logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

"Huwag kang mandaya," ani ng lalaki.
Nakapiring ang babae. Inaalalayan siya ng lalaki upang hindi ito matumba o madapa. Isa siyang tunay na maginoo.
"Narito na tayo." Dahan-dahang tinanggal ng lalaki ang piring ng babae.
Napaawang ang bibig ng babae sa nakita niya. Nasa isang isla sila. 
"Nagustuhan mo ba?" tanong ng lalaki
Tumingin siya sa lalaki, tila naubusan siya ng sasabihin dahil sa napakagandang tanawin na kanyang nakita.
Ang tanging nagawa niya na lang ay ngumiti at yakapin ang lalaki. Hindi siya nito binibigo. Palaging may sorpresa para sa kanya.
"Ito ay pamana sa akin ng aking ama." Nakatingin na sila ngayon sa dagat. Hawak-hawak ng lalaki ang kamay ng babae.
Nagulat ang babae sa sinabi nito. "T-talaga?"  nauutal nitong tanong.
Namangha siya pero sa kabila noon ay nalungkot at nanliit siya sa kanyang sarili. Alam niyang napakalaki ng pagkakaiba nila. Ang kanyang nobyo ay ang pinakamayaman sa kanilang bayan samantalang ang pamilya niya ay isang kahig, isang tuka lamang. Labis ang kanyang awa sa sarili. Liit na liit siya sa kanyang sarili. Bigla tuloy siyang nalungkot.
Ang kanilang relasyon ay patago lamang din dahil kapag nabuko sila ay maaaring malagay sa peligro ang buhay niya sapagkat ang ama nito ay isa sa pinakamataas na tao sa kanilang bayan. Kay laki ng impluwensiya nito at kilalang-kilala ang kanilang pamilya. 
"Bakit tila ikaw ay malungkot? Hindi mo ba ito nagustuhan? Balak ko pa man din sana na dito tayo magtatayo ng sarili nating bahay. Dito din tayo bubuo ng atin sariling pamilya." Nakataas pa ang kamay nito, tila iginuguhit ang mga bagay na kanyang naiisip. "Pero kung ayaw mo dito ay ayos lamang, maaari tayong bumili ng lupain kung saan--" natigil siya sa pagsasalita ng putulin niya ito.
"Wala pa sa isip ko iyon," malungkot na sabi ng babae.
Iyon ang sinabi niya pero alam niya sa sarili niyang gusto na niyang makasama habang buhay ang kanyang nobyo. Nasa tamang edad na din kasi sila.
Imbes na magalit ang lalaki ay hinawakan niya ang kamay ng babae at inilapit pa ito sa kanya upang mahagkan nang sa gayon ay mawala ang mga pangamba nito. "Naiintindihan ko, aking mahal. Kaya kong maghintay hanggang sa maging handa ka na. Ako naman ang pipiliin mo hanggang dulo, hindi ba?" tanong nito.
Ngumiti siya, iyong totoo. Alam niya sa sarili niyang ang lalaking nasa kanyang harapan ay ang gusto niyang makapiling habambuhay. Iyon ang nasa isip niya, alam niyang sigurado na siya dito ngunit ang tanong ay magtatagal kaya sila kung una pa lamang ay wala nang kasiguraduhan ang kanilang relasyon. At isa pa, imposible silang makasal. Alam niyang tututol ang pamilya nito lalong-lalo na ang ama ng lalaki at isa pa, natatakot siyang ipahamak ang kanyang sariling pamilay dahil alam niyang simula pa lamang. Kapag nalaman ito ng ama ng lalaki ay tiyak na hindi lamang siya ang mapapahamak kung hindi ay pati na din ang mga mahal niya sa buhay.
Hinawakan niya ang pisngi ng lalaki. "Ikaw hanggang sa huli," ngumiti ito sa kanya.
"Naiintindihan mo naman ang ating patagong relasyon hindi ba?"  tanong ng babae.
"Aking naiintindihan ang ating relasyon. Alam kong mahirap, napakahirap itago ang relasyon na kahit gusto mong isigaw sa buong mundo na tayo ay hindi natin magagawa dahil hindi pwede. Atin lang pinipilit dahil mahal natin ang isa't-isa..." pahina ng pahina ang boses niya.
"Pinipilit?"
Parang kumirot ang dibdib niya sa kanyang narinig.
"Hindi, ang ibig kong sabihin ay--" agad niyang pinutol ang sasabihin nito.
"Atin lang pinipilit ang ating relasyon?" inulit pa niya na.
Hinawakan ng lalaki ang kamay ng babae pero agad itong binawi. "Mahal ko, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nagkakamali ka ng iyong hinuha"
Umiling ang babae. "Napipilitan ka lang pala sa ating relasyon. Napipilitan ka lamang sa akin," mahina nitong tugon.
"Hindi iyon ang aking ibig sabihin, mahal ko." 
"Alam kong mababa lamang ako at ikaw? Napakataas mo, hindi ako nababagay sa iyo. Tama ka, atin lang pinipilit ang ating relasyon. Gusto mo bang tapusin--"
Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin.
"Hindi maaari!  Mahal kita, hindi ko kaya..." tutol niya.
"Stella..." Napamulat ako nang may marahang tumatapik sa akin.
"Tita..."
Napansin ko agad na may luha sa mga mata ko.
Ano yung panaginip na iyon? Ansakit-sakit.
"Kakain na tayo." 
Habang kumakain kami ay tingin ng tingin sa akin si tita
"Is there something wrong tita?" tanong ko.
"Masama nanaman ba ang panaginip mo?"
"Hindi naman po masama, masakit lang," mahina kong tugon.
Malalim siyang bumuntong hininga. "Nag-aalala na ako sayo. Paano kung bangnungutin ka isang araw? Masama iyon," nag-aalalang sabi ni tita.
"Nalilito na nga po ako. Bakit nakakapanaginip ako ng ganoon? Parang totoo po." 
"Ano bang napanaginipan mo ngayon?"
"Iyong dati ko pong kinekwento sa inyong isang babae at isang lalaki. Sila lang naman po iyon lagi eh. Nasa isang isla po sila at parang nasasaktan sila dahil..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko nang biglang sumakit ang ulo ko.
"Huwag mo na pilitin. Hayaan mo at ipapatingin natin sa doktor 'yan, madalas nang sumasakit ang ulo mo hindi ba?" Hinihimas-himas pa niya ang ulo ko, nag-aaalala na siya.
"Hindi po ito magagamot ng isang doktor at saka nawawala din naman po eh, 'pag inaaalala ko lang po yung panaginip ko, doon sumasakit ang ulo ko." 
Umaga na ng makarating kami sa probinsya. Dala-dala ko ang bagahe namin. 
Inilibot ko ang mata ko, tila pamilyar sa akin ang mga tanawin...
Bigla akong kinabahan. 
"Hindi kaya ng kotse kong ipasok papunta sa bahay ni lolo kaya maglakad na lang tayo."
Tumango ako , excited na sa kung anong makikitang kong magagandang tanawin. 
"Nandito na tayo!" maligayang sabi ni tita.
Napatulala ako, isang magara ngunit makalumang bahay ang nasa harapan ko ngayon. Likod iyon ng bahay dahil nakatapat  ang bahay sa dagat. Likod pa lang nito ay napakaganda na.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni lolo ay hindi ito agad pinagtuonan ng mata ko, lumibot ang mata ko sa napakagandang dalampasigan. 
Ang nakapagpatulala sa akin ay ang di kalayuang isla.
Iyong sa isla na iyon...
Parang...
Pamilyar.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (181)

  • avatar
    Smirk Wei Jha Wuxian

    ang ganda ng kweton

    17/03

      0
  • avatar
    RamayanRonald

    maganda talaga store NATO

    10/11

      0
  • avatar
    Efrylle Trisha Abad Tero

    nicee

    09/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด