Capitulo 2 Happiness comes from the heart and it is visible in the eyes. Every morning, that kind of scenery welcomes Xavandra. She couldn’t ask for more. The purity of happiness in her family is all that matters. Umaga pa lang ngunit bumungad na agad ang labis na kasiyahan sa pamilyang Elcazar. Iyon na ang madalas na kagisingan ni Xavandra at palagi niyang hihilingin ang ganoong tanawin. Nang makitang nagpapa-unahan ang kaniyang dalawang kapatid ay mabilis siyang nakisama. Maging ang paghalik sa kanilang Lola at magulang ay nagpaunahan sila. Tuloy ay napuno ng tawanan nila ang buong mansyon. Sabay-sabay silang nag-agahan at sabay-sabay ding nagtungo sa rancho. Habang patungo roon ay hindi nawala ang paglalaro ng tatlo. Para sa kanila, ang naturang lugar ang kanilang safe zone na hinding-hindi sila iwawala, lalo na kay Xavandra na kabisado ang sulok-sulok sa lugar. Naroon na muli si Gildia sa bahay ng mga hayop samantalang si Rowena ay naroon na sa harapan ng mga produktong ibabagsak sa bayan. Si Xavandra naman ay nakatayo sa isang puno at tinatanaw ang kabuuan ng El Casa maging ang masayang kilos ng mga trabahante ng biglang lumapit si Jandro sa kaniya. "Hay... Mi Princesa," tila pagod na bulong ni Jandro. "Did I give you the life you dream of?" Salubong ang kilay na napatingin si Xavandra sa ama bago ibalik ang tingin sa malawak na lupain. "No because you give me the life more than I dream of, Papa. Sobra na po ito," katulad ng mga sagot ng dalawa ay ganoon din ang naging sagot ni Xavandra. "You give us more than what we dreamed of. Sobra na po ang ibinigay niyo sa amin Papa," tsaka siya lumingon sa ama. “Ang magkaroon pa lang ng magulang na katulad ninyo ay sobra-sobra na. Sa inyo pa lang ay mayaman na kami. Pinagpala kaming magkaroon ng kompletong pamilya at mapagmahal na ina at ama.” Labis ang tuwa ni Jandro na naibigay niya ang buhay na higit pa sa inaasam ng kaniyang mga anak. Gusto niyang lumuha sa harapan ni Xavandra ngunit nagpipigil siya. Bilang isang ama, alam ni Jandro na ang maibigay ang buhay na nararapat para sa kaniyang anak ay isa nang napaka-laking tagumpay. Lahat ng pagod, pawis at hirap ay nagbunga ngayong alam niyang masaya ang kaniyang anak sa buhay na tinatamasa nila. Bilang isang ama, ang magandang buhay para sa anak ang pinaka pangarap niya. Jandro purses his lips to restrain himself from crying because of mixed feelings. Her eldest is very old fashioned that she values almost everything. And sometimes, it scares him. It’s because he knows that the kind of woman like Xavandra who valued everything will get hurt easily. But Jandro also knows how strong and how tough she is. "When it comes to the family, you are the strongest one. Sa loob ng thirteen years mo sa mundong ito, bilang pa lang sa daliri ko kung makailang beses kang umiyak. At sa bawat taon na lumilipas ay hindi ka madalas umiyak. But I know that deep inside, you are a softy." masuyo itong ngumiti sa kaniyang anak. "Nakakatuwa na makitang matatag ka, anak. Ngunit hindi rin masamang umiyak paminsan-minsan. Lalo na kung wala ka ng ibang paraan kundi ang umiyak," saad niya sa panganay. Mataman lamang na nakatitig at nakikinig si Xavandra sa kaniyang ama. Tila bawat kabig ng bibig ng ama ay minimemoryado niya. Hindi niya alam ngunit may kakaiba sa mga mata ng kaniyang ama. Hindi niya iyon mapangalanan na maging ang puso niya’y umaayon doon. "Hindi kailanman magiging depinasyon ng kahinaan ang pag-iyak. Ang tunay na depinasyon ng kahinaan ay ang pagiging mapag-panggap," seryosong saad ni Jandro. "Bakit kailangan mong mag-panggap na masaya kung hindi naman talaga? Bakit kailangan mong mag-panggap na kaya mo kung hindi naman talaga? Bakit kailangan mong mag-panggap na malakas kung nanghihina ka naman talaga? Bakit kailangan mong mag-panggap kung napakadali namang magpaka-totoo?" "Papa..." Masuyong ngumiti si Jandro sa anak at tsaka nito hinaplos ang kulot niyang buhok. "Walang masama kung magiging totoo ka, anak. May masaktan ka man, ang importante ay nasaktan mo iyon sa totoong paraan, hindi sa kasinungalingan. Alam kong hindi ka lubhang masaya na mananatili ang dalawa mong kapatid sa Mexico at ikaw ay kailangang maiwan dito para masubaybayan mo ang takbo ng El Casa." Marahang napakagat ng ibabang labi si Xavandra at napayuko. Hindi ko lamang kayang mawalay ng matagal sa mga kapatid ko. Hindi iyon naisatinig ni Xavandra dahil natatakot siyang malaman iyon ni Rowena at mapilitan pa itong mamalagi na lamang dito sa Pilipinas gayong nais nitong sa Mexico muna manatili para matutukan ang kaniyang pag-aaral. Iyon ang naging desisyon nila dahil nahihirapan na sila umano sa pagpapabalik-balik sa Mexico at sa Pilipinas. Hindi naman nila magawang mamalagi sa Pilipinas dahil hindi gusto ni Elana—ang kanilang Lola. Hindi rin naman pwedeng si Elana lang ang nasa Mexico, kaya naman ngayon ay sasama doon si Gildia at Rowena. "Napakadami na ng taong nagpa-panggap, anak. Huwag ka ng dumagdag." agad na napabusangot si Xavandra na tinawanan lamang ni Jandro. Parang musika sa pandinig ni Xavandra ang tawa ng kaniyang mga magulang kaya naman ay ninais niyang manatili sa Pilipinas para masamahan ang mga magulang sa El Casa kahit pa nasa edad na labing-tatlo pa lamang siya. Bukod doon ay alam niyang siya rin ang unang sasalo sa responsibilidad sa El Casa sa oras na tumungtong na siya sa tamang edad. Ang El Casa ang bunga ng pagod at pagsisikap ng kaniyang magulang kaya naman ay nais niyang ipagpatuloy ang matatag na tindig nito sa oras na siya na ang mamahala. Nais niyang sumama sa Mexico at doon din manatili kasama ang kaniyang dalawang kapatid ngunit hindi niya nais na iwanan ang magulang sa Pilipinas. Kaya naman ng mabuo ang desisyon ng lahat ay inilihim na lamang niya ang saloobin. "Huwag kang matakot na magpaka-totoo anak. Alalahanin mong ikaw ang malakas sa pamilyang ito. At sa bawat malakas ay mayroon ding kahinaan. Maiintindihan ni Rowena kung ipapa-alam mo ang nararamdaman mo. Sa lahat ng bagay, damdamin ang hindi dapat tinatago," saad ni Jandro.
muito boeno
26/06/2023
0Wala lang
12/08/2022
0thenk
07/08/2022
0ดูทั้งหมด