Prologo We don’t want the pain and hatred to take control of us but sometimes, those two are just so strong that you can’t do anything to stop them especially when you are all lost in the dark. You want light, yet, you keep on walking on the wrong path. It is true that finding a reason to go back on right track isn’t easy at all. But would you take the risk of choosing the wrong track than working hard in finding the reason to finally settle on the right track? Most people will stick to the former because they don’t want to put their selves on hardship. But when they stumble for the nth time, that is just the moment they’ll realize how important to ‘always look on the brighter side even though it takes hardships. It is better to take the hardship than to take the easy way but in the end, will cause you to regret it. Regret won’t be edited, won’t be reclaimed and won’t be fixed once it has been done. Time is, it’s now or never. But Xavandra Elcazar took the wrong path by carrying the scars of yesterday. Mula sa pinaka mataas na parte ng Tierra Verde ay nakatayo si Xavandra. Sinasayaw ng hangin ang kaniyang kulot na buhok ngunit hindi siya natitinag. Napakuyom ang palad ni Xavandra nang maramdaman ang kirot sa kaniyang puso. Anim na taon ang pinalipas niya bago muling tumapak sa lugar na kinaroroonan. Hindi niya alam kung kakayanin niya ang pakay sa kaniyang pagbabalik ngunit wala siyang ibang pagpipilian kundi ang kayanin iyon. Isang pangako ang binitiwan niya anim na taon na ang nakakalipas at ito na ang tamang oras para isakatuparan iyon. Alam niya ang importansya ng bawat pangakong binibitawan kung kaya’t kahit taon na ang nakalipas ay isasakatuparan pa rin niya ang kaniyang pangako noon. It is her promise. And she is bound to fulfill it no matter what happens. Tumingala si Xavandra sa kalangitan at mariing pumikit. Nakita niyang muli ang mga magagandang ngiti ng kaniyang mga magulang. Ang mga masasayang tawa nila habang masayang nagsasayaw. Mga tawanan nila habang masaya silang pinagmamasdan na magkakapatid. Ang mga ngiti at tawa na kanilang pinagsasaluhan ng may buong pagmamahal na kumikinang sa kanilang mga mata. Ang kaniyang magulang na punong-puno ng pagmamahal ang mga puso. At saksi ang lugar na ito sa lahat ng mga alaalang iyon. At nang magmulat siya ay isang butil ng luha ang kumawala. Isang butil ng luha ngunit may mabigat na pasanin. Isang butil ng luha mula sa alaala ng kaniyang nakaraan. “Palitan man ng pangalan, taniman ng iba’t ibang halaman, dagdagan man ng bagong tanawin, ibahin man…hinding-hindi ko pa rin ito makakalimutan. Dumaan man ang bagyo, mananatili sa aking isipan ang lupaing ito,” bulong niya sa kawalan. “Ang lupaing tinaniman ng katotohanan ngunit ngayon ay inanihan ng kasinungalingan.” Ito ang lupaing pinagmulan ng napakalaki nilang bangungot sa buhay. Ang lupaing payapa na ginimbal ng isang trahedya. Sinong mag-aakala na ang lupaing minahal ng masa ay bigla na lang mawawala? Ngunit hindi kay Xavandra dahil kabisado niya ang lupaing ito mula sa lupa hanggang sa mga ugat at damo. “Hindi niyo ako maloloko.” taas noo niyang saad bago talikuran ang napaka gandang tanawin ng Tierra Verde. *** Naabala si Xavandra na abalang nagbabasa ng isang magazine nang dumating ang kaniyang mga kapatid. Lumabas ang mga ito at naghanap ng kaniya-kaniyang trabaho. Sa una ay hindi pumayag si Xavandra ngunit matigas ang ulo ng dalawa kaya naman hinayaan na niya. Ngunit bantay sarado pa rin niya sila. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi siya pwedeng malingat sa lugar na ito. Alam niyang hindi niya pwedeng mapabayaan ang kaniyang mga kapatid dahil sila na lang ang mayroon siya. Napahinga ng malalim si Xavandra. Kung siya lamang talaga ang masusunod ay hindi na kailangan ng dalawa niyang kapatid na maghanap pa ng trabaho. Ngunit siya rin ang humila sa kanila pabalik sa lugar kung kaya’t hindi niya sila maaaring basta na lang diktahan sa kanilang nais gawin at lalong hindi niya siya basta-bastang maikukulong lamang sa loob ng kanilang bahay. "Tanggap agad ako!" sabay na sabi ng dalawa pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng bahay. "Saan?" taas kilay niyang tanong. “Sa Tierra Verde,” sabay muli nilang sagot. Halos mabulunan sa sariling laway si Xavandra sa kaniyang narinig ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa kaniyang mga kapatid. Hindi man niya nais ay wala siyang ibang nagawa kundi ang ngumiti sa mga kapatid. “Akalain niyo nga naman ano? Talagang sa Tierra Verde pa tayo magtra-trabaho. Sa lugar pa kung saan nagpapa-alala ng ating nakasanayan.” Magkasabay na napangiti ng malungkot ang dalawa niyang kapatid at hindi nakaligtas kay Xavandra ang kurot ng sakit sa kaniyang puso. Walang ibang ginawa si Xavandra kundi ang sabayan ang lungkot ng dalawa niyang kapatid. Maayos na ang kanilang buhay sa Mexico at masaya si Xavandra sa kaniyang trabaho bagaman naililipat-lipat siya sa ibang bansa. Wala pa sa kaniyang plano ang muling tumapak sa lupain na iyon ngunit pagkakataon na ang nagdesisyon. Sinikap nilang maging masaya sa hapunan ng sa ganoon ay maging masaya ang pasok ng biyaya sa bago nilang tahanan. Ngunit sa likod ng isipan ni Xavandra, alam niyang matagalan na siyang iniwanan ng totoong saya. “Matulog na kayo ng maaga. Magpapahinga na rin ako dahil bukas ay kailangan ko ng magreport sa…Tierra,” saad niya bago humalik sa dalawang kapatid. Hindi maiwasang matulala ni Victor sa isang babae na abala sa panggagamot sa isang aso malapit sa TVC. Hindi niya makita ang kabuuang itsura ng babae dahil nakatalikod ito sa kaniyang gawi. Hindi niya alam kung ano ang mayroon ngunit ng pumalakpak ang babae nang nakalakad na ang aso ay napangiti rin si Victor. Bagay na bihira lamang niya magawa. Habang si Franco naman ay napanganga na lamang sa inasta ng kasalukuyan nilang customer. Sa gwapo niya ay hindi niya lubos matanggap na inakala siyang casher! Bukod doon ay hindi man lang din natinag ang customer kahit pa sinita na niya ito na maghintay na lang sa waiting line. Si Silvano naman ay natulos na lang sa kaniyang kinauupuan matapos makita ang nasa harapan. Hindi niya alam kung namamalikmata lamang ba siya o hindi. Pero nasisiguro niyang hindi. Ang alaala ng nakaraan ay bumalik nagliparan sa isipan ni Silvano. Ang pinaghalong pait at tamis ng alaala sa kanilang nakaraan ay muling piniga ang kaniyang puso. Pasimple niyang naikuyom ang kaniyang palad ngunit sa kabila niyon ay tila may munting tuwa sa pinakasulok ng kaniyang puso. At iyon ang ilang segundong bumagabag sa kaniya. Kung hindi pa tumikhim ang nasa kaniyang harap ay hindi siya maibabalik sa kasalukuyan. Muling napaangat ang tingin ni Silvano sa kaniyang harapan at sandaling sinuri ang mukha nito. Bagaman nagbago ang itsura nito ay tandang-tanda pa rin siya ni Silvano. Lalong nagulantang si Silvano ng malaman na ito pala ang exchange worker mula sa New Zealand. Hindi roon natapos ang pagkaka-gulantang ni Silvano dahil matapos malaman na exchange worker niya ito ay sunod niyang nakita ang pangalan nito. Ang resume niya. Ang impormasyon na patungkol sa kaniya. At hindi alam ni Silvano kung paano pang hihinga. After six years…after six years ay muli nanamang nagkrus ang landas nila. “Welcome to Tierra Verde,” pabitin na ani ni Silvano bago salubungin ang matapang at maemosyon na mata ng taong nasa harapan niya. “Xavandra…Elcazar.”
muito boeno
26/06/2023
0Wala lang
12/08/2022
0thenk
07/08/2022
0ดูทั้งหมด