logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

You Were In My Dream

You Were In My Dream

EtoilesLuna


Prologue

Isang lalaki ang nasa harapan ko. Maganda ang muka. Ang kanyang mga labi ay manipis. Ang mga mata nito ay kulay itim na itim. Ang pilik mata nito ay mahahaba. Ang ilong nito ay matangos. Ang kilay nito ay tama lamang ang kapal na mas lalong nagpa-gwapo rito. Napaka-perpekto ng kanyang muka.
May hawak itong bungkos ng bulaklak na mirasol. Ang paboritong bulaklak ng dalaga.
Iniabot nito ito sa kanya na agad naman niyang tinanggap na may mga ngiti sa labi. "Iyo bang nagustuhan ang aking handog sa iyong kaarawan?" tanong niya.
Alam naman ng lalaki na malayo-layo pa ang kaarawan nito ngunit gusto lamang niyang handugan ng bulaklak ang kasintahan. Labis kasi siyang nasisiyahan sa tuwing tumatawa o ngumingiti ito.
Napaka-ganda kasi nito. Ang kanyang buhok ay tuwid ngunit medyo maalon sa dulo nito. Ang mata niyo ay medyo singkit na kulay kayumanggi. Ang ilong nito ay maliit na matangos. Ang labi nito ay tama lamang. Hindi manipis at hindi makapal. Higit sa lahat, ang kilay nito na animo'y ginuhit. 
Kaya naman, napakaraming nahuhulog sa angkin nitong ganda. Isa pa, napaka-simpleng dalaga niya. 
Tiningnan ko ang handog niyang bulaklak para sa akin. Ang paborito kong mirasol. Isang kahali-halinang bulaklak. Napakaganda niya.
"Maraming salamat. Alam mo talaga ang aking mga paborito. Ngunit... medyo malayo pa ang aking kaarawan, mahal ko. Bakit kay aga mo naman yatang magbigay ng handog?" tanong niya.
"Ngunit... maraming salamat pa din. Kay ganda ano? Ngunit... wala nang mas gaganda pa sa tuwing ika'y aking kasama at lalong-lalo na sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti mong kay ganda."Kusang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon.
Tumingin ang babae sa bungkos ng bulaklak dahil nahiya siya sa sinabi sa lalaki.
Narinig niya ang mahinang tawa ng lalaki dahil nakita siya nitong namumula. "Bakit nga ba napakaganda mo sa tuwing ika'y ngumingiti at sa tuwing sinasabi mo ang katagang iyan ay wari ba'y may mga paru-parung lumilipad sa aking tiyan. Ano ang ginagawa mo sa akin, mahal ko?" Sa paraan ng pagtingin ng lalaki sa babae ay puno ng paghanga at pagmamahal.
Ngumiti ang babae. Parati na lamang siyang pinapangiti nito. Tila ba'y hindi na sila magkakahiwalay pa. "Napaka-bolero mo talaga kahit kailan. Ngunit... masaya akong napapasaya din kita, mahal ko. Iyon lang naman lagi ang aking kagustuhan, ang kasiyahan mo," nakangiti nitong saad sa kanyang iniirog.
Tumingin muli siya sa binigay nitong bulaklak na kanyang paborito.
"Napakaganda ng bulaklak na ito, mahal. Paboritong-paborito ko talaga ito, idagdag mo pa ang kulay nito na paborito ko. Kay ganda niya. Lalo na itong hardin na ito. Ito ang paborito kong hardin simula bata pa lamang ako. Sana sa paglipas ng panahon, huwag sana itong pabayaan ng may-ari. Kung mabubuhay lamang sana ako sa susunod, hinding-hindi ko ito papabayaan," malungkot na aniya.
"Hayaan mo, hindi iyan papabayaan ng may-ari. Gusto mo bang bilhin ko ito para sa iyo?" nakangiting tanong ng lalaki sa dalaga. Natawa ang babae sa inosenteng tanong ng binata. Oo nga pala, ano man ang gustuhin nito ay makukuha o mabibili agad nito. Samantalang siya ay kailangan pang paghirapan o pag-ipunan para lamang makuha ang gusto nito.
Umiling ang babae. "Hindi ko iyon hinahangad, Easton. Napaka-inosente ng iyong katanungan. Kilala mo naman ako, mga maliliit na bagay ay nagpapasaya sa akin at labis kong pinapahalagahan at isa na dito ay ang hardin na ito sapagkat bata pa lamang ako ay narito na ito. Namamangha nga ako sa may-ari ng hardin na ito sapagkat napapanatili nito ang kagandahan ng hardin. Inaalagaan niya ito ng mabuti. Basta pinapahintulutan lang tayong pumunta dito ay kuntento na ako doon at higit sa lahat... kasama kita dito." mahina kong sabi lalo na ang panghuling pangungusap. Hindi pa din talaga sanay ang dalaga sa tuwing nagsasalita siya ng ganoon lalong-lalo na sa harap ng lalaki. Napayuko tuloy ulit siya sa hiya at namula pa.
Napangiti siya sa sinabi ko. "Alam kong parati ko itong sinasabi sa iyo ngunit akin ulit na sasabihin." mahina nitong sabi sa babae.
Hinawakan muna niya ang kamay ko at tumingin sa akin. "Ang bulaklak na iyan ay sumisimbolo sa aking katapatan sa iyo. Asahan mong mamahalin kita hanggang sa huli. Pangako." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Hinding hindi ako aalis sa tabi. Mahal kita," bulong pa niya sa akin na nakapagpalambot ng aking puso.
"Mahal din kita." sagot ko.
Lingid sa kanilang kaalaman, nakatingin ang isang lalaki na labis na nasasaktan dahil sa kanyang nakikita. Ang lalaking unang nagmahal, ang unang lalaking nakasama niya, ang unang lalaking nagtanggol, ang unang lalaking nakasama niya sa lahat ng una. Ngunit kay hirap para sa kanya dahil hanggang kaibigan lamang ang tingin sa kanya.
"Kay hirap... kay hirap tanggapin at tingnan na masaya ka sa iba, aking iniirog. Ngunit... wala naman akong magagawa upang mahalin mo ako gaya ng pagmamahal mo sa kanya. Alam kong wala akong pag-asa dahil... dahil kaibigan lamang ang tingin mo sa akin. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako na nakilala kita nang mas maaga kesa sa kanya, na naging kaibigan kita?" bulong niya sa sarili habang nakatanaw sa dalawa.
"Kung hindi man ito ang panahon na iibigan mo ako. Sana ay pagbigyan ako ng tadhana. Sana... sana mahalin niya din ako gaya ng pagmamahal niya sa lalaking iyon. Ako ang unang nakilala niya. Ako ang unang naging kalaro niya noong bata pa siya. Ako ang unang nagtanggol sa tuwing may umaaway sa kanya. Ako ang unang nagpahid ng luha sa kanyang pisngi sa tuwing umiiyak siya. Ako ang una sa lahat... ngunit bakit? Bakit mas pinili niya ang lalaking iyon? Dahil ba mataas ang estado nito samantalang ako ay mahirap lamang?" Natawa siya sa kanyang mga sinasabi.
Tumango-tango siya. Tama... kay laki ng agwat nila. Hindi lang sa estado ng buhay kundi... sa pagmamahal ni Hiraya. Si Easton na iniirog ni Hiraya ay mahal na mahal siya samantalang siya ay mahal nga din ngunit... mahal lang siya bilang kaibigan.
"Maaari kayang mahalin ang isang kaibigan?" tanong niya sa sarili.
"Kung maaari, bakit hindi ako kayang mahalin ng aking kaibigan? Bakit hindi patas ang mundo? Bakit hindi siya mapasa-akin? Mawawala pa ba itong nararamdaman ko? Kung gayon, kailan? Kay tagal naman. Kay hirap na. Kay bigat na. Ang hirap-hirap naman niyang mahalin..." 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (181)

  • avatar
    Smirk Wei Jha Wuxian

    ang ganda ng kweton

    17/03

      0
  • avatar
    RamayanRonald

    maganda talaga store NATO

    10/11

      0
  • avatar
    Efrylle Trisha Abad Tero

    nicee

    09/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด