logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 3

LUMIPAS na ang maghapon na puro kuwentuhan tungkol sa kanilang mga nakaraan at mga minamahal sa buhay ang dalawa hanggang sa hindi nila namalayan na dumidilim na.
"Gabi na pala," sabi ni Kristina. Tumayo siya mula sa kinauupuan niyang upuang kawayan na katabi lang ng papag na kinauupuan naman ng binata.
Nagsindi ng gasera si Kristina. Hindi pa naabot ng serbisyo ng Sulmeralco ang kanilang nayon kaya wala pang kuryente.
"Napakatahimik pala rito kapag gabi na. Hindi ka ba natatakot na naiiwan ka mag-isa rito?" usisa ng binata sa kanya.
"Hindi." Sagot niya. "Lahat ng mga tao dito ay magkakakilala na at madalang ang hindi lehitimong tagarito. Tahimik at walang krimen na nangyayari rito sa aming Baryo."
"Hindi ka ba nangangarap na makaalis dito sa lugar n'yo? Ayaw mo ba sumubok makipagsapalaran sa ibang lugar? Halimbawa sa Maynila?"
"Nangangarap din. Pero kung ang kapalit naman ay maiiwan ko mag-isa rito sa Baryo Amaya si lola, hindi bale na lang. Matanda na si lola, kailangan niya ng makakasama at mag-aalaga sa kanya. Tatanggapin ko na lang ang aking magiging kapalaran dito, kahit labag man sa loob ko na makapag-asawa sa edad na bente ay gagawin ko, naaawa na rin kasi ako kay lola."
"Kristina, magpahinga na nga tayo baka kung saan pa mapunta ang usapang ito. Dito ka na mahiga sa papag at ako na riyan sa lapag," sabi ng binata.
"Huwag na at baka malamigan ang iyong mga sugat." May pagtutol sa tinig ni Kristina ng sabihin iyon. "Mahihirapan ka na makatulog dito dahil hindi pantay ang sahig na kawayan. Diyan ka na lamang mahiga sa papag."
"Okay lang ako. Babae ka kaya dapat lang na sa papag ka mahiga at dapat lang na riyan ako sa lapag para alam ko kapag may nagtangkang pumasok sa pinto. Ako ang magiging bantay mo ngayon," mayabang na sabi ni Ely para mapatawa ang dalaga.
"Ikaw na nga ang bahala, pero kung sakaling hindi ka makatulog diyan puwede naman tayo magpalit ulit ng puwesto." May pagsusukong sagot ni Kristina. Tumindig siya upang lumipat sa papag na dati niyang higaan.
Panatag ang kalooban ni Kristina ng gabing iyon dahil may kasama siya ngayon. At si Ely naman ay maayos na ang pakiramdam kaya nakatulog na ng maayos.
Sinilip niya ang binata. At nang makita niyang nakatulog na ito ay ipinikit na rin niya ang kanyang mga mata.
KINAUMAGAHAN ay dumating na ang lola ni Kristina. Marami itong dalang gulay na paninda.
"Magandang umaga," bati ni Mang Tasyo kay Aling Lorena.
"Ikaw pala, Tasyo. Halika, pumasok ka sa aming dampa."
Pagkatapos tulungan ni Kristina ang kanyang lola na maipasok sa kanilang dampa ang mga gulay na dala nito, tumungo naman siya sa kusina upang magtimpla ng kape.
"Hindi na ho, Aling Lorena." Tanggi ni Mang Tasyo. "Napadaan lamang ako upang ihatid sa inyo ang mga isdang nahuli ko."
"Mukhang marami kang huli, malalaki ang mga isda at talagang sariwa dahil pumapasag pa." Namimilog ang mga matang sabi ni Aling Lorena nang tanggapin nito ang binigay na mga isda ni Mang Tasyo.
"Talagang sinadya ko na ganito kalalaking isda ang ibigay sa inyo para makatikim naman ng sariwa ang inyong panauhin. Masarap ang mga isdang iyan kapag inihaw at sinigang." Wika ni Mang Tasyo. "Kumusta na nga pala ang inyong panauhin? Magaling na ba ang mga sugat niya?"
"Hindi na ho kumikirot at medyo naigagalaw ko na ang aking mga braso." Si Ely ang sumagot sa tanong ni Mang Tasyo. Kagigising lang niya. Nasa pintuan na siya ng kuwarto nang marinig ang tanong ng matandang lalaki. "Magandang umaga ho,"
"Kaawaan ka ng dios, iho." Sagot ni Mang Tasyo.
"Bakit tumayo ka na, baka mabinat ka?" may pag-alala sa tono ng boses ni Aling Lorena.
"Magaling na po ako, lola. Maraming salamat sa'yo lola Isyang, napakalaki ng utang na loob ko sa inyo. Kung hindi mo ako nakita sa aplaya, baka patay na ako ngayon."
"Huwag mong intindihin iyon, iho. Hanggat hindi mo pa kayang bumalik sa Maynila, maaari kang manatili rito." Anang matanda. Hinarap nito si Mang Tasyo. "Tasyo, maraming salamat sa mga isdang binigay mo."
"Walang anuman, Aling Lorena," sagot ni Mang Tasyo. Humarap ito sa binata. "Iho, magpagaling ka."
"Maraming salamat ho," tumatango na sagot ni Ely.
Nagpaalam na sa kanila si Mang Tasyo na aalis na upang pumunta ng laot. Nangako pa itong magbibigay ng sugpo pagkabalik mula sa laot.
"Kristina, apo!"
"Bakit po, La?" tanong ni Kristina, katatapos lang niya magtimpla ng kape.
"Pakikuha itong mga isda, linisan mo. Ako na ang magluluto ng mga isda, maliligo lang muna ako." Sagot naman ng kanyang lola.
"Mamaya ka na maligo lola, nakapagtipla na ako ng kape. Mag-almusal na muna tayo, nailipat ko na rin sa plato ang dala mong pandesal, lola." Sabi ni Kristina nang makalapit sa kanyang lola. Kinuha niya sa kamay nito ang maliit na timba na pinaglagyan ng mga isda.
"Kayo na lamang ni Ely ang mag-almusal. Kumain ako kina tiyang mo bago ako umuwi." Sagot nito. "Paano iho, maiwan ko muna kayo nitong apo ko. Huwag kang mahihiya sa amin. Handa kami tumulong sayo hanggat kaya namin,"
Ngumiti si Ely. "Maraming salamat po ulit, lola."
Niyakag na ni Kristina ang binata sa kusina para makapag-almusal.
Lumabas na rin ng kanilang dampa si Aling Lorena. Pumunta ito sa likod bahay kung saan naroon ang kanilang poso. Mayroon din silang maliit na palikuran na gawa sa kawayan at ang bubong nito ay gawa naman sa dahon ng anahaw.
Pagkatapos makapag-almusal. Ang paglilinis naman ng mga isda ang inasimaso ni Kristina.
"Tulungan na kita sa paglilinis ng mga isda," prisenta ni Ely sa dalaga.
"Naku! Huwag na," tanggi ni Kristina. "Hindi ka pa lubos na magaling, magpahinga ka na lamang diyan,"
Tumayo si Ely sa kinauupuan niyang gawa sa kawayan. "Magaling na ako at iyon ay dahil sa magaling ka mag-alaga, Kristina. Hayaan mo na tulungan kita upang mapabilis ang paglilinis ng mga isda. T'saka baka masugatan ka. Malalaki ang mga isda at tiyak na malalaki din ang mga tinik."
Napangiti ang dalaga.
"Sa kapal ng kalyo ng mga kamay ko hindi na ako matutusok ng mga tinik ng isda. Dito ako pinanganak at nagkaisip. Madalas akong nasa dagat, kulang nalang magkaroon ako ng buntot ng isda para maging isang sirena." Sabi niya na sinabayan ng mahinang tawa.
"Patingin," sabi ni Ely sabay hawak sa mga kamay ng dalaga.
Nagulat si Kristina sa ginawang iyon ng binata. Nahihiyang binawi niya ang kanyang mga kamay.
"Ayoko. Nakakahiya," tanggi niya. Mahigpit na hinawakan niya ang palanggana na may mga isdang lilinisin niya.
"Sige na, hayaan mo na tulungan kita," pamimilit ng binata.
"Talaga bang kaya mo na? Baka naman nahihiya ka lang sa amin ni lola ay huwag mong pilitin ang iyong sarili. T'saka baka dumugo ang iyong mga sugat mahirap na,"
Hindi sumagot si Ely pero kumuha siya ng isang isda na nasa palanggama. Nakamata naman dito si Kristina.
"Hay, sige na nga kung mapilit ka." Iyon na lamang ang nasabi ni Kristina. Inilapag niya sa lababong kawayan ang palanggana.
Pinagtulungan nga nina Kristina at Ely ang paglilinis sa mga isda. Sa ganoong tagpo nakita ni Aling Lorena ang dalawa sa kusina. Napangiti ang matanda, lalo na nga at parang close na and dalawa.
Sabay-sabay silang kumain ng tanghalian at busog na busog si Ely. Iba talaga ang kanyang panlasa sa sariwang pagkain, tingin nga niya ay tumataba na siya dahil puro sariwa at masusustansiyang pagkain ang kinakain niya araw-araw. At ngayon lang din siya nakaranas kumain ng nakakamay kaya ginanahan siyang mabuti.
"Apo, mamayang gabi ay sasama ako kay Tasyo na pumunta sa laot, kasama si Belen na kanyang asawa." Nagpapaalam na sabi ng kanyang lola habang naghuhugas ng mga kamay.
Natigil naman sa paghuhugas ng pinagkainan nila si Kristina.
"Bakit ka sasama sa laot, La?"
"Sabi kase ni Tiyang Mercedes mo ngayon daw pupunta sa kanila ang pagsasanlaan ko ng ating lupa," sagot ng lola niya. "Makikisabay lang ako sa bangka, susunduin ako nina Tiyang mo sa short-cut."
"Lupa?" ulit ni Kristina.
"Apo, hindi naman lingid sa kaalaman mo na malaki ang utang natin kina Cardo. Masyado na niya akong ginigipit, gusto niyang maging kabayaran ay ang pagpapakasal mo sa anak niyang si Rafael. Malapit na rin ang pasukan, gusto kong makapag-aral ka ulit." Paliwanag ni Aling Lorena.
"Hindi naman ako nag aapura na makapag-aral ulit, lola. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon ng pamumuhay natin. T'saka anong lupa ang sinasabi mo, La?"
"Itong lupa na kinatitirikan ng ating dampa," malungkot ang tono ng boses ni Aling Lorena. Kahit man sa matanda ay labag sa kalooban na isanla ang munting lupa na nabili nilang mag-asawa nang ito'y nabubuhay pa.
"Pero lola, hindi ka ba nangangamba na baka masamang tao ang mapagsanlaan nitong lupa n'yo ni lolo? Baka gumawa sila ng mga pekeng dokumento at sabihin na binenta mo sa kanila ang lupa at hindi sinanla."
Naupo sa isang silya si Aling Lorena.
"Hindi naman siguro apo, tsaka kamag-anakan daw ng asawa ni Tiyang Mercedes mo ang pagsasanlaan ng ating lupa."
Napabuntong hininga si Kristina. Nakikita niya sa mukha ng kanyang lola na desidedo ito sa pagsasanla ng munti nilang lupa.
"Kung hindi ko na kayo mapipigil sa iyong binabalak, ipagbukas mo nalang ang iyong pag-alis lola. Delikado na kapag gabi pa kayo magbab'yahe."
"Iyon ang usapan namin. Nakakahiya naman kina Tiyang at Tiyong mo, baka maghintay sila sa akin sa short-cut na daan. Huwag kang mag-alala, mag-iingat naman ako at bukas ng tanghali ay makakauwi na ako."
NAKAMASID lamang si Ely sa mag lola. Nahihiya naman siyang makialam sa pinag-uusapan ng dalawa, pero nakaramdam siya ng habag sa mag lola. Sapagkat nakikita niya ang pagsusumikap ng mga ito laban sa kahirapan. Ang dalagang si Kristina, nakikita niya itong lagi nakangiti na para bang masaya na ito sa payak na pamumuhay basta kasama lang ang kanyang lola.
"Iho, puwede ba kitang makausap?" pukaw ng matanda sa pag-iisip niya.
"Baki po, lola?" medyo nagulat niyang tanong.
"Aalis ako mamayang gabi, kung maaari sana ikaw na ang bahala sa aking apo na si Kristina. Huwag mo sana siyang pababayaan," hiling ng matanda sa kanya.
"Huwag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala kay Kristina. Pero bakit po ba kayo nagbibilin ng ganyan? Parang hindi na kayo babalik kung magsalita." Puna ni Ely sa sinabi nito.
Ngumiti si Aling Lorena.
"Gusto ko lang makatiyak na habang wala ako ay ikaw na ang magsisilbing bantay ng aking apo. Alam mo bang nag-iisa lang siyang alaala ng kanyang namayapang mga magulang kaya mahal na mahal ko ang batang iyan." Dagdag pa sa sinabi nito.
Tumango-tango si Ely.
"Huwag kayo mag-alala lola, makakaasa po kayong babantayan ko si Kristina. Parang nakababatang kapatid na ang tingin ko sa apo n'yo."
"Salamat naman kung ganoon. Sige iho, maiwan na muna kita at ako'y iidlip hindi ako nakatulog ng maayos kagabi." Nakangiting sabi ng matanda pero parang malungkot pa ring tignan.
Nagtataka man ay hindi na nagtanong pa si Ely. Nakita niya ang dalaga na may dalang timba patungo ito sa likod bahay kung saan naroon ang poso. Huminga muna siya ng malalim bago tumayo. May bumabagabag sa kanyang damdamin nang makausap ang matanda ngunit hindi niya mawari kung ano iyon.
Sa kusina dumaan ang binata upang tulungan na mag igib ng tubig ang dalaga.
NAGSISINDI ng sigarilyo si Monica nang makatanggap siya ng tawag. Humithit muna siya ng sigarilyo bago inangat ang reciever phone. Naupo siya sa sofa.
"Hello?"
"Hi, Babe," sagot mula sa kabilang linya. "Kumusta, may balita na ba sa kanya?"
Alam ni Monica kung sino ang tinutukoy ng nasa kabilang linya.
"Wala pa balita sa kanya, Babe." Sagot ni Monica na ibinuga ang usok ng sigarilyo na nasa loob ng kanyang bibig. "Galing ako sa bahay nila pero maging ang ina niya at kapatid ay walang balita sa kanya."
"Saan mo ba siya tinamaan nang barilin mo?"
"Hindi ako sigurado kung tinamaan ko siya sa puso. Nahulog siya sa dagat nang barilin ko. Kung nakaligtas man siya sa bala ng baril, sigurado naman akong pinagp'yestahan ang katawan niya sa dagat ng mga pating."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1007)

  • avatar
    Jowena Rose

    Sobrang exciting ng story grabe plot twist huhu kakilig tagos hanggang atay!!! 😭 🤍

    19/01/2022

      1
  • avatar
    Angely Bawa-an

    wowww so ikaw din pla Ang author Ng unconditional love 💕 wow ..nakaka amaze Kasi nabasa ko din Yun Kaya ,I'm happy na May sariling kwento na si Kristen &Ely thank you author 😍🙏

    01/01/2022

      1
  • avatar
    Kharen Rose De Leon

    nice story . gusto ko yung mga ganito ndi ganun ka haba bawat chapter. ndi rin ganun kahba ang kabuuan ng story. pero may happy ending 🥰😍

    29/12/2021

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด