logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

chapter 2

 Zyra's POV
Di ko namalayan na nakatulog pala ako pagka-alis ni Anica. Bigla akong nagising dahil sa pagkalam ng aking sikmura. Gutom na gutom ako na para bang isang taon akong hindi kumain. Finally, I think I'm getting my life back aftrer hiding in darkness and dwelling in pain. 
Napabangon ako at tiningnan ko ang oras sa aking alarm clock na nakapatong sa aking bedside table, 4 pm  na pala. Ibig sabihin ay nakatulog ako ng dalawang oras. Pero bakit pakiramdam ko isang buong gabi akong nakatulog? Para akong nanggaling sa isang mahabang panaginip. I hope it was. But we all knew that it wasn't. 
Pumunta ako ng banyo para maligo at magsepilyo. Paglabas ko,pumili ako ng damit sa aking cabinet. Isang puting t-shirt yon na may printang "Let's get started!".Napangiti ako,napakaluma na ng damit na ito pero paborito ko pa rin. Saktong sakto ang print sa estado ng buhay ko. Maybe its a sign that I should start over. Alone. Without him. 
Tinernuhan ko siya ng blue na pajama total pagabi na naman. Sinuklay ko ang aking buhok at pagkatapos ay nagspray na kaunting cologne sa aking katawan. 
Tumayo ako at binasa ko ang print sa aking t-shirt ng malakas."Let's get started."pagkatapos lumabas na ako sa aking kuwarto.
Walang tao sa sala nang bumaba ako kaya dumiretso na ako sa dining room. Naabutan ko ang aking kapatid na kumakain ng hilaw na mangga with asin.
Oo asin, kasi mas bet niya yon kaysa bagoong.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at ng makita niya ako. Para siyang nakakita ng artista! Na starstruck ang aking kapatid? Hindi niya natuloy ang pagsubo ng mangga.
Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako na para bang galing ako sa ibang bansa."OFW din ang trip nito, eh."naisip ko. Pakiramdam ko tumigil ang oras, na miss ko siya.
Sobra. Dahil sa lalaking yon, nakalimutan ko na may mga tao pang nangangailangan sa akin. Napakatanga ko.Gusto kong maiyak pero ayokong makita ako ng aking kapatid na mahina.
Ako ang ate niya, dapat mas malakas ako sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at iginiya ako sa upuang katabi ng inuupuan niya. 
"Im glad your'e back, ate.I missed you a lot! .Nanay Cora! nandito na po si ate!". pagtawag niya sa aming kasama sa bahay na siya na ring tumayo na pangalawa naming ina. 
Mula sa kung saan ay sumulpot si Nanay Cora."Zyra, ikaw nga!."nakangiti ito. Isa pa tong pang ofw din ang trip. Napangiti ako sa aking naisip. Kumalas si Nanay Cora sa pagkakayakap sa akin. 
Tumili ang aking kapatid. "Nay,did u see that? Ate just smiled at us.Welcome back, ate. You are finally home".
I just nod at them."Sya, sya makasalubong kayo para naman akong galing ibang bansa. Pasensiya, wala akong pasalubong, ha." 
Matagal akong pinagmasdan ng kapatid ko."Oh my!ikaw na nga yan ate. Iyong ate ko na tahimik lang kunyari pero pag nagsalita sapol na sapol. Talagang ikaw ay mafa-fall.Hehehe!". 
"Hehehe."sinabayan ko siya kunyari sa pagtawa."may pa fall fall ka na ha.Nay cora, gutom po ako". paglalambing ko kay nanay at inakbayan ko pa siya. 
"Sige, anong gusto mong kainin at ipaghahanda kita."si nanay na tumayo na. 
Napahawak ako sa aking sentido na kunyari ay nag iisip ako."Ohm, gaya po ng dati nay.". I kinda miss my old self na walang paki sa lahat kundi gawin ang kung anong gusto ko. I think I'm getting there soon. 
Umalis ito pagkatapos ay nilatagan ako ng pritong saging at sliced apple na idi- dip ko sa asin. Napalunok ako sa aking naisip. Nilantakan ko na ang grasyang nakahain sa aking harapan. 
My favorite! 
Umupo sa harapan  namin si Nanay Cora."Mabuti naman at natauhan ka na, Zyra. Akala ko ay tatanda ka na roon sa kwarto mo". sabi niya habang pinagmasadan akong kumain ng apple.
"Hahaha!". Namumula ang kapatid ko sa katatawa. Seriously, anong nakakatawa doon.? 
Nabaling ang atensiyon ko sa aking kapatid na kung makatawa ay parang ito  na ang pinakamasayang araw ng kanyang buhay.
"Nay naman,"ungot ko dito."Pero nay thank you for taking care of us, lalo na kay Yen noong mga panahong wala ako sa katinuan para alagaan siya."
"Wala yon, para ko na kayong mga anak. Ang importante ay makabangon ka at makabalik sa dati. Nami-miss ka namin lalo na yang kapatid mo", madamdaming pahayag ni nanay Cora. 
Napatingin kami pareho sa aking kapatid. "Yen, sorry kasi nawalan ako ng time sa iyo. Hindi kita naasikaso at nasamahan. Can you give ate another chance?". Tumango ang aking kapatid. 
"Na miss talaga kita, ate. Yon bang, pakiramdam namin nasa malayo ka, kahit na nasa kuwarto ka lang naman.Gusto ka naming lapitan pero mas pinili naming i-respeto ang iyong pag-iisa. Baka sakaling mas madali kang maka-move on. I've never been there  but I respect how you feel, ate.
I was speechless. Goodness!gaano ba  ako katagal nagtago at pagbalik ko ay ganito na ka matured mag-isip ang kapatid ko. 
Did I miss something? Parang naiiyak ako sa alalahaning yon. I love her so much . Ayoko na may ma miss na milestone sa buhay niya. Ako naman ang napatayo at yumakap sa kanya. 
"Im sorry, Yen.I love you so much.Dont worry, hindi na mauulit yon". hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko.
At ang kanina na mga asaran at tawanan ay natabunan ng kanyang hagulgol. Umiyak siya na parang bata hanggang sa nag-iyakan kaming tatlo. 
I was so selfish for closing my doors. I was so occupied of grieving for someone who did not  see my  value.I forgot I am still loved by many who will never leave and replace me. Especially, my sister. Na siyang naging dahilan ko para manatili sa bahay na ito. 
... 
  Tulala kong tinitigan ang aking laptop. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Pero wala akong maisip. Blangko ang isip ko. 
Tumayo ako at nilapitan ko ang akimg mga koleksiyon ng  aklat mula sa aking mga paboritong manunulat. "To write more, I need to read more." Nagpaikot-ikot ako sa loob ng aking hide-out habang nag-iisip ng kuwentong isusulat. 
Isang kuwento na maaaring hindi mangyayari sa akin pero gagawin kong posible aa aking imahinasyon. 
Napansin kong umilaw ang display ng aking laptop. Nabalik ako sa pagkakaupo at ini-on ang camera para makapag video call. Dad is calling.
"Hi dad!".mapakla kong bati sa daddy ko at kinawayan ito. 
"Zyra, sinabi na sa amin ni Yen. Mabuti  naman at nakapag-isip ka na."sinabi niya yon ng walang kangiti ngiti. "Are you going back to your work now?". 
Tumango ako."I need to, dad pero blangko pa ang isip ko."Walang gana kong sagot. Ganito kaming mag-usap ni daddy. Emotionless. Formal. Casual. Parang hindi magkakakilala. 
"Then maybe you want to work in our company, Zyra. We need you there para ma divert naman ang attention mo". 
Nandito na naman siya sa topic na to. Hindi man lang tinanong kung ok na ako. Sabagay, malaki naman na ako. 
"Please,not now dad."pakiusap ko. Are we going to argue again about this topic.?". nasaisip ko. 
Nahilamos ni daddy ang kanyang kamay sa  kanyang mukha. Its a sign of surrender.
"I'm sorry dad."napayuko ako. Ayokong tingnan ang magiging reaction niya. 
"Napakatigas pa rin ng ulo mo anak. When will you grow up?  Kailan mo ba pagbibigyan ang aking kahilingan."
Tinawag ba niya akong anak? Himala yata, minsan lang niya yong ginagawa. 
"Dad,where's mom?".di ko napigilang itanong. Na miss ko ang mommy ko,mas malambing siya kaysa kay Daddy.
"Im here, Zi."singit nito na kasalukuyan pang naglagay ng make up sa mukha." Pasensiya ka na anak may business event kaming pupuntahan. Medyo busy lang".
"Its ok, mom."
Lagi namang ganoon, kailan ba kayo hindi naging busy."bulong ng isip ko. 
"Anyway, Zi", si daddy ulit."I have a favor to ask. Next week, ay welcome party ng anak nang isa sa mga kaibigan ko. Baka puwede, ikaw muna ang pumunta. Isama mo si Zienna.". 
"Dad, alam niyo naman pong wala akong hilig sa mga yan.!, "pagtanggi ko. 
"Zyra, napakaliit na bagay nga lang ay hindi mo pa magawa para sa akin! Pupunta ka lng naman doon in behalf of our family. Mga few days from now ay ide-deliver diyan sa bahay ang invitation.Kaya maghanda na kayo". just that alone implies that I can't say no him. Aist! 
"Ano naman pong ihahanda namin, dad? di naman kami ang may party." 
Diosmiong party! ayoko,ayokong makipagngitian sa mga taong di ko kilala. Ayokong makipagplastikan para lang sa negosyo. 
"Are you listening, Zyra?."pukaw ni Daddy sa naglalakbay kong diwa. Tumango ako ng walang ka inte-interes baka sakaling magbago ang isip niya."I said ihanda niyo na ang inyong susuutin. Its a big event, maraming mga business tycoons ang pupunta. Ipapakilala ng kaibigan ko ang anak niya sa business industry. Ito kasi ang papalit sa kanyang puwesto". 
"Eh, di naiingit na naman po kayo dad".gusto kong idugtong pero pinigilan ko kasi sigurado ako na naman ang malalagay sa alanganin.
"But dad, di ko yata kayang makisalamuha sa mga ganoong uri ng tao. Tsaka di nila ako kilala dad". palusot ko. Wala akong hilig sa ganoon. 
"Di na importante yon.Kilala ka naman ng kaibigan ko. Minsan na kitang nabanggit sa kanya.".
"Siguro naman dad, hindi niyo ako siniraan sa kanila. Anak niyo pa rin naman ako kahit paano.".naisip ko ulit. 
"Wear something elegant and decent, Zyra. And please cooperate. Isama mo ang kapatid mo.". 
Tumango na lamang ako baka lalo akong samain kapag pumalag pa ako. 
"Ok dad". 
"Anak, pasensiya ka na.. medyo busy talaga kami, tatawag ako ulit para makapagkuwentuhan tayo."si mommy." I hope you are okay now. Huwag mong  masyadong damdamin ang nangyari. Marami pa namang lalaki. Kung gusto mo ay ihahanap kita."biro niya na ikinasimangot ko. 
"No, mom. Di na kailangan gusto ko munang makahinga sa ngayon."
Para ano? Para saktan lang din nila ako.?
 Makahanap ng lalaki si Mommy para sa akin para bang sapatos lang yon na mabibili sa mga mall. Na kapag di nag fit ay puwede nating ibalik at papalitan...Pero hindi ganoon ang  pusong nasugatan. Maari kang makabangon pero ang bakas ay mananatili doon. Magpapaalala kung gaano kasarap magmahal at gaano kasakit kapag ikaw ay nabigo. Subalit ang mahalaga ay nagmahal ka, ano pang silbi ng buhay kong di mo maranasang umibig at magpakabaliw minsan. Masasaktan ka at madadapa pero sa huli ikaw ay matututo.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (93)

  • avatar
    Steph A Contreras

    I love romance novels and I think this is one of the best romance novels i've read. Thank you and looking forward to read all novels you've wrote.

    26/11/2021

      0
  • avatar
    Princess Caillo

    ang ganda

    20/07/2023

      0
  • avatar
    ClorCristedy

    Salamat po

    23/03/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด