logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3 Seatbelt

Walang umiimik habang nasa sasakyan kami ni Dominique. Pagkatapos niyang kausapin si Sabelle—na hindi ko naman narinig, ay niyaya na niya akong bumalik sa mansiyon nila. Kanina pa ako hindi mapakali rito dahil hindi ako sanay sa katahimikan. Para bang anumang oras ay sasabog itong taong nasa tabi ko. 
"Iniisip mo rin ba na gaganti ako sa kanya?"Basag ko sa katahimikan nang hindi na ako nakatiis. 
Hindi ko alam kung bakit kating-kati ako na malaman kung ano ang iniisip ni Dominique. Para bang hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung anong dumadaloy sa isip niya. 
"Nope," he answered. "You're mean but I know that you're not capable of hurting someone."
Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maiinsulto. Come on, he just insulted me in a form of compliment. Paano ako mag-re-react sa gano'n? 
"I'm not mean. You don't know me enough so don't judge me."I told him.
"Yeah, right. If you say so," he said and I just rolled my eyes in annoyance. 
Sa mansyon din nila ako nagpahatid dahil doon naghihintay ang driver ko. It's past lunch time and I haven't eaten my lunch,yet. Kaya pala nagugutom na ako.
"You want to eat lunch inside?"He asked and I stared at him in disbelief. 
Niyayaya niya akong mag-lunch sa kanila? Hmmm. Ayaw kong maging assuming pero mukhang may gusto sa akin ang anak ni Mayor. O baka naman nagiging gentleman lang siya? Ayaw niyang isipan ko siya nang masama dahil baka makaapekto sa pagtakbo niya bilang Mayor. 
"Sure,"I said and we both exited the car.
Sabay kaming pumasok sa mansyon at dumiretso sa dining area. Nagpahanda siya ng pagkain sa mga maid at sabay kaming kumain. Hindi naman ako nako-conscious kapag may nakatingin sa akin pero ibang usapan kapag si Dominique ang nakatingin. Parang gusto ko na lang magtago sa kung saan. Para bang nililipad ng hangin lahat ng kumpiyansa ko sa sarili kapag nandiyan siya.
"Hindi ko yata nakikita ang mommy mo,"sabi ko at nilibot ang paningin.
"Patay na si mommy," sagot niya na nagpabalik ng tingin ko sa kanya. Nagtama ang paningin namin kaya bigla akong tinamaan ng hiya. 
Akala ko buhay pa ang mommy niya dahil iyon ang nag-aalaga ng mga bulaklak sa labas. Hindi pala. 
"I'm sorry."Sambit ko.
"It's okay. Matagal naman na 'yon."
Hindi na ako muling nagsalita dahil baka kung anong sensitibong bagay pa ang masabi ko. Tinapos ko na lang ang pagkain ko at gano'n din naman siya.
"Thank you sa lunch,"sabi ko bago pumasok sa loob ng kotse. Nakabukas ang bintana kaya sumilip pa siya sa loob. 
"You're welcome," he said then looked to my driver. "Drive safely, Manong."
Napangiti naman ako dahil sa pagiging maalalahanin niya. Umandar na ang kotse at nakita kong nakatanaw siya sa amin. Dominique, bakit ka ganyan? 
"I didn't know giving gifts would take hours."
Halos mapatalon ako sa gulat pagpasok ko ng bahay nang magsalita bigla si mommy. Hindi ko napansin na nasa sala siya dahil lutang ang isip ko.
"Mom, namasyal po ako sa planta nila. Doon na rin po ako nag-lunch sa Casa Aranda kaya natagalan po ako."Paliwanag ko.
"Hmmm,okay." Nakangising sabi ni Mommy at tila nang-aasar pa. "Umakyat ka na at ihanda ang gamit mo. May pasok ka bukas baka ma-late ka na naman."
Natatawang sinunod ko si mommy. Kung ituring niya kasi ako parang high school student pa lang ako, samantalang second year college na ako.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil maaga ang unang klase ko. Sa Felice State University ako nag-aaral sa kursong BS in Business Administration. Ito kasi ang pinakasikat na University rito sa Isla. 
"Lia!"
Nilingon ko ang tumawag sa'kin pagkababa ko ng kotse at nakita ko ang kaibigan kong si Erich. Patakbo siyang lumapit sa akin at nakipagbeso. 
"How was the party of the Mayor?"She asked while we're walking to our class.
Naalala ko na naman tuloy ang nangyari ng gabing 'yon. Nagtaka nga ako kung bakit hindi kumalat ang pagkapahiya ko roon. Sa bagay, mabuti na rin na hindi iyon kumalat. 
"It was nice. Ipinakilala niya ang anak niya. Though, my night got ruined because someone spilled a drink to my dress."I stated.
Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Mukha pa siyang natatawa kaya tinaasan ko siya ng kilay. 
"Ano naman ang ginawa mo? I'm sure the maid just heard the most hurtful words she would hear for the rest of her life."
Nagkibit-balikat na lang ako. Kilalang-kilala ako ng kaibigan ko at wala akong maitatago sa kanya. After all, magtatagal ba kami bilang magkaibigan kung hindi namin kilala ang isa't isa? 
"What about the Mayor's son? I saw him before and he's freakin' handsome. Mas gumwapo ba?"
I almost rolled my eyes at her statement. Para siyang high school student na nagfa-fangirling sa crush niya.
"Bakit kasi hindi ka um-attend samantalang invited naman ang family niyo? Tapos ngayon kinukulit mo ako,"saad ko kaya napasimangot siya.
Nasa harap na kami ng room namin. Pareho kasi kami ng first subject tuwing Lunes.  Accountancy kasi ang kursong kinuha niya.
Pumasok na kami sa loob ng room at umupo sa may bandang likuran. Wala pa ang prof kaya naman nagdadaldalan pa ang ibang mga estudyante. May mga abala sa paglalagay ng mga kolorete sa mukha at may mga magkasintahang nagbubulungan sa gilid.
"Eh, kasi naman may family gathering kami,"sambit niya at inilabas ang kanyang tablet.
Sumandal ako sa upuan at nilibot ng paningin ang paligid. Natuon ang mga mata ko sa babaeng nasa pinakaharap. Medyo nakatagilid siya kaya nakikita ko ang mukha niya.
"Erich, kailan pa natin naging kaklase 'yong babaeng nasa harapan?"tanong ko at bahagyang inginuso si Sabelle.
Nagtatakang tinignan naman ako ng kaibigan ko.
"Ano ba namang tanong 'yan? S'yempre since the first day of the class. Hindi mo lang napapansin kasi hindi ka observant."
So, matagal ko na pala siyang kaklase rito? Three months na since nagpasukan at ngayon ko lang talaga siya napansin. Hindi ko naman kasi talaga binibigyang pansin ang mga kaklase ko. Si Erich nga lang ang madalas kong kausap at kasama.
Dumating ang prof kaya nagsiayos na ang mga estudyante. Mabilis lang na lumipas ang buong araw. Namalayan ko na lang na alas tres na at uwian na. As usual, sabay kaming naglakad ni Erich papuntang parking lot dahil doon kami hinihintay ng mga sundo namin.
Napahinto ako sa paglalakad nang may matanaw akong pamilyar na sasakyan.
Anong ginagawa niya rito?
"Lia, sino bang tinitingnan mo diyan?"tanong ni Erich at tinanaw din ang kotse na tinitingnan ko. Saktong bumaba mula sa driver's seat si Dominique. "Oh gosh! Narito si Dom. Ang guwapo niya pa rin talaga."
"May sadya yata siya sa office kaya narito,"sabi ko pero agad ding nalaman na mali ang akala dahil nakita kong lumapit sa kanya si Sabelle.
"Ay, mukhang may sinundo lang pala. Ano niya ba si Sabelle? Girlfriend?"
Mabilis akong umiling na parang hindi matanggap ang ideyang 'yon. Hindi naman papatol si Dominique sa isang katulong, 'diba? Hindi nga ba?
"Maid nila 'yan. Ahm, mabuti pa mauna ka na. May pupuntahan lang ako,"sabi ko sa kanya at agad akong tumakbo papunta sa sasakyan ni Dominique.
Pareho silang nag-angat ng tingin sa akin. Nakita kong nasa front seat na ang bag ni Sabelle at sasakay na sana siya.
"Hi, pwedeng makisabay? Wala pa kasi ang driver ko at kailangan ko ng umuwi,"sambit ko at nginitian sila.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Sabelle. Ha, akala niya maso-solo niya si Dominique? Puwes hindi na mangyayari 'yon.
"Ihahatid ko pa si Sabelle sa kanila baka matagalan ka rin kung sa amin ka sasabay,"sagot ni Dominique.
"Great! Gusto ko rin makita kung anong itsura sa parteng 'yon ng isla. Sasabay na ako sa inyo."
Nagkatinginan pa sila bago bumuntong-hininga si Dominique. I mentally tapped my back for making him agree. Mukha namang madali lang kumbinsihin si Dominique at hindi nga ako nagkamali doon. 
'Mahusay, Camellia!'
Dumiretso na ako sa front seat kahit na alam kong doon sana uupo si Sabelle. Wala tuloy siyang choice kun'di ang umupo sa backseat.
Maglalagay na sana ako ng seatbelt pero na-stuck ito sa gilid. Ilang beses ko itong hinila pero ayaw talaga. Kainis naman! Baka isipin ni Dominique ang ignorante ko sa ganitong bagay! 
"Let me help you,"Dominique said before leaning closer to me to reach to seatbelt.
Shit! We're so close. Nararamdaman ko ang hininga niya sa may pisngi ko na nagpahuramentado sa puso ko.
Curse him for having this effect on me!
Ilang saglit lang ay naiayos na niya ang seatbelt ko. Bumalik siya sa pwesto niya at napatingin naman ako sa rearview mirror. Nahuli kong nakatingin sa amin si Sabelle pero nag-iwas din ng tingin.
Tahimik ang buong sasakyan, iniisip ko tuloy kung dahil ba nandito ako? O hindi talaga sila nag-uusap?
"Close pala kayong dalawa? Hinahatid mo pa siya sa bahay nila,eh,"sabi ko at nilingon si Dominique.
"I'm like this to everyone. Nadaraanan ko naman ang FSU kapag nanggagaling sa planta kaya isinasabay ko na si Sabelle." Paliwanag niya.
Tumango-tango ako. "So, it means puwede rin akong sumabay sa'yo? Tutal malapit lang naman ang bahay namin sa inyo?"
Gosh! Gusto kong pasalamatan ang magulang ko sa pagbo-boost ng confidence ko kaya hindi ako nahihiya ngayon sa mga pinagsasabi ko.
"You have a driver, right? Bakit kailangan mong makisabay?"Tanong niya.
"Pwede rin namang mag-commute si Sabelle pero sinasabay mo siya. Anong pinagkaiba n'on kung isasabay mo ako?"
"Isinasabay ko si Sabelle para makatipid siya ng pamasahe-
"Then I'll call dad to remove my driver para makatipid din kami sa pagpapasuweldo?"
Napahilot siya sa kanyang sentido na parang namomroblema sa mga sinasabi ko. Nag-uumpisa na naman akong mainis. Bakit hindi niya na lang sabihin na ayaw niya akong isabay pauwi?
Hindi ko namalayan na narating na namin ang Kanlurang bahagi ng isla. Pinagmasdan ko ang mga maliliit na bahay na gawa sa kawayan. Hindi ko maisip kung anong sitwasyon nila sa tuwing umuulan ng malakas.
Talaga nga namang hindi patas ang pamumuhay sa mundo. May mga taong nakatira sa malalaking tahanan na may masasaganang pagkain habang may mga taong hindi pinalad sa marangyang buhay.
Pero hindi raw dapat ako maawa sa mga taong salat sa yaman. Dahil maaari naman talagang umasenso ang isang tao kung gugustuhin nito. Kung magsusumikap siyang umayos ang kanyang buhay. Pero kung magpapalubog siya sa hirap, wala siyang mararating.
"Dito na lang ako, Sir Dom. Salamat sa paghatid,"sabi ni Sabelle at bumaba na ng sasakyan.
Tinanaw ko siya hanggang sa pumasok siya sa maliit na barong-barong. Nilingon ko si Dominique at nakitang nakatingin din siya kung saan pumasok si Sabelle.
Muli niyang pinaandar ang sasakyan at tahimik na ulit ang buong byahe. Itinuro ko lang sa kanya ang daan papunta sa'min.
"Salamat. At gusto ko lang sabihin na seryoso ako na sasabihin ko kay dad na hindi na ako magpapahatid. Kasi sasabay na ako sa'yo,"sabi ko at napakunot ang noo niya."Pero kung ayaw mo, magco-commute na lang ako."
"I told you, stop this already. Hindi mo alam kung anong pinapasok mo,"sambit niya at mataman akong tinitigan. Hindi man lang ako kinabahan, pero kumalabog ang puso ko sa ibang kadahilanan.
"Trust me I know what I'm doing," I said before leaning in closer to his face. "Bakit natatakot ka bang mahulog?"
Nginitian ko lang siya bago bumaba ng sasakyan. Agad din siyang umalis at pumasok na ako sa loob.
"Dad, I don't need a driver anymore. I can commute naman," I told him.
Natigilan sila pareho ni mommy sa pagkain dahil sa sinabi ko.
"Hija, hindi pa naman tayo naghihirap para mag-commute ka,"saad ni Daddy.
Nagkibit-balikat ako. "Well, I just want to experience it. Don't worry mag-iingat po ako."
I secretly crossed my fingers and wish for them to agree. Gusto ko talagang ipakita kay Dominique na kaya ko ring maging normal na babae at hindi lang puro pa-sosyal.
"Hindi ko alam kung ano bang pinaggagagawa mo sa buhay pero sige hahayaan ka naming mag-commute,"pagpayag ni dad at halos mapasigaw ako sa tuwa. Mabuti na lang at napigilan ko dahil baka isipin nila masyado kong gustong-gusto na maalis ang driver ko.
Hmmm. Next step, makipaglapit kay Dominique.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (134)

  • avatar
    ALAGADJOJIE

    good story

    23d

      0
  • avatar
    John Mavirick De Vera

    ml diamond 💎

    16/08

      0
  • avatar
    Jenny Rose Rosauro

    thank you

    27/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด