logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

"Bakit ka kasi lumingon no'ng sinabi kong nandiyan na 'yong bebe mo?" mapanuyang tanong sa akin ni Ciedrick.
Narito kami ngayon sa Facebool, isang sikat na kainan ng mga estudyante sa likod ng Silungang bayan. Tuwing hapon ay madalas kaming maglakad mula LP hanggang dito. Bukod kasi sa mura ang mga pagkaing itinitinda ay maganda din ang lugar kung saan ito nakapwesto.
Hindi ko inintindi ang mga usapan nila. Ipinapagtuloy ko na lamang ang pag-scroll sa aking facebook account. Wala naman akong ibang gagawin bukod dito. Ang mga kasama ko ay abala sa paggisa sa mga nangyari sa akin kanina. Hindi na ako nakisali sa usapan nila. Ayoko nang dagdagan pa ang kahihiyan ko.
Napatigil ako sa pagscroll nang makakita ng post ng isang babae. It says like this...
HaPp¥ 2nd Month$ BBAABBYY m@sayang msaya poex @€o $eNyO.&oRryy sa Mg@ de NaTEn pagka€@onawa@n. &ana poex magTAgal pa tayo. I LOVEE YOU BABYYY!!!! TO THE END OF THE WORLD!!
Nakangiwing-nakangiwi ako habang pilit iniintindi ang mga nakasulat doon. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ayoko sa mga makaluma pero mas ayaw ko sa mga ganito.
Mabilis kong pinindot ang comment section at nagtype ng message roon.
'Hindi kayo magtatagal girl dahil jeje ka. Kadiri ka po. Maghiwalay sana kayo ng mas maaga.'
I'm not bitter or what because I don't have a boyfriend today. Ayoko lamang talagang nahahaluan ng mga ganoong elemento ang buhay ko. Hindi masamang makisabay sa uso, only that, you should know your limitations and boundaries too. Alright, marami pa ring mga kabataan ang ganoon ngayon, pero sana lang maubos na sila.
Mabilis kong in-unfriend ang friend ko na nagshared post noon. Cutting the connection is way better, kaysa naman sa maulit pa. Nakakangilong magbasa ng mga ganoon. Muli akong nag-scroll ng mga bagong post nang bigla nilang hinablot sa akin ang cellphone ko. Inilayo sa akin at nagpipindot doon ng kung ano.
"Hoy bwisit ka akin na 'yan!"
Hindi nila ako pinansin. Tinutulak ako palayo ni Lucille upang hindi ko maagaw sa kanila ang cellphone. Si Ciedrick naman ang kasalukuyan na nakikita kong siyang may hawak.
"May Facebook kaya si Ibarra?"
"May nakita akong facebook ni Antonio at saka ni Gregorio. Baka meron silang lahat."
"Meron din pala si Andres."
"Patingin no'ng kay Gregorio."
"Add friend mo na riyan. Chachat natin."
"Walang Facebook si Miguel."
"Ay sayang."
"Wala din si Ibarra."
"Na-add ko na yung tatlo."
Account ko pa ginamit ng mga ito.
"Ciedrick!" ayaw nilang magpaawat. Kahit alam nilang maiinis ako sa ginagawa nila ay ipinagpapatuloy pa rin nila. Alam naman nila na ayaw na ayaw ko sa limang lalaking iyon. Tapos ia-add pa nila gamit account ko walanghiya.
"'Wag ka magulo riyan, Bella. Tatanong lang namin kung bakit walang facebook si Ibarra." katwiran sa akin ni Helen. Tumatawa-tawa siya habang nakikitingin sa cellphone ko na kinukuting-ting no'ng isa.
"'Bat hindi 'yong inyo gamitin niyo?! Akin na nga!"
Matagumpay ko iyong nahablot kay Ciedrick matapos ng ilang minutong agawan. Wala sa itsura nila na nagsisisi sila sa ginawa nila sa akin. Sa halip ay mga nanghihinayang pa ang mukha. Kung hindi ko ito naagaw ay baka mas malala pa ang nagawa nila.
Masama ang ginawa kong pagtingin sa kanilang lahat.
Bakit palagi na lamang na ang limang iyon ang pinag-uusapan namin?
Inis akong lumayo sa kanila at nagtungo sa may tabi ng kalsada. Mahirap na. Baka agawin na naman sa akin cellphone ko at kung ano na naman ang gawin nila.
Nagtangis ang aking mga bagang nang makita ang messenger ko. Chinat nila si Gregorio! Kanina ay na-cancel ko ang friend request nila sa tatlo, ngayon ay may paniguradong problema na naman ito.
Nakakahiya. Paniguradong lalabas ito sa mga message request niya. Tapos ano na lang ang iisipin nila? Na desperado ako dahil nagmessage request pa talaga?! Hindi ko naman na iyon maaalis. Paano ko iyon aalisin? Hindi ko na iyon maaalis!
Paano kapag kinuwento niya ito sa mga kaibigan niya? Anong mangyayari sa akin? Anong iisipin nila sa akin? Paniguradong magtataka sila kung bakit ko hinahanap si Ibarra. Pag-uusapan nila ako ng hindi ko nalalaman!
Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako na-bother ng ganito katindi. Never pa akong nagmessage request kahit kanino. Kahit sa mga teacher ko. Bibihira din akong mag online dahil sa facebook ako madalas tumatambay.
Walanghiya kasi.
Sinubukan kong magsearch sa google kung paano iyon madedelete pero wala pala akong internet. Wala na akong maisip na paraan! Kahit madelete ko man iyong message ay makikita pa rin sa account niya na nagdelete message ako!
Ganoon pa rin naman. Baka isipin pa niya na siya ang sadya ko. Gayong wala naman akong mga pakialam sa buhay nila!
Mabilis akong bumalik sa table namin at kinuha ang bag ko. Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi nila dahil mabilis na akong pumara ng masasakyan pauwi. Nakakabadtrip sila.
"Bella!"
"Ysabella!"
"Ayan nagwalk out."
"Sabi sa inyo magagalit 'yan e"
"Pigilan niyo!"
"Pakialamero kasi kayo."
"Alam niyo namang ayaw niya pinapakialaman siya. Chinat niyo pa talaga si Gregorio. Alam niyong ayaw na ayaw niya dun sa lima."
"Prank lang naman."
"Sabi sa inyo sauli niyo na kaagad, e."
"Bella!"
Diretso akong sumakay sa loob ng tricycle ng hindi pinapansin ang mga pagtawag nila sa akin. Alam pala nila mga ayaw ko, bakit ginawa pa rin nila? Ayoko namang magalit sa kanila dahil hindi naman na noon masosolusyunan problema ko. Naiinis lang ako ng sobra. Madalas kasi ay grabe na sila makapang trip. Madalas pa ay ako ang nagiging subject.
"Mateuna, Manong." saad ko sa driver. Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa cellphone. Tinititigang mabuti kung paano ko ito maaayos.
Hindi ko naman ito maituturing na gulo dahil hindi naman sila iyong tipong naghahamon ng away lalo na sa ganito kaliit na bagay. Bother lang talaga ako masyado sa kung ano ang pwede nilang isipin tungkol sa akin oras na mabasa nila ito.
'Hi Gregory! Si Bella ito. Just wanna ask kung may facebook account ba si Ibarra? I really wanna be friends with him and you, too guys.'
'Good afternoon, btw.'
Malalim akong napabuntong -hininga nang makauwi ako sa bahay. Moving up namin ito. Plano sana naming mag-sleep over sa bahay nina Karen mamaya kaya nga lamang ay baka hindi na muna kami makompleto. Hindi na muna ako sasama. Baka kung ano na naman ang gawin nila sa akin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (37)

  • avatar
    Kiana Micayas

    wow

    20/07

      0
  • avatar
    AlcaydeKate

    kkk

    15/02

      0
  • avatar
    Tomnob

    tnks

    04/02

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด