logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Nae Sarang

Nae Sarang

LanehLarry


บทที่ 1 Ating Simula

Did I just come to an end?
This is the last year of my academic life. Ang bilis ng panahon na nag-aaral ako. Kung dati, ilang beses kong kinukumbinsi ang sarili ko na mag-aral nang mag-aral, ngayon p’wede ko na sabihin sa sarili ko na, “Isang taon na lang, matatapos ka na.”
Hindi man maintindihan ng iba na kahit malayo ka pa, basta malayo ka na. Hindi ko na rin kayang bumalik at magsimula ulit. Magpatuloy lang.
Sumagi sa isip ko ang panahong nasa paaralan pa lang ako ng elementarya at ilan sa mga dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Una, dahil matalino ako. Laging binabanggit ng tao sa akin na ang tali-talino ko raw, nagpapasalamat na lang ako pero sa loob ko, hindi naman totoo. Masipag lang ako mag-aral at ang pagkakaroon ng habit ang nakatulong sa akin. Pangalawa, ang aking pamilya at mga kaibigan na patuloy na sumusuporta sa akin simula pa lang. Hinding-hindi ko sila makakalimutan.
Pangatlo, ang isang alaala noong nasa unang baiting pa lamang ako kung saan ipinagpilitan ng lahat na ang katabi ko ay mandaraya at kumokoya sa akin. Hindi ‘yun totoo. Doon ko natutuhan ang pagiging totoo, masipag, maunawain, matiisin, at pagiging mapagpakumbaba. At higit sa lahat, ang pagkakaroon ng pananalig sa Diyos. Napatunayan N’yang walang imposible.
Sa buong pananatili ko sa aking bahay para sa tag-init, hinanda ko ang sarili upang matupad lahat ng mga hangarin kong makatapos sa pag-aaral. Ang layo-layo ko na talaga. Hindi ko maikaila na nahirapan ako sa lahat ng bagay at nagpapasalamat ako na may mga taong hindi nakakalimot na magtanong at sumubaybay sa akin. Hindi na ako makapag-intay pa na ialay sa kanilang lahat ang tagumpay ko.
“Ano ba naman ‘yan! Ang aga-aga, ang dami mo nang iniisip,” bulong ko sa aking sarili. Bumangon na ako nagsimulang mag-ayos paalis.
Habang nagsasalin ako ng mainit na tubig sa aking pagkain, tumunog ang cellphone ko. Sunod-sunod na dumating ang mga mensahe sa samu’t-saring tao. Tanging good luck at take care lang ang nangingibabaw sa mga ito. Isa-isa ko silang tinignan at nag-save ng iilan pang mga mensahe para maging motivation ko sa araw-araw. Ilalapag ko n asana ito para makatapos ng pagkain nang muling tumunog at pumasok ang huling mensahe.
Good luck, Ms. Engineer! Ingat ka palagi,
Mag-isa na lang ako nakatira sa apartment ko rito, ilang hakbang at tawid lang ang layo sa eskwelahan ko. Wala na ang mga kasama ko noon dahil may nahanap silang mas magandang pwesto at malapit na sa kanilang bahay para madali na lang daw uwian pagkatapos ng mahabang nakakapagod na araw.
Umalis ako ng bahay dala ang isang bag na may lamang ilang notebooks, tablet at keyboard ko, mga ballpen, tubig, at natirang sandwich na agahan ko kanina. Habang naglalakad, nadaanan ko ang malaking salamin na kitang-kita ang postura at itsura ko. Suot ko ang khaki-colored trouser pants at simpleng t-shirt. Nasa likod naman ang backpack ko. Pakiramdam ko masaya ako na mag-isa akong naglalakad ngayon.
May nadaanan din akong paaralang elementarya at natuwa nang makita ring ngayong araw ang simula ng klase nila. May mga batang umiiyak at nakakapit pa sa mga nanay nila. Napangiti ako, nakaka-miss naman. May ilan naming kabababa lang mula sa bike o motor at hinalikan ang kanilang tatay sa pisngi. Mas lalo akong napangiti at tuloy-tuloy na naglakad hanggang nawala na sila sa paningin ko.
Dumiretso na ako sa building naming ngunit naharang ako ng kumpol ng tao sa bungad pa lang.Tinignan ko saglit nang makita ko ang grupo ng lalaking nagbebenta ng kanilang paninda. Hindi ko na inintindi at nagpatuloy na lang sa paglakad. Hindi ko pa alam ang seksyon at silid ko pero mas kinakabahan ako sa mga kaklase ko.
A23-20
Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang apelyido ko sa ilalim ng sekyon na ito. Tumabingi pa ang ulo ko upang hanapin ang tanging pangalan na magpapaalala sa akin kung bakit pamilyar ang mga numero nito.
“Louise?” Napatingin ako kung nagmumula ang tinig na iyon at mula ito kay Nicole. Tama! Si Nicole ang nagbanggit sa akin ng seksyon na ito. Ibig sabihin ba magkaklase kami?
“A23-20 ka rin? OMG! Magkaklase tayo uli!” Tumatalon-talong sabi n’ya. Napayakap ako nang bigla n’ya akong sunggaban. Magkaklase kami noong first year kami pero nagkahiwalay lang ulit nung third year, hindi ko alam ang nangyari, basta na lang sya nawala. At ngayon magkasama na ulit kami, mas confident ako dahil may taong kilala ko sa dami ng tao sa room naming at hindi na ako muling maiilang katitingin sa iba. I can’t do eye-to-eye contact to anybody.
“Tara na? Pasok na tayo sa room. Marami na ako kakilala sa loob, mga galling din sa section natin nung first year. Umiinom na ako ng tubig paakyat at paglalakad sa sobrang haba ng hallway at bago pa man kami makarating, may kumpol na naman ng tao na humaharang.
“Bakit kanina pa may kumpol ng tao?” Tanong ko. Nagkibit balikat lang s’ya bago kami sumiksik at pumasok sa room.
Kinabahan na naman ako nang todo nang sabihin ng prof naming na mag-introduce yourself. Ang weird lang kasi unang araw pa lang ng klase, may pumasok na agad na prof, usually hindi naman. Minsan nga umaabot pa ng ilang araw bago pa may lumitaw.
Habang break, nagpa-practice ako ng sasabihin ko sa harapan.
” I am Louise Hannah Branka. I’m 22 years old. I love writing, reading, drawing and that’s all just a hobby. One unique thing about me is that when you tell me things or matter, I always forget that in couple of hours or a day. The only thing helps me to remember is the smell and the feel was I when that happened. That’s all, thank you!”
Natawa si Nicole nang may ilang pumapakpak sa paligid naming. Napayuko at natawa. Nakakahiya!
Natapos ang break at nagsibalik na kami sa aming upuan. Nakailang inom ako ng tubig bago at pagkatapos ng klase. Hanggang sa nakaramdam ako ng pagsakit ng pantog ko. Naiihi na ako! Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding. Isang oras pa? Palinga-linga ako sa paligid at napapansin kong nakikipagdaldalan na sila sa katabi nila.
Nagtatalo ang isip ko kung tatayo na ba ako at magpapaalam kaso pagtingin ko sa labas, sobrang daming tao rin. Napadako naman ang tingin ko sa prof nang nahagip ng mata ko ang isang lalaki na nakaupo sa pinakadulo. Nginitian ko lamang ito at napabalikwas paharap.
"Louise, namumutla ka..." sabi ni Hailey, katabi ko.
"Ahh, hmmm." Tinitiis ko ang ihi ko.
Nagtaas s’ya ng kamay upang makuha ang atensyon ng nagsasalita sa harapan. “CR lang po, Ma’am.” Agd naman s’yang tumango at itinuro ang pintuan sa likuran.
Napatakbo ako sa CR at buti naman isang tawid lang ng room. Nagdadasal ako na sana kaunti lang ang tao dahil sasabog na ang pantog ko. Nakapag-CR ako ng maayos at lumabas na.
Nang biglang may bumungad sa akin, "Okay na?" 'Yung lalaking nginitian ko kanina. Napatango ako.
“Ang tagal na natig nag-aaral, ano? Nakakakaba pa rin. Goodluck.” Malumanay n’yang sambit.
"Salamat!"
"Alexis.”
Ilang sgundo ko s'yang tinignan bago mapunta ang tingin sa kamay n'ya. Nakalahad ito na tinanggap ko kaagad.
"Louise."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (35)

  • avatar
    Linsimhomertroy Mondiego

    salamat po

    05/08

      0
  • avatar
    Jimmy Cosgafa

    hello

    16/07

      0
  • avatar
    Ki Kay

    thanks

    26/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด