logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 11 | Hannah's parent

Ciara's pov
Nasa park kami ngayon ni Hannah at kumakain ng mga street foods, nasa park kami na katabi lang ng seaside. Hindi ko nga alam na may ganito pa lang lugar dito, ngayon lang din kasi ako nakalabas nang hindi hospital ang pupuntahan. Hindi niya rin muna ino-open ang topic tungkol sa amin ni Tyron dahil gusto niya daw na mag-unwind muna ang utak ko.
"Alam mo bang ito 'yung madalas na gawin ko kapag mag-isa lang ako?" Sambit ni Hannah, sa ngayon ay nakaupo kami sa malalaking bato, nakamasid sa karagatan, nilalanghap ang sariwang hangin habang pinanonood ang bawat paghampas ng maliliit na alon.
This is so calming.. and welcoming.
Ang sarap sa pakiramdam na panoorin ang bawat paghampas ng tubig sa karagatan. Nagugustuhan ko na rin ang tunog na binubuo nito, nakakagaan ng damdamin.
"Sa tuwing may problema ako at gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko, dito ako pumupunta, hinahayaan na agusin ng dagat ang lahat ng sama na ng loob ko," pagkukwento niya, dahilan para malingon ko siya. Lumamlam ang tingin ko sa kanya at bahagyang napabuntong-hininga.
I wonder, isa rin kaya ako sa mga naging problema ni Hannah? Malamang ay oo. Siguro ay nandito rin siya noong mga panahong kinuha ko 'yung taong pinakamamahal niya.
Saglit akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Heto na naman tayo. Nabubuhay na naman ako ng puro pagsisisi na lang kahit pinaparamdam sa akin ng taong katabi ko ngayon na wala akong kasalanan at hindi ako dapat makaramdam ng ganito.
Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Hannah kaya tinignan ko rin siya. She's now smiling at me. Bahagya pa akong nagulat nang hawakan niya ang kamay ko.
"Life must have been tough for you," her gaze was so soft that it gaves me so much comfort. Comfort that I didn't know I've been longing for.
"But I want you to know that I'm so proud of you for not giving up in your lowest. Thank you for being brave, Ciara. You may not know this but you did it. You made it. You fought well and you did a great job fighting for your life through your hardest times. You're a brave warrior, Ciara, because you're still here, fighting for everything. And I'm so thankful for that. Pease, keep going, I know you're almost at the end and something's great are waiting for you. So please, survive from this cruel world, I know you can make it. You can do this."
A tear suddenly escaped from my eyes as I heard those unexpected words from her. My chest went light as I feel the fast fulfilment in my heart that seemed so full right now as soon as her words took all over my system. It sends me a lot of comfort.
Hannah was staring at me calmly, sincerity and truthfulness were so visible in her eyes.
"Thank you.." I can't help but to shed in tears when she pulled me for a hug.
"Huwag ka nang malungkot, okay? I'm here. Andito na ako, dadamayan kita." She gave me a welcoming smile na mas lalong nagpagaan sa nararamdaman ko.
I felt so happy right now. I'm crying not because of the pain again, I'm crying dahil sa wakas ay naramdaman ko na ang tunay na saya na matagal ko nang gustong maranasan at hindi ko alam na ang taong makakapagbigay sa akin ng pagkakataong sumaya ay walang iba kung hindi siya.
Hannah.
We stayed up like that for only God knows how long. Leaning to each other's head while watching the mesmerizing view. It's so beautiful.
The sea was so beautiful, it gaves me so much calm that I just wanted to stay here forever and never come back to the darkness again.
I sighed as I roam my eyes around and watched those kids who's genuinely laughing while playing with their parents. Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko.
Siguro wala silang problema na dinadala kapag ganyang edad, 'no? Ano kayang pakiramdam no'n? Kahit kasi ganyang edad ko, hindi ko rin naranasan ang maglaro at magsaya. Parating pag-aaral at pakikipag-kilala sa mga taong hindi ko kilala ang naranasan ko noon.
"Ano kayang pakiramdam na kasama nila ang magulang, 'no?" Tanong ko, napangiti naman si Hannah nang makita niya rin ang mga batang naglalaro sa paligid.
"Hindi ko rin alam," pilit ang mga ngiting isinukli niya sa akin.
"Bakit naman?" Nagtatakha ko siyang nilingon.
"Patay na kasi sila," sagot nito na sobrang ikinabigla ko. Hindi ko alam..
"Pasensya na, hindi ko alam." Paghingi ko ng tawad.
"Ayos lang, matagal na 'yun! Ikaw? Asan ang mga magulang mo?" Tanong niya na agad akong sinuklian ng ngiti.
"Buhay pa sila, pero pakiramdam ko, wala na akong magulang, hahahaha wala e, galit silang lahat sa akin" Napaayos naman siya ng upo nang sabihin ko 'yun. Hindi ko rin alam kung bakit hindi na ako nakaramdam ng lungkot nang bitawan ko ang mga salitang 'yun. Siguro kasi 'yun na rin ang nakasanayan ko, ang malayo ang loob ko sa kanila habang patagal nang patagal dahil never naman silang nag-stay sa tabi ko sa kahit anong ganap sa buhay ko.
"Ano? Bakit naman?" Gulat na tanong nito, parang siya pa 'yung nagagalit sa magulang ko na maling nagalit sila sa akin. Bahagya akong natawa nang hindi ko rin alam ang isasagot sa tanong niya.
Ewan, bakit nga ba sila galit sa akin? Ang alam ko lang, isang araw paggising ko, wala na akong magulang na matatakbuhan.
"Hehe. Hindi ko rin alam, eh. Mga ilang buwan na rin siguro kaming magkasama ni Tyron noon. Tapos, nagulat na lang ako, pinatawag ako ni Daddy sa office niya, galit na galit sila sa akin, kesyo bakit daw napaka-iresponsable kong tao? May asawa na ako't lahat pero nagagawa ko pang umalis ng bahay palagi para lang pumunta sa kung saan saan. Sibubukan ko namang ipaliwanag 'yung side ko. Pero wala eh, hindi sila naniwala," pagkukwento ko habang pinapanood sa isip ko ang lahat nang ala-alang iyun. Simula noon ay wala na rin akong natanggap mula sa kanila, kahit manlang siguro kamustahin nila ako ay hindi nila nagawa.
Ewan ko ba kung saan nila 'yun nakuha. Oo, totoong madalas nga akong wala sa bahay ko noon, pero hindi ko naman alam na umaalis ako ng bahay dahil nagigising na lang rin ako kinaumagahan na nakahiga sa kama ng hospital habang may mga apparatus na nakakabit sa katawan ko.
Matagal kong itinago ang tungkol doon sa kanila, mas lalo na kay Tyron. Dahil bukod sa ayokong maging problema na naman nila ako, ay ayoko ring kaawan nila ako nang dahil lang do'n. Noong una ay kaya ako na h-hospital dahil madalas akong mawalan ng malay, nakasanayan ko na rin naman 'yun. Hindi ko nga lang inaasahan na may sakit na pala akong dinadala.
"Ni hindi ko nga alam kung saan nila nakuha 'yung mga ibinibintang nila sa akin." Natatawang saad ko.
"Grabe naman 'yang mga magulang mo. Parang mga wala na silang pakialam sa'yo." Ramdam ko ang inis sa boses niya. Alam kong may itatanong pa siya tungkol sa akin pero ayoko munang pag-usapan ang tungkol roon kaya naman nilihis ko na lang ang usapan.
"Ayos lang ba kung nagtanong ako?" Nag-aalangan kong tanong.
"Oo naman, kahit ano." Ilang segundo pa muna akong nanahimik bago tuluyang itanong ang tanong ko.
"Paano.. nawala ang ang mga magulang mo?" Tanong ko, hindi ko alam kung tama ba na itanong ko 'yun, pero halatang natigilan siya nang sabihin ko 'yun. Ilang segundo rin siyang hindi sumagot pero maya-maya lang ay nginitian niya ako.
"Gusto mong malaman?" Tanong niya na dahan-dahan ko namang ikinatango. Nagtakha pa ako nang tumayo siya at ilahad sa harapan ko ang kamay niya.
"Hali ka, sumama ka sa akin."
"Ha? Saan tayo pupunta?"
"Ituturo ko sa'yo kung saan namatay ang mga magulang ko, saka ko ikukwento kung anong nangyari." Ngumiti muli siya at halata namang hindi pilit 'yun kaya mukhang ayos lang din sa kanya na pag-usapan ang tungkol doon, kaya naman tumayo na rin ako at hinawakan ang kamay niya.
Nagpatianod na lang ako sa paghila niya sa akin patungong sasakyan niya at mabilis iyung pinaandar. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Napansin ko na habang palayo kami nang palayo sa pinanggalingan namin ay nababakas ko ang takot at lungkot sa mga mata niya.
"Hannah, okay lang naman sa akin kung huwag mo nang sabihin sa akin. Bumalik na lang tayo kung h-hindi mo kaya." Nag-aalala na sambit ko dahil halatang-halata sa mga mata niya ang lungkot. Nang lumingon siya sa akin ay doon ko pa mas nakita at naging malinaw sa akin kung gaano kalungkot ang mga mata niya.
It tells a lot of tragic stories..
"Hindi ayos lang, kaya ko 'to. Gusto ko rin namang balikan 'yung lugar na 'yun," sambit niya at nakangiting bumuntong hininga kahit halata namang pinalalakas niya lang ang loob niya.
"Hannah, balik—" napatingin ako sa kamay ko nang hawakan niya 'yun.
"Stay beside me, please? Kahit ngayon lang. Gusto ko talagang puntahan." Pakiusap niya, gusto kong tumanggi dahil halata sa mga mata niya na hindi niya pa kayang bumalik sa kung saan man nangyari ang trahedya sa mga magulang niya. Pero tumango na lang rin ako at saka ko pinagsiklop ang kamay naming dalawa.
You should stay besider her, Ciara. Nanatili siya sa tabi mo nung kailangan mo nang masasandalan at ngayong siya naman ang mangangailangan ay huwag kang aalis sa tabi niya para iparamdam sa kanya na meron din ikaw na pwede niyang sandalan.
"Don't worry, hindi kita iiwan." I gave her an assurance smile, kaya tinanguan niya ako. Ilang saglit pa kaming bumyahe nang muli siya magsalita.
"Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makita ang mga pumatay sa magulang ko. Basta ang alam ko lang natagpuan ko na lang silang.. patay sa lugar na 'yun." Pagkukwento niya. Napatingin ako sa kanya nang mapait siya napangiti habang nakatuon ang paningin sa daan.
"Kung sino man sila, huwag na huwag nilang susubukang magpakita sa akin, dahil sisiguraduhin kong pupulutin sila sa impyerno." Mahinang saad niya habang nangibabaw ang galit sa tono ng pananalita niya habang nanlilisik ang mga mata.
"Hannah.." hahawakan ko sana siya sa braso ngunit nabigla ako nang hawiin niya ang kamay ko.
"Manahimik ka!" Bahagya akong napaatras at napalunok dahil sa sama ng tingin at pagtaas ng tono niya sa akin. Ngunit mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa lalaking mukhang tatawid- hindi!
"Hannah!!" Sigaw ko kasabay ng malakas na pag-preno niya, dahilan para muntikan na kaming sumubsob sa harapan ng kotse.
"Omayghad!" Nanlalaki ang mata namin habang titig na titig sa harapan ng sasakyan. Saglit pang hindi na-proseso ang utak ko sa nangyari, ngunit agad din akong nabalik sa wisyo nang marinig ko ang natatarantang tinig ni Hannah habang nagmamadaling tinatanggal ang seatbelt niya.
"A-anong nangyari?!" Kinakabahan niyang tanong at saka bumaba ng kotse. Mabilis naman akong sumunod matapos kong tanggalin rin ang seatbelt ko. Pagkababa ko ng kotse ay pareho kaming na-estatwa ni Hannah sa kinatatayuan namin nang makita namin ang taong nabundol namin.
"S-sir, pasensya na po. Pasensya talaga, hindi ko po kayo nakita, pasensya na," sunod-sunod na paghingi ni Hannah nang paumanhin sa lalaki na mukhang hindi naman naririnig ang sinasabi ni Hannah dahil wala itong malay habang nakahandusay
"A-anong gagawin ko? N-nakadisgrasya ako, Ciara. A-anong gagawin ko?" Tumayo si Hannah at nag-iikot, halatang kinakabahan na ng sobra.
Agad ko namang chineck ang pulsuhan nung lalaki at tila nagliwanag ang mukha ko nang maramdaman ko pa ang tibok nito. 
"Buhay pa siya, dalhin natin siya sa hospital!" Napapalunok na tumingin sa akin si Hannah, hindi na rin naman kami nagbagal ba at mabilis na pinagtulungan namin na buhatin ang lalaki pasakay sa passenger seat.
"Paano kung makulong tayo?" Kinakabahang tanong ni Hannah nang makapasok na uli kami sa sasakyan.
"Just drive, walang mangyayaring masama, magpapaliwanag tayo," sambit ko at saka niya mabilis na pinatakbo ang sasakyan sa pinakamalapit na hospital.
"S-sorry. I'm sorry, Ciara." Umiiyak na paumanhin niya.
"Hindi sana ito mangyayari kung hindi ako nagpadala sa emosyon ko, sorry.. hindi ko sinasadya, pasensya na," hinagod ko ang likuran niya dahil ramdam ko rin ang kaba niya. Hindi na rin ako mapakali dahil ngayon lang rin ito nangyari sa buong buhay ko at hindi ko talaga alam ang gagawin.
"Hush, walang may kasalanan, okay? Calm down."
Ilang minuto rin ay nakarating na kami sa hospital kaya itinigil niya na ang sasakyan. Ang malas pa namin dahil may mga pulis pa sa harap ng hospital.
"Stretcher, please!!" Sigaw ng nurse na sumalubong agad sa amin.
"H-hindi ko sinasadyang mabundol si kuya, p-please do everything to save him. Handa akong magbayad kahit magkank, j-just please. Huwag niyo siyang papabayan," hindi magkanda-ugaga na sambit ni Hannah.
"We will, Mam. Kaano-ano niyo po ang paseyente?"
"W-wala," sagot ni Hannah.
"We will provide the patient a first aid for now, dahil kailangan pa po muna naming tawagan ang relatives niya bago ang lahat," tugon ng nurse na ikinatango naman ni Hannah. Habang ako ay sinsilip 'yung ginagawa sa lalaki doon sa loob ng emergency room.
Hindi rin naman kami agad nakaalis dahil pagkatapos kausapin si Hannah ng nurse ay mga pulis naman ang lumapit sa amin. Ilang oras lang nagkapaliwanagan hanggang sa dumating na rin 'yung pamilya nung lalaking nadisgrasya namin.
Dinala pa kami sa presinto, kasama 'yung asawa nung pasyente. At sobrang pasasalamat ko dahil sa sobrang bait nito dahil pinalampas niya 'yung kaso na dapat ay isasampa kay Hannah, dahil bukod sa si Hannah naman ang kakargo sa lahat ng bayarin ay may nagsabi rin na may kasalanan din 'yung pasyente, dahil kung alam naman daw nun na may kotse pang dumadaan at naka-go pa ang stoplight, ay hindi naman agad daw siya tatawid kung hindi pa pwede. Ang kaso ay kaya nangyari 'yun, dahil agad na siyang tumawid.
Hindi na rin naman nagtagal ang proseso sa presinto dahil muli na kaming bumalik sa hospital para kumustahin 'yung pasyente. Binayaran na rin ni Hannah 'yung bill at muli kaming nanghingi ng simpatsya doon sa kamag-anak nung lalaki. Humingi rin naman ito ng tawad at nagpasalamat din dahil hindi raw namin ito tinakbuhan.
Sa ngayon ay hinihintay pa namin 'yung paglabas ng doctor dahil gising na raw 'yung pasyente ay stable na. Napansin ko naman ang panginginig ng kamay ni Hannah, kaya hinawakan ko iyun.
"Ayos lang, Hannah. Ayos na. Please calm down," pakiusap ko sa kanya, pero hindi talaga siya mapakali habang naghihintay pa rin kami. Maya-maya lang rin naman ay lumabas na 'yung doctor kasama 'yung asawa nung lalaki.
"H-how's the patient, doc?" Agad na tumayo si Hannah.
"Nothing to worry anymore, he's already fine. But he still needs to stay here para bawiin 'yung lakas niya." Nakangiting sambit ng doctor at saka nito in-excuse ang sarili niya sa amin. Ilang saglit pa kaming nakipag-usap doon sa asawa at naayos naman na ang lahat, kaya hindi na namin kailangan mag-alala. Maayos rin kaming nagpaalam ni Hannah lalo na doon sa pasyente. Humingi rin naman ito ng tawad sa amin, kaya umalis kami sa hospital ng wala nang problema.
Napagkasunduan rin namin ni Hannah na pumunta sa kung saan kami dapat pupunta kanina, alam kong hindi pa rin siya naka-recover do'n sa incident, kaya naman hinayaan ko na lang siya na mag-drive ulit patungo sa lugar na iyun kahit pa inabot na kami ng gabi.
"Asan na tayo, Hannah?" Tanong ko habang nakatingin sa bintana.
"Santa Rosa," sagot nito habang namamaga pa rin ang mata, huminto kami sa isang abandonadong lugar. Halatang luma na ito at napakadilim sa loob dahil na rin nga gabi na.
"Hannah. S-sigurado ka bang dito sila namatay?" Kinakabahan kong tanong, parang ayoko nang tumuloy. Hindi kasi maganda ang kutob ko sa lugar na 'to. Tipong hindi ko pa naman napupuntahan 'to pero parang ang sama ng vibe sa akin nung lugar dahil pakiramdam ko may koneksyon din sa akin 'tong lugar na 'to, kahit wala naman talaga.
"Oo, dito. Hali ka, pumasok tayo." Pag-aaya niya at hinawakan ang kamay ko.
"Huwag kang matakot, kasama mo naman ako." Natatawang aniya.
"Wala bang multo dito?" 
"Marami," agot niya na ikinahinto ko.
"Biro lang, wala." Natatawang saad nito.
"Hannah naman, eh." Suway ko sa kanya. Pinagmasdan ko ang paligid dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan. Gumamit rin kami ng flashlight para mas makita pa namin 'yung lugar, ang lawak pala nito sa loob.
May mga dugo pang bakas kapag tinatapat ko sa iba't-ibang direksyon 'yung ilaw, kaya naman napatakip na lang ako sa ilong ko, ganun din si Hannah.
"Grabe, sobrang luma na nitong building. Sayang, napakalawak pa naman nito," sambit ko.
"Dito mismo pinatay ang mga magulang ko." Rinig kong sambit ni Hannah, na hindi gaanong kalayo ang pwesto sa akin. Pareho naming nililibot ang building pero hindi kami lumalayo sa isa't-isa.
"Paanong pagpatay ang ginawa sa kanila?" Tanong ko at lumingon sa pwesto niya. Huminto naman siya sa paglalakad, kaya tinapat ko sa kanya ang ilaw.
"Ang alam ko ay kinidnap sila at pinadala sa abandonadong lugar na ito. Bago sila walang awang nilapastangan. Iyun ang kwento ng kuya ko," tugon niya, napatango naman ako bago muling nilibot ang paningin.
"Bakit daw nila ginawa 'yun sa mga magulang mo?" Kunot noong ko at naupo sa may bato.
"Malaki na kasi ang utang ng mga magulang ko sa mga taong 'yon. Nangako naman sila mama na babayaran 'yun, pero antagal na ng utang na 'yun, hindi pa rin nababayaran. Kaya ayon, pinakidnap sila at buhay ang siningil kapalit ng kalahating milyon na utang nila." Ngumiti siya ng mapait habang nakakuyom ang mga kamao.
Pinagmasdan ko ang mukha ni Hannah, habang nangingilid ang luha sa mga mata niya. Ngayon ko lang na-realized na maswerte pa rin pala ako dahil buhay pa ang mga magulang ko kahit malayo ang loob ko sa kanila.
"Kilala mo ba ang pumatay sa kanila?" Napalingon siya sa akin nang tanungin ko 'yun. 
Ngumiti lang ito at naupo sa tabi ko. Maya-maya ay yumuko siya sa sarili niyang braso at naririnig ko na ang mahihina niyang hikbi, kaya naman hinagod ko ang likuran niya.
"Kilala ko sila, pero wala akong magawa at hindi ako makaganti dahil mahirap kalabanin ang mga taong 'yun. Pagod na akong ipunin na lang ang galit ko, gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko, pero hindi ko alam kung paano." Bahagya niyang kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang paghikbi.
"Gustong gusto kong gumanti, Ciara. Gusto kong ubusin ang lahi nila." Bakas ang galit at pagkamuhi sa tono ng pananalita niya, kaya naman parang dinurog ang puso ko. Hindi ko alam na mas mabigat pa pala ang dinadala niya sa akin, pero nagawa ko pang mas lalong sirain ang buhay na meron sila noon ni Tyron.
Ang sama ko.
"Alam mo ba ang mga pangalan nila? Baka matulungan kitang hanapin sila." Nag-aalalang tanong ko.
"Nakilala ko ang babae bilang si Kylie De Mastrano at ang asawa niyang si Azer De Mastrano. Ang mga taong walang puso." Napakatalim ng mga tingin niya na tila ba'y pinapatay niya na ang mga taong iyon sa isipan niya.
"Huwag kang mag-aalala, darating ang panahon, mabibigyan mo rin ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang mo." Nakangiting saad ko at niyakap siya.
Ilang minuto pa kaming nanatili at nag-kwentuhan doon, hanggang sa mag-aya na siyang umuwi.
"Hali ka na malapit nang lumalim ang gabi, baka kung ano na naman ang gawin sa'yo ni Tyron kapag naabutan niyang wala ka sa bahay niyo."
"Hindi na, hindi na ako papayag na saktan niya pa akk." Lakas loob na sambit ko, kaya napangiti siya. 
Hindi ko na hahayaang paulit-ulitin niya na lang ang pagpapahirap sa akin.
"Ano? Tara na?" Nakangiting aya niya, tumango naman ako at hinawakan ang kamay niya bago kami naglakad papalabas.
Muli kong sinulyapan ang lugar na iyon. Sana mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ni Hannah para mapanatag na ang kalooban niya. 
Ngumiti ako ng mapait bago namin lisanin ang lugar na iyon. 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด