logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Desk

Second day of being a teacher. Sana ay may maganda namang mangyari ngayon pangalawang araw ko bilang isang ganap na guro.
"Good morning, class! Let us pray" masayang bati ko pagkapasok ko sa room. Tumayo naman ang lahat para sa pambungad na panalangin.
"Let us remember Jesus Christ, in our Hearts, and in our midst, as we pray.. In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit. Our Father who art in Heaven...."
Nang matapos ang opening prayer ay nagsi-upo na ang mga estudyante ko.
Humarap ako sa kanila nang nakangiti. "Once again, I'm Mizuki Fujihara, mizuki means moon, 22 years old and I am your adviser. I hope ay marami kayong matutunan sa akin, hindi lang sa academics kung hindi pati na rin sa pagdevelop and grow niyo as a person."
Nagtaas ng kamay si Jace. Tumango ako.
"Ma'am, si Ken po ay hindi pa nakakapagpakilala."
Oo nga pala, umalis nga pala siya kahapon. Siya na lang nga pala ang hindi ko pa nakilala at hindi naririnig sa storya ng buhay niya. Bumaling ang tingin ko sa batang Ken. Nakatanaw lamang ito sa bintana na animo'y walang naririnig sa paligid nito. Unang kita ko pa lang rito sa batang ito ay alam kong mabigat na ang dinadala nito.
"Mr. Ken! Baka gusto mo nang pumunta rito sa harapan para naman makilala kita? Ikaw na lang ang hindi ko pa nakikilala at naririnig ang story. Okay lang ba?"
Tahimik.
"Mr. Ken? Did you hear me?"
Tumingin ito saglit sa akin at muling binaling ang paningin sa bintana. Sinundan ko ang gawi na pinagmamasdan nito. Mga batang nasa elementarya ang mga ito at kasalukuyang naglalaro ng bola sa gym.
Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang wala itong interest sa klase maging sa kanyang guro.
Nagtaas ng kamay muli si Jace. "Ma'am, kung gusto niyo po ay kami na lang ang magkukwento sainyo tungkol kay Ken po." kumunot ang noo ko at saglit na napaisip. Hindi na masama, mukha namang wala siyang interest na makisali sa amin. Mas mabuti na nga siguro kung hayaan ko na lamang sila na magkwento.
Tumango ako ng dalawang beses. Nagsimula naman nang magkwento si Jace at ang ilan sa kanila ay pilit pang pinahihina ang boses upang hindi marining ni Ken.
"Kento Nakahara po full name niya, ma'am. Half japanese rin po siya at tanging kasama lamang niya sa kanila ay ang ate niya. Namatay ang mama niya nang ipanganak siya nito." tumango-tango ako.
"Alama niyo po ba, ma'am? Hindi po ganyan si Ken dati. Dati napaka friendly niya. Dati po ay nabalita na sumama sa lalaki ang ate niya kaya't naging ganyan na po siya ka lamig at walang pakialam sa mundo." tumango ulit ako.
"Yung father po niya ay may sarili nang pamilya, kumbaga nag-iisa na lamang po siya sa buhay dahil wala na nga po ang ate niya."
Lumapit sa akin si Jace at may ibinulong. "Sabi po nila ay sinisisi niya ang mga guro dahil sila raw ang sumira ng buhay niya."
Kaya pala umpisa pa lang ay ramdam ko nang hindi magaan ang loob sa akin ni Ken. Pero ganun pa man ay parehas pala kami ng nakaraan. Kahit man ako ay isang guro din ang dahilan kung bakit hindi na ako naniniwala sa love.
Tumingin ako kay Ken na ngayon ay nakadukdok na sa desk niya. Hindi ko man siya makakausap ngayon, naniniwala naman akong balang araw ay maikukwento niya rin sa akin ang past niya na naging dahilan ng pagbabago ng personalidad niya.
*****
Nandito kami ngayon ni Nana sa Cafeteria ng school. Dahil nga fresh graduate lang kaming dalawa at nakapasok agad upang magturo ay sanay pa rin kaming sa Cafeteria kumakain ever break and lunch time. Ang sarap rin kasing balikan ng pakiramdam na bata pa, yung tipong kahit nahihirapan ka sa mga subject ay nag-eenjoy ka naman.
Kasalukuyan kaming nakapila ni Nana sa likuran nang may matamaan namin ang grupo ng mga kalalakihan na sumisingin sa unahan. Nagsimula namang magreklamo ang mga nasa likuran nito. Akmang aalis na ako sa pila para sana'y pagsabihan ang mga estudyanteng sumingit ay natigilan ako. Napako ako sa kinatatayuan ko dahil may nahagip ang mga mata ko na pamilyar ang tindig at hulma.
7 years man ang nakalipas ay hindi ko iyon makakalimutan.
Hindi pwede.
Hindi ako maaaring magkamali, siya iyon.
Siya ang nakita ko.
Naririnig kong tinatawag ako ni Nana mula sa malayo ay wala akong paki. Naglakad ako, pabilis nang pabilis ang paglakad ko hanggang sa naging takbo na ito. Lumabas ako ng cafeteria upang sundan ang lalaking pamilyar ang likod pero wala na ito.
Kung saan saan pa ako tumakbo para lang mahanap siya, pero, wala na talaga. Hindi ko na makita ang lalaking unang nagpatibok at unang nagwasak sa puso ko.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag napatunayan kong siya nga iyon. Hindi ko alam kung ano ang magiging atmosphere kapag nagkita na kaming muli. Hindi ko alam kung magagawa ko ba siyang kamustahin sa kabila ng mga naiwan niyang sakit noon sa akin.
Gusto ko lang naman klaruhin ang lahat.
Marami akong gustong itanong sa kanya, na kung para saan ang mga yakap at halik niya... para saan ang mga salitang tumatataktak sa kaloob-looban ng puso ko..
and why he left me confused by his acts.
Itutuloy...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (129)

  • avatar
    B. HernandezYessha Karill

    hi miss Haeya🥰our beloved ❤ author...I hope ma published na po si season 2 ( I love you Sensei) cause season 1 is so beautiful and wonderful...I hope bago po mag Christmas ma published na po si season 2 kasi Alam ko po na super exciting po sya 🤩 in writing your story Ms.haeya you really did a great job!!!!💜please ipublished nyo n po Yung season 2 patuloy po akong maghihintay at susuportahan po kayo 😊 Pleased ipublished nyo n po EARLY CHRISTMAS GIFT 🎁 HEHEHEHEHEH LUV LOTS♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

    22/12/2021

      1
  • avatar
    SabaitonRosa

    Fish day school

    26d

      0
  • avatar
    Rhene Cullado

    good

    25/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด