logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 3 Part Two

The next day, maaga akong nagising dahil sa tunog ng cellphone ko. Akala ko alarm pero nang tiningan ko, it's a phone call so I answered it.
"Lucian!" I immediately put my phone away from my ears. Dahil sa sigaw ng tao sa kabilang linya.
"Napaka aga namang pambubulabog eve? anong kailangan mo?" I asked, annoyed.
"ay masungit? masama gising?" takang tanong niya sakin.
"kung boses mo ba naman ang bubungad sa akin sa umaga, talaga namang sasama ang gising ko." masungit na sagot ko sa kanya.
" Alam mo napaka sama ng ugali mo talaga." she said sarcastically.
"eh ano bang kailangan mo bakit ka napatawag? may problema ba? may kailangan ka bang files na hindi mo mahanap?" I worriedly asked.
"Alam mo ikaw, naka leave ka na nga't lahat lahat trabaho pa rin nasa isip mo. Mag relax ka naman." panenermon niya sakin habang ako naman iniirapan lang lahat ng sinasabi niya.
"Maka sermon ka naman, parang hindi tayo nagbakasyon last last month. May I just remind you; we were in thailand 2 months ago." saad ko sa kanya na ikinatawa niya.
"oo nga pala, sorry naman" sagot niya.
"oh, eh ano nga? inaaksaya mo nanaman oras ko." singhal ko sa kanya.
"hoy! grabe ka naman, wala lang makikibalita lang." she said then chuckle.
I knew it! Hindi pwedeng huli siya sa balita, kailangan lagi siyang una.
"Hindi ka talaga mabubuhay ng walang chismis noh?" sagot ko sa kanya.
" Nililigaw mo lang usapan eh, ano na nga? nagkita ba kayo ni doc?" puno ng pang aasar na tanong niya sakin. I can even picture her smirking.
I roll my eyes before I answer, " Malamang! best man nga di ba? tsaka tito niya yung pakakasalan ng tita ko talagang magkikita at magkikita kami."
"anong nangyari sa first meeting?" she asked so I have no choice but to tell her the whole story. Dahil kung hindi, buong araw niya akong kukulitin ng tawag.
Isang impit na sigaw ang pinakawalan niya matapos marinig ang buong kwento. Hindi niya na rin ako tinigilan sa pang aasar.
"Sige na, alam mo, sinasayang mo na oras ko. Marami pa kong gagawin today. Bye na baba ko na to" pagputol ko sa kadaldalan nya. Palibhasa maaga pa kaya ang dami pa niyang energy sa pagdaldal.
"Sus, if I know excited ka lang makasama si doc eh." pang aasar niya sakin.
"Tse! sabunutan talaga kita pagbalik ko dyan, sige na bye na" I said then ended the call. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magsalita dahil hindi talaga kami matatapos.
After I hang up the call, I did my morning routine and shower. Kasi hindi ko alam kung anong oras kami aalis kaya naligo na ko, para hindi rin ako magmamadali mamaya.
When I'm done with everything, I decided to go downstairs to have my breakfast. Nasa hagdaan pa lang ako, rinig ko na agad ang ingay ng mga pinsan ko. Nang tuluyan na kong makababa ay dumiretso na ko sa dining area dahil doon nanggagaling ang ingay.
"Wow!! excited yarn?" pang aasar ni james ng makita niya ako.
"Bihis na bihis ka na ate andra? nakakahiya naman saming mga hindi pa nakakaligo at nag aalmusal pa lang." dugtong naman ni Jane na sinang ayunan naman ng iba ko pang mga pinsan.
"ako nanaman nakita nyo ang aga aga ah." saway ko sa kanila na ikinatawa naman nila.
Pagkaupo sa dining ay siya namang pagdating ni auntie Nina, we greet her good morning, so is she, then sit next to me to have her breakfast with us.
"di ka naman masyadong excited nyan Chandra?" tanong niya sakin na ikinatawa nanaman ng mga kasama namin sa dining. I gave them a death glare before I answer our aunt.
"Sanay lang po talaga ako na nakaready na agad kapag aalis." saad ko. Tumango tango naman si auntie tsaka sumimsim sa kanyang kape.
"sus, parang di naman, excited ka lang talaga." sabat ni james kaya naman tinapunan ko siya ng masamang tingin, pero ang walangya hindi natinag, nagsmirk pa.
"oh siya, okay na rin yan, baka maaga ding pumunta dito si ethan para sunduin ka......" naputol ang sasabihin ni aunt nina nang biglang umubo si james, Kaya napatingin kami sa kanya. Kunot noo ko siyang tinitigan dahil alam ko namang sinasadya nya ang pag ubo.
“Okay ka lang james?” Tanong ni auntie
“Ah okay lang po, mainit kasi.” Turo niya sa tasang may lamang kape na hawak niya.
"mapaso ka sana ng tuluyan" mahinang bulong ko. Tinignan niya lang din ako ng masama.
"mamaya kasama namin yung wedding planner namin. May mga kailangan pa kaming ayusin kaya sa inyo na ko nakisuyo na ipamigay yung mga natitirang pang invitations, since may mga kotse naman kayo. I know you will finish it before 3pm dahil magkakahiwalay naman kayong mamimigay. After you distribute the invitations you can go straight to the shop for the final fitting. okie?" nabaling ulit ang tingin ko kay auntie nina dahil sa sinabi niya.
Tumango naman kaming lahat. Pagkatapos ay nagpatuloy na sa pag aasaran habang kumakain ng breakfast. Nang matapos kami ay agad ng nagpaaalam ang mga pinsan ko para maligo at maghanda na sa pag alis. Habang ako naman ay nanatili muna dito sa sala, dahil wala naman na kong gagawin at kanina pa ko nakaready.
Akmang kukunin ko na yung mga photo album sa bookshelf ng lola ko nang biglang pumasok yung isa sa mga helper dito sa bahay.
"ay ito pala si chandra eh." gulat na sabi niya ng makita ako.
"bakit po?" nakangiting tanong ko.
"Eh andyan na kasi si ethan, hinahanap ka." pagkasabi nya ay tumingin siya sa may pinto.
Ako talaga yung hinahanap? Bakit ako?
"halika, pumasok ka muna.... Naku ethan wag mo nang alisin yan." napa kunot naman ang noo ko sa pagtataka nang marinig ang dugtong ng helper, kaya agad akong sumilip para alamin kung ano ang ginawa ni ethan. The helper glance at me then back to ethan.
Nakayuko ang binata at busy sa pagtatanggal ng sapatos kaya hindi niya na napansin na andito ako. I tap our helper’s shoulder to get her attention quietly. Nang tumingin siya sa akin ay nakangiting nagpasalamat na ko sa kanya, sa paghahatid sa bisita at pabulong na sinabi na ako na ang bahala. Agad naman siyang tumango at nagpalaam nang pumunta sa kusina.
Nang makaalis ang helper ay agad kong ibinaling ang tingin ko kay ethan, na nakayuko pa rin at busy sa pagtatanggal ng sapatos niya. Kahit na hindi naman na kailangan. Habang pinapanuod ko siya ang may kung anong kalokohan ang pumasok sa isip ko.
"anong ginagawa mo?" I asked, so he suddenly lift his head.
"ay andyan ka pala, wait lang." he smiled at me then continue taking his shoes off.
When he's finished, he immediately stood up, picks his shoes, and put them in the shoe rack on the side of our door, then he faces me.
"Sorry," he said with a chuckle.
"Bat sapatos lang? " seryosong tanong ko sakanya na ikinakunot ng noo niya.
"ha? may iba pa ba dapat?" he asked and looks confused.
"T-shirt" casual na sagot ko na lalong ikinakunot ng noo niya.
"T-shirt?" he asked again so, I just nod.
"Ito?" gulat na turo niya sa suot niyang kulay blue na t-shirt, I nod again.
"bakit?" tanong niya ulit.
"bakit hindi?" nakataas ang kilay na tanong ko din sa kanya.
"seryoso ka ba?" tanong niya ulit.
"mukha ba kong nagbibiro?" masungit na sagot ko sakanya.
"bahala ka! dyan ka na lang, bat ka kasi nag t-shirt? sana nagsando ka na lang" dugtong ko pa.
"Sando?!" gulat na tanong niya.
"paulit ulit?" sagot ko habang pinipigilang matawa, dahil sa mukha niyang parang gulong gulo na.
Luminga linga siya sa paligid pagkatapos ay yumuko para tingnan yung t-shirt niya. Samantalang ako naman ay hindi na alam kung paano pa pipigilan ang pagtawa.
Narinig kong bumuntong hininga siya at tumingin sa akin ng diretso, pagkatapos ay hinawakan na ang laylayan ng kaniyang t-shirt, akmang iiaangat niya na ang suot niya ng bahagya akong sumigaw, kaya napatigil siya.
"gagawin mo talaga?" tanong ko sakanya.
"Bakit? di ba gusto mo makita yung katawan ko? mabait naman ako chan, hindi ako madamot." mapang asar na sagot niya sakin.
"Hoy! ang kapal mo naman, kilabutan ka, nagbibiro lang ako. Pumasok ka na nga" I said then turn my back at him and walk towards our living room. Naramdaman ko namang nakasunod na siya sa akin.
"sus kunwari ka pa eh. If I know pinagnanasahan mo pa rin ako" patuloy na pang aasar niya sakin.
Aba talaga naman, kung makapang asar to akala mo ilang buwan lang nung huli kaming magkita at mag usap.
"Feeling! sapakin kita dyan" pagbabanta ko sa kanya na ikinatawa niya lang.
"Sadista ka pa rin talaga, grabe chan!" he said then tsked. He even touches his chest acting as if he's hurt.
"alam mo sana nanahimik ka na lang parang yung kahapon" I said.
"hoy hindi ako tahimik kahapon ah, hindi mo lang ako pinapansin." sagot naman niya.
Syempre! Wala man lang ni isa sa mga pinsan ko ang nagsabi sa akin na kasabay kitang darating kahapon.
Hindi pa fully handa yung buong pagkatao ko na makaharap ka tapos sumulpot ka agad.
"edi sana nagpapansin ka" I said then roll my eyes at him.
"sungit naman nito. Ang aga pa huy!" sagot niya sakin.
"eh bat kasi ang aga aga nang aasar ka na agad?" tanong ko sakanya.
"Ikaw kaya nauna." Mahinang bulong niya, pero narinig ko pa rin.
"Anong sabi mo?" Inis na tanong ko.
"Wala, sabi ko namiss lang kita." he said and smile at me.
Agad naman akong napatigil sa sinabi niya. My God! I think my heart skipped a beat. Naramdaman ko rin ang pag init ng pisngi ko.
"hoy! Chan!" he called me while snapping his fingers in my face.
"ah?" I absent mindedly response.
"Sus sinabihan lang kitang namiss kita natulala ka na dyan." he said teasingly. I gave him a death glare, but the brute just smiled at me. Mukhang enjoy na enjoy pa siyang nakikita na inis na ako.
Sasagot pa sana ako sa kanya but I got cut off by someone's voice.
"Oh ethan...." sabay kaming napatingin ni ethan sa may bandang likod ko kung saan nanggaling yung boses.
"Ang aga mo naman pumunta dito." auntie nina said when she's already standing next to me. Ethan greeted her and politely get her right hand to bless.
"Ah, nasanay na lang din po na maaga sa appointment." he answered my aunt with a smile, at may paghimas pa sa batok niya na parang nahihiya. Pa yummy yarn?
"sus, masyado naman kayong professional, pareho kayo nitong si Chandra." aunt said kaya napatingin din sakin si ethan. " Bago mag breakfast naka ready na" dugtong pa niya.
Ethan chuckles " Nasa katawan na ata talaga namin auntie" sagot pa niya na ikinatawa ni auntie nina, agad din naman itong natigil nang may mapansin.
"Oh? bat naman hinubad mo pa yung sapatos mo. Sana pinasok mo na lang, okay lang naman yun" she said.
Ethan secretly smirk at me before answering my aunt. Ano nanaman kayang kalokohan nito?
"Okay lang po yun auntie, yung iba nga po dyan..............." nanlaki agad yung mata ko ng marealize kung ano yung gusto niyang sabihin. Agad ko namang tinampal ang bibig nya para hindi matuloy ang sasabihin niya.
"Aray naman" reklamo niya. Tsaka hinawakan ang labi niya.
"Chandra!" gulat na tawag sakin ni auntie nina.
"May lamok auntie, di nyo po ba nakita? kanina pa ko naba bother palipad lipad, kaya nung dumapo pinatay ko na po" I innocently said and awkwardly chuckle.
"talaga ba?" mahinang bulong sakin ni ethan, tiningnan ko muna si auntie nina at nginitian saka pasimple kong siniko sa tyan si ethan. I heard him silently groan while giving my aunt an awkward smile.
"Anyway, aunt tutal andito na rin naman si ethan and ready na rin naman ako, maybe we can go na and start distributing yung mga natitira pang invitations." pag iiba ko ng topic. Agad namang tumango si auntie nina sa suggestion ko.
"Buti pa nga, sandali kunin ko lang yung iba pang mga invitations, andra samahan mo muna si ethan bumati kila mama tsaka mama at papa mo pati na rin sa iba mo pang mga auntie at uncle, andun sila sa gazeebo ngayon." utos ni auntie nina, agad naman akong tumango.
Pagka alis niya sa harap namin ay agad ko namang pinasunod si ethan sakin. medyo nagtagal pa nga kami kasi sinuot pa niya yung sapatos niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (90)

  • avatar
    AgapetoMarie Cris

    im so excited to.finish this novel😍 actually mahilig na talaga ako magbasa ng mga ganitong kwento. ❤❤❤mahilig ako sa pocketbook and wattpad kaya gustong gusto ko magbasa ulit neto.❤❤❤❤ nag stop ako magbasa since nagka baby ako hanggang ngyn dalawa na anh baby ko. naisipan ko ulit magbasa ng ganitong kwento😉❤🤞 sana matapos ko sya ngayon basahin 🤞✋😍😊 para naman kahit papano mabawasan yung stress na iniisip ko. 😢 thankyou pala sa nag suggest sakin na basahin to. super thankful ako kasi.❤❤❤

    17/11/2021

      0
  • avatar
    Ara Cernito

    I really love the app kc feeling q bumabalik aq sa pagkabata dahil sa pagbabasa q ulit ng mga novels pero this time nasa cellphone na 😊😊😊 before kc i use to buy a lot of pocket books....Good thing i found someone who share this app.and now i feel happy and enjoying so much of the novels here.😃 Good Job and hope u will have a lot more novels to come up.👍💓👍

    17/11/2021

      0
  • avatar
    Jess Ponce II

    ang gandaaaaaaaaaa

    15/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด