logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

I: 4

Sa sumunod pang mga araw, napapadalas na ang pag-uusap nila Ava at Gabriel. At kahit na madalas din siyang nasusungitan ni Ava, nasanay na rin siya. Hindi pa rin kasi nagbabago ang pagiging suplada at masungit ni Ava sa kan'ya. Sadyang natutunan lang siyang kausapin ni Ava.
"Hello sa iyo magandang, binibini," bati ni Gabriel kay Ava.
Kasalukuyang nagpapahangin sa duyan si Ava. Tiningnan ni Ava si Gabriel at saka ito inirapan. Natawa na lang si Gabriel. Nasanay na rin siya na palagi siyang iniirapan ni Ava.
"At ano na naman ang ginagawa mo dito? Distorbo ka na naman sa pagre-relax ko," mataray na wika ni Ava sa kaniya.
"May dala akong bukayo. Para sa iyo ito niluto ko ngayon lang. Tikman mo na," sabi ni Gabriel sabay abot sa kaniya ng bukayo.
Kumunot ang noo ni Ava. "Bukayo? Ano 'yon?"
"Buko ito na minatamis. Masarap ito. Puwede itong gawing panghimagas kapag katatapos mo lang kumain ng malansang pagkain."
Kinuha ni Ava ang bukayong inabot sa kaniya ni Gabriel. Pagkatapos ay tinikman niya ito. Sa unang tikim niya pa lang ay naarapan na siya. Lasang-lasa niya ang buko at hindi ito gaoon katamis. Nagustuhan ni Ava ang lasa ng bukayo kaya naman muli siyang kumuha ng isa upang kainin ito.
"Anong masasabi mo? Masarap ba?" tanong sa kan'ya ni Gabriel.
Ngumiti si Ava sabay tango. "Oo. Masarap siya."
"Mabuti naman at nagustuhan mo. Ito pa. Nilagyan na kita sa tupperware para kainin mo mamaya."
Kinuha ni Ava ang tupperware na may lamang bukayo. Pagkatapos ay nagpasalamat siya kay Gabriel.
"Bakit walang ganito sa Maynila? Hindi ko alam na may mga ganito pa lang pagkain," nagtatakang tanong ni Ava habang nakatingin sa hawak niyajg bukayo.
Tumawa naman si Gabriel. "Mayroong mga ganiyan loko. Imposibleng wala. Lalo na sa mga maliliit na tindahan sa tabi. Siguro hindi mo lang alam dahil kung ano-anong kasing pagkaing mamahalin ang binibili mo eh."
Umirap si Ava. "Sabagay. Hindi naman kasi ako bumibili ng mga kung ano-anong pagkain sa tabi. Pero infairness, masarap ang bukayong 'to. Magkano pala ito kapag binebenta." Muling kumain ng bukayo si Ava.
"Siguro nasa piso o dos. Ganoon lang ang presyo niyan kada isang piraso."
"Ah okay. Mura lang pala siya. Masarap ito kainin kahit ano mang oras. Mahilig pa naman kasi ako sa matatamis pero ang gusto ko ay 'yong hindi masyadong matamis talaga. May mga pagkain kasi na sobrang tamis kaya nakakasawa. Eh itong bukayo mo ay hindi masyadong matamis kaya masarap siya para sa akin."
"Sa susunod may lulutuin na naman akong pagkain na hindi mo pa natitikman. Ipapatikim ko sa iyo 'yon matikman mo ang mga pagkaing simple lang pero masarap. Mga pagkaing kahit hindi ganoon kamahal pero masarap," wika ni Gabriel sabay ngiti.
Agad namang tumango si Ava sabay ngiti. "Okay sige. Gusto ko 'yan. Basta ayoko lang ng nakakadiri, ha? Baka mamaya nakakadiring pagkain pala ang ipapakain mo sa akin."
Tumawa si Gabriel. "Loko! Bakit naman kita papakainin ng ganoong pagkain? Hindi ko gagawin 'yon! Baka sumakit pa ang tiyan mo eh 'di lagot pa ako."
Pinanlakihan siya ng mata ni Ava. "Talagang lagot ka sa akin! Sasapakin ko ang mukha mong unggoy!"
Kumamot naman ng ulo si Gabriel. "Bakit ba palagi mo na lang akong sinasabihan ng mukhang unggoy? Hindi ba ako guwapo sa paningin mo?"
Tumaas ang kilay ni Ava. "Hmmm….hindi. Sabihin na nating may itsura ka. Pero hindi ka talaga guwapo sa paningin ko eh. Sorry, ha? Huwag ka sanang magagalit. Sinasabi ko lang ang opinyon ko. Huwag sanang masaktan ang iyong damdamin. 'Yon kasi ang nakikita ng mata ko eh," pang-aasar sa kaniya ni Ava.
Ngumuso si Gabriel. "Grabe ka naman talaga sa akin! Pero ako gandang-ganda sa iyo," bulyaw niya kay Ava.
Malakas namang tumawa si Ava sabay irap. "Malamang! Maganda naman talaga akong tunay. At isa pa, walang inayos sa mukha ko. Talagang natural na ganda ko 'yan. Kasi 'di ba uso 'yong mga nagpapaayos ng mukha? Eh kasi ako, talagang gifted. Kaya dapat lang na magandahan ka sa akin." Kinindatan pa siya ni Akira sabay ngisi.
"Ang dami mo namang sinabi! Oo na. Ikaw na ang pinakamaganda. Kaya lang ikaw rin ang pinakasuplada at may pagkalaitera," sabi ni Gabriel sabay tawa ng mahina.
Nagkibit-balikat si Ava. "Ay wala kang magagawa kung laitera ako. Nagsasabi lang naman ako kung ano ang para sa akin."
"Siya nga pala, balak mo bang sumama sa akin mamayang hapon sa bukid?" Pag-iiba ni Gabriel ng usapan.
"Ha? Bakit? Ano namang gagawin ko doon?" takang tanong naman ni Ava.
"Wala lang. Panoorin mo lang akong magpitas ng mga prutas tapos kain tayo. At para din makagala ka kahit papaano. Hindi naman malayo ang pupuntahan natin."
Ngumuso si Ava at nagiisip kung sasama ba siya kay Gabriel. Tinatamad kasi siyang kumilos ngayong araw.
"Bahala na. Basta dumaan ka na lang dito mamaya," sabi ni Ava sabay higa sa duyan.
"Okay sige. Uuwi na muna ako sa amin dahil may aasikasuhin pa ako ngayong tanghali," paalam sa kaniya ng lalaki."
"Okay sige, tipid na wika ni Ava.
Nang makaalis si Gabriel ay ipinikit na ni Ava ang kan'yang mga mata. Madalas kasi na dito na siya natutulog sa duyan. Sariwa kasi ang hangin at talaga namang inaantok siya kapag nakahiga na siya sa duyan. Hindi na nga niya napansin na hapon na pala. Nagulat na lamang siya nang may humaplos sa buhok niya naman napabalikwas siya.
"Aray ko!" daing ni Gabriel nang biglang hawakan ng mahigpit ni Ava ang kamay niya.
"Buwisit ka naman kasi eh! Bakit bigla mo na pang hinaplos ang buhok ko?" Inis na sabi ni Ava.
"Sorry na. Huwag ka ng magalit. Ang ganda kasi ng buhok mo. Nga pala, kanina ka pa dito?"
Tumango si Ava. "Oo. Dito ako natulog."
Nanlaki naman ang mata ni Gabriel. "Ha? At bakit dito ka natutulog? Baka mamaya bigla maengkanto diyan."
Tinawanan siya ni Ava. "Ano? Naniniwala ka sa mga gan'yan?"
"Oo. Maraming engkanto dito dahil maraming puno diba. Baka magandahan sa iyo ang engkanto tapos magustuhan ka at dalhin ka sa kaharian nila."
Muling natawa si Ava dahil sa pinagsasabi sa kaniya ni Gabriel. "Hindi ako naniniwala sa mga gan'yan. Eh hindi kasi naman totoo ang mga engkanto na 'yan. At t isa pa, ang tagal ko ng natutulog dito. Wala namang engkantong nagpapakita sa akin. Wala naman akong engkantong napapaginipan. Mga kuwento lang ng matatanda 'yan. Masyado lang naniniwala ang mga engkanto."
"Loko. Huwag mo silang minamaliit diyan. Ikaw din."
Inirapan niya si Gabriel. "Ewan ko sa iyo! Huwag na nga nating pag-usapan 'yan. At bakit mo pala ako ginising? Ang sarap ng tulog ko eh!" bulyaw niya sa lalaki.
"Hapon na kaya," sagot naman ni Gabriel.
"Eh ano naman kung hapon na? Alas tres pa lang talaga."
"Di ba nga sasama ka sa akin sa bukid? Titingnan mo ako mamitas ng mga prutas. Marami kaming tanim doon. May mangga, may santol, bayabas, papaya at kung ano-ano. Tara kain na! Nang makagala ka rin!" Yaya sa kaniya ni Gabriel.
Ngumiwi si Ava sabay tayo. "Okay sige. Aayusin ko lang saglit ang sarili ko dahil kakagising ko lang. Magulo pa ang buhok ko kaya maghintay ka diyan," mabilis na wika ni Ava at saka pumasok na sa loob ng kanilang bahay.
Siguro nasa trenta minutos ang lumipas bago lumabas ng bahay si Ava. Nagpalit pala ito ng damit at naglagay ng kaunting makeup sa mukha. Mas lalo tuloy gumanda si Ava. Pero iba pa rin ang pagiging maganda nito kahit wala itong makeup.
"Ang tagal mo naman!" maktol ni Gabriel.
"Ah nagrereklamo ka? Eh 'di sana hindi ka na naghintay pa diyan at umalis ka na lang, 'di ba? Kung natagalan ka dapat nauna ka na!"
Kumamot naman ng ulo si Gabriel. "Kasi naman! Maganda ka na pero nagpapaganda ka pa."
Tumaas ang kilay ni Ava. "Eh ano namang pakialam mo kung nagpapaganda pa ako? Wala kang karapatang pagbawalan ako dahil hindi mo naman ako pag-aari!"
Tumawa si Gabriel. "Huwag kang mag-alala, Ava. Darating ang panahon na magiging akin ka."
Humagalpak naman ng tawa si Ava. "Alam mo, huwag ka masyadong mangarap ng mataas dahil kapag lumagapak ka, kawawa ka talaga. Iyak ka na lang."
Napailing na lamang si Gabriel at saka nagsimula na silang maglakad patungo sa bukid. Namitas ng mga prutas si Gabriel kagaya ng mangga, santol, bayabas, sinigwelas at kung ano-ano pa. Nagbalat si Gabriel ng mangga at pagkatapos binuksan niya ang bagoong na dala niya.
"Ang baho naman! Ano 'yan?" reklamo ni Ava nang maamoy niya ang bagoong.
"Hindi mo alam 'to? Bagoong ito. Masarap ito maging partner sa mangga," sagot ni Gabriel.
"Hindi ko talaga alam 'yan dahil hindi pa naman ako nakakakain niyan."
"Medyo maasim ang mangga kaya isasawsaw mo diyan sa bagong ang mangga dahil matamis-tamis 'yang bagoong na niluto ko."
Kumunot ang noo ni Ava. "Bakit naman maasim itong mangga eh maniba na siya."
"Manggang kalabaw kasi 'yan kaya maasim. Pero masarap 'yan kapag hinog. Ang matamis kapag maniba ay 'yong indian mango. Tikman mo na. Marami na akong nabalatan na mangga."
Napalunok si Ava. "Hindi ba 'to dirty?" maarteng wika niya.
"Anong dirty ka diyan? Ako ang nagluto ng bagoong na 'yan kaya malinis at maayos 'yan. At saka kung madumi 'yan, eh 'di sana hindi na ako kakain, 'di ba? Bilisan mo n. Tikman mo na."
Kumuha ng isang hiwa ng mangga si Ava at pagkatapos ay isinawsaw niya sa bagoong. Nang matikman niya ang pinagsama ng lasa ng bagoong na matamis-tamis at mangga na maasim-asim, nanlaki ang mata niya.
"Ang sarap pala! Bagay 'yong lasa ng mangga at saka bagoong. Gusto ko na 'to," masayang sabi ni Ava at saka muling kumuha ng mangga sabay sawsaw sa bagoong.
"Oh 'di ba masarap? Ang arte mo pa kanina," sabi ni Gabriel sabay tawa.
Inirapan niya ang lalaki. "Eh masisisi mo ba ako kung ngayon ko lang natikman ang bagoong na 'yan? Hindi naman kasi ako hinahainan ni Mommy ng bagoong sa pagkain ko."
"Oo na. Sige na. Kumain ka na diyan," putol ni Gabriel sa sasabihin pa ni Ava.
Habang kumakain sila, npadaan ang kaibigan ni Gabriel na si Miko.
"Uy! Nandito pala kayong dalawa!" wika ni Miko sabay lapit sa kinaroroonan nila.
"Hello, Ma'am Ava," sabi ni Miko nang bumaling siya kay Ava.
"Hello din, sa iyo. Sabayan mo kami kumain ng mangga," sabi naman ni Ava habang nakangiti.
Tumabi naman si Miko kay Ava. Kaya naman napatingin doon si Gabriel. Bigla siyang nakaramdam ng inis.
"Kumakain ka pala ng bagoong, Ma'am Ava? Akala ko kasi hindi ka kumakain niyan," sabi ni Miko sabay kamot sa ulo.
"Ngayon ko lang ito natikman. Pinatikim ako ni Gabriel. Masarap pala ito kahit na medyo mabaho ang amoy. Ngayon lang ako kumain ng mangga na may kasamang bagoong. Ang hilig ko kasing isawsaw sa mangga ay asin na may sili." Muling kumuh ng mangga si Ava at nilagyan niya ito ng maraming bagoong.
"Ah oo! Masarap din kasi 'yon. Hilig ko rin ng manggang asin na may sili."
Ngumiti si Ava. "Oh talaga? Parehas pala tayo."
Mas lalong nakaramdam ng inis si Gabriel dahil sa pagdating ni Mico, para bang nawala siya bigla sa usapan. Sila Miko at Ava na lang kasi ang nag-uusap. Tumikhim si Gabriel.
"Bakit ka pala nandito? Wala ka namang gagawin sa bahay niyo?" tanong ni Gabriel sa kaibigan niya.
"Ah wala na. May pinuntahan lang kasi ako malapit dito. Tapos nag-short cut na ako dito sa bukid," sagot naman ni Miko.
Tumatango-tango si Gabriel. "Ah okay. Kumain ka na lang diyan at huwag ka masyadong madaldal dahil baka mabulunan ka." Makahulugang tumingin si Gabriel kay Miko.
Habang si Miko naman ay napalunok at tila nakaramdam ng kakaiba sa titig ni Gabriel na pailalim. Kumunot naman ang noo ni Ava dahil hindi niya alam kung bakit iyon nasabi ni Gabriel.
"Kumain ka pa, Miko. Marami pang mangga. May santol pa. Masarap pa ang niluto ni Gabriel na bagoong."
Kumain naman si Miko ng mangga at isinawsaw ito sa bagoong. "Ang sarap talaga ng luto mo, Gabriel! Solid!" puri ni Miko sa kaibigan.
"Okay. Salamat. Pero huwag mo masyadong ubusin dahil para kay Ava 'yan," sabi ni Gabriel habang nagbabalat ng mangga.
Natahimik naman si Miko. Naramdaman niya na parang ayaw ni Gabriel na nandito siya. Kaya naman bigla siyang tumayo.
"Ay oo mga pala! Bigla kong naalala na may inutos pala sa akin si Mama," palusot ni Miko sabay tingin kay Gabriel. Lihim namang napangiti si Gabriel.
"Ah okay. Sige ingat ka sa pag-uwi," wika naman ni Ava.
"Salamat, Ma'am Ava. Sige alis na ako, Gabriel." Alanganing ngumiti si Miko sabay tingin kay Gabriel.
Tango lang ang sinagot sa kanya ni Gabriel. At pagkatapos ay nagmamadaling naglakad palayo si Miko. Nagpatuloy naman sa pagkain ng mangga si Ava. Nakakaapat na mangga na siya at pang-lima na ang nasa kamay niya.
"Hoy! Ang dami mo ng kinain na mangga. Baka sumakit ang tiyan mo niyan," saway sa kaniya ni Gabriel.
Nanlaki ang mata ni Ava. "Hala! Oo nga! Last na 'to. Pero puwede bang bigyan mo ako ng mangga para may mauwi ako sa bahay?"
Nginitian siya ni Gabriel. "Oo naman. Sige pipitas pa ako."
Ngumiti si Ava at saka inubos na ang manggang nasa kamay niya. Pumapak pa siya ng bagoong dahil nasarapan siya dito.
"Nga pala, close ba kayo ng kaibigan kong si Miko?" biglang tanong ni Gabriel.
Umiiling si Ava. "Hindi. Nagkakausap lang. Kasi inuutusan siya ni Aling Minda. Tapos ayon, binabati niya ako kaya pinapansin ko siya. Pero hindi naman matagal ang usap naming dalawa."
"Ah okay. Pero hindi ka naman niya hinaharot?"
"Hindi. Magalang pa nga siya eh. Ikaw lang naman ang humaharot sa akin. Malandi ka kasi," sabi ni Ava.
Natawa na lamang si Gabriel. Namitas muna siya ng mangga para kay Ava bago sila umuwi. Masaya si Gabriel dahil kahit papaano nararamdaman niyang napapalagay na ang loob sa kaniya ni Ava. At aaminin niya, gusto na niya ito. Hindi dahil sa pisikal nitong anyo, kun'di dahil sa pagiging suplada nito sa kaniya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (29)

  • avatar
    Jessa Panican Abot

    nice

    29/07/2023

      0
  • avatar
    BihasaJhoanne

    💕💕

    18/07/2023

      0
  • avatar
    John Carlo Ace Emnace

    very beautiful! thank you author

    14/07/2023

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด