logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Ang tagal din nilang naglakad bago nila narating ang kabahayan. May kalakihan ang ilang bahay na pawang gawa sa kahoy at kawayan. Hindi akalain ng dalaga na may gano'n sa gitna ng gubat. Ang iba ay abala sa kanilang ginagawa at masayang naglalaro naman ang mga bata. Nang makita siya ay nakita niya ang pagkadisgusto sa mata ng mga matatanda at kuryusidad naman sa mga bata. Kung tumingin sila sa kanya ay parang ngayon lamang sila nakakita ng taong laki sa siyudad gaya niya. 
"Amang Nilo, may nakita ho kaming taong-labas na pakalat-kalat sa kagubatan," may kalakasang saad ng binatang kasama niya sa nakasarang bahay.
Bumukas ang pinto at doon ay lumabas ang dalawang matanda na sa tingin niya ay mag-asawa. 
"Dalhin siya sa pook-litisan," saad ng matandang lalaki. 
Dinala si Mirah sa lugar na tinawag nilang pook-litisan. Kinuha sa kanya ang kanyang camera.
"Saan n’yo dadalhin ang camera ko?"
"Hindi namin alam ang panganib na dala ng bagay na 'to kaya hindi mo ito maaaring makuha," wika ng matandang babae at ibinigay ang kanyang camera sa isang may edad na lalaki, "dalhin mo ito sa imbakan."
Kinuha ng lalaki ang camera at umalis ito.
Itinali ang kanyang kamay at ibinitin siya malapit sa may tubig. 
"Wala naman akong kasalanang ginawa, bakit ba dinala n'yo ako rito? Saka ibalik n'yo ang aking camera."
"Ano ang pakay mo sa aming lugar?" tanong ng matandang lalaki. Sa tingin niya ay ito at ang asawa sa tabi nito ang kanilang pinuno base na rin sa naiiba ang kasuotan ng dalawa.
"Wala ho akong pakay rito. Pumarito lang naman ako upang kumuha ng larawan nang habulin ako ng leon at napadpad ako rito sa lugar n'yo." 
"Magsabi ka ng totoo kung ayaw mong ubusin ng mga linta ang dugo mo," ang matandang babae na ang nagsalita.
"Mga linta?" naguguluhan niyang tanong hanggang sa maalala ang tubig sa may paanan niya. Agad niyang ibinaba ang mata upang tingnan ito at ganoon na lamang ang kilabot na naramdaman nang makitang nangingitim ang tubig hindi dahil sa dumi kundi dahil sa mga naggagalawang bagay sa loob nito. "Huwag n’yong sabihin na mga linta 'yan?"
"Linta nga sila at galit sila sa sinungaling kaya naman sabihin mo ang totoo. Ano ang pakay mo rito? May kasama ka ba?"
"Wala ho akong pakay sa lugar na 'to. Mag-isa lang akong pumunta rito upang magpahangin at kumuha na rin ng larawan," sagot niya. Bakit ba ayaw nilang maniwala sa kanya?
"Anong klaseng larawan ang 'yong kinukuha at aanhin mo 'to?"
"Isa po akong photographer," sa tingin niya ay hindi siya kilala ng mga tao kaya hindi na kailangang banggitin ang pagiging artista niya. "Kumukuha ako ng mga natural na larawan gaya ng kalikasan at mga hayop. Kung may bibili rito ay ibinibenta ko," sagot niya.
"Ibinibenta mo ang mga nakalap na larawan? Isa 'yang kalapastanganan! Ang ganda ng kalikasan ay para sa mata lang at hindi sa pera," may bahid ng galit ang boses ng babaeng pinuno. "Ibaba ang lubid." 
"Teka lang~" pigil niya ngunit ibinaba ang lubid at dumampi ang paa sa tubig. "Ahhhh~" pilit iwinaksi ng dalaga ang paa ngunit mas lalong ibinaba ang lubid. Hindi niya na magawang tumingin sa tubig dahil mas lalo siyang pangingilabutan. "Isa ho akong photographer kaya natural lang na ibenta ko ang mga nakuha kong larawan para mabuhay? Kasalanan ba 'yon?" 
Hindi siya pinakinggan ng mga ito. Kahit na naka-leggings siya ay ramdam pa rin niya ang paggapang ng mga linta sa kanyang binti. Ang ilan ay nakadikit na sa kanyang paa. "Maawa naman kayo oh! Alisin n’yo ako rito," maluha-luhang pagmamakaawa niya. 
"Anong nangyayari rito?" tanong ng isang lalaki. Kararating lang nito kasama pa ng ilan. May babae rin sa tabi nito, medyo naiiba ang babae sa kanila dahil maputla ang kutis nito na tila hindi nasisinagan ng araw.
"Isa siyang taong-labas, Kayan. Nililitis naman siya ngayon," wika ng babaeng pinuno.
"May nagawa ba siyang mali?" ang babaeng kararating ang nagtanong. Maganda ito at maamo rin ang boses. Kahit na balat ng hayop ang damit nito ay napaka sopistikada nitong tingnan. Kung wala nga siya sa kinaroroonan niya ngayon ay iisipin niyang nasa isang shooting sila.
"Hindi pa namin alam ang totoo niyang sadya."
"Kung gayon ako na ho ang nakikiusap sa inyo. Hayaan n’yong ako ang kumausap sa kanya," pakiusap nito sa dalawang matanda.
Walang nagawa ang mga ito at hinayaan ang magandang babae sa kagustuhan nito. Inalis siya sa may tubig at kinalagan sa pagkakatali ang kanyang kamay. 
Lumapit kay Mirah ang magandang babae.
"Ayos ka lang?" tanong nito sa kanya.
"Hindi," pagsasabi niya ng totoo. Tiningnan niya ang mga nakadikit na linta sa paa. Hindi niya alam kung paano ito aalisin gayong nandidiri siya rito. Ang babae na ang nag-alis sa mga ito. Marahan pa itong tumawa. Kunut-noo niya itong tiningnan. Nang mapansin nitong nakatingin siya ay tumikhim ito bago nagsalita.
"Don't ever think na pinagtatawanan kita. Natawa lang ako sa isiping ganito rin ang nangyari sa'kin nang mapadpad ako rito," ani nito na ikinagulat niya.
"Hindi ka taga rito? Kaya pala medyo kakaiba ka sa kanila."
Tumawa ito, "gaya mo taong-labas din ang tawag sa akin noon. Ako nga pala si Luna. Anong ginagawa ng sikat na si Mirah sa lugar na 'to? Huwag mong sabihin na nalaglag ang sinasakyan mo sa bangin."
Hindi siya makapaniwala dahil kilala siya ng babae o ni Luna. Ang dami niyang gustong itanong rito. "Pumunta ako rito para kumuha ng larawan. Hinabol ako ng leon kaya naman nagpahulog ako sa ilog. Hindi ko naman akalain na sa talon pala ang bagsak ng tubig kaya heto ako ngayon!"
"Mabuti naman at nasa maayos ka pang kalagayan. Halika tara sa kubo nang mapahiran ng gamot ang paa mo," aya nito. Tiningnan niya ang paa at wala na doon ang mga linta.
"Hindi ka ba nandidiri sa mga linta?" nakabuntot siya kay Luna. Ito ang may alam kung saan sila tutungo. Tumitingin pa sa direksyon nila ang bawat daanang katutubo.
"Kung ano ang nararamdaman mo ngayon, ganoon din ako noon. Halos himatayin na nga ako sa takot at pandidiri. May nagsabi sa'kin na kaibiganin ko ang mga linta kung ayaw kong ubusin nila dugo ko."
"Kinaibigan mo ba?"
"Not all of them. Para lang din silang mababangis na hayop, 'yong iba mapapaamo mo at 'yong iba naman hindi."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (71)

  • avatar
    Chase Aban

    iloveyouuu

    16/12/2023

      0
  • avatar
    BienAnnalyn

    ang ganda ng story

    23/10/2023

      0
  • avatar
    BanolaTotoy

    yes

    17/10/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด