logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 6 Join

BLIXIENE CAWIE
Lumipas ang mga araw at paulit-ulit ang ginagawa ko sa kanilang bahay. Paroo't parito ako sa tuwing tatawag siya sa Intercom na mayroon sa 'king kwarto. Doon ko lang rin napagtanto na lahat kami'y may sari-sariling kwarto rito, ang lahat nga lang ng mga kasambahay ay nasa unang palapag at doon sa pinakalikod ng bahay.
Headquarters kung tawagin.
"Good morning, Miss! I'd like to eat, bacon and pancakes today. Thanks!" muntik na akong mapatalon ng marinig ang boses ng aking amo sa intercom. Inaayos ko na ang aking uniporme nang nagsalita siya. "And, don't forget my milk please!" pahabol pa.
Nanatiling walang emosyon ang mukha ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Talagang fit na fit sa 'kin ang damit na ito, kaso ang pino-problema ko lamang ay ang paldang ito. Masyado iyong maiksi para sa 'kin, kahit gusto kong magreklamo ay hindi ko magawa dahil bago lamang ako rito. Hindi ito katulad noong mga palda ng ka-trabaho ko, talagang masyadong maikli ang sa akin.
Sa huli'y walang nagawa kundi ang bumuntong hininga. Ginusto ko ito 'di ba? Kailangan kong tanggapin kung anong hawak ko ngayon, dahil sa pagdating ng oras ay wala na akong mahahanap na katulad nito.
Kaagad akong kumilos pagkatapos ayusan ang sarili, dumeretso ako sa kusina para sabihan ang cook sa gustong almusal ng aking amo. Wala pa akong masyadong ginagawa ngunit napagod agad ako kakalakad patungo rito. May takong pa naman itong suot kong pang paa.
"Okay na ito, maaari mo nang dalhin 'yan kay Sir." Sambit ni manang na agad kong ginawa.
Bahagya pa akong natagalan dahil sa paglalakad, sanay naman akong mag suot ng mga sandals na may takong ngunit hindi kasing taas ng ganito, hanggang 1 Inch lang ata ang kaya ko.
"Sir." Malakas kong pagtawag ng makarating sa tapat ng kanyang pinto, kinakabahan pa akong kumatok dahil baka ay may ginagawa siya o ano. "Sir, nandito na ho ang pagkain niyo." muli kong sigaw at pagkatok sa pinto.
Bakit naman kasi napakataas at kapal ng pinto 'to?
Nang silipin ko ang aking kamao ay namumula na iyon kakakatok sa pintuan niya, ni-hindi niya pa siguro naririnig ang boses ko dahil wala pang nagbubukas ng pinto. Huminga ako ng malalim.
Kakatok na sana ngunit biglang bumukas ang pintuan. Muntik ko nang matamaan ang kanyang noo dahil doon.
"Sorry, po. Ipinababatid ko lang po sanang—" hindi niya ako pinatapos nang idikit ang hintuturong daliri sa aking labi, dahilan ng pagkatigil ko sa pagsasalita.
Nanlalaki ang mata kong nag-angat ng tingin sa kanya. Nakangisi siya ngayon, magulo ang buhok na naka tungo sa akin. Kahit bagong gising ay napakagwapo pa rin niya, kahit anong gawin siguro nito ay hindi kukupas ang kagwapuhan niya.
"Won't you greet me first?" Malambing niyang sabi.
Pakiramdam ko'y nanghihina ang mga tuhod ko, kung wala lang akong kinakapitan ngayon ay baka natuluyan na akong natapilok. Humigpit ang hawak ko sa trolley na dala, habang namumungay ang mga matang nakatingala sa kanya.
"Nevermind. Good Morning, I already heard your voice, galing akong banyo eh, sorry kung natagalan." kamot ulo niyang sagot.
Halos araw araw ay ganoon ang nangyayari sa tuwing tatawagin niya ang pangalan ko sa Intercom. Minsan pa nga'y boses niya pa ang gumigising sa 'kin, disi oras ng madaling araw isang beses noong tawagin niya ako para magdala ng gatas para sa kaniya.
"Thanks." nakangiti niyang tingala sa akin pagkatapos tanggapin ang tasa ng gatas. Mamungay mungay ang kanyang mga mata't namumula pa ito.
Nang mapasulyap ako sa table ay may nakita ako roong dalawang bote ng alak na wala ng laman. Nagiinom pala siya? Sabagay, hindi na naman imposible iyon sa edad naming ito. Lalo na sa henerasyong ito.
"Am I not enough? Aren't my hardworks aren't enough yet to blame me all their faults?" mangiyak ngiyak niyang tingala sa akin. "I know it is bad to pity yourself, but I can't force myself not to... The pain is too much, it's killing me.." then, he cried from all of a sudden.
Napapalunok akong pinanood siya. Napakawalang silbi ko dahil hindi ko man lang magawang lumapit at aluin ang kanyang damdamin.
"You should know your worth. All your hardworks were enough, but they're not appreciating it yet. Maybe... Some other time will come to make you feel wanted. Time will come to heal your wounds. Time will come to bring you back in life." I knelt on my knees. Ngayo'y umiiyak siya sa kanyang mga palad. "Ikaw ang nasisisi nila, kasi ikaw ang nakikita. Ikaw 'yung nandyan habang hinaharap nila ang problema, kahit alam mong hindi tama 'yon... kailangan mo munang pakinggan, upang umayos ang kanilang pakiramdam. They're just angry, it'll fade once they know the truth."
Pati tuloy ako, napapa-ingles sa taong 'to. Baka kasi hindi ako maintindihan.
Nakatulog siya mula sa pagkakaiyak ng araw na 'yon. Inihiga ko siya sa sofa at kinumutan upang hindi malamigan. Inayos ko ang kanyang kwarto, bago umalis at nagpahinga. Ginawa ko ang tungkulin ko bilang personal niyang kasambahay. Walang masama roon, lalo na sa pakikinig sa kanyang mga problema.
Tahimik akong tinatanaw ang mga butuin sa langit nang kumulo ang aking tiyan ng biglaan. Natatawa tuloy akong napasulyap doon.
"Disi oras na kasi ng gabi, ba't gising pa ako?" gutom tuloy ang inabot ko. Pagkausap ko sa sarili habang mahinang natatawa.
Bumuntong hininga ako't dahan dahang bumangon upang magtungo sa labas. Libre ang pagkain rito, kahit anong oras ay pwedeng kumain, lalo na't kung nagugutom. Sinuot ko ang aking pajama bago humarap sa salamin upang tignan ang sarili.
Marahan pang nagusot ang pajama kong suot mula sa pagtayo kaya inayos ko muna 'yon at ang sarili bago lumabas ng silid. Bukas pa ang ilaw sa pathway, naririnig ko pa ang tawanan ng aking mga ka-trabaho sa kani-kanilang silid.
"Oh, Blixiene? Gising ka pa?" ani Manang nang makasalubong ko sa pathway.
Nakangiti ko siyang hinarap. "Opo, nagugutom po ako eh."
"Ahh, ganoon ba? Siya, sige kain doon at masama ang natutulog ng gutom." seryoso niyang sabi. Tango nalang ang naisukli ko bago lumisan.
Sa likod ng kabahayan ako dumaan, ngunit bago makapasok sa loob ay may naririnig akong bulungan 'di kalayuan sa akin.
"Hanggang kailan mo ba siya lolokohin, Trixie? Hindi ako makapaghintay bilhin lahat ng gusto ko."
"Kapag marami na akong pera na nadukot sa wallet niya, tsaka ako makikipag break."
"Sigurado ka dyan ha? Dahil kung hindi, ako ang makikipaghiwalay sa 'yo."
"I am sure, love. Basta akong bahala kay Dexter. Madali lang 'yong linlangin, you trust me right?"
Hindi ko na natapos pa ang aksidenteng pakikinig sa kanilanb usapan dahil agad akong nakapasok na sa loob ng bahay. Nagtungo ako sa kusina at naabutan ang boss kong may kausap sa telepono.
"Ma, I know... I know, but It wasn't my fault! It was the workers'!"
Are his parents blaming him again?
Why are they hurting him like this?
Hindi niya deserve ang makatanggap ng ganito, he deserved to be loved and wanted, but who'll do it for him?
"Fuck this life!" sigaw niya't inihagis ang telepono sa counter top. Nakatakip ang palad sa pagmumukhang mamula mula na sa galit. "How can I understand them? I can't even handle my emotions tough."
Napalunok akong isinandal ang sarili sa pader habang nakikinig sa kanyang mga sinasabi.
"Tanginang buhay."
"Hi, babe!"
Nang marinig ang boses ni Trixie ay 'di ko na napigilan pang lumabas sa aking pinagtataguan. Baka mamaya'y mahuli pa 'ko rito ng mga ka trabaho ko't maisumbong.
"Magandang gabi ho, Sir, Ma'am." magalang kong initungo ang aking ulo sa harap nila bago lumisan sa lugar na iyon nang pinipigilan ang pag hinga.
Sa dirty kitchen ako tumungo kung saan naroroon ang pagkain para sa mga trabahador, nasa tabi lamang ng kitchen iyon. Hindi katulad noong ibang bahay na nasa likod talaga ang kanilang dirty kitchen.
Kahit ganoon ay mangha pa rin ako sa lawak at linis ng lugar na iyon. Parang kitchen sa mga napapanood kong restaurant ang mga ito.
Tumungo ako sa fridge at naghanap ng makakain. Ensaymada ang nakita ko na nakalagay sa plastic container ang unang pumukaw sa atensyon ko. Kukuhanin ko na sana ngunit, bago pa man ako makakilos ay may pumigil na sa kamay ko mula sa likod.
"Hep, hep, amin 'yan, bata." pigil nang isang babae sa akin. Nang harapin ko'y may isa pa siyang kasama, naka arko ang kilay na nakatitig sa akin.
"May iba pang pagkain dyan, iba kainin mo ha? Salamat..." sarkastika nitong sabi bago ako talikuran.
"Little bitch." nakangising bulong ng sumunod sa kanyang babae, mataray ang titig sa akin, nanghahamon na sarkastika. Imbes na patulan pa ay bumuntong hininga nalang ako't binura iyon sa isip ko.
Ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng pagkain sa fridge hanggang sa makakita ako ng cake doon. Nasa iisang box pa 'yon at nang buklatin ko ay wala pang bawas.
"Wala naman sigurong nagmamay-ari nito, 'di ba? Hihi." nangingiti kong sambit. Nilabas ko iyon at ipinatong sa lamesang bakal sa harap ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng mga kobyertos at platito para sa pag-kain.
Masaya para sa aking makakain ng ganito, dahil sa tuwing kaarawan ko lamang ako nakakatikim ng ganitong klaseng kasasarap na cake. Hindi ko mawari ang sayang nararamdamang dala dala ko hanggang sa makatulog.
Muntik na akong ma late ng gising kinabukasan, dahil nga sa pagpupuyat kagabi. Naghihikab akong dahan dahan bumangon sa kama. Inayos ko iyon, tinupi ng maayos bago tumungo sa banyo upang maligo para makapaghanda.
Alas singko imedya nang matapos ako, agad akong nagbihis para kapag tumawag na ang aking amo ay handa na agad akong tumungo sa kanyang kwarto. At hindi nga ako nagkamali, saktong kakatapos lamang ng aking pagbibihis ay siyang pagsasalita niya sa Intercom.
"My everyday breakfast, Miss. Thanks!" masigla nitong sabi. "I'm here in the living room, by the way."
"Yes, Sir." pagtugon ko rito bago lumisan at sundin ang kanyang utos.
Kahit anong pagod ko araw araw, ay nagagawa ko pa rin kumilos para sa sarili ko. Iyon ang hinding hindi ko kakalimutan, sa lahat ng bilin ni Ina.
"Mapagod ka na't lahat, basta huwag mong pababayaan ang sarili mo."
Ang linyang iyon ay tumatak na sa isipan ko mula ng umalis ako sa bahay para mag trabaho rito. Sa tuwing sesweldo naman ako ay umuuwi ako roon tuwing katapusan ng buwan at bumabalik sa panibagong buwan.
"Manang, breakfast po ni Sir." magalang kong sabi ng makarating ako sa kusina at naabutang nagluluto na si Manang.
Tumango lamang ito nang hindi tumitingin sa akin. Ngiti ang aking naitugon kahit wala akong natanggap na tugon, tumalikod ako at umupo na muna sa counter top para hintaying matapos si Manang.
Nakahalumbaba akong nakapanood sa kinikilos ni Manang, hanggang sa bumalik sa isipan ko ang mga narinig kong usapan kagabi. Hindi ko naman sinasadyang marinig, dahil naglalakad ako papunta roon, pero hindi ko rin naman mauutusan ang isip kong mawalan muna ng pandinig 'di ba?
Pero bakit ba ako nakikialam? Hindi ba dapat ay pinapakialaman ko nalang ang aking sarili at hindi ang iba? Bumuntong hininga ako't iniyuko ang ulo, itinakpan ko ito gamit ang aking mga palad.
Napakabigat ng aking nararamdaman, hindi ko mawari kung lungkot ba ito o ano. Hindi ko masabing masaya ako dahil wala namang dahilan.
"Breakfast po, Sir." nakayuko kong sabi nang makarating sa sala dala dala ang kanyang pagkain. Naabutan ko siya roong nagbabasa ng dyaryo, pero ngayo'y nakaupo na't pinapanood ang bawat kilos ko.
Dahan dahan kong inilapag sa mesa ang tray at ipinatong sa coffee table ang kanyang mga pagkain bago tumayo ng ayos.
"Good morning, thank you." sabi niya't sumimsim sa gatas na itinimpla ko. "I like you making milk for me every morning," aniyang nakatingin sa akin.
Peke akong tumawa, "Salamat po." bahagya ko pang itinungo ang aking ulo.
"Aalis na ho ako." tumungo ulit ako ng isang beses, tatalikuran na sana siya ngunit agad niyang napigilan ang aking braso. Nanlalaki ang mga mata akong napabaling sa kanya't napatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin.
Hindi niya inalis 'yon, sa halip ay matamis pa siyang ngumiti. "Can you come with me—" hindi niya natapos ang sasabihin dahil sa biglang pagdating ni Trixie sa sala.
"Hey, babe! I thought we're going to a mall? Hmm? Is our date postponed again?" pabebe nitong sabi, agad naglakad patungo sa kanyang nobyo at kumapit sa braso nito na parang unggoy.
"We're going, babe. I'll bring Blixiene with us to carry the things." baling ni Sir Dexter sa kanya.
Bahagya niya pa akong sinamaan ng tingin at plastik na ngumiti. "Oh, okay! That won't make me struggle, you're always worried at me huh? That's why I love you so much, yie." parang bulateng kinikilig na sabi ni Trixie at sa harapan ko nagharutan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (45)

  • avatar
    Humaira

    good

    17/12

      0
  • avatar
    Yuan Bugarin

    😊❤️

    06/10

      0
  • avatar
    MONINA_BUENAFE

    Ang ganda ng story ❤️❤️❤️

    15/05/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด