logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 4

"SINABI ko naman kasi sa'yo na ako na ang bahala sa boyfriend mo." Sabi ng nasa kabilang linya. "Paano kung buhay pa siya? Hindi kaya paghinalaan ka niya?"
Pinatay ni Monica sa ashtray ang apoy ng sigarilyo.
"Malabo na paghinalaan ako ni Ely. Mahal na mahal ako ng lalaking 'yon. T'saka nakasuot ako ng maskara nang barilin ko siya."
"Nakapag-report  na ba sa mga pulis ang pamilya ni Ely?"
"Hindi pa. Pinigilan ko si Tita Pamela, ang sabi ko sa kanya ako na ang bahala. At ang matandang iyon, naniwala naman." Malutong na tumawa si Monica.
"Pupuntahan kita sa bahay mo, Babe. Sakali man na buhay pa si Ely, may bago akong pinaplano."
"Naisip mo pa talaga na buhay pa siya?" taas kilay na sagot ni Monica sa kausap.
"Babe, wala pa nababalita sa telebisyon o radyo na may nakakita sa katawan ni Ely. Baka nga buhay pa siya."
Napabuntong-hininga si Monica.
"Ano ba ang pinaplano mo?"
"Hintayin mo nalang ako. Pag-uusapan natin ang tungkol sa bago kong plano." Kahit hindi ito nakikita ni Monica ay alam nitong nakangisi ang kausap. "Mag shower ka dahil sobrang na-mis kita."
Kinikilig na isinandal ni Monica ang kanyang likod sa sofa. Alam niya kung ano ang ibig ipabatid ng kanyang kausap.
"I missed you too. Sige, Babe, mag shower na ako. I love you!"
"I love you too!" sagot sa kabilang linya. At nawala na ito sa kabilang linya.
May ngiti sa labi na ibinalik ni Monica ang reciever phone sa cradle nito. Tumayo ang babae, tumuloy sa kanyang kuwarto upang maligo.
HINDI mapakali si Pamela kahit na nga nangako sa kanya ang nobya ng kanyang anak na ito na ang gagawa ng paraan makontak lang nito ang kanyang anak.
Araw-araw na nakabantay sa telepono si Pamela dahil umaasa ito na tatawag anuman oras ang anak.
Kring! Kring!
Mabilis na inangat ni Pamela ang reciever phone.
"Hello?"
"Ma," sagot mula sa kabilang linya.
Huminga ng malalim si Pamela. Ang bunso niyang anak ang tumawag.
"Ikaw pala, Ersan. Tumawag na ba sa'yo ang kuya mo?"
"Hindi, Ma." Sagot ni Ersan sa kabilang linya. "Ano ang napag-usapan n'yo ni Ate Monica?"
"Sabi ko sa kanya kapag hindi pa rin tumawag sa atin ang kuya mo pupunta na ako ng presinto para mag report. Ang sabi ni Monica siya na raw ang bahalang mag-asikaso. Kinakabahan na kasi ako anak, baka kung napaano na ang kuya Ely mo. Sa tuwing may pinupuntahan siyang ibang lugar hindi naman siya nakakalimot mag text o kaya ay tumawag sa akin."
"Ma, nag researched ako tungkol sa Isla Gilligan na pinuntahan ni kuya. Malayo sa kabihasnan ang lugar, wala pang suplay ng kuryente at wala din cell tower sa lugar na iyon. Meaning, hindi makakagamit ng cellphone si kuya para makatawag."
"Pambihira kasi iyang kuya mo, napakadami naman puwedeng puntahan doon pa sa lugar na nalipasan na ng teknolohiya."
"Hindi ka na nasanay kay kuya Ely. Mahilig sa adventure si kuya. T'saka ang alam ko, kaya siya pumunta roon sa Isla dahil gusto niyang bumili ng property."
"Property?" ulit ng babae. "Like what?
"Lupa, Ma,"
"Ang paalam niya sa akin, business trip kaya siya pumunta sa Islang 'yon,"
"Pareho lang 'yon, Ma." Sagot ni Ersan. "Nagbabalak kasi si kuya magtayo ng ibang negosyo sa ibang lugar. Relax ka lang diyan, Ma."
"Paano ako makakapag-relaks? Mag-iisang buwan nang hindi nagpaparamdam ang kuya mo. Hindi ako sanay na hindi siya tumatawag sa tuwing nasa ibang lugar siya. Paano kung may masamang nangyari sa kanya?" Nag sign of a cross si Pamela. Lihim na nagdarasal na sana ay nasa maayos na kalagayan ang panganay na anak.
"Huwag ka kasing mag-iisip ng negatibo Ma, walang masamang nangyari kay kuya. Maghintay pa tayo ng ilang araw, kapag hindi pa rin tumawag si kuya ako na mismo ang pupunta sa presinto. Magpapasama ako sa mga pulis at mga rescuer na pumunta sa Isla Gilligan. Magpahinga ka na Ma, tumawag lang ako para ipaalam sa'yo ang tungkol sa Isla. Iwasan mo mag-iisip ng hindi maganda at baka makasama pa sa kalusugan mo."
"Sige anak," malumanay na sagot ni Pamela. "Basta kapag tumawag diyan sa opisina ang kuya mo tawagan mo ako."
"Yes, Ma. Sige na po kailangan ko na bumalik sa office ko."
"Bye, anak!"
"Bye, Ma!"
Mahigpit ang hawak ni Pamela sa reciever phone nang mawala na sa kabilang linya ang bunsong anak. Hindi pa rin siya mapakali, iba ang ang kanyang pakiramdam.
Bilang isang ina, hindi maalis ang kaba sa kanyang dibdib na baka may nangyaring hindi maganda sa panganay niyang anak. At hindi niya iyon gustong mangyari.
KAKAIDLIP lang ni Kristina nang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pag-ihip at pabugso-bugsong malakas na hangin. Iminulat niya ang mga mata. Kinakabahan siya dahil parang masama ang panahon.
Bumangon siya sa hinihigaan niyang papag. Nagsindi siya ng gasera at pumunta sa kusina. Inangat niya ang termos upang alamin kung may lamang mainit na tubig.
Humihikab na kumuha ng tasa si Kristina. Malamig ang ihip ng hangin kaya magtitimpla siya ng kape.
Naalimpungatan din si Ely nang biglang kumulog ng malakas. Napasulyap siya sa papag ng dalaga, wala ito roon kaya nagpasya siyang bumangon.
"Kristina?" bahaw ang boses na tawag ng binata sa dalaga. May narinig siyang ingay sa kusina kaya pumaroon siya. "Hindi ka ba makatulog, Kristina?"
Bahagyang nagulat naman si Kristina. Katatapos lang niya magtimpla ng kape.
"Ely, bakit bumangon ka?"
"Nagising ako dahil sa kulog. Hindi kita nakita sa iyong papag kaya bumangon na ako para hanapin ka. Hindi ka ba makatulog?"
"Nakaidlip na ako. Nagising lang din ako dahil sa malakas na buhos ng ulan. Gusto mo ba mag kape?" alok niya sa binata.
Tumango naman si Ely bilang tugon sa dalaga. Naupo siya sa upuang kawayan.
"Sandali lang," sabi niya at kumuha siya ng tasa upang ipagtimpla ng kape ang binata. Pagkatapos niya magtimpla ay dinala niya ang dalawang tasa na may kape sa mesa. "Parang may bagyo, nag-aalala ako para kay lola."
Nagpasalamat si Ely sa dalaga nang ibigay nito sa kanya ang tasa na may umuusok na kape. "Sa pagkakatanda ko, alas-otso ng gabi umalis sina Mang Tasyo kasama ng iyong lola. Alas-diyes na ng gabi ayon sa relong nakasabit sa dingding."
Naupo na rin sa upuan si Kristina, halatang balisa ang kanyang mukha.
"Kinakabahan kasi ako, Ely, nag-aalala ako para kay lola." Sabi niya na parang maiiyak.
"Magdasal na lamang tayo na sana'y walang masamang nangyari sa kanila." Sagot ni Ely na pinakatitigan ang magandang mukha ng dalaga. Nakikita niya sa mga mata nito ang pag-aalala.
Napatango naman ang dalaga.
Dahil sa sinabing iyon ng binata, nagkaroon ng pag-asa si Kristina. Agad silang nanalangin, humingi ng awa sa Diyos upang gabayan at ilayo sa kapahamakan si Aling Lorena, maging ang mag-asawang Mang Tasyo at Aling Belen.
"Pagkatapos natin magkape, matulog ka ulit. Pag gising mo narito na ang iyong lola." Wika ni Ely.
"Parang hindi ko kayang matulog, nag-aalala ako kay lola. Gusto kong dumating na ang umaga," sagot ni Kristina.
"Kung ganoon, sasamahan kita rito hanggang sa dumating na ang umaga. Tuwing umaga ay dumadaan rito si Mang Tasyo upang magbigay ng mga isda. Tatanungin natin siya tungkol sa lola mo."
"Maraming salamat, Ely," sagot niya. Ang kanyang mga mata ay nasa nakabukas na bintana sa kusina. Nakikita niya ang pagguhit ng kidlat sa langit na dumagdag sa kabang kanyang nadarama.
Nanatili nga sila sa kusina. Inabala naman ni Kristina ang kanyang sarili sa pagbabalat ng kamote habang si Ely naman ay nagkakayod ng niyog na gagamitin ng dalaga sa pagluluto ng ginataang kamote.
Inabot na nga ang dalawa sa kusina ng liwanag at hindi na nakatulog. Pero habang nagliliwanag lalo naman lumalakas ang hangin at makulimlim ang langit kaya kung titingnan ng mabuti ay parang dapit-hapon ang uri ng liwanag ng umagang iyon.
Nakikita ni Ely na panay na ang hikab ng dalaga habang nakatalungko ito sa may bintana. Inaabangan nito ang pagdating ni Mang Tasyo.
Hindi na mapakali si Kristina dahil ayon sa kanilang orasan ay alas-nuwebe na ng umaga at hindi pa rin niya nakikita, si Mang Tasyo sa kanilang bakuran.
"Kristina, kumain ka muna. Baka naman dumaong sina Mang Tasyo sa ibang aplaya upang magpalipas ng sama ng panahon," pagbibigay pag-asa ni Ely sa dalaga. "T'saka ang sabi mo ihahatid lang ang lola mo sa short-cut na daan, baka naman naihatid na siya ni Mang Tasyo kagabi bago pa bumuhos ang ulan."
"Ely, talagang masama ang kutob ko." Umiiyak niyang sabi. Muli siyang dumungaw sa bintana, malakas pa rin ang buhos ng ulan.
"Huwag ka mag-isip ng masama, Kristina. Maghintay pa tayo baka mamaya umuwi na rin sina Mang Tasyo." Alo nito sa kanya. "Dito ka lang, ikukuha kita ng iyong makakain."
Tumango naman siya kahit na nga parang wala siyang ganang kumain, kinakabahan siya na hindi niya mawari. Hindi siya mapakali.
Bumalik sa kuwarto niya ang binata, may dala itong pagkain.
Napahinuhod naman ng binata na kumain maski na konti si Kristina. Ang binata na rin ang naghugas ng mga pinggan dahil alam nitong hindi makakapagtrabaho sa bahay ang dalaga dahil sa tindi ng pag-aalala sa lola nito.
HAPON na pero hindi pa rin nila nakikita ang pagdating ng mag-asawang Mang Tasyo at Aling Belen. Lalong tumindi ang kaba na naramdaman ni Kristina.
Umiiyak na kinuha ng dalaga ang lumang payong.
"Saan ka pupunta?" tanong sa kanya ng binata. "Malakas ang ulan at ihip ng hangin,"
"Hindi ako mapakali, Ely," sagot niya. "Pupunta ako sa bahay nina Mang Tasyo baka nakauwi na sila kagabi nang hindi natin namamalayan."
Lumabas ng kanilang dampa si Kristina. Hindi na niya nilingon ang binata na pilit na pinipigilan siya.
Mabilis naman na kinuha ni Ely ang nakita niyang kapote na nakasabit sa kusina, punit-punit na ito kaya itinakip na lamang niya sa ulo ang kapote. Lumabas siya ng dampa at sinundan ang dalaga.
"Mang Tasyo! Aling Belen!" Malakas na sigaw ni Kristina nang makapasok na siya sa bakod ng bahay ng mag-asawa. "Tao po?! Mang Tasyo! Aling Belen!"
Nasira ang payong na dala ni Kristina nang umihip ang malakas na hangin. Binitiwan niya ang nasirang payong, hinayaan niyang mabasa siya ng ulan.
"Mang Tasyo! Aling Belen!" Muling tawag niya sa pangalan ng mag-asawa. Humagulgol na siya ng iyak. Hindi sumasagot ang mag-asawa kaya ibig sabihin hindi nakakauwi ang mga ito.
"Kristina!" narinig niya ang pagtawag sa kanya ng binata. Hindi niya napansin na sinundan pala siya nito.
Mabilis na itinakip ni Ely sa ulo ng dalaga ang dala niyang kapote. Nanuot sa kanyang katawan ang lamig dulot ng ulan at malakas na hangin.
"Ely, wala sa bahay nila sina Mang Tasyo," umiiyak niyang sabi. Hindi niya alintana ang malakas na ulan kahit na basang-basa na siya. "Lalo akong hindi matatahimik hanggat hindi ko sila natatanong tungkol kay lola,"
"Sshhh... Tara na, bumalik na tayo sa inyong dampa. Baka magkasakit ka, basang-basa ka ng ulan."
"Pero-" hindi natuloy ang kanyang sasabihin nang makita niyang may bumakat na dugo sa suot na damit ng binata. "Ang sugat mo nagdurugo,"
"Wala ito," sagot ng binata. "Halika na, bumalik na tayo sa inyong dampa."
Hindi na tumanggi si Kristina. Nag-alala rin siya para sa binata lalo na at hindi pa pala lubusan na naghihilom ang sugat nito malapit sa dibdib.
BUMALIK ang dalawa sa dampa. Mabilis naman na kinuha ni Kristina ang gamot na pampahid sa sugat. Naglagay siya ng maligamgam na tubig sa maliit na palanggana, gagamitin niya iyon pampunas sa sugat ng binata.
"Sana hindi mo nalang ako sinundan baka mabinat ka." May pag-aalala sa tono ng boses ni Kristina. Tinulungan niya ang binata na mahubad ang suot nitong t-shirt. "Lilinisin ko muna ang sugat mo."
Binasa sa tubig ni Kristina ang face towel at piniga. Dinala niya iyon sa sugat ng binata na malapit sa dibdib nito. Hindi niya napansin na mataman siyang pinagmamasdan nito.
Seventeen years old lang ang dalaga pero ang hubog ng katawan nito ay parang isang ganap na dalaga. Basang-basa ng ulan ang dalaga kaya hapit sa katawan nito ang  basang kasuotan. Bumakat ang magandang hubog ng katawan nito. Napasinghap si Ely nang mapadako ang kanyang paningin sa mga dibdib ng dalaga na bumakat sa suot nitong blouse na kulay puti.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1007)

  • avatar
    Jowena Rose

    Sobrang exciting ng story grabe plot twist huhu kakilig tagos hanggang atay!!! 😭 🤍

    19/01/2022

      1
  • avatar
    Angely Bawa-an

    wowww so ikaw din pla Ang author Ng unconditional love 💕 wow ..nakaka amaze Kasi nabasa ko din Yun Kaya ,I'm happy na May sariling kwento na si Kristen &Ely thank you author 😍🙏

    01/01/2022

      1
  • avatar
    Kharen Rose De Leon

    nice story . gusto ko yung mga ganito ndi ganun ka haba bawat chapter. ndi rin ganun kahba ang kabuuan ng story. pero may happy ending 🥰😍

    29/12/2021

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด