logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 9 Congrats

Nagising ako na parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko. Nagdilat ako ng mga mata at nasilaw sa sinag ng araw na pumapasok mula sa siwang ng kurtina.
Teka, kailan pa nalipat ang puwesto ng kama ko?
Agad akong napabangon nang mapagtantong wala ako sa aking kuwarto. Ang kuwarto ko ay kulay puti ang pintura at itong kuwartong 'to, kombinasyon ng asul at puti ang kulay.
Nasaan ako? Sino nagdala sa 'kin dito? Anong nangyari kagabi? Don't tell me, nakipag-one night stand ako?? Shit! Ano na naman bang kalokohan ang ginawa ko kagabi?
"Good morning,"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Dominique na nakasandal sa may pintuan. Nakaputing sando siya at gray na jogging pants. Mukha rin siyang bagong ligo.
Tiningnan ko ang suot ko at nakitang iyong dress pa rin kagabi ang suot ko. Ibig sabihin, walang nangyari kagabi. Teka, bakit parang nanghinayang ako?
Agad kong pinilig ang ulo ko sa aking naisip. Camellia, nakakahiya ka!
"Bakit nandito ako?"tanong ko sa kanya.
"Sabi mo ayaw mo pa umuwi kaya dito kita dinala. Masakit ba ang ulo mo? You can drink those meds,"he said and pointed to the pain killers on the bedside table.
Kumuha ako ng dalawa at ininom iyon. Napaka-thoughtful talaga ng lalaking 'to. Sino ba ang hindi mahuhulog sa kanya?
Sinabi ko ba talaga na ayaw ko pang umuwi? Ano pa ba ang pinaggagawa ko kagabi? Naka-frustrate naman 'to! Wala akong maalala.
Lumapit siya sa may kama at inilapag doon ang isang paper bag. Sinenyasan niya akong kuhain iyon.
"Para saan 'yan?"tanong ko ulit.
"I just thought you want to take a shower before eating breakfast. Kaya nagpabili ako ng damit mo,"sagot niya.
Tinitigan ko muna siya bago ko kinuha ang paper bag at dumiretso sa banyo. Mabilis lang akong nag-shower at nagbihis. Hindi ko mapigilan ang pag-init ng aking pisngi nang makitang may underwears din sa paperbag. Nakapagtatakang sakto sa akin ang mga sukat ng underwears. Paano niya naman nalaman ang sizes ko? Don't tell me expert siya sa ganitong bagay?
Lumabas ako ng banyo at wala na si Dominique kaya lumabas na rin ako ng kwarto. Malawak ang place ni Dominique. Mayroong sala at kusina. Naabutan ko siyang naghahanda ng pagkain sa dining table.
"Let's eat,"pag-aya niya sa akin at iminuwestra ang upuan ko.
Marunong siyang magluto? Nakakahiya naman samantalang ako marunong lang mag-bake. Hayst.
Tinikman ko ang iniluto niya at gano'n na siguro ako kagutom kaya naubos ko agad ang nakahain sa plato ko.
"Ano bang nangyari kagabi? Ang naaalala ko lang kasi is nagpunta kami sa Elite club. Paano ako napunta rito?"tanong ko sa kanya.
Natigilan si Dominique at biglang ngumiti na parang may naalala. Oh shit! Mukhang may kalokohan akong ginawa kagabi. Bakit ba kasi hindi ko maalala?
"Well, your friend called me to fetch you. Then, I brought you here,"he answered.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata dahil pakiramdam ko may hindi pa siya sinasabi sa akin. Hindi naman siya ngingiti nang ganon kung walang nangyari.
"Iyon lang? Wala ng ibang nangyari?"tanong ko ulit.
Inilapag ni Dominique ang kubyertos at seryoso akong tinitigan.
"Do you really want me to tell you?"He asked while smirking.
Nakakainis! Pinaglalaruan ata ako ng lalaking 'to.
"So, may nangyari nga? Sabihin mo na kasi!"
"Fine. We made out,"
My jaw dropped at what he said. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Pero isa-isang nag-flash sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Mula sa club hanggang sa may elevator papasok dito sa hotel room ni Dominique.
Oh fvck! I just said that I want to kiss him.
"You're blushing. I think you already remember what happened last night,"he teased me that makes me blushed even more.
Padabog akong tumayo at napansin kong hindi na masyadong masakit ang paa ko. Naka-bandage pa ito pero nailalakad ko na nang maayos. Magaling din palang nurse si Dominique.
"Saan ka pupunta?"tanong ni Dominique at hinawakan ang kamay ko.
There goes my heart again. It's beating faster. Agad kong binawi ang kamay ko sa takot na baka malaman niya ang epekto niya sa 'kin.
"Uuwi na ako,"sagot ko na pilit pinapakalma ang boses. Hindi naman niya kailangang malaman na nagwawala ang puso ko sa simpleng hawak niya.
"Okay. Let me drive you home,"he said.
Agad ko siyang hinarap at pinagkrus ko ang aking braso.
"At bakit mo naman ako ihahatid? Kaya ko na ang sarili ko,"sambit ko pero hindi niya ako pinakinggan. Kinuha niya ang susi ng kotse at bigla akong binuhat.
"You need to rest your foot. Baka mamaga ulit 'yan kaya huwag ka ng mag-inarte,"sagot niya.
Hindi na ako nakapalag dahil nasa elevator na kami. Pagkalabas sa lobby ay nakita ko ang pasimpleng paglingon ng mga empleyado ng hotel. Isiniksik ko na lang ang mukha ko sa dibdib ni Dominique dahil sa kahihiyan.
Hindi ba siya natatakot na baka may kumalat na kung anong isyu tungkol sa aming dalawa? Baka masira pa ang pangalan niya at maapektuhan pa ang kanyang pagtakbo bilang Mayor. Ayaw ko namang mangyari 'yun lalo na kung ako ang dahilan.
Isinakay niya ako sa front seat bago siya umikot sa driver's seat. Pinagmasdan ko siya saglit bago ko naisipang magtanong.
"Kumusta si Sabelle?" Kahit naman pinagseselosan ko ang babaeng 'yon, nag-aalala pa rin ako. Kahit pa kasalanan niya rin naman.
"She's fine. Bukod sa galos wala namang malalang nangyari sa kanya,"sagot ni Dominique.
Mabilis ang naging biyahe at nasa bahay na kami. Mabuti na lang at Sabado ngayon kaya walang pasok. Hindi ko lang alam dito kay Dominique parang palaging day-off.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at balak sanang buhatin ako ulit pero agad akong lumayo. Baka mamaya ano na naman ang isipin nila mom at dad kapag nakita nilang buhat-buhat ako ni Dominique.
"Gusto mong pumasok muna?"Tanong ko at agad naman siyang tumango. Hindi man lang tumanggi. Hindi ko naman talaga gustong papasukin siya.
Knowing my parents, for sure they won't let this pass.
Nauna na akong pumasok at sumunod naman siya. Naabutan ko sila mom at dad sa sala na nanonood ng T.V. Unang lumingon sa akin si Mommy.
"Lia! Ang sabi mo male-late kang umuwi pero hindi ko naman alam na kinabukasan na pala,"bungad ni mommy sa akin.
Napalingon sila sa taong nasa likuran ko. Mula sa istriktang mukha ay naging maamo ang ekspresyon ni Mommy. Kita ko rin sa kanyang mga mata ang panunukso sa akin.
"Good morning,po. Lasing na lasing po kasi si Camellia kagabi kaya sa hotel po muna siya natulog,"paliwanag ni Dominique bilang sagot sa itinanong ni Mommy sa 'kin.
"Magkasama kayo buong gabi?"tanong naman ni Dad.
Agad akong umiling. "Hindi, Dad. Magkahiwalay po kami ng kwarto."
"Yes po. At saka po pala, huwag ni'yo po munang palabasin si Camellia ngayong araw para maipahinga niya ang paa niya. Baka po kasi mamaga ulit."Bilin niya pa sa mga magulang ko.
Aba, kung makabilin siya sa mga magulang ko daig pa ang doktor, ah. Ni hindi ko nga siya boyfriend para mag-alala siya ng husto.
But then we kissed. Pero kahit na! Hindi pa rin kaming dalawa.
“Naku Iho, hindi ko naman alam na nurse ka pala nitong anak ko. Ginawa ka na ngang driver, ikaw pa ang nag-asikaso ng injury niya. Pasensya ka na sa abala, ah,"sabi ni mommy na nagpakunot ng noo ko.
Hindi naman ako ang nagpumilit na ihatid niya. Siya naman itong nag-volunteer na iuwi ako sa hotel nila. Siya rin ang nagkusang gumamot ng injury ko. Hindi ko siya pinilit o inutusan.
"Ayos lang po. Hindi naman po siya nakakaabala,"sagot naman ng lalaking 'to. "Mauuna na po ako,"
"Sige, mag-ingat ka, Iho,"sabi ni Daddy.
Tiningnan ako ni Dominique at tinaasan ko siya ng kilay. Ano na namang kailangan nito? Hindi pa ba siya tapos sa mga bilin niya?
"Rest,okay? Huwag nang makulit,"bilin niya kaya inirapan ko siya.
"Hindi ako bata kaya huwag mo kong utusan. Umalis ka na nga,"pagtataboy ko sa kanya.
"Lia! Huwag mo ngang sigawan ang anak ni Mayor,"saway ni mommy sa akin.
See? Ako ang anak nila pero kinakampihan nila si Dominique. Pero ayos na rin iyon para kapag naging kami na, hindi na ako mahihirapang ipakilala sa kanila si Dominique. 'Yon ay kung magiging kami nga. Sobrang pakipot nitong si Dominique, eh.
At dahil nga sinabi ni Dominique, hindi talaga ako pinalabas ng kwarto nila Mom at Dad. Magpahinga na lang daw ako.
My phone beeped and I received a message from an unknown number.
Unknown number:
Huwag mo masyadong ilakad 'yang paa mo para mabilis gumaling. Take care.
Napakunot ang noo ko at napaisip kung sino 'to. Si Dominique ba? Muling tumunog ang phone ko.
Unknown number:
This is Dominique. Got your number from Erich.
Sabi ko na nga ba, eh. Itong si Erich talaga ang bilis akong ipaubaya sa iba. Pero ayos lang, si Dominique naman 'yon.
To: Dominique
Noted po, future Mayor.
I hit send and waited for his reply. Medyo matagal siya bago mag-reply, siguro may ginagawa.
From: Dominique
Good. By the way, congrats for winning yesterday. You did a great job.
Nang mabasa ko ang reply niya ay hindi ko mapigilang kiligin. Grabe naman, no'ng una 'goodluck' tapos ngayon 'congrats'. Iba na talaga ang epekto sa akin ni Dominique. Hindi ko alam kung mapipigilan ko pa.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (134)

  • avatar
    ALAGADJOJIE

    good story

    22d

      0
  • avatar
    John Mavirick De Vera

    ml diamond 💎

    16/08

      0
  • avatar
    Jenny Rose Rosauro

    thank you

    27/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด