanong nito sa malungkot na tono.
"I.. I want to see those people who stole and keep you away from me." Alam kong galit siya kay mommy at daddy na pekeng parents ko, pero napamahal rin ako sa kanila, kahit ganoon.
"You don't need to worry about them Mrs. Cortel, nasa kulungan na po sila." Ani Raiza at ngumiti ito.
"Thank you, Raiza. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa'yo, dahil dinala niyo ang anak ko sa akin."
"It's my pleasure to do it, Madame."
"Mawalang galang lang ho? Eh, hehe." Agad na sinamaan ni Jennifer ng tingin si Tyler nang magsalita na naman ito.
"May sasabihin lang ako!" Sabi nito.
"Eh, saan ho ba kami pwedeng tumuloy?" Nakangiting tanong ni Tyler.
Ngumiti si Mrs. Cortel.. I mean Mommy at tumingin sa amin isa isa.
_________
"Here, dito muna kayo mag-stay."
"Sweety, who are they?" Napalingon ako sa lalaking matikas ang katawan na naglalakad ngayon patungo sa direksyon namin.
May katandaan na ito, pero hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan niya.
"Sweety!" Patakbong yumakap si Mrs. Cortel- Argh! Mommy sa lalaki.
"G-guess what?" Nauutal na naman na sambit nito, habang pinipigilan ang pagpatak ng luha habang nakangiti.
"What is it?"
"She's back." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha nito na nagpakirot sa puso ko.
"Our daughter.. she's finally back." Nanlaki ang mga mata ng lalaki na halatang nagulat sa sinambit nito.
"Really? W-where is she?" Pareho silang tumingin sa direksyon namin, at dahan-dahang umalis ang mga kaibigan ko sa harapan ko upang tuluyan nila akong makita.
I'm the apple of the eye now.
"Ciara?" He asked, hindi ako makagalaw dahil sa kaba nang banggitin nito ang pangalan ko. It gaves me so much chill and a fulfilment na parang sa buong buhay kong nabuhay ay ngayon lang ako natuwa at naiyak na tinawag ang pangalan ko ng tunay kong ama.
N-ngayon ko lang siya na-meet, aaminin kong nakakatakot ang awra niya kaya ako kinakabahan. Ngunit agad iyong nawala nang maramdaman ko ang mainit nitong yakap sa akin.
"My princess." Naluluhang sambit nito, habang nakayakap sa akin matapos niyang tumakbo patungo sa puwesto ko. Saglit akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil hindi pa agad na-proseso iyun ng utak ko, pero nang maramdaman kong mas humigpit ang yakap nito at nabasa ang kwelyo ng damit ko, senyales na tumulo ang luha nito ay mabilis na gumalaw ang mga kamay ko papayakap pabalik sa kanya.
Ang saya sa pakiramdam ng totoong yakap mula sa totoo mong mga magulang, ramdam mo ang pagmamahal at pagkaulila nila ng napaka-habang panahon mula sa akin at ganoon din ako.
"Finally you're back, we've been searching for you, for so many years. But, sadly, we don't know where we can find you. I'm really greatful that you've back!" Namumugto ang mata nito. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya niyakap ko na lamang siya ng napaka-higpit, namiss ko rin sila ng sobra.
Hindi ko alam na nakulong pala ako sa mga pekeng tao. Paano nangyari 'yon?
"The people who keep you, they are my patients before and hindi na sila pwedeng magkaroon ng anak, hindi nila tanggap 'yun. Sinabi kong hindi na magagawan 'yun ng paraan, pero hindi sila naniwala at nagalit sila sa akin. In the first place hindi ko alam na sila ang gagawa no'n, dahil wala kaming kaide-ideya, not until someone reported to me na 'yung kumuha sa'yo ay sina Kylie at Azer De Mastrano."
"And I think, you are the one who reported that thing to me, namumukhaan kita. You're an agent, right? I'm really thankful to you. And also, I want to say thanks, sainyong lahat dahil inalagaan ninyo ang anak ko ng mabuti." Ngumiti naman sila Raiza sa sinabi nito.
"Paano? Aayusin muna namin ang mga papeles, then sa pilipinas na tayo titira." Baling nito sa akin habang kumikinang ang mga mata, bakas ang sobrang pagkatuwa.
"Pero kung gusto niyong mag-stay muna dito, sabihan niyo lang kami, ha?" Sambit ni daddy-
"Uhm. Sir, we want to stay here, if it's okay, mga one year po- Aray!" Reklamo ni Tyler nang pasimple siyang kurutin at panlakihan ng mata ni Jennifer.
Pft.
"Sure, kahit kailan niyo gusto. Just inform us, kung gusto niyo nang bumalik." Nakangiting pagpayag ni mommy.
"Yes! Oh, ano ha! Bleh!" Pang-aasar ni Tyler.
"Paano, maiwan muna namin kayo, maglibot muna kayo and ihahatid na lang kayo mamaya sa room niyo."
"A lot of thank you, Madame." Pagyuko ni Raiza at Altair.
"No problem. Enjoy!" Natutuwang sambit nila mommy at tuluyan nang umalis matapos na magpaalam sa akin at muling yumakap sa pangalawang pagkakataon. Ayaw pa akong bitawan ni mommy, pero kailangan nilang asikasuhin ang mga documents ko at ipahayag sa mga media na nasa labas na nahanap na nila ako. Kailangan din nilang magsampa pa ulit ng kaso sa mga peke kong magulang at kailangan nilang harap-harapang makausap ang mga ito upang mas maayos na maproseso ang kaso.
"WOW! GRABE, ARA! ANG SWERTE MO! ANG GANDA NG BAHAY MO!!" Si Jen habang namamangha sa mga nakikita.
"Nice place, huh." Saad ni Altair nang nakangiti, ngayon ko lang siya nakitang nakangiti, cute naman pala, walang malisya ah.
"Ano ba kayo, hindi ko bahay 'to!"
"Ah, excuse me. May pagkain po ba dito?" Napatingin kami kay Tyler na kausap na ang isang maid.
Walangya!
"Hoy! Anong pagkain? Mahiya ka nga! Halika dito!" Suway ni Raiza at hinila si Tyler sa tainga.
"Araaay! Aray! Araaay! Tama na! Masakit!" Sigaw ni Tyler.
"Eh, hindi nga tayo nakakain kanina eh!" Nakasimangot na reklamo ni Tyler.
"Kahit na, mahiya ka naman." Pangaral ni Raiza, napasimangot naman si Tyler.
"Ayan! Oh, ano! Tiklop ka kay Raiza, 'no! Haha, akala mo uubra katarantaduhan mo diyan." Pang-aasar ni Jennifer kay Tyler na inirapan lamang siya.
"Diretso lang po, and liko sa right side. Andon po ang kitchen." Nakangiting sagot ng maid at yumuko ng bahagya at umalis na. Sumilay naman sa labi ni Tyler ang ngiti.
"Saan ka pupunta?" Pagsusungit ni Raiza, napakamot naman si Tyler sa batok niya.
"Sa kitchen, kakain lang ako. Please?" Pagmamakaawa niya pft. Omg! Bagay sila! Hahaha.
"Psh!" Asik ni Raiza, at saka hinila si Tyler papunta atang kusina.
"Ara, nagugutom din ako."
"Edi magpasama ka kay Altair, maglilibot lang ako. Hindi naman ako nagugutom," sambit ko.
"What? Hell no! Hindi naman kami close niayn, no?!" Pag-iinarte niya. Aba!
"Psh, Arte." Rinig kong ani Altair, natawa naman ako nang manlaki ang mata ni Jennifer.
"W-what!? H-hoy! Anong sinabi mo?!" Habol ni Jennifer kay Altair nang talikuran siya nito.
Hay naku, napailing na lang ako bago tuluyang lumakad at libutin ang mansion.
Tyler's pov
"Hoy, kayo! Saglit lang tayo dito, ah?" Sambit ni ate.
"What? Ayoko nga, dito muna tayo."
"Yeah, also we need to relax. Mag-bonding, hindi 'yong puro problema," singit naman nung Altair.
"Hindi nga pwede!" Pagmamatigas ni ate.
Wengya naman! Ano bang problema niya?
"Bakit ba?! Ngayon nga lang tayo nakapunta dito eh! Edi sulitin na natin!" Pagrereklamo ko.
"Hindi nga pwede, ano ba! Kasi nga diba?" Pagpapahiwatig ni ate, habang nakatingin kay R-raiza- at ehem! Altair.
"Malabo naman siguro silang magkita." Ani Raiza.
"Yeah, and sakali mang makita natin siya, edi iiwas natin siya, para hindi tayo mabuking." Si Altair.
What the hell are they talking about? I can't Relate. Psh!
"Ano bang pinaguusapan ninyo?" Curious na tanong ko.
"Yeah, ano bang pinaguusapan niyo? Hindi ko kayo maintindihan." Pagsulpot ni Ciara.
"A-ah, ano wala naman hehe." Si ate.
Kumunot naman ang noo ko, hm--
*kring*
Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring ito.
Oh, si Axel tumatawag ulit. Ano na namang kailangan nito? Namiss niya ba agad ako dahil sa sinok kong stage 4? Haha!
"I'll just answer this call." Pag-excuse ko.
"Yo!" Bungad ko rito.
"Dude, let's meet up."
"Paano naman mangyayari 'yon, nasa pilipinas ako-"
"Don't fool me, Tyler Jeon. Alam kong nasa japan ka ngayon."
"Hahaha, stalker talaga kita! Paano mo naman nalaman?"
"Psh, on your social media, Idiot! Nag-post ka pa nga ng picture niyo nung babae na nakahood habang naka-side view, remember?"
Oh, si Ciara!
"Teka, nandito ka din ba sa Japan?"
"You're always out of your mind, makikipag-kita ba ako sa'yo kung ang layo ko?"
"Nagtatanong lang eh!" Singhal ko pero pinatayan na ako agad ng tawag. Kita mo, ang sama sama ng ugali.
"Guys, aalis lang ako ah. May kikitain lang ako." Paalam ko sa kanila.
"Chix mo na naman ba 'yan, Tyler Jeon?!" Tanong ni ate na nagpalaki ng mata ko, bago sulyapan si Raiza na nakatingin sa ibang direksyon.
"H-hindi 'no! Psh!" Singhal ko.
"Sandali, sasama kami! Para naman makapasyal din kami, 'no! Duh!"
Tae naman oh!
"Bilisan niyo na, hinihintay ako 'non!" Reklamo ko.
"Sana hindi ka hintayin at iwanan ka." Natatawang pagpaparinig ni Raiza at nauna nang maglakad palabas.
Wth!?
Ciara's pov
"Doon na ako ah?" Pagpapaalam ni Tyler at pumasok sa isang coffee shop.
May nakaharang na poster sa may window, kaya hindi ko nakita 'yung mukha 'nong lalaki na kasama na ngayon ni Tyler.
"Tara doon tayo!" Paghila sa akin ni Jennifer.
"Aray naman! Makahila wagas!" Pagrereklamo ko na tinawanan niya lang.
"Asan pala si Raiza?" Tanong ko nang mapansing wala si Raiza.
"Kasama ni Tyler, ah? Gusto daw magkape ni Raiza, kaya sumama siya do'n." Eh? bakit hindi ko napansin.
"Ay, sa susunod, bago tayo umalis dito. May pupuntahan tayo, para last bonding and memory." Masayang sambit ni Espren.
"Saan naman 'yan?"
"Basta para siyang resort!" Sambit nito at tuluyan na kaming naglakad.
After one year . .
@Philippines 11:15
"Habulin mo ako! HAHAHHAHAHHAHA!" Malakas na tawa ni Tyler, habang nagpapahabol kay Raiza.
"Hoy! Kayo ngang dalawang lovers diyan! Tumigil kayo! Ang s-sweet niyo! Mamatay din naman kayo!" Sigaw ko sa dalawang maharot na naghahabulan sa sala ko pero para atang mga wala narinig.
"Pumunta ba talaga kayo dito para dalawin ako o magharutan lang sa harap ko?!" Tanong ko, pero parang wala talaga akong kausap.
It's been 1 year simula nang makabalik kami dito sa pilipinas. Sa loob ng isang taon na 'yon, maraming nangyaring hindi kapani-paniwala.
Isa na dun ang nakilala ko na ang totoong mga parents ko. Nagka-developan ang dalawang gunggong na si Tyler at Raiza.
Hindi ba kayo naniniwala na 'yang dalawa ang nagkatuluyan? Well, pareho tayo, ang hirap mang paniwalaan na silang dalawa ngayon, pero 'yun ang totoo.
Ayan nga, oh? Naghaharutan sa harap ko pa! Mga walang respeto eh!
Sa loob ng isang taon na rin na 'yun. Hindi ko na rin naramdaman ang anino ni Axel. Akala ko ba liligawan niya ako? Akala ko ba pupuntahan niya ako dito sa pilipinas?! Oh, ano na? Isang taon nang nakalipas wala pa rin!
Tss, mga lalaki talaga! Ang galing galing magpakilig sa una, tapos kapag nahulog na kami sa bitag nila, bigla na lang hindi sila magpaparamdam? Aba!
Akala ko siya na-- tss. Magdadalawang taon na ring patay si Tyron.
Huminga ako nang malalim.
"Sana hindi na lang siya namatay, sana noong mga oras na bumabawi siya sa akin, hindi na ako nagpanggap pa." Malungkot na sabi ko at ininom ang tubig sa baso.
"ESPRRREEEEEENNNN!!!!" Muntikan ko nang maibuga 'yung iniinom kong tubig, dahil sa gulat nang marinig ko ang nakakabinging sigaw ni espren.
Wth? Ano bang problema nito? Pati 'yung dalawang maharot sa harap ko nagsitigil din sa ginagawa nila.
"Ano ba?!" Sigaw ko dito.
"Oh, chill!" Sabi nito.
Hinagis niya sa akin ang isang karton na nakabalot pa.
"Birthday ko ba?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi, pero suotin mo 'yan!" Sabi niya, kumunot naman ang noo ko.
"Buksan mo na!" Sabi niya pa.
Nakita ko namang inakbayan ni Tyler si Raiza na nakangiti sa akin ngayon. Kaya naman mabilis kong sinira ang balot at binuksan ito. Nang makita ko ang laman ay agad na kumunot ang noo ko.
Isang puting mahabang-
"Gown?!" Gulat na tanong ko.
"Aanhin ko 'to? Sinong ikakasal?!" Tanong ko.
Tinitigan kong mabuti ang gown na 'yun, kasi mukhang pamilyar ang itsura niya eh. Parang nakita ko na siya somewhere?
San nga ba- aha! Doon sa boutique kung saan kasama ko si Jennifer at Tyron noon. Pero agad akong natigilan nang may maalala ako.
"Huwag kang mag-alala, masusuot mo rin 'yan."
Naalala ko pa ang mga linyang sinabi niya nu'n nung nakita namin 'to, dahilan para mapangisi ako ng mapait.
Tama ka, masusuot ko nga 'to, pero hindi mo naman masisilayan.
Ngumiti sa akin silang tatlo at nakita kong hinahaplos ni Raiza ang tiyan niya. Manlaki ang mga ako nang may pumasok sa isip ko.
"Omg?"
"D-dont tell me.." nanlalaking mata na duro ko sa tiyan na. What the..
"Yes, Ciara. I'm pregnant!" Nakangiting sabi ni Raiza.
"And we're getting married!" Masayang sabi ni Tyler at saka sila naghawak kamay at pinakita sa akin ang pareho nilang daliri na may suot-suot na singsing.
What? Bakit hindi ko napansin 'yun?? Kailan pa? Nag-propose siya kay Raiza nang hindi ko alam? Pero kahit ganoon ay emotional akong napatakip sa bibig ko.
"O-omayghad! C-congrats!" Naiiyak na sabi ko at agad na tumayo para yakapin silang pareho. I'm so proud.. hindi ko alam na may mas ibobongga pa pala 'yung gulat na ibibigay nila sa akin. Yung maging sila pa lang ay gulat na gulat na ako, tapos biglang may proposal na pa lang naganap? Tapos ngayon ay ikakasal na sila dahil pregnant na si Raiza? Gosh, just like how fast the night changes. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito.
"Thank you!"
"Pft, don't cry!" Suway niya sa akin.
"P-paano nangyari?" Tanong ko.
Nagkatinginan sila at ngumiti sa isa't isa.
"Nung araw na nagce-elebrate tayo sa Japan, remember? We're both drunk that time at alam mo na, may himalang nangyari HAHAHA!" Natatawang kuwento ni Raiza.
Napatango naman ako nang maalala ko 'yun, sumayaw pa nga si Tyler ng sexy dance no'n eh HAHAHAHA! Omg talaga!
"Well, hindi mo pa kasi masiyadong kilala ang baliw kong kapatid espren." Sabi ni Jennifer. Ngumiti naman ako at binatukan si Tyler.
"Aray naman! Ganyan ba ang pag-congrats mo sa akin, atciara?!" Nakangusong tanong nito.
"HAHAHHAHHAH! Congrats sainyo!" Sabi ko at niyakap ko silang dalawa muli. Grabe, naiiyak ako. I didn't saw this coming.
"Pasali!" Sabi ni Jennifer at nagroup-hug kami.
"Can I join?" Napatingin kaming lahat sa likuran, si Altair pala.
"Bakit andito ka?!" Jennifer.
"Woah! Relax!" Natatawang sabi ni Altair.
"GROUP HUG!" Sigaw ko, nagyakap naman kaming lahat.
"So, paano 'yan? Una na kami? Mag-aayos pa kami ng luvs ko." Paalam nila Tyler.
"Kitakits na lang sa simbahan mamaya!!" Paalam ni Raiza.
"Osige na, para makapag-ayos na rin kami! Nakakainis sinong partner ko?!" Inis na tanong ko, kasi sa aming lahat, ako lang ang walang partner.
"Dont worry! Meron kang partner!" Natatawang sabi ni Raiza, kumunot naman ang noo ko.
"At sino naman?!" Taas kilay na tanong ko.
"Surprise!" Sabi ni Tyler at tinapik pa ako sa balikat.
"Una na kami! Bye!" Pagpapaalam nila.
"Una na rin ako, mag-aayos pa ako eh." Paalam din ni Altair, pero bago siya umalis, kumunot muna ang noo ko sa ginawa niya.
Kinindatan niya si Jennifer!
Napatingin ako kay espren, At nakngtokwa! Namumula! HAHAHAHAHAHA!
Hmm? I smell something chooooosyyyyy!!
Choosy, kasi masiyadong pakipot pa 'tong si espren! Halata naman na eh! Choosy pa!
"Hays!" Buntong hininga niya at kumunot pa ang noo ko nang pumalakpak ito at agad na may pumasok na dalawang bakla mula sa pinto.
"Kayo nang bahala sa kanya, mga mamsh!" Sabi ni espren at aktong aalis na nang-
"Hoy! Sandali! Ano to?!" Takhang tanong ko, saan galing ang mga 'to?!
"Sila ang mag-aayos sa'yo," sagot niya.
"Huh?" Takang tanong ko.
"Hay naku, Ara! Don't me! Alam kong hindi ka marunong mag-ayos ng sarili mo! Kaya go lang! Babalikan kita mamaya dito, alright? Osige! Bye! Pagbutihin niyo, ha? Dapat bongga ang itsura ng espren ko!" Sabi niya at saka walang lingon lingon na binirahan ako ng alis.
Nginitian ko naman ang dalawang bakla na nasa harap ko.
"Tara na po. Basta, huwag niyo lang aahitin ang kilay ko, ha?" Nakangiting pagpapaalala ko sa kanila at pumunta na sa harap ng salamin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด