logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 3 Herrera

BLIXIENE CAWIE
Gulat akong napalingon kay ama ng sabihin ang apelyidong Herrera. Hindi naman 'yon ang ex ko hindi ba?
"Sino pong Herrera?" kunwaring tanong ko.
"Sila Ruelton, at Destinie Herrera. Anak nila 'yang si Dexter na kasing edaran mo rin." itinuro niya ang painting na tinititigan ko kanina. Napalingon muli ako do'n.
Pakiramda ko'y nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni ama. Sobra ang kaba ko kanina ng marinig ang apelyidong Herrera, akala ko'y tinutukoy nila si Lester, 'yong ex ko noong first year. Mayaman din sila, may mga bahay sa iba't ibang lugar dito sa pilipinas, kaya ganoon na lang ang gulat ko. Akala ko'y sa kanila 'tong bahay na titirhan namin ngayon.
"Pupunta ang kuya mo doon sa bahay ng mga Valejo bukas ng umaga, ikaw naman ay sasama sa kanya. Baka sakaling, pwede ka rin doon magtrabaho bilang taga-pagsilbi o taga-alaga man ng bata." pursigidong sabi ni ama.
"Opo." tumango na lamang ako.
Nang matapos akong maglibot sa buong bahay na iyon, hanggang sa labas ay dumeretso na ako sa kwartong para sa akin. Doon sa ikalawang palapag ng bahay, nasa pinakadulong hallway, at katapat ng pinto ni kuya.
Inilapag ko ang aking bag sa kama, at ibinagsak ang sarili sa kama. Napatitig ako sa kisameng puno ng sapot ng gagamba, puro alikabok at kulay itim na ang kisame.
"Hindi nga siguro ito nalilinis ng taga-pangalaga." bulong ko sa aking sarili. Umiling iling ako at dahan dahang bumangon paupo. Binuksan ko ang aking bag, unang bumungad sa akin ang teddy bear kong bigay ng lola ko noon pa man simula bata pa.
"Dito na tayo titira ngayon, ibang iba na sa buhay na meron tayo noon. Madali ang pamumuhay, ngunit kailangang mag-hirap para may makain sa araw araw. Tama ako, 'di ba, Liya?" hinaplos haplos ko ang kanyang noo na para bang sasagot ito sa akin kahit hindi naman nakakapagsalita.
Napagpasiyahan kong sa lunes na muna linisin ang kwarto ko habang hindi pa nagsisimula ang klase. Nai-enroll na ako ni tiya Elya noong bago kami tumungo rito. Binigyan niya na rin ako ng pang-bili ng gamit para ngayong pasukan.
Malaki talaga ang pasasalamat namin sa kanya at sa panginoon. Dahil, kung wala ang mga ito ay hindi kami magtatagal sa mundong ito.
Kinabukasan ay maaga akong kinatok ni kuya mula sa pinto. Kaagad naman akong bumangon para makapag-ayos sa pag-alis namin, papuntang mga Valejo. Suot ang aking mahabang manggas na bestida at purong bulaklak ang desinyo ay tinignan ko ang sarili sa salaming nasa harap ko.
Hindi ko maitatangging kasiyang kasiya iyon sa akin. Kita ang kurba ng katawan ko. Katamtaman ang lalim ng damit na iyon sa aking dibdib, kaya kahit gaano pa kahaba ang manggas ng bestidang ito ay pusyaw na pusyaw naman ang puti at kinis ng balat ko.
Sinuklay ko ang basa kong buhok, at naglagay ng kaunting pabango sa aking damit. Nilagyan ko ng dalawang clip ang gilid ng buhok ko, na siyang ibinigay ni Rain, isa sa mga kaibigan ko doon sa batangas. Pagkatapos noon ay pinahiran ko ng kaunti ang mukha ko ng pulbos. Ganito ang laging ayos ko, may okasyon man o may pupuntahang importanteng bagay.
Suot ko ang aking sandals ay lumabas ako mula sa aking kwarto. Naririnig ko ang usapan sa baba kaya doon na ako dumeretso imbes na sa kwarto ni kuya.
"Hindi dapat pinagtatrabaho si Lisi, Jeffry!" sigaw ni ina kay ama. Napatigil ako sa pagbaba.
"Bakit hindi pwede, Blixiana?" ramdam ko ang sarkasmo sa boses ng aking ama.
"Bata pa si Lisi, Jeffry. Wala pa siya sa tamang edad ng pagta-trabaho."
Humigpit ang hawak ko sa hawakan ng hagdanang ito. Ramdam ko ang sakit mula sa boses ni Ina. Lahat ng magulang ay hindi gusto ang katulad ng ganito sa kanilang anak, pero bilang isang anak ay kailangan kong gawin kung ano ang makakabuti para sa aming lahat. Hindi kami pwedeng laging umaasa sa aming kamag-anak habang buhay, dahil una sa lahat ay hindi nila kami papanagutan ano mang oras.
"Wala tayong kakainin, Blisya! Paano kapag hindi natanggap itong si Jepoy? Paano na tayo mabubuhay?"
"Pero, hindi pa rin tamang pag-trabahuhin si Lisi! Bata pa iyon, Jeffry! Hindi na kasing tanda nitong panganay mo! Sa totoo lang ay dapat ikaw ang nagta-trabaho para sa ating lahat, pero anong ginagawa mo?"
"Sinubukan ko naman kahapon, hindi ba? Hindi ako tinanggap—"
"Sumuko ka agad, ganoon? Bakit hindi ka naghahanap ngayon sa labas? Imbes na pa-tambay tambay dito sa loob ng pamamahay na ito na hindi naman sa atin!"
"Ina!"
"Anong silbi ng sinumpaan mo sa harap ng diyos, Jeffry?"
Hindi nakapagsalita si ama. Naninikip ang dibdib ko habang pinapakinggan silang mag-away tungkol sa akin.
"Ina..." hindi ko na napigilan ang sarili kong lumabas mula sa pinagtagaguan ko. "Kaya ko naman po... kahit alam ko hong mahirap, kakayanin ko para lang may makain tayo."
Hindi sila nakapagsalita. Lumuluhang lumapit sa akin si ina at niyakap ako ng husto. Doon ko na hindi napigilan ang pag-sabog ng luha ko, makitang umiiyak ang aking ina ay masakit para sa akin, lalo na't ako ang dahilan kung bakit siya nagkaka-ganito.
"Anak, bata ka pa... Wala ka pa sa tamang edad ng pagta-trabaho." sabi niya, humihikbi sa aking balikat.
"Pero, ina... kailangan ho. Kung hindi man ako matanggap sa papasukan ni kuya, ay maga-aral nalang ho muna ako. Susubukan ko lang naman ho ngayon, sana'y pumayag na kayo." pangaalo ko.
"Paano kapag natanggap ka, ha? Edi mahihirapan ka niyan? Mahirap ipagsabay ang pagta-trabaho at paga-aral anak..." hinarap niya ako habang hawak ang magkabilang balikat ko.
"Ang panginoon na ho ang bahala sa akin, ina. Alam kong, hindi niya ho ako pababayaan... hindi niya ibibigay sa akin ang isang pagsubok na aking tatahakin, kung alam niyang hindi ko kakayanin." ngumiti ako, kahit nanlalabo na ang aking paningin.
Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.. hindi pa rin nawala ang tiwala ko sa panginoon. Sa hirap na nadaanan namin ay nalagpasan namin ng sama-sama, kaya ngayon... alam kong hindi niya kami pababayaan. May malaking bagay ang naghihintay sa amin sa pag-dating ng oras.
Nang makumbinsi ko si Ina ay agad kaming tumulak ni kuya patungo sa sinasabi ni amang lugar, kung saan nakatira ang mayamang Valejo. Hindi ako pamilyar sa apelyidong iyon kaya paniguradong hindi ko pa sila nakakasalamuha noon.
Sabagay sa probinsya nga pala ako lumaki.
Sumakay kami ni kuya ng jeep. Tahimik lamang ako roon, habang naghihintay na makarating sa aming paroroonan.
Hindi nagsasalita si kuya, mula pa noong maka-alis kami ng bahay kanina. Batid kong kinakabahan rin siya para sa aming dalawa. Lubos lubos ang pagdadasal kong sana ay may matanggap ni-isa sa aming dalawa.
Malaki ang maynila. Puro matatayog na gusali, naggagandahang sasakyan, at mga taong naglalakad sa tabi ang nahahagip ng mata ko. Hindi ako pamilyar sa mga lugar na dinadaanan namin, kaya nagmamasid masid ako sa pagbabakasaling kami'y maligaw sa oras.
Lahat ng nakikita ko ay mabilis na tumatatak sa aking isipan. Hindi naman naging mahirap sa pagkabisado sa bawat daraanan dahil lagi ring tumitigil ang jeep dahil sa traffic...
Iniayos ko ang aking bestida ng muling umandar ang sinasakyan naming jeep. Nililipad niyon ang tela ng aking damit, maaring makita ang kaluluwa ko kung hindi ko iyon pipigilan sa pag-taas.
"Ayos ka lang ba?" sa wakas ay nagsalita si kuya. Napaayos ako ng upo at agad siyang nilingon.
"Hmm." tumango ako ng may ngiti sa labi.
Tumango siya at inigala ang paningin sa mga taong kasama namin sa loob. May iilang babaeng mahinang nagtatawanan habang nakatingin sa akin, minsan naman ay pa-simpleng susulyap sa katabi kong si kuya na walang paki-alam sa kanila.
"Para po." biglang sabi ng mga babaeng nakatingin sa akin kanina. Kaagad namang tumalima ang drayber, pinatigil ang jeep sa gilid ng kalsada.
"Halika, narito na tayo." hinawakan ni kuya ang palapulsuhan ko at inigiya ang daan palabas. Tumango na lamang ako at sumunod.
Naunang lumabas ang dalawang babae kanina kaya ng pagbaba ko ay naabutan ko sila. Hindi ko na sana sila papansinin ngunit naantig ang tenga ko ng marinig ang bulungan nila.
"She looks awful, her dress doesn't fit her well... she's so payat kaya, look."
"Yeah, right. Ang laki laki niya na pero hindi pa rin siya marunong mag-ayos ng sarili. She's using a child's clip. Psh, low class."
"Her parents did not raise her well, ang pag-suotin ng maayos na damit ang anak ay hindi pa rin nagawa. What a horrible parents she has." 
Wala akong pakialam sa mga sinasabi ng tao tungkol sa akin pero ang dinadamay ang magulang ko sa bagay na pagkakamali ko ay hindi ko pinapalampas.
Nagpantig ang tenga ko ng idawit nila ang magulang ko sa kanilang usapan. Kusa akong napalapit sa kanila at agad na tinapik ang kamay ng isa na siyang nagtatakip sa kanilang bibig. Kahit takpan nila ay wala pa ring epekto, narinig pa rin naman hindi ba?
"How dare you—" hindi ko siya pinatapos.
"How dare you scold my parents in your friend's conversation, huh?" kahit papaano ay nagpapasalamat akong natuto ako kung paanong magsalita ng ingles. "What a filthy mouth you both have?"
"But, you still don't have a right to touch me!"
"Wala rin kayong karapatang isali ang magulang ko sa usapan ninyo, kaya pantay lang tayo." pinagkrus ko ang aking mga braso.
"Who are you—"
"Sino ka rin ba sa akala mo?" kusang napataas ang isang kilay ko sa inis.
"You bitch—"
"You rat!"
Nanlaki ang mata niya at namilog ang bibig, animong hindi makapaniwala sa narinig. "Oh Gosh! Let's go, Ila! This bitch right here is freak!" nanlilisik ang mata niya sa akin, hinila ang kaibigang na-estatwa na sa isang tabi mula ng lumapit ako.
"I didn't know that you can speak english fluently." malamig na tonong boses ni kuya sa likod ko. Nakalimutan kong kasama ko nga pala siya ngayon.
Napa-buntong hininga akong humarap sa kanya. Pareho kaming nag-aral ng mabuting magsalita ng lenggwaheng kastila. Kaya, ganito na ako ngayon. Hindi ko lang masyadong ginagamit ang galing ko doon dahil ayaw ko. Mas gusto kong gamitin ang sariling wika kesa sa iba.
"You've grown to well. You've learned to much." ngayon ay nakangiti na siya ng palapit sa akin. Emosyonal niya akong niyakap sa kanyang mga bisig.
"Kuya, halika na... baka hindi natin maabutan doon ang may-ari ng bahay na papasukan natin." tinapik ko ang kanyang balikat.
"Hindi ko rin gusto kang mag-trabaho, pero kung matatanggap ka man ay sisiguraduhin kong hindi mo mapapabayaan ang paga-aral mo." bulong niya sa aking tenga bago kumalas at basta nalang ako hinila patungo sa isang magandang village.
Tahimik doon. Magaganda ang mga bahay, katulad niyon ang mga bahay na nakikita ko sa pelikula. Lasa ko ay industrial ang tawag rito. Inililibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng lugar na iyon. Naantala lamang ng harangin kami ng guard na galing sa guard house.
"Hep, hep, hep! Sino ang sadya niyo rito sa lugar na ito? Bawal ang pulubing pagala-gala sa lugar na ito." sarkastiko niyang sambit.
"Hindi ho kami pulubi, maga-apply lang ho kami ng trabaho sa mga Valejo—" si Kuya.
"Hindi sila naghahanap ng trabahador." pinigilan niya na agad si kuya sa sasabihin.
"Pero, iyon ho ang sabi ng ama ko. Inutusan niya lamang kami na tumungo rito para maka-usap sila..."
Iginala nito ang paningin sa aking likod. "Oh, eh, bakit hindi ang ama mo ang pumunta roon?"
"May inaasikaso ho ang ama ko, kaya wala siyang oras na pumunta rito.."
"Walang ibinanggit sa amin ang pamilyang Valejo na naghahanap sila ng trabahador o ano man, dahil kung meron nga ay dapat naka-paskil iyon diyan sa labas. O 'di kaya ay dito sa may guard house na ito." itinuro niya ang billboard sa gilid namin at ang guard house na nasa gilid niya.
"Pero, iyon po talaga ang sabi... nakausap ko ho kahapon ang may-ari ng bahay na papasukan ko." pagpupumilit pa ni kuya. Doon na ako napahawak sa kanyang braso, dahil ramdam kong kahit anong oras ay sasabog na siya sa galit! Ibang klase pa namang magalit ang isang ito. Nagwawala, at hindi mo mapapakalma agad agad.
"Kung ganoon naman pala ay, bakit hindi mo tawagan ngayon sa iyong telepono?" pangungutya pa ng guard. Naiinis na ako.
"Wala ho kaming telepono, nakitawag lang ho ako sa tindahan kahapon."
"Ay, dios miyo. Puro ka dahilan, kaya hindi ko talaga kayo mapapapasok dito sa loob." nakangisi niyang sinapo ang sariling noo.
"Bakit hindi niyo nalang po kami papasukin?" hindi ko na napigilan ang inis na mamuo sa aking dibdib.
"Dahil pulubi kayo, maaring isa kayong magnanakaw na magaling manlinlang sa isang tao... kung manlilinlang kayo, ay hindi iyon eepekto sa isang katulad ko. Pasensya na mga pulubi, chupi!" he shoo us away.
"Wala kang karapatang pag-sabihan kami ng ganyan!" napasigaw ako sa inis at galit!
Sobra sobra na ang pananalita niya. Hindi porket na ganito ang itsura namin ay pwede niya na kaming pagsabihan ng mga ganoong bagay.. tao pa rin kami.
"Hindi ba't tama naman ako?" ngumisi siya.
"Hindi! Hindi kami pulubi! At mas lalong hindi kami magnanakaw na magaling manlinlang! Totoo ang sinasabi ko."
"Lisi..." pigil ni kuya. Kahit siya ay nagpipigil rin sa sariling huwag masaktan ang lalaking ito.
"Sa ganda ng katawan mong iyan, magnanakaw ka lang—" napatigil siya sa pagsasalita ng may biglang sumapak sa kanya.
Ang mga kuko ko ay baon na sa braso ni kuya. Kahit hindi niya iniinda ang sakit ay alam kong nagdurugo na iyon ngayon.
"Hmmm.. hindi ko alam na ganito na pala kabastos ang mga guards ngayon?" anang lalaki sa isang malalim na boses.
Galit na galit ako.. nabastos ako, mula sa pananalita.
"You okay, little girl?" anang lalaking sumapak sa guard kaninang walang malay na ngayon. Nang makita ko ng maayos ang mukha niya ay para bang tumigil ang mundo ko sa pag-galaw. Tanging siya nalang ang nakikita ng mga mata ko sa ngayon. Nanliliit ang mata ko habang pinagmamasdan siyang mabuti. Pamilyar sa akin ang kanyang tindig, at postura.
Hindi ko sinagot ang kanyang tanong. Sa halip ay nanlaki ang mata ko ng may mapagtanto! Siya! Siya ang nakita ko sa larawan, doon sa bahay!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (45)

  • avatar
    Humaira

    good

    17/12

      0
  • avatar
    Yuan Bugarin

    😊❤️

    06/10

      0
  • avatar
    MONINA_BUENAFE

    Ang ganda ng story ❤️❤️❤️

    15/05/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด