logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 24 | de mastrano

Ciara's pov
Takha kong tinignan si Hannah at Tyron nang matiim itong nagkatinginan.
'Pero may gusto akong malaman, bakit kilala ni Hannah ang taong nagtangka sa buhay ko?'
"Sino siya, Hannah?" Tanong ko, dahilan upang mabaling ang tingin nito sa akin. Bahagya pa siyang lumunok at para bang nag-aalinlangan kung sasagutin ba ang tanong ko o hindi.
Sana lang ay mali ang iniisip ko sa'yo, Hannah. Ayokong isipin na kasabwat ka sa nangyayaring 'to. Hindi ko matatanggap kung sakali mang totoo ang hinihinala ko.
"Kapatid ko siya, ang kuya ko," sagot nito. Nagulat pa ako nang bigla na lang itong lumuhod sa harapan ko at hawakan ang kamay ko. Umawang ang labi ko nang mag-umpisang tumulo ang mga luha niya.
"I-I'm sorry, Ciara. Sorry! Hindi ko alam na gagawin sa'yo ni Kuya ang bagay na 'yon. I'm sorry, patawarin mo ako." Umiiyak na saad niya, dahilan para madurog ang puso ko at hindi maiwasang may pumatak na luha sa pisngi ko.
'I'm a soft-hearted person, kaya madali akong mahawa sa nararamdaman ng isang tao.
Marahan kong iangat ko ang mukha ni Hannah at nginitian ito, habang pinupunasan ang mga luha niya.
'Thanks God at hindi kasabwat ang kaibigan ko.'
"I'm really sorry. Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Kuya sa'yo. I'm really sorry." Patuloy na paghingi niya ng tawad, halatang hindi alam ang gagawin at mukhang siya ang nahihiya ngayon sa amin nang dahil sa ginawa ng Kuya niya.
Ngayon ko lang rin nalaman, na may Kuya pala siya, pero anong kailangan sa akin ng Kuya niya? Bakit ginawa niya sakin 'yun? Anong kasalanan ko sa kanya? Siya ba ang humihiganti para kay Hannah, dahil nagawa kong sirain ang relasyon nila ni Tyron noon?
Hindi ko magawang iwasang mag-overthink, dahil iyun lang naman ang nakikita kong dahilan kung bakit sa akin 'yun ginawa ng Kuya niya. Iyun lang naman ang koneksyon ko sa kanila, ako ang may kasalanan kung bakit nasira sila noon ni Tyron.
"Shh, wala kang kasalanan, okay? Wala kang kasalanan dito." Pagpapatahan ko sa kay Hannah nang patuloy pa rin itong humihikbi.
"No, it's not fine. Hindi ako makapapayag, Ciara. Sobrang laki ng kasalanan na ginawa sa'yo ni kuya, at tutol ako do'n! In this case, I could help you. May mga sinabi sa akin si Kuya, na sa tingin ko ay may kinalaman dito," sambit niya at mabilis na pinunasan ang luha. Mas lalo naman akong nagtaka.
Ibig sabihin ay matagal na talagang plano na patumbahin ako?
"Tulad ng ano?" Tanong nila Jennifer.
"Bukas, kailangan may isa sa inyong pumunta sa San Roque." 
"San roque?!" Parehong sigaw ni Tyron at Raiza, dahilan para mapunta sa kanila ang atensyon naming lahat.
Bakit? Anong problema?'
"Oo," sagot ni Hannah.
"Bakit? Bakit doon?" Tanong ni Raiza.
"Bakit kailangan doon pa?" Kunot noong tanong ni Tyron.
"Dahil doon ang sinabi ni Kuya sa akin nung nakaraan. Meron daw kasing gustong makipag-kita sa akin, hindi ko alam kung sino at para saan. Pero sa tingin ko, malinaw na sa akin ang lahat. Alam ni Kuya na close na ako sayo, Cia. At sa tingin ko ay mayroon silang bagong pagpaplanuhan at mukhang gagamitin nila ako laban sa'yo," sagot niya.
Gagamitin siya laban sa akin? B-bakit? Para saan? Naguguluhan ako lalo! Ano bang ginawa kong kasalanan?!
"At natatakot ako sa kung ano mang maaaring mangyari. Kaya kung gusto niyong malaman kung sino at kung anong susunod nilang plano, kailangan ay may isa sa inyong pumunta bukas para marinig ang magiging usapan nila," paliwanag niya.
"Isa pa ay ang sabi sa akin ni Kuya, may patutumbahin raw sila. Doon sila sa San Roque magtitipon, bago nila isagawa 'yung plano nila. At kung hindi ako nagkakamali ay mukhang alam ko na kung sino ang makikipagkita sa akin bukas," sambit niya na ikinatalim ng mata niya, habang nasa malayo ang tingin.
"Sino naman?" Kinakabahang tanong ko.
May patutumbahin sila.. hindi malabong ako 'yun, dahil hindi naman magpapakita sa akin 'yung babae kanina at pagtatangkaan ang buhay ko kung hindi ako ang puntirya nila.
"Pakiramdam ko ay iyung babae rin kanina," sagot niya.
"Pero teka, bakit isa lang ang kailangan pumunta bukas?" Takhang tanong ni Jennifer.
"Hindi pwedeng marami dahil baka mahuli kayo at mahirapan kayong makatakas. Isa lang ang kailangan para malaman kung anong susunod nilang plano, hindi ko rin kasi alam kung matutulungan ko kayo kapag nandoon ako. Lahat sila ay pupunta roon, kaya medyo delikado kung marami ang pupunta." Napatango kaming lahat.
"Malakas ang kutob ko na 'yung babae kanina na nanggulo dito ang gustong makipag-kita sa akin. Si Shaira soriano, 'yung sinabi ni Raiza kanina," sabi nito.
"I'm really sorry, Cia. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at kung ano talaga ang dahilan kung bakit ka nila pinupuntirya. Pero pinapangako ko sa iyo, ano man ang sabihin nila sa akin, kahit gawin pa nila akong pain para sayo. Huwag lang mag-alala, dahil gagawin ko ang lahat, huwag ka lang nilang masaktan. Huwag kang matakot, okay? Andito ako, hindi kita pababayaan." Mahigpit ang pagkakakapit ni Hannah sa kamay ko at kitang-kita ko ang pag-aalala sa nga mata niya. Nanginginig naman ang kamay kong hinawakan rin ang kamay niya.
"Ako na lang ang pupunta bukas," pagp-prisinta ni Raiza.
"No. Leave it to me. Sa akin siya may kailangan, kaya ako na lang ang pupunta. Kailangan kong malaman mismo kung ano ba talaga ang pinaplano na at kung anong kailangan nila sa akin," sambit ko.
"Sasamahan kita, Ciara." Saad ni Tyron.
"Hindi pwedeng marami ang pumunta, siguro ay ako na lang ang sasama kay Ciara, tutal do'n din naman ako pupunta. Bantay ako sa kilos nila, sakali mang si Shaira nga ang gustong makipag-kita sa'kin." Sambit naman ni Hannah.
"Sige na, magkita na lang tayo bukas, Ciara. Kailangan ko nang umuwi. Gabi na rin, baka magulpi pa ako ni Kuya." Paalam nito.
"Mag-iingat ka," saad ko at niyakap siya. Nang tuluyan na siyang makaalis ay bumagsak ang balikat ko.
'Bakit ba hindi natatapos ang problema ko.'
"Ara, espren. Hindi ako papayag na mag-isa ka lang na pumunta do'n, hindi tayo nakakasiguro sa kaligtasan mo, kaya susunod kami." Nag-aalalang saad ni espren. Napatango naman ako at pinigilang umiyak.
'Napaka swerte ko, dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan na tulad nila.'
"Mauuna na rin ako, mukhang naka-uwi na kasi sila mommy. Basta espren, 'wag mong masyadong isipin ang mga nangyari ngayon, ha? Magpahinga ka, alam kong pagod ka ngayon. Happy birthday ulit." Nakangiting saad nito at niyakap ako.
"Ako din, Ciara. Mauuna na, maligayang kaarawan ulit sa'yo. At saka, tama si Jennifer, kalma ka lang. Huwag kang masiyadong mag-isip, makakasama sa'yo." Saad ni Raiza, napatango naman ako.
"Ako nang bahala, kapag may napansin akong kakaiba bukas." Pahabol pa ni Raiza, ngumiti naman ako.
"Salamat, mag-iingat kayo." Paalam ko sa kanila.
Naramdaman ko namang hinawakan ni Tyron ang balikat ko at hindi ko inaasahang hihilain ako nito papalapit sa kanya upang ikulong sa mga bisig niya.
"Naririnig mo ba?" Tanong nito sa akin, dahilan para magtakha ako sa sinasabi niya.
"Ang alin?" Tanong ko, habang nakayakap pa rin ito sa akin.
"Ang bilis ng tibok ng puso ko," sagot nito, at hinawakan ako sa mukha para pakatitigan ako sa mata.
"Nag-aalala ako sa'yo. Tama sila, hindi natin alam kung may kapahamakan ang naghihintay sa'yo sa lugar na 'yon. Hindi ako makapapayag na masaktan ka pa ulit. Sa ngayon, gusto kong ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari bukas ay walang mangyayaring masama sa'yo." Saad nito, habang seryosong nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Muli ko na lang naramdaman ang mainit na yakap nito, gusto kong umiyak pero pinigilan ko itong bumagsak.
'Hindi ko siya maintindihan, bakit ganito ang inaakto niya.'
"Bakit ba ganito ka sa'kin? Sino ka ba talaga? Bakit kung umakto ka ay parang.. m-magkasintahan tayo." Naiilang na tanong ko sa kanya, hindi ko pwedeng makalimutan na umaktong nakalimot sa harap niya.
"Hindi na mahalaga kung sino ako. Makalimutan mo man ang lahat, pero hindi ako mapapagod na ipaalala at iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal. Hindi ko na hahayaan pang may mangyaring masama sa'yo. Naiintindihan mo?" Sambit niya habang hawak-hawak ang mukha ko.
Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa sinabi niya.
'Paano mo mapapaalalang mahal mo ako, kung kahit minsan ay hindi mo 'yon nagawang iparamdam noon.'
"Minahal mo ba talaga ako?" Diretsong tanong ko sa kanya,  habang seryosong nakatingin sa mga mata niya.
'Hindi ko maintindihan ang tingin niya, masyadong magulo. Halo-halong emosyon ang mga nakikita ko.'
"Oo, minahal kita. H-hindi ko nga lang nagawang ipadama." Pilit itong ngumiti sa'kin.
"Bakit naman hindi mo naparamdam sa'kin? Ah, siguro ldr tayo noon, 'no?" Kunyaring pagtawa ko, pero umiling lang siya.
"Pero noon ba, minsan mo na sa'kin nasabing mahal mo 'ko?" Tanong ko, pero hindi niya ako sinagot. Bagkus, tinitigan lang ako nito sa mata, tila ba'y nagtatanong.
'Nagtatakha na siguro siya kung bakit ko nagagawang itanong ang mga 'yon.'
"Pasensya na, gusto ko lang malaman ang mga kasagutan. P-prankahin na kita ha? Sa totoo lang kasi, naiilang ako sa'yo. Hindi ko gusto ang mga kinikilos mo, hindi kasi ako sanay. Pakiramdam ko, hindi ko pa naranasan ang mga inaakto mo ngayon kaya siguro natanong ko ang mga bagay na 'yon sa'yo. Pasensya na ulit. Masyado lang sigurong malakas ang impact ng pagkakabangga sa'kin noon, kaya marami akong hindi maalala."
"Sa ngayon siguro ay lumayo-layo ka muna sa'kin. Bigyan mo muna ako ng panahon para alalahanin ang lahat. Hayaan mo, kapag naalala ko na kung sino ka, at kung paano mo ako minahal noon, ako na mismo ang lalapit sa'yo para yakapin ka. Pero ngayong wala pa akong naalala. Siguro ay h'wag ka munang umakto na parang may namamagitan sa'ting dalawa, dahil sa totoo lang, hindi ako natutuwa. Tigilan mo na rin ang kasasabi na asawa kita, dahil kung totoo 'yon, bakit wala akong nakikita na singsing sa daliri nating dalawa, palatandaan na asawa nga kita. Sige na, papasok na ako. Umuwi kana rin sainyo, lumalalim na ang gabi, mag-iingat ka." Saad ko at tinalikuran ito.
"C-ciara.." saglit akong napahinto sa paglalakad nang tawagin ako nito, agad naman akong humarap at ngumiti sa kanya.
"Ah, oo nga pala. Salamat sa pagsama sa akin kanina. Salamat sa tulong mo." Nakangiting saad ko dito at bahagyang lumapit sa kanya, para punasan ang mga luhang pumatak sa mukha niya.
"Huwag ka nang umiyak, maalala ko rin ang lahat. Sige na, goodnight." Muling paalam ko at akmang tatalikod na nang higitin nito ang baywang ko.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang mainit nitong labi na lumapat sa labi ko.
"I'm sorry, I love you." Bulong nito sa'kin matapos akong halikan sa labi.
"Sana kapag pwede mo na akong mapatawad, pwede pa," makahulugang sad nito at muli akong niyakap, dahilan para kumunot ang noo ko.
Anong pinalalabas niya? What does he mean, pwede pa? Nagpapaalam ba siya nang walang kasiguraduhan?
"Goodnight," huling sambit niya at hinalikan ako sa noo, bago tuluyang maglakad papalayo.
Naramdaman ko na lang ang pag-patak ng mga luha ko, dahil sa tanang ng buhay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang tratong hinahanap-hanap ko sa kanya noon.
Bakit kasi ngayon lang, Tyron? Bakit ngayon pang hindi na ikaw?
"Anak," rinig kong tawag ni mommy mula sa likuran ko, hindi na ako nagdalawang isip pa at agad sa kanyang tumakbo upang yumakap.
"M-mommy.." 
"Shh, tahan na. Tama lang ang naging desisyon mo anak." Pagpapatahan nito.
"Why am I so damn fragile when it comes to him?" Umiiyak na tanong ko.
"Ganyan talaga, anak. Kung magmamahal ka ay kailangan mong masaktan. You can't call it love, if there's no such pain and struggles. Sa bawat yugto ng buhay kailangan muna natin madapa sa sarili nating kamalian, para bumangon ulit at lumaban. Kaya, huwag kang matatakot na panindigan kung ano man ang naging desisyon mo ngayon, dahil panigurado naman akong may magandang patutunguhan 'yan." Saad ni mommy, dahilan para magtaka ako.
'B-bakit parang alam niya na nagpapanggap lang ako?'
"Walang matatago ang anak na sikreto sa magulang, Ciara. Sige na, magpahinga kana. I know you're tired." Sambit ni mommy at muli akong niyakap.
"Y-you know that I'm just pretending?" Tanong ko, pero nginitian lang ako nito at pinunasan ang luha ko.
"Pumasok ka na," nakangiting saad nito, napatango nalang ako at umakyat na sa kwarto, dumiretso ako ng banyo para linisin ang katawan ko.
'Dapat ba akong maguilty sa ginawa kong pag-pranka kay Tyron kanina?'
Nakita ko 'yong mukha niya, alam kong nasaktan ko siya dahil sa mga sinabi ko.
"Hindi dapat ako maawa sa kanya, kulang pa 'yon para makaganti sa kanya." Saad ko.
Lumabas na ako ng banyo, matapos kong linisin at bihisan ang sarili ko. Muli kong kinuha ang papel sa lamesa ko at tinitigan ito.
"BE READY, MY DEAR! YOUR DEATH IS COMING"
"Tsk!" Asik ko at gigil itong pinunit ng pira-piraso.
Tumayo ako, upang hanapin ang lighter or matches ko. Dapat sa basura na 'to ay sinusunog.
Naisipan kong pumunta sa kwarto nila mommy upang manghiram ng kahit anong pansindi, dahil wala akong makita sa kwarto ko.
"Daddy? Mommy?" Pag-tawag ko habang kumakatok, pero walang sumasagot. Wala atang tao, kaya binuksan ko nalang ang pinto.
Agad akong lumapit sa kabinet, nang makapasok ako sa kwarto nila at naghanap ng lighter.
Pero, wala rin akong makita, kaya dapat ay isasara ko na, pero may napansin ako sa ilalim na mga papel at card.
'What are these?'
Tinignan ko ito isa-isa hanggang sa makita ko 'yung dalawang Id card, pero walang mukha.
"Azer De Mastrano." Pagbabasa ko sa pangalan.
"Kylie De Mastrano?" Napakunot naman ang noo ko.
'Sino ang mga 'to?'
Bakit parang pamilyar ang mga pangalan nila?
'De mastrano...De mastrano...De mastrano...'
"I think, narinig ko na 'to somewhere." 
Tinignan ko naman ang ibang mga papeles, nakita ko 'yong picture ni mommy na may pangalan.
"Kylie De Mastrano ang pangalan ni mommy? Paanong nangyari 'yon? Aish! Ang gulo!" Saad ko at ibinalik na lang ulit 'yon.
Tumayo na ako at bumalik na sa kwarto ko.
'Sino ba talaga si Mom and Dad? Bakit De Mastrano ang apelyido nila do'n at hindi Hilvano?'

หนังสือแสดงความคิดเห็น (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด