logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 5

HER
 
I'm done changing my clothes into more comfortable one, tied my hair with a messy bun and wore my spare black cardigan in the locker room.
 
Hindi ko na sinayang pa ang oras at mabilis na tinungo ang pasilyo palabas ng campus. 
 
I was about to fish my phone ngunit wala akong makapa dahilan para kumunot ang aking noo.
 
I was about to inform father's assistant that i'll be late for atleast 15 minutes but my phone is nowhere to be found. D-mn.
 
Nang wala akong makapa sa bag, mabilis ko itong tinunghay nang hindi nag-iisip habang bahagyang naglalakad sa hallway. Hindi ko na tinapunan ng tingin ang daan dahil nasa bag ang buo kong atensyon.
 
'What the heck? Where the freaking hell is it?' asked my mind and I still keeps on digging my bag.
 
"Yes, I said i'm coming—What the fvck!" A voice came from nowhere. I almost stumbled with that sudden collision with someone but thank goodness I held his jacket for a strong grip. Thanks to my reflexes. I composed myself and continued finding my phone.
 
Hindi ko siya magawang tingnan sapagkat hinahalukay ko pa rin sa bag ko ang pesteng cellphone na 'yon. 
 
"Where the fvcking hell could it be?'
 
"H-Hold on for a sec. H-Hey miss, i'm sorry, A-Are you hurt?" His baritone voice echoed the hallway since kami na lang ang tao rito. I noticed him trembling the way he voiced me out but I just sighed.
 
"I'm not, it's ok." Hindi ko pa rin siya tinapunan ng tingin at abala sa kanina ko pang hinahanap.
 
 
"A-Ahm, do you want to—" He was about to clutch my elbow me when I eluded his touch without even giving him an eye contact which made him gasp.
 
"I said, i'm ok. Just leave me alone." Diniinan ko ang aking salita dahil pinakaayaaw ko ang naiisturbo.
 
"But you s—Okay, nevermind, tss." I heard him sigh and walked hesitantly away from me. I just ignoredd him and shrugged.
 
"Oh, there you are!" I snapped when I saw it, my freaking phone.
 
Nakahinga ako ng maluwag at mabilis nagtipa upang matawagan ang kanyang secretary habang nakatayo pa rin sa kung saan ako may nakabanggaan kanina.
 
"Where's dad?" I asked coldly and I roamed my eyes around the hallway.
 
[He's in a meeting right now with Mr. Segovia, Miss.] I gasped with what I heard and sighed from nowhere. 
 
'What is it this time? Tsk.'
 
[Miss Kana? Are you still there? Do you want me to inform him something?]
 
"Ah, yes. Tell him I'll be late since we have a sudden emergency activi—" I stopped realizing that I stepped on something. Maingat ko itong pinulot at masuring tinitigan.
 
Hmm? W-What's this? I think I saw this somewhere.
 
[Miss?]
 
"A-Ah, that's all."
 
[A-Ahm, Noted Miss.] May pag-aalinlangan pa ang kanyang boses ngunit pinagsawalang bahala ko na lang.
 
I dropped the call immediately and stared at the old bracelet I am holding. Inilapit ko ito sa aking mukha at maingat na sinuri.
 
It is made of wood but with an exquisite and intricate design that makes it look more special and if you'll look closely, you'll see the small stones and I conclude that this is gold.
 
Biglang nanikip ang aking dibdib na tila may punyal na tumatarak doon dahilan upang bahagya akong manginig. Kasabay no'n ang pagsakit ng ulo ko dahilan upang mapaupo ako sa sahig ng pasilyo. With that, darkness claims me.
 
-
 
'Ama, maawa ka! Palabasin ninyo ako rito! Ama! Por favor!' Walang pakundangan ang aking hinagpis nang marahas akong kinulong ni ama sa aking silid nang mapag-alaman niyang nakikipagkita ako kay Flavio.
 
Hindi ko maarok ang kaniyang pag-iisip. Kung nangagamba ako para sa aking sarili, mas nangangamba ako sa maari nilang gawin sa taong aking pinakamamahal.
 
Batid kong malalaman din nila ang aking lihim ngunit hindi ko inaasahang ganoon pala kaaga.
 
"Pinapahiya mo ako sa harap ng lahat! Ika'y magdusa riyan nang ika'y magtanda!"
 
Walang tigil akong humingi ng pakiusap habang marahas na hinahampas ang pinto ngunit sarado na ang kaniyang isip upang ako ay dinggin.
 
Puno ng dumadaragsang luha ang aking mga mata at batid kong ngayon ay hindi na maipinta ang aking wangis. Basag ang aking buhok at namamaga ang noong mapupungay na aking mga mata.
 
Ilang oras akong nakatitig sa kawalan habang nakikipagsabayan sa pag-ikot ng orasan malapit sa aking malaking espejo.
 
Pinapanalangin ko na sana ay panaginip na lamang ang lahat at hindi sana ako naging mapusok ssa lahat ng akin pasya.
 
Nasa kalagitnaan ako nang aking pagmumuni-muni nang biglang may kumatok sa harap ng aking pintuan.
 
"Señorita, ako ba ay iyong naririnig?" Tila ay nabuhay ang aking pag-asa nang marinig ang kaniyang malamyos na tinig.
 
"Tala, ano ang iyong ginagawa rito?"
 
"Nais ko po sanang ikaw ay tulungan. Naghihintay po si Flavio sa dulo ng parang at hindi niya batid ang nangyari sa iyo," mahaba niyang paliwanag na siyang nagdulot ng munting ngiti sa aking labi.
 
"Paano kung ikaw din ay mapahamak sa pagtulong sa akin?"
 
"Ako ay hindi mapapahamak kung ako ay hindi ninyo isusuplong." At mahina akong ngumusi.
 
Siya ngang napakamahabagin ng maykapal. Hindi niya pa rin ako pinababayaan.
 
"Maraming salamat, Tala. Lubos ko itong tatanawin na utang na loob," aking turan nang tuluyan na akong makalaya nang hindi napapansin ni ama na ngayon ay mahimbing na sa pagkakatulog.
Mahinang pagtango lamang ang kaniyang isinukli at hinandugan ako ng ngiting abot sa kaniyang bilugang mga mata.
 
"Wala po iyon sa tulong na ibinigay ninyo po sa amin ng aking ina. Nawa ay makamtan mo na ang iyong kaligayahan, Señorita." Niyakap niya ang kaniyang sarili dahil sa lamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kaniyang balat.
 
Hindi ko gaanong maramdaman ang lamig ng kagubatan sapagkat nakabalot ang aking katawan ng makapal at malaking balabal na galing pa sa Madrid. Nag-alok ako sa kaniya ng balabal kanina ngunit hindi niya ito tinanggap dahil baka raw maging dahilan pa ito ng aming pagkahuli. Aaminin kong tama ang kaniyang pansya kaya tumungo na lamang kami sa kabila ng lamig na kaniyang nararamdaman.
 
Mabuti na lamang at may lihim na daan na nalalaman si Tala kung kaya ay hindi kami nahuli ng mga Guardia Sibil na rumuronda sa buong pueblo, lalong lalo na sa aming casa.
 
"Señorita, maiwan na po kita rito sapagkat may nararapat pa akong gawin sa aming tahanan. Si Flavio ay naghihintay lamang po sa dulo ng parang malapit sa una ninyong tagpuan." Hinandugan ko siya ng matamis na ngiti bago tumango at mabilis na tinungo ang daan papunta sa ginoong aking pinakamamahal.
Nakakapanghinang kailangan pa naming tumakas at lihim na magkita para lamang makasama ang isa't isa.
 
-
 
"Buong akala ko ay hindi mo na ako sisiputin dito, Mahal ko," malambing niyang turan habang dinadampian ng kaniyang kamay ang aking kulay olandes na buhok.
 
"Batid kong alam mo na ang nangyari sa akin. Ikinulong ako ni Ama at batid kong tinutugis ka ngayon ng mga Guardia Sibil. Amore mio, kailangan mo munang lumisan sa pueblo. Hindi ko kakayanin kapag ika'y nawala." At inihilig ang aking ulo sa kaniyang makisig na dibdib. Nangangamba ako sa maaring sapitin ng aming pag-iibigan.
 
" Batid kong mangyayari iyan at wala na tayo—" Bigla kaming natahimik nang may paparating na mga nag-uunahang tanglaw ng sulo mula sa malayong dako.
Batid naming mga guardia sibil iyon kaya ay mabilis kumilos ang aming katawan upang tumakbo ng tahimik at itago ang aming pagkakilanlan.
 
Sabay kaming nakahinga ng maluwag nang dinaanan lamang kami ng mga ito ngunit biglang umalingawngaw ang sigaw ni Flavio dahilan upang mapatingin ako sa kaniyang kinaroroonan. Napako ang aking tingin sa kaniyang tagiliran kung saan hawak niya at namimilipit sa sakit.
 
"Anong nangyayar—"
 
"Lumisan ka na. Batid kong narinig nila ako kaya umalis ka na," Mahina niyang saad habang nanginginig. Ipinag-iling ko iyon at akmang dadaluhan siya nang mapansin ang mga guadia sibil na papalapit sa aming kinasasadlakan. Napuno ako ng pangamba at tinapunan muli ng tingin si Flavio na namumutla ngunit pinipilit pa rin na tumayo.
 
"Umalis ka na, pakiusap. Pangako, magkikita pa tayo. Pinapangako ko iyan, Mahal ko." May pag-aalinlangan man ay marahan kong hinakbang ang aking paa, palayo sa kaniya. Masakit man ngunit kinakailangan kong umalis at panghawakan ang kaniyang pangakong magkikita pa kami. Iyon lamang ang maaari kong panghawakan sa ngayon dahil batid kong hindi magiging madali ang aming kahaharaping pagsubok.
 
Marahan akong pumikit habang dinarama ang pait at sakit na nananahan sa aking dibdib bago pumasok muli sa aking silid at kinulong ang sarili.
 
Siya ngang napakalupit ng tadhana...
-
 
Bigla akong naalimpungatan nang tapikin ng isang guard ang aking balikat. 
 
Wait, what? What am I doing? I stood up and fixed myself with confusions that is written on my face. Bakit parang may kulang sa nangyayari sa'kin? Ano nga ba ang nangyari? This is insane!
 
Pinakiramdaman ko ang aking sarili at nandoon pa rin ang panginginig habang pilit akong kinakausap ng guard. 
 
Ilang sandaling gano'n ang aking sitwasyon at pilit na nilalabanan ang masidhing damdaming gustong kumawala sa buo kong sistema. 
 
Huminga ako ng maluwag nang tuluyan na akong makaahon sa panginginig at mabilis na naglakad palayo sa pasilyo kasama ang guard na parang naguguluhan din sa nangyayari sa akin. Pinagsawalang bahala ko na lang 'yon at pinagtuunan ng pansin ang daan.
 
I absentmindedly placed the bracelet in my bag and sighed. I really need to figure this out but i'll just do it later for I still have a matter to face.
 
Huminga ako ng malalim bago pinaahrurot ang kotse patungo sa aking destinasyon.
 
Masyado na akong late, damn this.
 
Tiningnan kong muli ang bag na pinaglagyan ko no'ng polseras at binaling muli ang tingin sa daan bago matiim na nag-isip. Bakit wala akong maalala?
 
Ano ba talagang nangyayari? What's up with that bracelet? And who's the owner? Ba't gano'n nalang ang pagrereact ng katawan ko? 
 
Aist! I really need to figure this out bago ako mabaliw kakaisip.
  

หนังสือแสดงความคิดเห็น (30)

  • avatar
    Jan Jan

    it's so amazing thank you again novelah apps

    07/10

      0
  • avatar
    Diane Mae Benoya

    nice story 🥰🥰🥰

    07/05/2023

      0
  • avatar
    Cindy Regner

    Love itttttttt superrrr

    28/09/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด