logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Nagbabagang Pag-ibig

Nagbabagang Pag-ibig

CellaRocella


I: 1

"Lolo Fidel ano ba! Bakit niyo po ba ginagawa sa akin ito? Sinabi ko naman po sa inyo na magpapakabait na ako! Ayokong tumira sa probinsy! Hindi ko makakayang tumira doon!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Steffani. 
Malalim na bumuntong hininga si Lolo Fidel sabay baling sa kaniyang kaibigan na nasa kaniyang harapan.
"Salamat kumpare dahil pumayag ka sa nais ko. Kayo na muna bahala sa apo ko. Sana ay may matutunan siya sa inyo. Napapagod na rin kasi akong pagsabihan siya. Palagi niya ring natatakasan ang mga bodyguards niya. Eh dito, wala siyang ibang mapupuntahan kun'di bukid o ilog."
Ngumiti naman si Mr. Rodolfo. "Walang ano man. Huwag kang mag-alala, marami kaming ituturo sa kaniya. At isa pa, mababait naman ang mga apo ko. Wala kang dapat ikabahala."
"Lolo Fidel ano ba! Umuwi na po tayo!" sigaw ni Steffani na nagpupumilit kumawala sa mga bodyguards na nakahawak sa kaniya.
"Tatanawin kong isang malaking utang na loob ang pagpayag mo sa aking hiling. Maraming salamat ulit," sabi pa ni Lolo Fidel. Ngiti lang ang isinagot sa kaniya ni Mr. Rodulfo.
Bumaling si Mr. Fidel sa apo niya na hawak ng mga bodyguards. "Sige na. Ipasok niyo na sa magiging kuwarto niya ang mga gamit niya. Pagkatapos ay aalis na tayo."
"Lolo Fidel!" Umiiyak na sigaw ni Steffani.
Hindi siya pinakinggan ng kaniyang Lolo. Aminado naman siya sa kaniyang sarili na sakit siya sa ulo ng kaniyang ulo. Puro kasi kalokohan ang ginagawa niya. Pati pagpapatakbo ng negosyo nila ay tinatakasan din ni Steffani dahil mas gusto niyang maggala kasama ang barkada.
Nang makaalis ang si Lolo Fidel, pumasok si Mr. Rodolfo sa loob ng bahay nakitang umiiyak sa kuwarto si Steffani. Naaawa siya sa dalaga dahil sa paraan ng pag-iyak nito. Pero para din naman ito kay Steffani. Para matuto siyang magpahalaga sa mga bagay, matutong makontento kung ano ang mayroon siya.
"Steffani, huwag ka ng umiyak. Huwag mong isiping masama ang Lolo Fidel mo dahil pinatira ka niya dito. Anim na buwan ka lang namang mamamalagi sa bahay na ito. Gusto lang niyang matuto sa mga bagay na wala kang alam. Huwag kang mag-alala, mababait naman ang mga apo ko. May pagkapilyo nga lang ang iba sa kanila pero mababait sila," mahinahong sabi ni Mr. Rodulfo bago siya iwan.
Inis na isinara ni Steffani ang pinto ng kaniyang kuwarto. Napakamot siya ng ulo dahil sa maliit ang kuwarto niya. Napakaliit din ng kama niya kumpara sa dati niyang kama. Iritable siyang napasabunot sa kaniyang sarili. Balak naman talaga niyang magpakabait para hindi na magalit ang Lolo niya. Pero sadyang nasagad na yata niya ito kaya siya dinala dito. 
 "Buwisit na buhay 'to!" Gigil niyang sigaw.
Nagpatuloy pa rin sa pag-iyak si Steffani. Naalala niya bigla ang sinabi sa kaniya ng Lolo Fidel niya. Na wala siyang makukuhang kahit na piso kapag hindi siya nagbago. 
Samantala, pabalik naman sa malaking bahay ang quadruplets. Sina si Zack, Mark, Ken at Tim. Ang mga ito ay katatapos lang magtanim ng gulay sa bukid. Malaki kasi ang lupain ng kanilang Lolo Rodolfo at silang apat ang pinakanangangalaga dito. Mayroon namang ibang tauhan ang kanilang Lolo Rodolfo na tumulong sa kanila sa pagtatanim at pag-aani ng mga gulay at prutas.
"Sa tingin mo, nandiyan na ba 'yong babaeng sinasabi ni Lolo Rodolfo?" Nakangising sabi ni Ken.
"Ewan. Pero sabi ngayong araw dadating, 'di ba?' sabi naman ni Tim.
"Oo. Sana maganda siya 'no? Para may inspirasyon ko habang nagtatanim ng gulay sa bukid. Nasasawa na rin kasi ako sa mga mukha ng babae dito," saad ni Ken sabay tawa.
Binatukan siya sa ulo ni Mark. "Hoy umayos ka nga. Ang sabi sa atin ni Lolo, bawal ang ganiyan. Bawal tayong magkagusto sa babaeng 'yon. Ang gagawin natin ay turuan siya ng mga gawaing bahay pati na rin gawain sa bukid. Huwag puro kalokohan ang nasa isip mo," sabi naman ni Mark na siyang matino at matured kung mag-isip sa kanilang tatlo.
Sa tabi naman nila, tahimik lang si Zack na nakikinig sa usapan. Ito naman ang palaging nakatikom lang ang bibig at madalas na nagsusungit. Mas ayos pa kay Zack ang nag-iisa.
"Hello, Zack!" Maharot na sabi ng babae kay Zack sabay hawi ng buhok.
Hindi ito pinansin ni Zack at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Ganoon din ang ginawa nina Mark at Tim. Pero si Ken ay nagpa-cute pa sa mga babae. 
"Kahit kailan talaga si Ken, napakaharot," bulong ni Tim.
"Hayaan mo na. Diyan siya masaya. Akala niya yata siya ang pinakaguwapong lalaki sa mundo. Tuwang-tuwa sa mga babaeng nagpapapansin sa kaniya," natatawang sabi ni Mark.
Pagkarating ng quadruplets sa bahay, naupo muna sila sa sofa dahil sa pagod. Hinubad nila ang kanilang mga damit pang-itaas kaya naman kitang-kita ang mapipintog nilang six pack abs.
Lahat sila ay mayroong magandang katawan dahil batak sila sa trabaho. At kahit na pawis na pawis sila galing bukid, walang mabahong amoy ang nagmumula sa kanilang katawan dahil malinis sila. Hindi nila pinababayaan ang kanilang sarili na magkaroon ng mabahong amoy.
"Buwisit talaga!" Malakas na sigaw ni Steffani sabay bukas ng pinto ng kaniyang kuwarto.
"What the fuck!" Malakas na sigaw niya nang makita niya ang quadruplets.
Napalunok siya nang makita niya ang hubad na katawan ng apat. Napalunok siya sabay kunot noo.
Sa isip niya, mapang-akit ang katawan ng mga lalaking nasa harapan niya ngayon.
"Hi Steffani!" sabi ni Ken.
"Hi Steff! Ang ganda mo pala!" saad naman ni Tim.
"Hello Steffani. Welcome home," sabi naman ni Mark.
Si Zack naman ay pinasadahan lang siya ng tingin sabay tingin sa ibang direksyon. Tumaas ang kilay ni Steffani.
"Ang sungit naman ng lalaking 'yon," bulong niya sa sarili.
Pinilit naman ni Steffani na ngumiti.  "Ah…hello…ah…salamat sa pag-welcome," alanganing sabi ni Steffani sabay labas ng kan'yang kuwarto.
Iniwas niya ang kaniyang paningin sa katawan ng apat. Baka kasi mapansin nilang napapatingin siya sa mga katawan ng mga ito kahit na gusto pa sana niyang titigan ng matagal. 
"Nga pala, nasaan 'yong tubig ninyo? 'Yong malamig?" Maarteng sabi ni Steffani.
"Mayroon diyan sa ref. Kumuha ka na lang. Huwag kang mag-alala, mineral water 'yan," sabi naman ni Mark.
Tipid na tumango lang si Steffani at saka kumuha na ng tubig sa ref. Pinasadahan niya ang loob ng ref. Parang wala siyang makitang pagkain na hinahanap ng kaniyang bibig.
"Tim…anong masasabi mo kay Steffani? Ang ganda niya 'no? Tapos ang sexy pa! Parang model yata 'yan sa Maynila," bulong ni Ken sa kapatid.
"Oo. Pero manahimik ka na dahil lagot ka kapag narinig ka ni Mark. Ang harot mo talaga," saway naman sa kaniya ni Tim.
Matapos uminom ng tubig ni Steffani, napangiwi siya nang makita niya ang mga pagkain sa ref. Wala talaga ang pagkaing gusto niya. 
"Ahm…wala ba kayong fries, burgers o burger patty dito? Medyo nagugutom na kasi ako eh," sabi ni Steffani sabay ngiwi.
"Wala. Baka akala mo prinsesa ka dito. Nandito k para maging alila," biglang sabi ni Zack.
Tinaasan ng kilay ni Steffani si Zack. "At sino ka naman para gawin akong alila?"
"At sino ka naman din para maghanap ng mga pagkaing ganiyan dito? Prutas at gulay ang madalas na kinakain dito. Kung gusto mo ng mga ganiyan, bumalik ka sa Maynila," sabi ni Zack sabay iling.
Napaawang naman ang bibig ni Steffani. Ngayon lang may lalaking nakapagsalita sa kaniya ng ganiyan. Biglang uminit ang kaniyang dugo.
"Eh paano siya makakabalik ng Maynila eh wala nga siyang kapera-pera. 'Di ba kinuha lahat ng Lolo niya?" sabat naman ni Ken.
"Oo nga pala. Umakto ka lang na kagaya namin dahil hindi mo kami pinapasahod dito. Nakikitira ka nga lang dito, naghahanap ka pa ng mga ganiyan," sahi ni Zack sabay tayo. Pumasok na ito sa isang kuwarto.
Tumayo naman si Mark sabay lapit kay Steffani. "Ako nga pala si Mark. At 'yon ay si Zack. Pagpasensyahan mo na ang kapatid kong 'yon. Ganoon talaga siya. Akala mo galit sa mundo," malumanay na saad ni Mark.
Inis na umirap si Steffani. "Hay ewan! Anim na buwan pa ang itatagal ko dito! Nakakainis! Tapos ganiyan pa kasungit ang kapatid mo. Akala mo kung sino. Ang sarap sapakin!" Maktol ni Steffani.
"Sa tingin ko, ang dapat mo na lang gawin ay magpakabait para ibalik sa iyo ng Lolo mo ang kung anong mayroon ka. Kasi kapag hindi mo sinunod ang gusto niyang mangyari, ikaw din… mawawala sa iyo ang lahat. Hayaan mo na lang si Zack. Ako na ang bahala sa kaniya kapag may hindi siya magandang ginawa sa iyo. Basta kumilos ka lang dito sa bahay," saad ni Mark.
Bumuntong hininga si Steffani. Ni minsan kasi ay hindi sumagi sa isip niya ang gumawa ng gawaing bahay o tumira sa probinsya. Wala nga siyang ginagawa noong nakatira siya sa bahay ng Lolo Fidel niya. Masarap ang buhay niya doon. Puro pa nga gastos ang ginagawa niya kapag siya ay nabo-boring.
"Nga pala, pasensya ka na kung wala ang mga pagkaing hinahanap mo dito sa bahay. Mayroong mabibili niyan sa bayan. Kaso malayo dito. Siguro aabutin pa ng isang oras kapag sumakay ka ng habal-habal," dagdag pa ni Mark.
Ngumiwi si Steffani. "Sige. Hayaan na. Salamat pala," sabi ni Steffani sabay alis sa harapan ni Mark. Nagtungo na siya sa kaniyang kuwarto.
Nagsipasukan na silang apat sa kuwarto. Hindi up and down ang bahay na tinitirahan nila pero napakalawak nito. Magkakatabi ang kuwarto ng apat habang ang kuwarto ni Steffani ay medyo malayo sa kanilang apat.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (88)

  • avatar
    VillamorMarivel

    good

    08/07

      0
  • avatar
    Rosemarie Perez

    very nice po yung story...makaka kuha ka ng lesson

    09/05

      0
  • avatar
    Venernandy Ortega Andres

    what a good novel

    27/01

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด