logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

"Ate Mirah, sumama ka sa amin. Manghuhuli kami ng isda," hila-hila ni Isagani ang kanyang kamay. Natatawang sumama si Mirah rito. Nakilala niya ang bata nang minsang sumama sa kanila ito sa pamamasyal. Malapit ito kay Luna kaya hindi na siya magtataka kung hindi ito mailap sa taga labas na gaya niya. 
"Sino naman ang mga kasama natin?"
"Basta sumama ka na lang."
Nadatnan niyang nanghuhuli ng isda sila Mutya. Nakaupo naman sa may damuhan si Luna at pinapanuod ang mga ito. 
Masayang nakisama ang bata sa panghuhuli. Hindi siya marunong kaya naman nilapitan niya na lang si Luna at tinabihan ito sa pagkakaupo.
"Bakit nakasimangot ka riyan?" puna niya.
"Pa'no ba naman, hindi ako pinayagan ni Kayan na manghuli," pagmamaktol nito.
"Natural lang na hindi ka payagan. Hindi maganda ang magbabad diyan sa kalagayan mo."
Mas lalo itong sumimangot sa narinig. 
Buti na lang at dala niya ang kanyang camera. Kinunan niya ng larawan ang mga nanghuhuli ng isda. Syempe isa na roon si Halom. May solo shot pa nga ito.
"Hindi mo ba nami-miss ang buhay artista?" kalaunan ay tanong ng kasama.
"Hindi pa naman. Sa ngayon ay gusto ko munang magpahinga, tingin ko nga tama lang na napadpad ako sa lugar na 'to."
"Mabuti naman at natutuwa ka rito. Akala ko kasi nagbabalak ka nang tumakas."
Natawa siya. "Huwag kang mag-alala, sasabihin ko sa'yo sa oras na napagpasyahan ko nang umuwi."
Ilang oras ang lumipas at umahon sina Halom sa ilog. Marami-rami rin ang nahuli nilang isda. Tumulong na lang siya sa pag-iihaw dahil 'yon lang ang tingin niyang maiaambag niya.
"Sana sumama ka sa panghuhuli, Ate Mirah. Ang saya kaya!" masayang sambit ni Isagani.
"Hindi ako marunong eh, baka mabulabog ko lang ang mga isda."
"Turuan kita, gusto mo?" 
Ginulo niya ang basang buhok nito. "Saka mo na ako turuan kapag malaki ka na."
"Malaki na ako."
Matapos makapagluto ay kumain na sila. Ito ang unang beses na makakasama ni Mirah ang ilang kalalakihan sa pagkain. Kahit na ilang beses na siyang kumain kasabay ang ilang lalaki. Iba pa rin ang sitwasyon nang araw na 'yon. Kaharap niya si Halom, hindi man lang ito apektado sa presensya niya samantalang kabaliktaran naman siya. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso, pakiramdam niya ay aatakihin siya sa anumang oras.
Minsan ay ninanakawan niya ng tingin ang binata dahil hindi niya mapigilan ang sarili na sulyapan ito. Ang manly nitong tingnan kahit kumakain lang, paano na kaya kung iba ang gawin nito.
Nang makakain sila ay naghiwa-hiwalay na sila. Bumalik si Luna sa kanilang kubo dahil inaantok daw ito. Naisipan ni Mirah na libutin ang ibang parte ng gubat na hindi pa niya napupuntahan. Narating niya ang isang ilog, may kalawakan ito at ang linaw ng tubig. Kita mo na tila walang katapusan ang lalim nito.
Nagtungo siya sa gilid at kumuha ng larawan. Napansin niyang hindi sumunod sa kanya si Halom. Siguro ay may gagawin ito.
Biglang may humablot sa kanyang camera, pagtingin niya ay si Marikit ito. Kasama nito ang dalawang kaibigan.
"Ibalik mo ang camera ko." Sinubukan niyang kunin ang camera ngunit agad itong nailayo ng dalaga.
"Bakit ko naman gagawin 'yon. Kung gusto mong kunin, eh di kunin mo!" Itinapon nito ang camera sa ilog. Kita niya ang dahan-dahan nitong paglubog. Kahit na wala siyang kasiguraduhan sa lalim ng tubig ay agad siyang tumalon at sinisid ang camera. Nasa ilalim na ito at malayo na sa kanya. Patuloy lamang siya sa paglangoy nang may humila sa kanya paitaas. Kita niyang si Halom ito. Anong ginagawa ng binata roon? Sinubukan niyang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit mahigpit ito. Nang muli niyang tingnan ang camera ay hindi na makita. 
"Ano bang problema mo? Bakit mo ako hinila?" sigaw niya sa binata nang maiahon siya nito. Muli siyang tumalikod at tinungo ang ilog.
"Anong gagawin mo?" pigil sa kanya nito.
"Ano pa nga ba! Eh di kukunin ko ang aking camera. Kung hindi mo lang ako hinila, nakuha ko na sana 'to."
"Delikado ang ilog na 'yan."
"Wala akong pakialam!" asik niya.
Tatalon na sana siya nang binuhat siya ng binata na parang sako ng bigas.
"Ano ba! Ibaba mo ako."
Naglakad ito papalayo sa may ilog at ibinaba siya sa ilalim ng puno.
Nang makatayo siya ay galit niyang hinarap ang binata. "Bakit ba nakikialam ka!"
"Para lang din 'yon sa kaligtasan mo. Hindi natin alam kung ano ang nakatira sa ilalim ng tubig."
"Alam mo nakakainis ka. Kanina hindi mo ako pinapansin tapos ngayon bigla-bigla mo akong papakialaman sa desisyon ko. Wala akong pakialam kung halimaw man o alien ang nakatira sa ilog. Ang gusto ko lang ay maibalik ang camera ko kaya huwag mo akong pigilan."
Mukhang hindi natuwa ang binata sa narinig. Muli siya nitong pinasan sa kanyang balikat at naglakad.
"Ibaba mo ako," pinagsusuntok niya ang likod ng binata ngunit hindi ito natinag. Tumigil na lang siya nang mapagod siya sa pagsuntok. Ilang minuto din itong naglakad. Narating nila ang kanyang kubo at doon siya binaba.
"I hate you!" Lumuluha niyang sigaw nang harapin ito. "I hate you! I hate you!" pinaghahampas niya ng kamao ang dibdib ng binata dahil sa inis. Wala siyang pakialam kung umiiyak siya sa harap nito. Hindi ba nito alam na mahalaga sa kanya ang camera? Kaya nga siya tumalon sa ilog para lang makuha ito tapos pipigilan lang siya. 
Nanatiling walak imik si Halom at hinayaan na lamang siya. Nang mapagod siya sa pananakit rito ay umiyak na lang siya sa harapan nito.
"Alam kong mahalaga sa'yo ang bagay na 'yon pero dapat isipin mong mas mahalaga ang buhay mo," kalaunan ay sambit nito.
"Ma-s m-mahalaga 'yo-n sa-a buha-y k-o," mahina niyang saad sa gitna ng pag-iyak. "Bi-gay pa 'yon ng ama ko-o. Nakalagay do'n ang mga nati-tirang alaa-la ko sa-a kanya. Hindi mo ako ma-iintindi-han."
Sa ganoong sitwasyon sila naabutan ni Luna.
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala itong lumapit sa kanya. Walang pasabi niya itong niyakap at umiyak sa balikat nito.
Si Halom na ang nagsabi kung ano ang nangyari sa kanya dahil hindi na rin siya makapagsalita ng maayos dahil sa kanyang pag-iyak. Naaawa si Luna sa sinapit ng kanyang camera ngunit sinabi nitong tama lang ang pagpigil sa kanya ni Halom. Baka raw kung ano na ang nangyari sa kanya sa oras na nasa ilalim siya ng tubig. 
Hindi na siya kumain ng gabing 'yon dahil wala siyang gana pagkatapos ng nangyari. Alam niyang pinigilan siya ng binata para lang din sa kapakanan niya pero hindi niya maiwasang magalit at dito niya naibunton ang lahat. Bigay pa ng ama ang kanyang camera kaya gayon niya na lang ito pakaingatan. Doon din naka-save ang mga video nilang dalawa hanggang sa huli nitong araw. Iyon na lamang ang natitirang alaala rito kaya naman hindi niya makakayang tanggapin kung pati ito ay mawawala sa kanya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (71)

  • avatar
    Chase Aban

    iloveyouuu

    16/12/2023

      0
  • avatar
    BienAnnalyn

    ang ganda ng story

    23/10/2023

      0
  • avatar
    BanolaTotoy

    yes

    17/10/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด