logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

Mabilis silang nagsikuhaan ng stick matapos magbayad. Si Ciedrick at Lucille ay nakikipag kuwentuhan pa sa tindera habang kumakain. Sa dami namin dito ay wala ng iba pang mga estudyante ang nakakalapit upang bumili. Siguro ay nahihiya sila sa amin. Alam rin nila ang ugali ko kaya siguro sila na rin ang kusang umiiwas. Kapag nakita kong may mali sa mukha nila o sa pananamit nila, lalaitin ko na kaagad sila ng walang pag-aalinlangan. Hindi naman sumisikat ang ganitong klase ng pag-uugali. Subalit dahil maraming tsismosa sa school namin, mabilis kumakalat ang mga balita.
"Iyan na naman kinakain mo?" tanong sa akin ni Sam nang makita ang mga banana balls na tahimik kong kinakain habang palinga -linga sa paligid.
"Pakialam mo?"
"Pahingi na lang." akma kong itutusok sa kaniya ang stick na hawak ko. Mabilis siyang umiwas habang nakasimangot.
"Madamot ka."
"Bumili ka ng iyo."
Kanina pa naman iyon kain nang kain. Magmula nang tumigil kami rito ay ilang beses ko na siyang nakitang bumili. Mahilig kasi ang isang iyan sa street foods. Tuwing hapon ay palagi siyang nagpapasama sa akin na bumili ng mga ganoon sa RS sa tapat ng main gate ng Luis Palad.
"Bakit paling-linga ka riyan? Para kang giraffe." usisa sa akin ni Maya. May kinakain siyang french fries sa kamay niya. Hilig na hilig niya ang mga piniritong patatas na iyon.
"Pakialam mo?"
"Ang taray mo."
Simangot siyang umalis sa harapan ko upang samahan si Sam na nakasimangot rin sa akin. Akala  siguro nila maaapektuhan ako sa mga arte nilang ganiyan.
Itinapon ko sa basurahan ang paper plate pati na rin ang stick ng pinagkainan ko. Nauuhaw ako kaya bumalik muna ako sa stall ng street food para bumili ng maiinom.
"May tubig ka, Ate?"
"Wala ineng, palamig lang."
Tumango na ako dahil wala naman akong pagpipilian. Matatanggal naman noon ang uhaw ko sa loob ng tatlumpung segundo. Ayoko sana dahil masyadong matamis. Nga lamang ay tatawagin na naman ako ng mga itong maarte.
"Moving up niyo ba ngayon, ineng?" tanong ng tindera.
Tumango ako. Talagang maistorya ang tinderang iyon. Kaya nga umaalis kaagad ako sa tapat para makaiwas sa mga istorya niya. Kaya nga lang ay nasaktuhan niya ako ngayon. Siguro ay napansin din niya ang mga sulat sa damit at braso ko. Natanggal ko na ang mga sulat sa mukha kanina pa. Mamaya ay maliligo na lamang ako ng maigi para matanggal ang mga sulat sa katawan.
"Bella, iyong bebe mo nariyan."
Nanlalaki ang mga matang mabilis akong tumalikod. Doon ay naabutan ko ang lima na nakatingin sa aking likod kanina. Wala pa man ay kinakabahan na kaagad ako sa maaari nilang isipin. Paniguradong nakita nila ang nakasulat sa likod ko.
Mabilis akong lumingon sa mga kaibigan ko pero wala na sila roon sa kanina nilang pwesto. Nasa pangalawang stall na sila. Talagang iniwan nila ako.
"Gregorio, magkatulad lamang ba tayo ng nakita?" nakangiting tanong niya sa katabi. Iniwasan kong lumingon sa kanila. Mula sa pwesto ko ay pasimple akong humahakbang ng patagilid upang makalayo sa kanila.
Kamalas-malasang may nahulog na ballpen sa likuran ko. Hindi ko alam kung kanino iyon. Halatang sinadyang ihulog.
Humakbang ng ilang beses ang nakangiting mokong palapit sa akin. Kabado akong humarap sa kaniya upang hindi niya makita ang nasa likod ko.
"Paumanhin, Binibini. Nais ko lamang pulutin ang isang iyan." itinuro niya ang ballpen na nasa paanan ko. Sunod-sunod akong umatras palayo habang nakaharap pa rin sa kaniya.
"Kuhain mo, pakialam ko sa'yo."
Naging napakadrama ng pagkakangiti niya sa akin. Sa isipan ko ay ilang ulit ko nang nilalait kung bakit napakatamis ng dating niyon sa akin.
Mabilis niyang napulot ang ballpen mula sa lupa. Labis kong ipinagtaka nang muli pa siyang tumigil at humarap sa akin.
Nakangiti na naman.
"Ano pang nginingiti-ngiti mo riyan?" painis kong tanong.
Ayokong ipahalata na kinakabahan ako sa maaari niyang makita sa likod ko. Ayokong bigyan niya ng malisya iyon. Kung bakit ba naman kasi narito pa ang mga ito. Dapat ay umuuwi na kaagad sila sa kanila!
Subalit.
Ang aking kakarampot na pag-asa ay bigla na lamang natunaw na parang bula. Ang napakaliit na porsyentong magwawagi ako sa hindi nakikitang laban ay biglang nabayukos na parang isang malutong na papel. Wala na. Ito na ang pinakanakakahiyang sandali ng buhay ko.
"Binibini, hindi ba't pangalan ko ang nakasulat diyan sa likod mo?" nakangiting pagkakasaad niya. Animo'y wala lamang sa kaniya ang sinabi.
Nakita ko sa unahan ang aking mga kaibigan na pulang-pula na ang mga mukha dahil sa pagpipigil ng tawa. Si Helen at Sam naman na natural na malalakas ang sagap ng kawalanghiyaan ay hindi na nakayanan pang magpigil. Ang apat na kaibigan ng lalaki sa aking harapan ay malapad ang pagkakangiti sa amin. Hindi ko maunawaan kung bakit nakitaan ko ng malisyosong tingin ang mga iyon.
Hindi ako natutuwa sa inyo.
Pinagmukha kong matapang ang aking ekspresyon. Hindi ako papayag na mapahiya ako sa harap ng isang ito. Nakaisip na rin ako ng argumento na maaaring ipanlaban sa kaniya.
"Oh bakit? Ikaw lang ba may ganoong pangalan?" pabalang kong tanong. Nakataas ang kaliwang kilay ko sa kaniya. Nagtataray. Ipinakikitang hindi ako madadala niyang sinasabi nilang matinding karisma niya. Hinding- hindi tatalab sa akin iyan.
Hindi mga kagaya mo ang tipo ko kaya huwag kang ngingiti-ngiti sa akin!
"Subalit... ako lamang ang may ganoong pangalan sa buong paaralan natin."
Sumasagot ka pa talaga!
"Paano ka naman nakakasiguro? Limang libo ang nag-aaral sa LP, yabang mo masyado."
Tumawa siya. At hindi ko nagugustuhan kung paano iyon naging napakadrama sa pandinig ko.
"Ipagpaumanhin mo, Binibini. Subalit noong nakaraang buwan ay nautusan akong tumulong sa isa sa mga guro sa opisina. Doon ay nakita ko ang pangalan ng lahat ng mga mag-aaral ng ating paaralan, at nalaman ko na ako lamang ang nag-iisang Ibarra ang pangalan."
Hindi kaagad ako nakaisip ng pang-rebutt. Wala akong laban kung makikipag debate ako sa isang ito. E palaging panalo ito sa mga talumpati tuwing buwan ng Wika.
Isa pa, kung makapagsalita siya ay laging may ebidensiya. Paano ko naman iyon kokontrahin kung malakas ang argumento niya?
Dahil wala pa akong maisip na sabihin ay nilait ko muna siya isip ko.
Matangkad ka nga, pangit naman ng sapatos mo. Maganda nga pangangatawan mo, wala ka naman kadating-dating manamit. May itsura ka nga, hindi naman kita gusto!
"Binibini! Huwag mo nga akong tawaging binibini. Hindi bagay sa akin iyan! Huwag mo akong itulad sa inyo! Mga makaluma!"
Imbes na magalit sa akin o mainis o matakot kagaya ng iba ay hindi iyon ang ginawa niya. Kagaya ng palagi niyang ipinapakita ay nakaharap na naman sa akin ang nakangiti niyang mukha. Hindi siya apektado sa mga sinabi ko. Hindi siya apektado sa mga mapanghamak kong mga tingin.
"Paumanhin, Binibini... subalit iyon lamang talaga ang paraan ko ng paggalang sa mga babae."
Nakakagulat ang pagyuko niya sa harapan ko habang nakahawak sa kaniyang dibdib ang kaliwang kamay. Animo'y isa akong importanteng tao ng bansa na kailangang yukuan. Siya ang unang tao na gumawa sa akin niyan. Aaminin kong maginoo nga siya. May karisma subalit...
Hinding-hindi ko pa rin siya magugustuhan!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (37)

  • avatar
    Kiana Micayas

    wow

    20/07

      0
  • avatar
    AlcaydeKate

    kkk

    15/02

      0
  • avatar
    Tomnob

    tnks

    04/02

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด