logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 8 Dinner

BLIXIENE CAWIE
“Babe?”
Napatalon ako nang marinig ang boses ni Trixie sa gilid namin. Nanatili akong tahimik ngunit ang puso ko'y sobra sa pagwawala. Iniiwas ko ang tingin sa kanya ng mapunta ang tingin nito sa akin, nakataas ang kilay.. halatang hindi gusto ang naabutan.
“Why are you holding her?” Nagaakusa nitong tanong.
Napalunok ako. “Muntik na akong madulas kaya't aksidente siya—”
“I'm not talking to you, so shut up.” singit nito.
Mariin kong naikuyom ang aking kamao sa inis. Kung pera lang naman pala ang habol niya rito, bakit ganito ang kanyang inaakto? Nagtataka ako't gustong magsalita.
“I'm going to apologize for what happened last time in the mall.” Biglaang sagot ni Dexter na ikinagulat ko.
Maliit na bagay lamang iyon, pero aaminin kong naapektuhan ako ng husto. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.
“I thought that guy is manipulating her, but I was wrong that's why i'm sorry.”
Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. How could he..
Nang araw na iyon ay naguguluhan ako. Why is he sorry, if he meant it? Alam kong hindi niya sinasadya iyon, at kung nakita niya na namang maayos kaming dalawang naguusap 'di ba? Paano niya magagawa iyon? He seems so childish of it.
Kinabukasan muntik na naman akong ma late, napuyat ako sa kakaisip kung bakit ganoon ang naging sitwasyon. Parang naging magulo ang lahat nang nangyayari, hindi ko na maintindihan.
Nakuyumos ko ang aking buhok sa pagiisip tungkol sa walang kwentang dahilan. Sa huli'y nagawa ko nalang ay bumuntong hininga.
“Hindi ko na nga dapat iniisip iyon.” Sabi ko sa sarili, pinalis ko sa isip ang mga bagay na tungkol doon at inayos ang buhok bago lumabas ng aking kwarto.
Pagkabukas pa lamang ng pinto... nandoon si Trixie nakatayo, nakasandal sa poste at mataray na nakatingin sa akin. Alam ko na ang pakay niya..
“Trixie—”
“Ma'am Trixie,” mariin nitong sambit, tinatama ako. “First of all, I want to tell you that you're not in the place to flirt with my boyfriend. Second, don't come close to him o pagtangkain man lang na mapalapit sa kanya. You're just a maid, Blixiene. Just a maid.” aniya sa sarkastikang tono, may ngisi sa labi.
“Yes, I'm just a maid, but i am carrying the most important gold that will make you fall into place.. someday.” nakangisi kong sagot. Natigilan siya't hindi nakapagsalita.
Umirap ako at iniwan siya roong tulala. Hindi alam ang gagawin. She doesn't know a thing. I'm a maid in her eyes, only.
Hanggang sa pagtatrabaho ay nakangisi ako, sa tuwing makikita ako ni Trixie ay hindi niya magawang lumapit dahil nandyan si Dexter sa kanyang tabi. Masama ang tingin niya sa akin, nambabanta at nakataas ang kilay pero hindi ko inalintana iyon, o nagpaapekto man lang sa katarayan niya.
In my whole 16 years in this world, marami na akong na kilalang mas mataray pa sa kanya. Maybe, I can say that she's junior from all of them. Lalo na ang mga babaeng taga probinsya, ang mga babaeng nakasama kong lumaki sa buong buhay ko.
They're not easy to avoid, pero nang natutunan kong lumaban ay hindi na nila ako muling matarayan. I learned from there, but I grew more and stronger than everybody.
Hapon nang matapos ako sa lahat ng trabaho, oras na ng pahinga kahit maaga pa. Wala naman masyadong inuutos si Dexter kaya kahit papaano ay nakakapagpahinga rin ako. Sa tingin ko nga'y hindi personal maid ang katayuan ko sa pamamahay na ito, parang isang donya na naggagala lang sa kabahayan at kung minsa'y nakikitulong nalang.
Umalis si Dexter kanina upang ihatid pauwi si Trixie, nagulat ako roon. Dahil sa tuwing pupunta rito ang babaeng iyon, ay dito na rin pinapatulog. They are both legal each side kaya kahit dito na rin tumira ay payag ang magulang. Hindi ko kilalang kilala si Trixie pero kung titignan ko siya ng maigi ay baka may kaya lang rin sa buhay ang pamilya.
Sumimsim ako sa kapeng aking tinimpla. Nasa tapat ko si Manang na nagbabasa ng dyaryo, pareho kaming narito sa pool side. Nagpapahinga at nagpapahangin.
“Manang...” wala sa sariling tawag ko rito.
Ang ilang hibla ng kanyang buhok ay namumuti na, ang balat ay kumukulubot kulubot na. Ang balat nito sa braso ay lumalaylay na dahil sa katandaan. She was like my Mom. Napangiti ako nang maalala ang aking Ina.
“Ano iyon?” sagot niyang hindi bumabaling sa akin.
“Ilang taon ka na po?” Tanong ko.
Dahan dahan niyang ibinaba ang dyaryo, ipinatong iyon sa mesa at tumingin sa akin. Ngumiti, sanhi nang pagkinang ng kanyang maputing buong ngipin. Napangiti rin ako.
“69 na ako, hija..” aniya. “Sa tanda kong ito ay ang lahat ng anak ko'y asenso na sa buhay..” kumislap ang kanyang mata nang sabihin iyon.
“Nakakaproud naman ho kung ganoon.”
Tumango siya. “Lahat ng hirap namin ni Jacinto ay nagbunga... lahat ng iyon ay kailanma'y hindi ko pinagsisihan..” kinuha niya ang kamay ko't hinawakan iyon ng mahigpit. May tumulong luha mula sa kanyang mga mata. “Nakikita ko sayo ang anak kong pangalawa, Blixiene... katulad mo rin siyang masipag at matiyaga sa mga bagay na gusto niyang gawin. Magiging matagumpay ka sa buhay mo, hija... Hindi ako nagkakamali sa aking nakikita.”
“Sana nga ho, Manang. Iyon din ang nakikita ko sa aking sarili, ngunit alam kong may mga pagsubok rin' darating upang mahadlangan iyon.”
“Mahirap ang buhay, kaya natutuwa akong nasosolusyunan mo iyon.”
Matamis akong ngumiti. “Opo, iyon ang turo sa akin ng aking mga magulang. Hindi po nila kami pinabayaan at pinalaki ng tama.”
“Lahat ng magulang ay gustong lumaki ng tama ang anak, kaya masaya para sa aming nagawa namin iyon sainyo ng hindi gumagawa ng panrarahas.”
Tama siya. Dahil sa kahit sino'y nakikita ko ang ganoong kagustuhan, kahit ako ay ganoon rin ang gustong mangyari.
Sa aming dalawang magkakapatid ay masasabi kong pantay lang kami sa kadisiplinahan ni Kuya. Pisikal na katangian lamang ang pinagkaiba. Kung sa kagandahan at kagwapuhan ang pagbabasehan ay ako ang angat sa aming dalawa. Pogi rin naman si Kuya, pero mas maganda ako't may dating kahit bata pa.
“Ang panganay ko ay nasa San Diego, ang sumunod naman ay nasa Maynila at ang bunso ay nasa Batangas.. malapit doon sa ate niyang panganay.”
Nagpatuloy ang paguusap namin hanggang sa siya'y magpapaalam na papasok na sa loob. Madilim na ang kalangitan nang nanatili ako roon para sa pagtanaw sa kalangitan.
Sa isang buwan na ang pasukan... kahit kakarampot ay nakakaramdam rin ako ng excitement, hindi katulad noong naroon ako sa probinsya na kahit kaba ay wala akong maramdaman. Ngayong narito ay sa tingin ko'y hindi magiging maganda.
“Gaganda kaya ang buhay ko rito? Kung hindi naman, bakit pa ako narito, panginoon?” pagkausap ko habang nakatanaw sa langit. Maraming bituin na nagniningning.. bilog na bilog ang buwan at sobrang liwanag nito. Hindi ko maipagkakait ang kagandahang taglay ng buwang akin tinitingala sa mga oras na ito.
Nang sa sandaling iyon ay biglang may humarang sa aking tinatanaw. Napaatras ako sa kabiglaan, sanhi nang pagkatumba ko sa damuhan. Napapikit ako nang tumama ang aking pwetan sa lupa, napabagsak ako kaya't ganoon talaga.
“I'm sorry did I scare you?” Nagmamadaling tanong ni Dexter at tinulungan akong umahon.
Hindi ko siya sinagot, sa halip na kunin ang kamay niya ay gindi ko iyon kinuha. Sarili ko ang aking ginamit para makatayo kahit masakit pa rin. Pinagpagan ko ang aking pwetan para sa mga dumikit na damo doon. 
“I'm sorry for what happened last time...” aniya.
Hindi ko pa rin pinansin. Bumalik ako sa pagkakaupo, kung anong pwesto ko kanina ay iyon ang ginawa ko.
“I'm accepting my fault, so please forgive me.. He was your friend, and that's what I did to him. It's not right and so disrespectful...”
He's admitting his mistake..
“Okay.” tanging nasagot ko. Nanatili ang tingin ko sa buwan.
“Is... it real? Hindi ka naman napipilitan hindi ba?”
Umiling ako't humalumbaba.
He looked relieved. “Thank God,” sambit niyang akala mo'y nawala ang bigat sa dibdib. “Thank you!” masigla niyang ika.
Tumango na lamang ako nang hindi siya sinusulyapan.. kahit papaano nama'y gumaan ang loob kong muli sa kanya.
“The moon is beautiful, isn't it?” he whispered.
“Hmm..”
Habang tinitignan ang buwan ay pansamantala kong nakakalimutan ang lahat... ang pagod na aking nararamdaman ay pansamantalang nawala dahil sa kagandahan nito. Kahit malayo at 'di abot tanaw ay alam kong maganda ito.
Ang mga ulap na nakapaligid rito'y dumagdag para sa mas lalong gumanda ang itsura nito. Nakakaattract... kahit kailan ay hinding hindi ko pagsasawaan ang paninitig rito.
“Hindi nakakasawang... titigan.”
Sa puntong iyon ay napatingin ako sa kanya, naabutan kong mataman siyang nakatingin sa akin... namumungay ang mga mata. Doon ko pinakatitigan ang bawat detalye ng kanyang mukha.
Moreno ang lalaking ito, matangos ang ilong.. mahahaba ang pilik mata na mas lalong ikinaganda ng kanyang mata. He's well defined jaw line made him look more matured... his lips were reddish more than mine. Makapal ang kilay nito na halos kasing kulay ng kanyang buhok na kulot. Pero kahit na ganoon, sapat na ang mga bagay na iyon para maattract sa kanya ang isang babae.
“The moon was the most precious thing that I have... I can't lose it, or else i'll die.” dugtong niya sa sinabi. Nakatitig sa aking mga mata.
Unti unting bumilis ang tibok ng puso ko na ikinataka ko. Why am I feeling this? Bakit sa tuwing makikita ko siya'y ganito tumibok ang puso ko?
I already met a lot of guys but i didn't feel like this before. It's strange and I think I should check myself up. Baka mamaya ay may sakit na pala ako sa puso ng hindi ko nalalaman. I also need to be aware of my health, kaya sa susunod na linggo ay magpapacheck up ako agad ng mag isa. Ayoko munang sabihin ito kila Ina dahil ayaw ko silang magalala. Gusto ko munang malaman kung totoo nga ba at tama ang hinala ko.
“It's dinner time. Bakit hindi ka pa kumakain?” bigla na namang salita ni Dexter. Muntik ko nang makalimutan na narito nga pala siya sa harap ko't nakatitig sa akin dahil sa lalim ng aking iiniisip ay hindi ko namalayang nakahawak na pala ako sa aking dibdib.
Hindi ako agad nakasagot sa kabiglaan. “A-ahh.. hindi pa po ako gutom—”
“Don't use po, or opo anytime you'll talk to me.” aniya.
Umiling ako. Hindi sinasangayunan ang sinabi niya. “Boss ho kita, at bilang kasambahay niyo ay kailangan po kitang galangin.” dahilan ko.
“Yeah, you're right. But, i'm just saying that if we're only alone.” dugtong pa niya.
Pakiramdam ko'y napahiya ako, pero pinanindigan ko ang sariling dahilan. “Kahit na po.. hindi rin naman po tayo magkaibigan o magkamag-anak man lang.”
“I know, but I don't want it.”
Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang sa gusto niya. Wala na akong laban, dahil kahit ako ay ayon din ang gusto. Hindi rin naman siguro magkalayo ang edad namin sa isa't isa.
“Can we eat dinner together here?” suhestyon niyang agad kong tinanggihan.
“Hindi pwede...” galit na sa akin si Trixie, at ayaw ko nang dagdagan pa iyon. Baka mawalan pa ako ng trabaho kung magsusumbong siya kay Dexter.
“Why not? It's just a dinner, Blixiene. Walang malisya.” giit niya.
“Pero, Sir.. kahit po na walang malisya sainyo, paano ang iisipin ng ibang tao?”
“Can you please stop calling me sir, and that 'po' thing? I already told you...” naiinis niya ng sabi.
Gusto kong umirap sa pinakita niyang asal.
“Alam kong boss mo ako, naisip ko na iyan bago ka yayain. Kaya may solusyon na ako riyan at pumayag ka na.” pagpupumilit pa niya.
Hindi na ako nakatanggi nang tumawag na siya sa kasambahay para pagdalahan kami ng pagkain sa pool side. He looked so happy about it. Daig niya pa babae sa kanyang inaasal. Paano ako mananalo sa lalaking mas makulit pa sa kuting? Hindi ko alam na ganito pala siya kakulit... ni-hindi ko iyon nakikita sa tuwing may kasama siyang iba sa public.
Sanay na akong maraming nilulutong pagkain sa kusina ngunit kahit ganoon ay nagulat pa rin ako sa aking nakikita. Isang damakmak at tambak ng pagkain sa mesa naming maliit lamang. Halos hindi na magkasiya iyon sa sobrang dami, pinagsiksikan na lamang. Mawalan walan rin ng pagpapatungan ng plato sa aming harapan.
Nanlalaki ang mata kong napaangat ng tingin kay Dexter, laglag ang aking panga sa mga pagkain mula sa kanya.
“Eatwell.” He smirked.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (45)

  • avatar
    Humaira

    good

    17/12

      0
  • avatar
    Yuan Bugarin

    😊❤️

    06/10

      0
  • avatar
    MONINA_BUENAFE

    Ang ganda ng story ❤️❤️❤️

    15/05/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด