logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3: Kara Saki Konami

Marviel Kismet Chen's Pov
"Hey sistah!" masayang bati ko sa kakambal kong si Mira pagkapasok sa kwarto nya
Syempre suot ko na din yung uniform nya dito sa hospital
Ang saya eh, imbes na party-party since graduation ko. Dineretso nila ako dito sa hospital at pinaadmit. Kaya ngayon may free entrance na ako sa kwarto ng kakambal ko
Ang layo din pala nitong cardio ward sa crazy ward. And speaking of my ward, bet ko yung pangalan ng ward ko. Parang masaya eh
Yun lang, kabaliktaran nun ang mismong ward. Solo ko pa kasi. Wala pa atang narecruit ang mga doctor at nurses doon. Sayang!
"Oh, bakit ka nakasuot ng ganyan?" kunot-noong tanong nito ng mapansin ang suot kong puting pajama
Yun kasi ang suot ng mga pasyente dito, well pagkakaiba sa cardio ward. May design silang puso sa left side ng dibdib nila na parang see through ang mga puso nila. Habang sa crazy ward ang maliit na emoji na mukhang ewan. Sa tapat mismo ng bulsa sa kanang dibdib
Mukhang ewan, kasi mukha syang... naiihi, tapos nakapagpalabas sa kung saan kaya guminhawa ang mukha, at the same time nagwacky pa dahil sa kahihiyan hahaha!
"Syempre kasi dito na din ako titira" proud na sagot ko
Ayoko man, pero wala akong magagawa, well atleast makakasama ko si Mira dito. Nakakamiss din sya eh
"Huh?" takang tanong pa nito
Pero imbes na sumagot, niyakap ko nalang sya
Mukhang hindi nya alam ang tungkol sa sakit ko. Ayaw siguro syang mag-alala nila Mommy at Daddy.
"Sasamahan kita, pero sa crazy ward ako" tawa ko lang
Hindi na din naman na sya nagtanong pa, siguro naisip nyang ayokong pag-usapan. Mabuti din yun. Para hindi nya ako alalahanin
"Kumain ka na ba?" tanong nya saakin di kalaunan
Umiling nalang ako.
Sa totoo lang talaga, hindi na din ako nakakain simula ng sabihin ni Mommy na dito na din ako titira, although mag-aaral parin ako at bibisitahin ako ng teacher ko dito sa hospital.
Hindi parin ako makakalabas, so parang nagmove-in na talaga ako sa hospital sa lagay kong to. Masaklap talaga
"Tamang-tama. Nagluto si Nana kanina ng paborito natin" ngiti nya at hinila na ako palapit sa mini-dining room ng kwarto nya
VIP din kasi ang room nya dito eh. Parang condo lang. May kwarto, dining room, kitchen at banyo. Meron din pala syang sala
"Naks! Parang palagi akong pupunta dito ah" masayang komento kong ikinatawa ni Mira
Madalang syang tumawa, pero palaging ako ang dahilan. Ganito ang buhay ng komedyante
"Tama yan, para palagi din akong may kasama. Nakakaboring mag-isa" pout nya pa
Ako naman tuloy ang natawa.
Malamang mag-isa edi boring talaga
"Hindi mo pa naman siguro kinakausap ang sarili mo dito, diba?" biro ko
Pero tinignan nya lang ako ng masama, kaya natawa nalang ulit ako
Mukhang malapit na!
"Kumain ka nalang jan, baka yung plato pa ipakain ko sayo" balik pagsusungit nya
Napailing nalang akong napangiti at kumain na nga kami
Hay, ang masungit na Mira. Hindi parin sya nagbabago
------------------------------------------------------------------
"Hi Queen!" masayang bati ni Ten
Napangiti tuloy akong tumigil sa pagbabasa
Boring ngang mag-isa. Pero atleast binibisita parin ako ng mga kaibigan ko. Lalo na tong si Ten na everyday nandito
"Anong ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong ko ng mapansin ang bag na dala nya
Malaki ito at halatang maraming laman. Ano nanaman kayang trip nya?
Sasabihin ko din sanang hindi ko sya makakausap ngayon, since may klase pa ako. Pero agad din akong natigilan ng pumasok ang isang lalaki na mas matanda lang ata ng kaunti saamin ni Ten
Siguro mga early 20's na nito. Nakasalamin sya at may dalang mga libro
"Ang aga nyo namang mag-aral" nakangiting puri nito. Lalo na kay Ten na naglalabas na ng libro mula sa bag nya
Binigyan nya din ako ng kaparehas na librong hawak nya at ngumiti lang ng tignan ko sya ng may pagtataka
What's going on?
"By the way, I'm Carl Luke Mendoza. Your personal teacher" nakangiting pakilala pa nito
"Hello Hosteacher, Hi Hosmate!" napatingin ako kay Ten sa hyper na pagbati nito.
Hosteacher? Hosmate? Ano ba sya Hostess?
Nakangisi naman syang tinignan ako. Yung tipo ng tingin na parang sinasabi nyang nababasa nya ang nasa isip ko. Pero impossible yun, si Thomas kaya yung mind reader. Manhid lang naman yun eh
"Hindi ko inaakalang totoo yung sinabi ni Miss Pantanor. Bagay nga kayo kahit mga bata" panunukso ni Sir Carl "So are you ready to learn?"
Wait, so ibig sabihin magiging kaklase ko si Ten? Akala ko ba--
"Hindi na ako nagpaenroll, mas gusto kong samahan kang mag-aral. Para kapag may nakalimutan ka, ipapaalala ko nalang sayo" bulong nya
Lihim naman akong napangiti sa kasweetan nya. Ewan ko ba sa lalaking ito. Andaming effort. Kaya swerte din ng taong mamahalin nya eh
Pero kakausapin ko parin sya mamaya kung bakit pinili nyang mag-aral nalang sa hospital kasama ako. Kung pwede naman syang pumasok tulad ng iba
Nakinig nalang kaming dalawa ng magsimula ng magturo si Sir Carl. Tahimik akong nakikinig, habang sya panay ang tanong kapag may hindi sya naiintindihan. Hay naku Ten!
"Salamat at natapos din!" masayang higa nito sa sahig ng kwarto ko
May placemat naman at malinis din ang sahig. Kaya walang alikabok. Pero hindi ko maiwasang mapailing sa kalokohan nya. Kaya naisipan kong kunin ang notebook kong pinagsulatan ko at mahinang pinalo sa mukha nya
"Aray!" mabilis na bangon nyang ikinangisi ko
"Anong aray? Ang hina nun" tawa ko pa lalo ng simangutan nya ako
Ang arte nya talaga kahit kailan
"Bakit ka nga pala nandito? Tsaka bakit, Hosmate?" pangkaklaro ko
Sya naman ang napangiting tumango
"Oo, Hostmate mo ko. Hospital classmate since nalaman ko na magpapatuloy ka ng pag-aaral pero dito sa hospital. Naisipan kong samahan ka. Kaya hindi na din ako nagpaenroll sa school" pang-uulit nya pa sa sinabi nyang sasamahan nya ako
"Pero bakit? Pwede ka namang bumisita ah?"
Si Thomas nga piniling mag-aral sa private school para daw mas quality. Kaya paniguradong magiging busy na sya
"Bakit? Ayaw mo ba?"
Para naman akong natauhan ng makitang lumungkot ang itsura ni Ten. Kaya agad din akong napailing
"Hindi naman sa ganun, iniisip ko lang kasi baka mas gusto mong , maranasan yung normal high school life" Totoo naman eh, alam ko ding sweet tong si Ten. Pero ito? "Balita ko din kasi yun daw ang pinakamasayang stage ng pag-aaral" dagdag ko pa
Sayang nga at hindi ko na mararanasan yun
Napatingin naman ako sa mata nyang kulay asul ng maramdaman ko yung paghawak nya sa pisngi ko, habang seryoso syang nakatingin sa mga mata ko
Ayan nanaman ang mga tingin nya.
Si Ten kasi yung tipo na, makulit at madaldal. Pero sa oras na magseryoso sya, makikita mong ibang-iba sya. Parang nakaka-intimidate na ewan.
Gumagwapo din sya kapag seryoso
"Kung yun lang ang inaalala mo, then don't" mahinahon at may paglalambing na turan nya "Cause, all I wanna do is be with you" dagdag nya pang ikinabilis ng tibok ng puso ko
Shemay!
------------------------------------------------------------------
Tinotoo nga ni Ten ang sinabi nya. Sa tuwing may klase ako. Nandito din sya. Minsan kasabay nya si Sir Carl, madalas maaga sya dito. Kaya nakakapagreview pa kami ng sabay, lalo na kapag may quiz.
Hindi ko din masyadong ramdam yung sakit ko, since sabi ng doctor stable naman daw ako. Wag lang maiistress ng sobra. Pinakilala ko din si Ten kay Mira na ikinasaya nito, Nadagdagan daw kasi sya ng kaibigan
"Sigurado ka bang ayos ka na dito?" kunot-noo pero nag-aalala lang na tanong ni Thomas
Sa tagal ko dito sa hospital, medyo madalang syang makabisita. Pero atleast palagi syang may dalang pasalubong kapag pumupunta sya dito. Nakakamiss tuloy sya
Kahit hindi sya madaldal. Gusto ko paring parati syang nakakausap. Yung katulad lang ng dati. Pero hindi na pwede eh. Since may priorities na sya ngayon
"Yup, kaya goodluck nalang ulit sayo" thumbs-up ko pa
May exam daw kasi sya for 3 years acceleration. Meaning kapag napasa nya yung exam. Maa-accelerate sya ng 3 years o baka magcollege na sya agad. Hindi na ako magdududa kapag napasa nya yun, matalino sya eh
"Kung wala lang akong exam eh" pabulong na sabi nya pero narinig ko parin
Kaya nginitian ko nalang sya at naglakad palapit sakanya, tsaka sya niyakap
"Ok na ako sa pagdalas ng dalaw mo, nakakamiss ka eh" bulong kong ikinatawa nya ng mahina
"Ok, subukan kong once or twice a week" tango nyang ikinangiti ko "Ano bang gusto mong pasalubong sa susunod na punta ko dito?"
Napangiti akong kumalas ng yakap sakanya, pero hindi ganun kalayo, enough lang para makita ko parin yung nakangiti nyang mukha
"Kahit ano, pero mas gusto kong lutuan mo nalang ako dito" nakangising request ko
Natawa din naman syang tumango saakin
"Sige, wish granted. Carbonara ba?"
Tumango agad akong ikinatawa nya ng mas malakas
Naeexcite ako sa muling pagbisita nya. Sana bukas na agad!
Napangiti nalang ulit kaming nagpaalam, kailangan pa kasing magreview nito sa exam.
Nang masigurong nakaalis na talaga si Thomas. Tsaka ulit ako pumunta sa banyo ng kwarto ko at nagbihis. Gusto ko sanang pumunta sa elementary school namin. Mag-eexercise lang ako saglit
Pero dahil alam kong hindi sila papayag, patago akong lalabas. Sinigurado kong wala din munang bibisita saakin ng mga oras na yun. Basta dala ko lang ang mga wallet at phone ko, kasama na yung susi na regalo ni Coach
Mabilis lang naman ako, at hiling ko lang na wag din mahuli
Kaya kahit takot sa mataas, sa fire exit parin ako lumabas. Napatalon pa ako sa tuwa ng tuluyan akong makababa. Kaya sumakay nalang ako sa taxi ng tumapat ito saakin.
Hindi ko nalang din pinansin ang kakaibang tingin saakin nung driver. Maputla siguro mukha ko at galing pa sa hospital. Dibale wala naman akong virus
"Salamat po" paalam ko ng sa wakas makarating ako sa tapat ng school
Agad akong nagbayad at pumunta na sa training room namin, sakto ding walang tao doon, kaya nagpakasaya ako
Buti nalang at may damit pa pala ako dito. Yun ang pinangpalit ko. Next time nga magdadala ako ng damit dito. But for now. Mag-eenioy ako
------------------------------------------------------------------
Kara Saki Konami's Pov
"Hahanap kami ng magaling na doctor, wag kang mag-alala, Hon. Hindi ako susuko" problemadong sagot ni Papa
Hindi ko din tuloy maiwasang malungkot. Namomoblema sila Mama at Papa dahil saakin. Kung bakit naman kasi nagkaroon pa ako ng sakit sa puso...
Saktong pag-angat ko, nakita ko ang isang babae na patawid na sa kalsada ng mawalan ng malay
Hala!
"Papa yung babae masasagasaan!" agad kong paalam at tumakbo palapit dito
Hindi na ako nakapag-isip na baka masagasaan din ako, basta ang importante saakin. Mahila ko sa gilid yung babae.
"Kara!" habol din naman saakin ni Papa
Malapit na kami ng makitang may lalaking parang ninanakawan pa yung babae. Saglit akong napatingin kay Papa na may pag-aalala sa mga mata. Mukhang nagets din yun agad ni Papa at agad na nilabas ang baril sa tagiliran nya, tsaka lumapit sa kinaroroonan nung dalawa
Buti din pala at nadala ni Papa ang baril nya at duty nya pa ngayon bilang police.
Mukhang napansin yun ng lalaking magnanakaw at agad ding tumayo dala ang bag nung babae at tumakbo. Hinabol naman sya ni Papa, habang sa babae ako lumapit
Agad ko syang hinila sa gilid, medyo nahirapan pa ako dahil kahit mukhang magkasing-tangkad kami. Mabigat pa rin sya
"M-miss, miss gising!" tapik ko sa pisngi nya
Pero ni sagot o ungol wala itong sagot na lalong nagpaalala saakin
Sana mahabol at makuha ni Papa ang gamit ng babaeng ito. Para mas mapadali namin syang makilala.
Sakto din namang dumating na si Papa, dala ang bag ng babae. Kaya napangiti akong makita sya
"Inakay na ni Sony yung magnanakaw" seryosong turan lang ni Papa "Hindi ba sya nagkamalay man lang?" tanong pa nila
Umiling nalang ako at tinignan ulit ang babaeng nakahiga sa hita ko
Maamo ang mukha nito, at halatang mayaman base sa itsura at damit nya. Kaya nakapagtataka na mahimatay sya ng biglaan
"Pa, dalhin natin sya sa hospital. Baka may sakit sya"
Tumango lang naman si Papa at pumara na ng masasakyan.
Sana mabait sya katulad ng mukha nya, at sana maging kaibigan ko din sya
Hindi ko alam, pero habang tinitignan ang babaeng niligtas namin. Hindi ko maiwasang matuwa na natulungan ko sya. Ang gaan din kasi ng pakiramdam ko tuwing tinitignan ko sya

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    SalvadorLovely

    sana maka 1 million ako pang bili ng bahay at bigas namin

    25d

      0
  • avatar
    Melvin Gutierrez

    it's very nice

    06/07

      0
  • avatar
    VILLASEDGAR

    thank you

    02/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด