logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 8 Kiss

“OMG,Lia. Ayos ka lang ba talaga? Baka mas lalong lumala iyang injury mo,"nag-aalalang sabi ni Erich nang mapansin niyang paika-ika akong maglakad.
Papasok na kami sa Elite club kung saan namin gaganapin ang party. Actually,  mas lalong sumasakit ngayon ang paa ko pero pinipilit ko lang ilakad. Ayaw ko namang biguin ang mga naghihintay sa akin.
“Ano ka ba, Erich. Ayos lang ako. Malayo 'to sa bituka,"pagbibiro ko at hinila na siya papasok ng club.
Malakas na tugtog ang bumungad sa aming dalawa. Marami ng tao at ang iba'y nagsasayawan na sa dance floor. May mga nagtutulakan kaya hindi maiwasang matapakan ako. Napapangiwi na lang ako sa tuwing may nakakaapak sa akin. Ayaw ko nang makita ang itsura ng paa ko dahil paniguradong namamaga na ito.
Damn this injury! Hindi ako makapag-enjoy!
“Nasa second floor daw sila!"sigaw ni Erich dahil hindi na kami magkarinigan sa ingay.
Sumunod ako sa kanya papuntang second floor at nandoon nga ang kagrupo ko. May mga drinks na sa mesa at ang iba ay sumasayaw na rin. Hindi naman halatang excited sila, 'noh? Hindi na nakapaghintay, eh.
“Nandito na si Lia! Give way to the queen!"sigaw ni Janet kaya natawa ako.
Ang mga siraulo nagsipagyukuan pa. May mga tama na ata ang mga 'to. Hindi man lang ako hinintay bago magsimula.
Umupo na ako sa sofa katabi ni Erich dahil parang mas lumalala ang kirot ng paa ko. Umaakyat na ang sakit sa binti ko. Kailangan ko na sigurong uminom ng alak para mamanhid na ito.
“Cheers for the job well done!"I announced and they all raised their shot glass.  “Cheers!"
Inisang inom ko ang alak sa baso ko. Naramdaman ko ang init na dumaloy sa lalamunan ko. Damn! It feels so good.
Nakalimang shots pa yata ako bago ko maramdamang medyo nahihilo na ako. Hindi ko na rin masyadong maramdaman ang kirot ng paa ko. Mabuti na rin iyon para makapag-enjoy ako nang husto.
“Lia!Sayaw tayo!"pag-aya sa akin nila Rhian.
Sumama ako sa kanila sa dance floor. I closed my eyes and feel the rhythm of the music. I swayed my hips and raised my arms in the air. Muntik pa nga akong matumba pero may humawak sa bewang ko.
“Hey, beautiful."
Nilingon ko ang nagsalita at sinalubong ako ng isang hindi ko kilalang lalaki. Hindi ako mahilig makipagsayaw sa hindi ko kilala kaya naman pasimple akong lumayo sa kanya.
Bumalik na ako sa pwesto namin at nagpasyang doon na lang hintayin ang mga kasamahan ko. Nagsalin ako ng alak sa baso ko at ininom iyon. Tiningnan ko ang paa ko na medyo namamaga na.
“It doesn't look good, huh?"I said to myself. “Kasalanan 'to ng babaeng 'yon, eh. Nasaan na ba 'yon?"
“Huy, Lia. Lasing ka na ba? Nagsasalita ka na mag-isa diyan,"dinig kong sabi ng isa sa mga ka-team ko.
“Can you see this?"I asked then pointed on my swollen foot. “It hurts. Baka hindi na ako makapag-heels."
Lasing na nga yata ako. Hindi ko na alam kung anong sinasabi ko. Teka, nasaan na ba si Erich? Siguro nakahanap na agad iyon ng guwapo kaya nakalimutan na ako.  Nakakapagtampo naman siya!
Sumandal ako sa sofa at pumikit. Ang sakit na nga ng ulo ko. Ang sakit pa ng paa ko. Ang malas ko naman.
“Lia, do you want to go home now?"I heard Erich voice.
There she is. Buti naman at binalikan niya pa ako. Pero hindi naman talaga siya ang gusto kong dumating.
“No! I want Dominique!"I shouted and I heard her laugh.
“Should I call him?"she asked again.
Bakit ba ang daming tanong ng mga taong 'to? Kanina pa sila ah. Nakakainis na! Gusto ko munang manahimik.
“Kahit tawagan..mo siya, abala 'yun kay Sabelle!"I said before slowly drifting off to sleep.
Nagising na lang ako nang may marahang tumatapik sa pisngi ko. Hindi ako dumilat.
“Huy, Lia, nandito na si Dom. Gumising ka na diyan,"
Napakunot ang noo ko sa sinabi ng taong iyon. Andito si Dominique? Imposible. Baka niloloko lang nila ako. Pero parang naaamoy ko nga siya.
“Ahm, Dom I suggest na buhatin mo na lang si Lia. Nag-aalala na ako sa paa niya, eh." Dinig kong sabi ni Erich.
Hindi sumagot ang kausap niya pero may naramdaman akong humawak sa binti ko na parang may tinitingnan doon. Aba, manyak 'tong taong 'to ah.
“Don't touch me or I'll kick you!"I warned that person. Hindi nito binitawan ang binti at tinanggal pa ang suot kong heels. “Ouch! Ano ba?!"singhal ko at nagdilat ng mata.
Natigilan ako nang makita si Dominique na iniinspeksyon ang paa ko. Nag-angat din siya ng tingin sa akin at inirapan ko lang siya.
Tumayo siya at walang sabing binuhat ako na parang pangkasal. Napakapit tuloy ako sa batok niya.
“Ayaw ko pa umuwi,"sabi ko at mas lalong sumiksik sa katawan niya. Pasimple kong sininghot ang pabango niya at napangiti ako.
Ang bango niya talaga palagi. Itanong ko kaya kung anong pabango niya para makabili rin ako?
“I won't take you home but I'm not going to let you stay here a little longer,"he said.
Isinakay niya ako sa front seat ng kotse niya at kinabitan ng seatbelt. Pinagmamasdan ko ang seryoso niyang mukha.
“Hindi ka na dapat nagpunta rito. I can handle myself,"I said while he's staring at me.
“Really,huh? Alam mo namang na-injured ka nag-party ka pa. Look at your foot, it's swollen,"he answered seriously.
Alam kong galit siya pero kalmado pa rin ang mukha niya. Kahit na ganon, ang guwapo niya pa rin. Hindi ko maiwasang tumitig sa kanya.
“So, now you're concerned about me? Si Sabelle nga ang tinulungan mo kanina,"sambit ko at nag-iwas ng tingin.
I know that I'm acting like a jealous girlfriend now but I can't help it. Nagseselos naman talaga ako. I just realized that I like him so damn much!
“I'm sorry, it's just that-
“Mas mahalaga siya kaysa sa akin, gano'n? Oo nga pala, mas malapit kayong dalawa. Ayos lang. Hindi mo na kailangan magpaliwanag,"putol ko sa sinasabi niya.
Narinig kong bumuntong-hininga siya bago isinarado ang pinto sa front seat. Pumasok siya sa driver's seat at binuhay na ang makina. Nanatili naman akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi na ako lasing, nahimasmasan na ako kaya alam ko na ang ginagawa ko.
Napansin kong ibang daan ang tinatahak namin pero hindi ako nagsalita. Huminto lang ang sasakyan nang nasa Aranda Hotels na kami.
Bumaba na rin ako ng sasakyan pero agad niya akong binuhat. Buti na lang at walang tao sa lobby ng hotel, tanging guard at iyong na front desk lang. Dumiretso si Dominique sa elevator habang buhat ako.
Nakatingin lang ako sa mukha niya habang siya ay nakatingin sa repleksyon namin sa salamin.
“Don't look at me like that,"he suddenly said.
“Like what?"
“Like you want to kiss me,"
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya at napatingin sa kanyang mga labi. It looks so inviting. Para bang inaakit ako. Maybe, he's right.
“I want to kiss you,"I said while looking at him.
I didn't have to repeat it because seconds later, his lips smashed to mine. My eyes automatically closed as I moved against his lips. Mas kumapit ako sa batok niya para palalimin ang halik. I moaned when he bit my lips, asking for entrance that I gladly obliged. His tongue met mine and he kissed me deeper this time.
Hindi ako makasabay sa kanya. Masyadong mapusok ang kanyang halik na parang ipinaparamdam sa akin na siya ang masusunod sa larong sinimulan ko. Hindi ko nga namalayan na nakapasok na kami sa hotel room niya. Wala na kasi akong ibang maramdaman kun'di ang mga halik niya.
Naputol ang halikan namin nang iupo niya ako sa kitchen counter. Nakatayo siya sa pagitan ng mga hita ko. Nakatitig siya sa akin at gano'n din ako sa kanya.
I didn't waste any time and I immediately grabbed him by his collar and kissed him again. His hands were on my waist already, caressing me. I don't mind though, I love his touch and kisses.
“Hmmm.."I moaned when his lips landed on to my neck. Biting and licking my flesh. When he suddenly stopped. I almost groaned.
“You're injury needs to be checked,"he said before he knelt down to check my foot.
Naiinis na tinignan ko siya. Napakagaling niya mambitin. But then, kung nangyari ba ang bagay na 'yon, handa nga ba akong ibigay sa kanya ang lahat? Pero hindi ko naman siya boyfriend.
“Baby, don't glare at me. We can continue it when you're injury is fully healed,"he said that made me blush.
Ibig sabihin mauulit pa ang tagpong 'to? At kailan naman? And why am I looking forward on doing that thing with him?
“Excuse me, hindi na mauulit ang nangyari ngayon. Hindi naman kita boyfriend,noh."saad ko na nagpatawa sa kanya.
“So, you want me to be your boyfriend?"
I glared at him. Ako pa talaga ang tinatanong niya ng ganyan. Para namang patay na patay ako sa kanya.
'Hindi nga ba?'
Of course, not. Damn! Ngayon nakikipagtalo na ako sa sarili ko. Nababaliw na yata ako. Kasalanan talaga ni Dominique, 'to!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (134)

  • avatar
    ALAGADJOJIE

    good story

    22d

      0
  • avatar
    John Mavirick De Vera

    ml diamond 💎

    16/08

      0
  • avatar
    Jenny Rose Rosauro

    thank you

    27/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด