Capitulo 3 The peaceful sound of nature is so comforting especially while Xavandra is hugging her beloved father and looking at her sisters and mother enjoying their own thing. The hum of the birds singing while the leaves are dancing is so breathable. For Xavandra, this is exactly the meaning of peace. Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang pagitan at hinahayaan lamang nila ang pag-awit ng ibon na siyang nagsisilbing ingay. Ang payapang tanawin ng El Casa ay hinihele ang kaniyang puso. "Anak, ikaw ang sasandalan ng mga kapatid mo. Kung patuloy mong itatago ang saloobin mo ay hinding-hindi mo maiintindihan ang saloobin nila. Hindi kayo magkakaintindihan 'pag nagkataon." tumango si Xavandra bilang pagsang-ayon. Nakuha na nito ang punto ng ama. "Mi Princesa, tinayo namin ng Mama mo ang El Casa para sa inyo. Kayo ang pundasyon ng El Casa. Pagod at pagsusumikap naman namin ang puhunan nito. Ngunit huwag mong pababayaan ang mga kapatid mo o ang taong nasa paligid mo. Huwag papasilaw sa yaman o pera. Ang tunay na yaman ay ang mga taong binibigyan ka ng importansya," napangiti si Xavandra sa kaniyang narinig. Kahit noon pa man ay iyon na ang palaging ipinapa-alala ng kanilang magulang. "Yes Papa," sagot niyang may ngiti. "Protektahan mo sila tulad ng sabi ko. Hindi dahil panganay ka at obligasyon mo iyon. Kundi dahil sila ang natatanging yaman mo. Yaman na kung pababayaan mo ay maaaring mawala sayo." yumapos si Xavandra sa ama matapos ang sinabi ng ama. Yumakap ito ng mahigpit na siya namang tinugon ni Jandro. Minsan lang kung magbigay payo ang kanilang magulang ngunit sa bawat payo naman nila ay nanunuot iyon sa bawat pagkatao nilang magkakapatid. Napaka swerte nila Xavandra sa kanilang mga magulang, hindi lang mapagmahal kundi napaka buti pang mga tao. Marunong makitao at hindi mapagmataas. Bagay na palagi nilang ipagmamalaki. Kilala ang kanilang pamilya sa buong Pantihan at maging sa buong bayan ng Cavite dahil sa kanilang negosyo. Hindi lang dahil sa kanilang negosyo, kundi maging dahil sa pagiging mabuting tao ng kaniyang magulang at ang maayos nilang trato sa bawat trabahante nila. Kung kaya’t mahal na mahal sila ng bawat tao sa kanilang barangay. Maging ang El Casa ay ipinagmamalaki ng bawat isa. Ito lang naman ang isa sa malaking negosyo na nagbigay ng trabaho sa maraming tao sa kanilang lugar. "Ang El Casa ay para sa inyo, Xavandra. Lahat iyan. Mula sa ugat hanggang sa mga damo, para sa inyo iyan. Palagi mong piliing magpaka-totoo dahil iyon ang layunin ng lugar na ito. Alam mo ba kung bakit ito ang napili kong lupain na pagtayuan ng El Casa?" biglang tanong ni Jandro. "Bakit Papa?" kuryuso naming tugon ni Xavandra. "Because this land is the land of truth," sagot nito sa pinaka seryosong tono. "Dapat nga ay Tierra de Verdad ang ipapangalan ko dito." "Bakit hindi iyon ang ipinangalan niyo?" tanong ni Xavandra. "Dahil sabi ng Mama mo, sa lupain ng katotohanan ay dapat mayroong bahay na magsisilbing tahanan ng totoo. Ang lalim noh?" sabay tawa ni Jandro. "It is. But I understand what Mama wants. The land stands for truth. While the house stands for witness. Meaning, El Casa, which is the house, will be the witness for Tierra de Verdad, which is the land that stands for truth," Pahayag ni Xavandra. Matamis na napangiti si Jandro sa nagging sagot ni Xavandra. Hindi niya akalain na sa murang edad ay magagawa na nitong intindihin simbolo na itinatag ng kaniyang anak. May angking talino si Jandro at Lahna at pareho nilang alam iyon ngunit hindi kasing taas ng sa kanilang mga anak na mayroong kaniya-kaniyang uri ng talino. Para kay Jandro, hindi niya kailanman hiniling sa kaniyang mga anak na maging matalino sila. Bagkus ay hiniling niya sa kanila na maging mabuting tao sila na mayroong malinis na layunin sa kanilang puso. Para sa kaniya, ang talino ay mahuhubog ngunit ang pagkakaroon ng malinis na puso ay hindi basta-bastang nahuhubog dahil ang bagay na iyon dapat nagmumula sa sarili. Jandro knows that pure hearts comes from a pure soul. But he knows that no one is pure as the one in the above. Still, he wants her daughters to have a pure heart. But he is also scared that time might taint their hearts. Well, a father can hope. “Yes, Mi Princesa. Truth and love are what we planted here. And someday, you’ll harvest them fully grown and strong,” Jandro exclaimed. Jandro wants the best for her daughters. The moment he meet Lahna, he already viewed the perfect life with their children. He already viewed the moment where he first witness the first walk of his children, their first smile and laugh. He already viewed the moment where he will send them to school, dance them in their eighteenth and walk them in the aisle the man that they will spend their life is waiting at the end of the Altar. Lahna gave him the best of the best for loving him and for carrying and taking care of their kids. And when his daughters came to the world, that’s when he feels the word wonderful. But having Lahna and their daughters inside his arm is what he truly calls a blessed home. Sa mundong puno na ng karahasan at kasinungalingan, nawawala na ang katotohanan. Nababaon na ito sa lupa kasama ng maling nagawa. Ngunit sa bawat pagkakataon ay mayroon palaging saksi. Hindi nagkamali si Jandro at Lahna na palakihin ang kanilang anak sa lupain at tahanan na puno ng katotohanan. Ngunit nasisiguro ni Jandro na sa reyalidad ng mundo, maraming kasinungalingan ang makakaharap ng kaniyang mga anak. Kasinungalingang bubuo at wawasak sa kanila at sa kanilang mga puso. "You are more than special and precious." lalong humigpit ang yakap nila sa isa't isa. Para kay Jandro, gagawin niya ang lahat para sa pamilyang binuo niya. Ngunit alam niyang lahat ay may hangganan. At baka…baka hanggang dito na lamang siya. "Papa is always proud of you. Sa inyong tatlo. Make your life the best because you are the writer of it, Mi Princesa. Te amo. Te amo, Mi Princesa." "Te amo, Papá. Te amo," madamdaming bulalas ni Xavandra kasabay ng pagpatak ng luha ni Jandro.
muito boeno
26/06/2023
0Wala lang
12/08/2022
0thenk
07/08/2022
0ดูทั้งหมด