logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 8

"Madz, a-ayoko na, umiikot na paningin ko." Cavier told me while denying another shot of liqour that I'm offering.
Napahalakhak ako at bumaling kay Twelve na bagsak na rin ngayon. Ako ang taga-tagay ng inumin, at lasing na lasing na sila dahil dinadamihan ko palagi ang lagay sa mga baso nila.
"Diego, ikaw na!" tumatawang anas ko rito at ibinigay ang kasunod niyang shot.
I saw him furtively rolled her eyes. "Madelaine, tama na." utos nito sa akin.
I just smiled and pushed him the glass shot. We're here inside their house or should I say... their mansion. Sobrang laki ng bahay nila. Sa mga picture ko lang ito nakikita noon. Hindi ko akalain na sobrang big time pala nitong si Diego.
Hula ko masama ugali ng mga magulang nito. Ganoon naman ang mayayaman.
Diego just put down the glass shot and laid on the couch lazily. He looks like he doesn't care anymore. Umikot ang mata ko hanggang sa bumagsak ito sa isang lalaki. Muli kong kinuha ang glass shot at pinuno ito ng alak.
"Tagay?" alanganing ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. Wala ngayon si Ezperanza, I find it an opportunity for I don't know reason. Anong opportunity ang iniisip ko ngayon gayong wala na akong balak patulan pa ang lalaking ito?
He slowly get the glass in my hand while looking into my eyes. Saglit pa akong nakuryente nang magtama ang mga daliri namin. I remained my face stoic so he won't notice his effect on me. Punong-puno ang shot glass, pero ininom lang niya ng isang bagsakan. I mean, siya na lang ang natitirang matibay ngayon. All of our friends already passed out. At saka... pinakamarami palagi ang paglalagay ko ng alak sa baso niya. I expected that he'll be drunk earlier, pero heto siya't halatang nasa wisyo pa rin.
"Sobrang tibay mo pala sa alak? Ngayon ko lang nalaman na manginginom ka pala." humalakhak ako sa kaniya. He remained seriously looking at me that made me uncomfortable.
I'm trying my best to be friendly despite the fact that I've confessed my feelings for him. Ito na lang ang tanging magagawa ko to save myself from humiliation.
"You never asked." he said in a hoarse voice. Mukhang kahit papaano ay naaapektuhan na rin siya ng alak.
Kinuha niya ang bote sa akin at siya naman ang naglagay ng alak sa shot glass. I thought he'll drink it for himself. Nagulat na lang ako nang iabot niya ito sa akin gamit ang seryosong ekspresyon.
Napalunok ako nang makita kung gaano kapunong-puno ang maliit na baso.
"Hindi mo kaya?" nanghahamong tanong niya sa akin.
"S-sinong nagsabing hindi ko iyan kaya?" sa kayabangan ay kinuha ko ang bote imbes na ang shot glass. Tinungga ko ang alak doon subalit hindi ko dinamihan ng inom. Muntik pa akong malunod sa katangahan.
Nakita ko ang bahayang pagngisi niya sa akin nang ibaba ko ang bote. Saglit akong hindi nakapagsalita dahil sa pait na dulot nito sa lalamunan.
Nagulat ako nang kuhain niya ang bote at doon din mismo uminom ng alak habang nakatingin sa akin. Napalunok ako ng sunod-sunod. There's this feeling inside me... he looks like he's tempting me. O baka naman namamalikmata lang ako dahil sa epekto ng alak.
"So how was it like?" bigla ay tanong niya.
Nagkibit-balikat ako.
"Medyo mapait pero kayang-kaya." may kayabangang anas ko. I heard him chuckled. Napabaling ako sa kaniya.
"Ibig kong sabihin, how was it like to confess feelings to someone?" seryosong anas niya na nagpatigil sa akin.
I felt my nerves colliding, napaiwas ako ng tingin at sunod-sunod na napalunok. I need to get back my composure.
I laugh to ease my feeling. "Okay lang syempre, it's not a big deal for me." nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa akin. "Ilang beses na akong nagtapat ng nararamdaman sa isang lalaki kaya hindi na sa akin bago iyon." pagsasaad ko. Napahawak ako sa bibig at umaktong nagugulat. "Huwag mong sabihin na hindi mo pa rin iyon nakakalimutan? Iyong hapon na nagsabi ako na gusto kita?" I laughed again while his expression never changed. Mas lalo lamang naging kunot ang noo niya na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Grabe ka, natatandaan mo pa pala 'yon. Ako kasi makakalimutin akong tao. Ngayon ko na nga lang ulit naalala no'ng sinabi mo eh." muli akong humalakhak.
"You mean... wala na lang sa'yo iyon?" seryosong tanong niya sa akin.
"Oo naman!" I lied. "Hindi naman ako nasaktan, kagaya nga ng sinabi ko, hindi siya big deal sa akin. Isa pa, kaya ko namang makahanap kaagad ng lalaki."
I saw him clenched his jaw. Pabagsak niyang ibinaba ang bote ng alak sa lamesa.
"Were you even serious when you confessed to me?" he look so pissed. Kunot na kunot ang noo niya at mariing nag-iigting ang panga.
I saw it again... as an opportunity. What? Nagagalit ba siya dahil akala niya ay nakalimutan ko na kaagad ang araw na iyon? Akala ba niya ay hindi ako apektado? Was s he expecting me to be a broken hearted girl after he rejected me?
Natapakan ba ang ego niya kaya ganiyang iritado siya ngayon?
I smiled at him sweetly.
"Not at all." I answered him playfully which  makes his expression darker. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. "Hindi ko nga alam kung nagkagusto ba talaga ako sa'yo eh. Parang hindi naman, siguro natuwa lang ako no'ng sinamahan mo ako kaya ko nasabi iyon. I'm sorry if you misinterpreted my words. Ganoon kasi talaga ako sa lahat."
"You kissed me." mariing aniya.
I just smiled again. "You saw me kissing James too. I kiss every people I'd like to. Huwag mong isipin na may espesyal sa paghalik ko sa'yo dahil ganoon naman ang ginagawa ko sa lahat kapag natutuwa ako." If you think that I am weak to feel so affected after you rejected me, please think again. Hindi ako basta babae lang. I won't let myself be defeated in this game. "And don't worry, if you feel so bothered that I might still have feelings for you..." I shrugged my shoulders off. "Ngayon seryoso ako sa sasabihin ko na wala na. As in walang-wala na. Besides... tropa tayo at may nanliligaw na rin sa akin ngayon."
Instead of answering me, padabog siyang tumayo at kinuha ang bag niya. He didn't bother to give me a goodbye glance or bid a goodbye to us before he stormed out of the house. He look really pissed.
At hindi ko alam kung bakit may satisfaction ngayon sa dibdib ko.
Is he angry knowing the fact that I totally forgot about how I confessed my feelings for him? Nagagalit ba siya kasi akala niya hindi ako seryoso no'ng sinabi kong gusto ko siya?
Napahalakhak ako at napailing sa aking upuan.
Hindi sinasadyang napadako ang tingin ko kay Diego na kanina pa pala nakatingin sa akin. Bigla akong kinabahan. I've totally forgotten that he's still awake. Hindi kasi siya nagsasalita at nakaupo lamang doon.
"N-narinig mo ba ang pag-uusap namin?" kabadong tanong ko rito.
He stood up lazily from his seat.
"May girlfriend siya 'di ba?" tanong niya sa akin, inignora ang darili kong tanong.
"Oo nga, si E-Ezperanza." nakita na siya ni Diego dahil ilang beses na siyang sinama ni Jacques sa bilyaran.
"May girlfriend na pala... bakit parang binabakuran ka pa." makahulugang anas nito bago ako iniwang mag-isa roon sa salas.
Napapikit-pikit ako dahil hindi kaagad pumasok sa utak ko ang mga huling sinabi ni Diego. I feel so overwhelmed with the thought but I know it's impossible. Ganoon lang talaga ang ugali ni Jacques dahil siraulo siya.
Naalala ko pa noong naging substitute teacher namin siya noong grade 12, pinagtripan niya ako sa klase at tinawag nang tinawag. Palagi pang seryoso ang tono niya at parang galit palagi.
Weekend kinabukasan kaya maghapon akong naglinis ng buong bahay. Inayos ko rin ang mga halaman sa labas para naman gumanda ganda ng kaunti ang bahay namin. Ganoon din ang pinagkaabalahan ko nang sumapit ang linggo.
Abala ako sa pagwawalis sa harap ng bahay nang may dumaang mga ginang at kasama pa ang ilang anak nitong babae. Kilala ko sila sa mukha dahil diyan lang sila nakatira sa malapit.
Bulungan pa lamang ang naririnig ko sa kanila noong una na pinili kong huwag na lamang pansinin. Nang tumigil sila sa paglalakad ay doon din ako tumigil sa pagwawalis para magbigay galang.
Ngumiti sa akin ang dalawang ginang at pasimpleng sumulyap sa bahay namin.
"Aba, eh bumalik na ba ineng ang nanay mong si Melinda? Parang maayos na ulit ang labas ng bahay niyo ah?" pag-uusyoso nito.
Kaagad akong nainis sa tono niya subalit pinilit kong maging kalmado. I smiled and shook my head to them.
"Ako po ang nag-ayos niyan kahapon." I answered them with respect on my voice. Pinasadahan ako ng tingin ng dalawang dalagang kasama nila.
"Ah oo nga, imposible namang si Melinda." humalakhak ang isa pang ginang na mas lalong nagpakulo ng dugo ko. "Hindi na talaga iyon babalik dito dahil ganito lang ang dadatnan niya." sinulyapan nito ang bahay namin na wala pa ring pinagbago.
"Naalala ko iyang si Melinda noon, masyadong maharot nga iyan sa lalaki. Tapos iyong mayayaman lang ang sinasamahan. Kaya hindi na nga kataka-takang lalayas iyon dahil sa isang tricycle driver lang bumagsak." mas lalong nagtangis ang bagang ko sa narinig.
"Ano naman pong masama sa pagiging tricycle driver?" hindi ko na naitago ang iritasyon sa tono. Anong masama kung tricycle driver lang si Papa noon? Hindi ko alam na pati pala iyon ay issue sa kanila.
Muling tumawa ang dalawang ginang.
"Naku ineng huwag mo sanang masamain ang sinabi namin ha? Nag-aalala lang kami sa iyo dahil bata pa lang ay wala ka ng nanay. Hanga nga kami sa'yo dahil kinakaya mo kahit walang nanay sa tabi mo." Umiling-iling ang isang ginang. "Pero sabagay, siguro ay sobrang yaman noong bagong lalaki ni Melinda kaya napili niyang makipagtanan. Sino nga ba namang hindi magsasawa sa mahirap na buhay."
Nagsalita naman ang isa pang matanda.
"Hindi rin, kami nga ng asawa at pamilya ko ay kinakaya kahit mahirap ang buhay. Iyang si Melinda ay talagang makati lang kaya nakipagtanan sa iba. Naalala mo? Nasa lahi 'di ba."
"Oo nga pala." naghalakhakan silang dalawa sa harap ko. "Si Christine nga pala ay ganoon din ang ginawa ano? Nakipagtanan sa asawa ni Lily kahit alam na pamilyado na. Malay mo nasa lahi lang talaga." humarap sa akin ang dalawang ginang at bumalik ang awa sa mukha nila. "Kaya ikaw ineng, mag-aral kang mabuti at huwag puro lalaki ang isipin mo. Aba eh madalas kitang makitang puro lalaki ang mga kasama. Hindi iyon magandang tingnan lalo na at babae ka. Mabuti pa itong anak ko at napakamasunuring bata. Hindi ito sumasama sa kung kani-kaninong lalaki lang kaya tiwala ako na hindi ito mabubuntis ng maaga."
Iritadong-iritado na ako pero pinili ko na huwag silang sagot-sagutin dahil mas matanda sila sa akin. Kita ko sa mata nila ang panghahamak.
I heaved a deep sigh and smiled.
"Huwag po kayong mag-alala, para wala na kayong masabi mag-aaral na lang ako ng mabuti. Nakakahiya naman po kasi, hindi ko naman kayo kaanu-ano pero sobrang dami na ng nasabi niyo. Para na rin po sa kaalaman niyo, walang masama sa pagiging tricycle driver, huwag kayong magmataas dahil hindi rin naman kayo mayayaman. At isa pa, walang masama kung puro lalaki ang mga kaibigan ko, at least hindi sila plastik kagaya niyo."
Sa iritasyon ay walang sabi-sabi ko silang tinalikuran. Masyadong nakakabastos ang mga ugali nila. Sila iyong maituturing na mga cancer sa lipunan. No, mga plastik sa lipunan. Kumbaga magpapanggap silang nag-aalala sa sitwasyon mo pero ang totoo ay gusto lang nilang makiusyoso at pagtawanan ang mga pinagdadaanan mo.
Marami naman diyan ang mas higit pa ang mga karanasan sa buhay kaysa sa akin, pero kahit minsan hindi ko sila nakuhang pagtawanan at hamakin.
Nakakainis na sadyang marami talagang tao sa mundo ang walang ibang magawa kundi ang manghamak ng kapwa nila. Imbes na maubos ay mas lalo pa silang dumarami.
"P-Papa." nang maabutan ko siya ay isinasarado na niya ang pinto sa kaniyang kwarto.
Napabuntong-hininga naman ako. Hindi ko alam kung narinig ba niya ang mga sinabi kanina ng mga kapitbahay namin. Kung narinig niya, paniguradong mas lalo na naman niyang maaalala ang ginawang pang-iiwan sa kaniya ni Mama. At ang nakakagulat ay hindi siya galit na galit ngayon. Sa halip ay walang imik siyang nagkulong sa kwarto buong maghapon.
This has became his new normal. Kung dati ay palagi siyang nagagalit at minsan pa ay nagwawala, ngayon ay mas madalas na ang pananahimik niya na parang laging may malalim na iniisip.
At kung magiging katulad niya ako, magiging distracted lang palagi ako sa school. That's why I chose to remove all of my thoughts everytime I'm with my friends and whenever I'm in school. Ayoko na rin mapagalitan ulit ng isang teacher dahil mali mali ang nai-submit kong outputs sa kaniya.
When the classes has ended, I immediately fix myself. I applied liptint in my lips na hiniram ko pa sa katabi. Marahan ko ring sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri habang naglalakad ako papunta sa bleachers.
Kaagad akong ngumiti nang makita ang lalaking hinahanap ko.
"Madelaine." kaagad itong tumayo at inakay ako paupo sa tabi niya.
"Hi!" masiglang bati ko rito. I saw some files in front of the table. "May ginagawa ka pala?" tanong ko rito at binalingan siya.
He nodded his head shyly. "Yeah. This is quite urgent kaya hindi ko maiwanan." napatango naman ako.
Kurt is the president of the student council. Gwapo at masipag mag-aral. Kaya nga mabilis akong naattract sa kaniya. Noong una ay nagkakangitian lang kami sa daan. Binabati ko siya dahil siya ang president ng student council. Hanggang sa nagkatotohanan na. We're not yet official, actually I could say that we have mutual understandings. At wala naman akong problema roon.
"Ayos lang ba? Tatapusin muna namin ito. Kasama ko naman ang iba pang student council kaya mas mabilis kaming matatapos. You can have your lunch while we're working. I'll just have someone to buy you foods."
Kaagad akong napailing sa sinabi niya habang nakaawang ang labi. I was quite shocked, not because of his thoughtfulness but because of something else.
Kabado kong iginala ang tingin sa unahan at doon nakita ang iba pang student council na pawang hindi makatingin ng diretso sa amin.
Except from one...
I gulped several times when my eyes darted to that certain person whose now looking at me with dark expression on his face.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (19)

  • avatar
    Sopeya

    😭 😭

    03/07

      0
  • avatar
    Judy Ann Gilbaliga Catedral

    Good

    05/05

      0
  • avatar
    ARINOMA LUDETTE

    ☺️☺️☺️

    29/01

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด