logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 10.4

IKATLONG TAUHAN
“Yvonne”
HINDI na niya nagawang pigilan pa.
Wala na siyang magagawa.
Marahang pagsayaw sa ere ng nakabiting laylayan ng pantakip nito sa tainga ang natunghayan ng kanyang mga mata.
Umiikot-ikot, pakaliwa’t kanan ang galaw.
Pinilit niyang h’wag balingan ang bagay na iyon, subalit huli na.
Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga daliring nakakukuryente ang dulot sa t’wing nagtatagpo. Kasabay ang unti-unti niyang pag-angat ng tingin, mabagal na sinalubong ang mga mata ng kaharap.
“G-Girl—”
Pagkabasag ng salamin.
Dumagundong.
Umalingawngaw.
Pati na rin ang naramdamang . . . kirot sa ulo.
Daing na nagmistulang hangin.
Paghiyaw—siya lang ang nakarinig.
Humampas sa kanyang pisngi ang metal na gripo. Pagkatapos sa lababo.
Dala-dalawa ang natatanaw niya. Umiikot ang paningin: halos buong daigdig, kahit ang tinatapaka’y umuuga.
Tusok sa likurang bahagi ng tainga: sa kanan, sa kaliwa.
Pukpok sa bumbunan, maging sa batok.
Telang maiwawari ang anit: tinastas sa labis na sakit.
Masakit.
Nakahihilo.
Mahapdi.
Nakalilito.
Patak ng luha’y lumandas mula sa kaliwang mata: dumausdos sa ilong, sa kanang mata, bago kanyang narinig pagpatak niyon.
Umawang ang kanyang mga labi; kusang ibinuka ang mga bibig upang damputin ang anumang malalanghap.
Pinili niyang pumikit na lamang upang mabawasan ang kanyang pagkahilo, subalit hindi niya iyon magawa.
Purong pula lamang ang kanyang nakikita; pinalalagkit niyon pati ang talukap ng kanyang mga mata.
Ilang beses na pagkisap: papikit-pikit, saka didilat.
Muli siyang napahinga nang malalim.
Basag na mga parte ng salamin.
Patak ng mga dugong nakakalat sa lababo.
Hindi pa rin malinaw ang kanyang mga nakikita, subalit hindi nakatakas mula sa kanyang paningin ang mga iyon.
Kanya pa ring natanaw ang mga iyon.
Umurong ang kanyang dila nang kalawangin ang kanyang nalasahan.
Hindi niya naiwasan ang mapaubo nang wala sa diwang nalunok iyon.
Hiyaw.
Kanyang palahaw ang nanaig sa bawat sulok ng palikuran.
Umapaw na ang luha sa kanyang mga mata, hindi na niya nagawa pang pigilan ang pagbubulag-bulagan sa sakit na kanyang nadarama.
Sinubukan niyang abutin ang kamay na humatak sa kanyang buhok. Subalit hindi na niya magawa pang iangat ang kanyang mga pangapit—ni hindi niya maramdamang may braso pa siya.
Mariing napapikit nang mamuslak ang isang mainit na hininga sa kanyang tainga. Ilang hikbi ang nakatakas mula sa kanyang bibig nang sunod na narinig ang malakas nitong halakhak.
[ mamuslak - sense ]
Tampal sa kanyang mukha ang kaagad na nagpadilat sa kanya. At sa pagbukas ng kanyang mga mata, ang kanyang bitak na sarili ang kanyang natanaw.
Basag na siya.
Sirang siya.
Maraming siya.
Tinitigan niya ang kanyang repleksiyon sa basag na salamin. Muli, isang patak ng luha ang lumandas sa kanyang pisngi kalakip ng mapait niyang pagtawa.
Hindi niya lubos maisip na labis nitong naipakita ang totoong siya. Masasabi na niyang kanya nang nakita ang tunay niyang repleksiyon: basag, sira, at marami.
Iyon ang tunay na siya.
Iyon ang tunay na Yvonne.
Napakagat na lamang siya sa pang-ibaba niyang labi nang sa pangalawang pagkakataon, nakatanggap siya ng sampal sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha.
“Girl, tingnan mo your face, oh.”
Mabigat na lunok ang kanyang nagawa nang marinig sa kauna-unahang pagkakataon ang boses nitong nang-uuyam.
[ nang-uuyam - snicker ]
Inulit nito ang malakas nitong halakhak. Mistulang hindi na ito ang babaeng palaging kasa-kasama nila ni Lickesia.
“You look like a bitch. Nababalutan you ng blood, hindi ka ba nadi-disgust? Eww.”
Halos pigilan na niya ang bawat paglanghap at pagbibitiw niya ng mga hininga . . . na parang ikamamatay niya kung gagawin niya iyon.
Hindi.
Ikamamatay niya kapag gagawin niya iyon.
Daing ang muling nakaalpas mula sa kanyang lalamunan nang mas hinigpitan nito ang kapit sa kanyang buhok. Ilang beses siyang napakisap nang muling maramdaman ang pagtabon ng pulang likido sa kanyang nakikita.
[ nakaalpas - escape ]
Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata, subalit tila’y nawala ang lahat ng sakit at pagod nang maramdaman ang makinis at malamig nitong pisngi na nakatagpo ang kanya ring pisngi.
Bitak-bitak man ang salamin, kitang-kita niya pa rin ang ngisi na nakapaskil sa bibig ng kaibigan.
Abot-tainga ang dulo ng mga labi nitong dahilan ng pamumuo ng pawis sa kanyang noo.
Mariin siyang napapikit.
Ngayon niya lamang namasdan ito nang ganoon . . . nakapapanibago.
Kailanma’y hindi niya naisip na kanyang masisilayan ang ngisi nitong pagkalapad-lapad.
Sumasagi pa lamang iyon sa kanyang isipan, nararamdaman na niya ang pagdaloy ng kakaibang sensasyon sa kanyang buong katawan.
“You talk like this, hindi ba, Yvonne?” Lalo siyang nanigas nang bawat paggalaw ng panga nito ay pinagagalaw rin ang kanya.
Labis nang nagyeyelo ang kanyang mga palad.
“I never really thought na papatulan mo si Mallory.”
Malakas na pagsinghap ang tangi niyang nagawa nang batukan siya nito.
“Imagine, stalking me kapalit ng sampung libo?” Umihip ito ng hangin. “Such a shit.”
Ingay na nalilikha ng takong nitong tumatama sa sahig ang sunod niyang naulinigan: papalayo, papalapit.
Pinigilan niya na lamang na muling mapahikbi nang dinuro siya nito sa kanyang balikat.
“Tell me, gaano mo na katagal itong ginagawa? Since the day we met? My gosh, ang tagal mo na palang gold-digger.”
Marahan niyang ipinatong ang mga kamay sa gilid ng hugasan bago muling titigan ang sarili sa salamin, pinipilit na h’wag pakinggan ang mga sinasabi nito.
Naglilila ang noo, bakas ang pag-agos ng dugo mula roon na tila’y ilang beses na pinaghahampas, pati na rin ang mga luhang nakakalat sa bawat sulok ng kanyang mukha.
“Now I understand why you’re always sticking with me and Lickesia.”
Ang dungis niyang tingnan.
“Mukha kang pera.”
Ang dumi-dumi niya.
“Mukhang pera!”
Hindi niya alam kung pang-ilang beses na. Hindi na niya mabilang pa. Hindi na niya maalala, subalit patak na naman . . . patak na naman ng luha ang muling nakakawala mula sa kanyang nangingirot na mga mata.
“G-Ginawa niya ’yon para . . . s-sa ’yo.” Rinig niya ang munting tinig na nilikha ng pagtatagpo ng kanyang mga ngipin.
Ipinikit niyang muli ang mga mata at ilang beses na pinilit ang sariling isipin na hindi masakit—na hindi masakit kahit na mistulang pumipintig ang kanyang utak.
Mistulang may gumagapang doon.
Mistulang may gumagalaw roon.
Binalingan niya ng tingin ang kasama nang makarinig muli ng halakhak mula rito. “Aba. Bigla atang dumiretso ’yang dila mo. How impressive.”
Nanakit ang kanyang kamay.
Namanhid.
Hindi niya lubos maunawaan kung bakit niya iyon nagawa. Kung bakit kusang lumagpak sa kaliwang pisngi nito ang kanyang palad.
“Nanay mo siya! Natural lang na mag-alala siya sa ’yo dahil nanay mo siya!”
Wari’y umurong ang kanyang panga matapos umalingawngaw sa kanyang pandinig ang isang malutong na sampal. Sa ikalawang pagkakatao’y nagdalawa ang bawat bagay na kanyang nakikita.
Bahagya nang nakabukas ang kanyang mga mata nang muling makatanggap ng duro mula rito sa kanyang noo.
“You don’t have the fucking right to talk like that! Hindi natural ang klase ng pag-aalalang sinasabi mo! Hindi mo siya kilala! Hindi mo siya kilala, Yvonne!”
Nasapo niya ang kanyang noo, pababa sa kanyang mga labi nang nagsimula nang manginig ang mga iyon. Unti-unting lumalabo ang kanyang paningin nang nagsimulang manubig ang kanyang mga mata.
“She’s my mother, but I am not her daughter.”
Inangat niya ang kanyang ulo, kasabay ng pagpatak ng namuong mga luha sa kanyang talukap; sinalubong ng tingin ang kaharap niyang nagsimulang maglakad papalayo sa kanya at kumuha ng basag na bahagi ng salamin.
Ano ang ibig sabihin nito?
“Kahit kailan ay hindi niya ako itinuring na anak.” Pinigilan niyang makalikha ng ingay nang makitang hiniwa nito ang palapulsuhan nito sa kaliwang braso.
Nagsimula itong gumuhit sa maayos na bahagi ng malapad na salamin gamit ang sarili nitong dugo. “Kahit kailan . . .”
“Siya lang, siya lang ang naging anak ni Mama.” Binitiwan nito ang hawak at binuksan ang gripo bago nilinis ang sugat na ginawa nito sa braso.
Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang antabayanan ito ng tingin. Hindi niya maintindihan kung bakit ramdam niya ang inggit sa tinig nito.
Marahan nitong iniwisik ang natirang tubig bago siya muling tingnan at ngitian. “To be honest, naaawa ako sa ’yo, Yvonne.”
Napasinghap siya.
“Ganyan ata talaga kapag mahirap, ’no? Mapagpanggap. Sinungaling. Kapit sa patalim,” banggit nito bago muling tumawa.
Sinimulan nitong tahakin ang daan papalapit sa pinto, at papalayo mula sa kanyang kinatatayuan. Bago pa tuluyang makalabas, nilingon siya nito . . . saka sumilay ang ngisi sa mga labi nito.
Hinubad nito ang suot na pantakip sa tainga at itinapon sa sulok.
Nanatiling nakatanod ang kanyang mga mata rito . . . hanggang sa lumabas ito’t naiwan siya sa loob.
Pagkalabas na pagkalabas nito mula sa pintuan, mistulang naramdaman niya noong mga sandaling iyon ang lahat ng sakit na pilit niyang kinimkim at itinago.
Umakap sa kanyang pang-upo ang malamig na lapag; tila’y nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at naging lupaypay.
Hindi niya nais umiyak.
Pagod na siyang umiyak.
Datapwat nagsimula siyang lumuha.
Bawat patak at paglandas ng mga iyon sa kanyang pisngi ay dala ang pakiramdam na isa siyang talunan.
Tinanaw niya ang maliwanag na bumbilya sa itaas.
Napapikit-pikit: nasisilaw.
Ngiting-ngiti niyang dinama ang sahig sa kanyang likuran.
Mabibigat na paghinga.
Mabilis na pagpintig ng kanyang puso.
Pagod . . . pagod na siya.
Bumaling ang kanyang mukha sa kanan: bumagsak, napapikit. Subalit bahagya siyang napadilat nang matanaw ang pulang marka sa salamin.
Ito ang isinulat ng kanyang kaibigan bago umalis.
Napangisi siya at mahinang binasa iyon.
“Selene.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (45)

  • avatar
    Michelle Sibaruten - Revilla

    One of a good novel I've read when it cones to suspense/ thriller/ horror genre! Veey realistic when it comes to narrating scenes where in readers/ audience would really feel the adrenalin in a certain scemario!

    06/12/2021

      1
  • avatar
    Bradley Patian

    Thankyou to sopport

    16/08

      0
  • avatar
    Joanie Sofia Delgado Eda

    oooommggggggg iiillllllooooovvvvvveeeee ittt!!!!

    28/10

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด