logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 13: Secretary

Chapter 13: Secretary
----
KASTIEL'S POV:
Suot ang isang pencil cut office attire - nakatayo lang ako sa harapan ng mesa ni Reiden kung saan dinidikta niya sa akin ang mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kanyang opisina.
I'm not comfortable with what I am wearing right now, hiniram ko lang kasi ito kay Celyn. Masyadong mababa ang neckline at halos tumalon sa loob ng damit ko ang dibdib ko sa sobrang hapit nitong blazer coat na suot ko.
"Are you listening to me Kastiel?" takang tanong nito.
Pekeng ngiti ang binigay ko kay Reiden bago inayos ang damit ko sa may parteng dibdib. Kapag umupo ako sure na sasabog ang damit na ito. Pinagpapawisan na rin ako kahit na may aircon naman dito sa loob ng opisina ni Reiden.
"Y..yes Sir, I'm listening" alanganing wika ko.
Gusto ko na lang manatili sa HuPoFEL, jusko! Ano ba itong pinasok mo Kastiel at pumayag ka sa kagustuhan ng lalaking ito?
Kaso nangako siya sa akin na sasabihin niya lahat nang alam niya tungkol sa Treason!
"You look uncomfortable, may LBM ka ba?" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Umikot ang swivel chair nito patalikod sa gawi ko bago tumayo ang lalaki at naglakad palapit sa akin. Ako namang si tanga ay umatras para umiwas.
He leans on his table before crossing his arms and looks at me directly.
"You look uncomfortable with what you're wearing right now" humagod ang tingin nito mula sa paa ko patungo sa katawan hanggang sa mukha ko.
Nakaramdam ako ng init. Napalunok ako ng sarili kong laway nang hagurin nito ng tingin ang buong mukha ko at tumigil pa sa labi ko ang mga mata niya.
"O..okay lang ako. Sabihin mo na lang 'yong mga gagawin ko para makapag-simula na ako" nauutal na wika ko. Hindi ko rin ito matignan ng mabuti sa mga mata kasi naiilang ako!
Nahugot ko ang aking paghinga ng lumapit ito sa akin. Hinawakan nito ang butones ng blazer coat na suot ko bago marahang tanggalin 'yon.
Pakiramdam ko nawala lahat ng oxygen sa paligid at tanging ang mainit na paghinga ni Reiden ang naririnig ko.
"Stay still" napaatras ako ng tuluyan niyang mahubad ang coat bago inilapag sa center table dito sa visitors lounge ng kanyang opisina. "Ayos na?"
Marahan akong tumango sa lalaki. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ipinilig ko ang aking ulo at umiwas ng tingin sa lalaki na hindi pa rin umaalis sa harapan ko.
Tumikhim ako bago nagsalita. "K...kung wala ka ng sasabihin, baka pwede na akong umalis?" Nauutal na tanong ko.
"Take this" binigay niya sa akin ang isang planner na kulay itim at sobrang kapal no'n para sa isang ordinaryong notebook sa school. "This will be your guide on how you manage my schedule every day. It contains the time, place, date, and whos the person I wanted to talk or meet for business purposes." Aniya.
Tumango naman ako bago niyakap ang planner.
"One more thing, you join me at every meeting I need to attend. Every gathering and other business-related"
Umangat ang paningin ko kay Reiden kaso nagsisi ako bigla kasi isang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin. Halos maduling ako ng sumalubong sa akin ang kanyang matangos na ilong.
Ako na ang umiwas kasi nakakailang. Ni hindi man lang nag-abala ang lalaki na lumayo sa harapan ko. "Kailangan ba talaga 'yon?" Takang tanong ko.
"Of course. You will be the only person who needs to provide what I want"
"Hindi mo ako asawa!"
Sumilay ang ngisi sa labi ng lalaki. Sumikip ang dibdib ko at halo-halong emosyon ang namayani doon.
He lean more closer to me. Lalayo na sana ako kaso kinabig niya ang bewang ko nang muntik akong matumba, tumama kasi sa center table ang paa ko.
"Asawa lang ba ang pwedeng magsilbi sa isang gwapong binatang tulad ko?" Umawang ang bibig ko sa kanyang sinabi.
Minsan ko lang marinig ang lalaking ito na magsalita ng tagalog - ang malala lang ay kalokohan ang lumalabas rito.
Gusto kong bumunghalit ng tawa kaso awkward ang posisyon ko kaya tinulak ko siya ng marahan palayo sa akin. "Feeling mo naman gwapo ka na niyan? Secretary lang naman ako dito bakit kailangan kong magprovide ng needs mo? Pati yata pagiging yaya gusto mo akong kunin?"
Umayos ng tayo ang lalaki bago nakapamulsang tumingin sa akin. "If it's okay with you, why not? You can call me your baby if you want"
Natameme ako sa kanyang sinabi.
Taena bakit kinikilig ako?
"E...ewan ko sayo puro ka kalokohan! Maiiwan na kita at sisimulan ko na ang trabaho ko." Tinalikuran ko na si Reiden at nagmartsa palabas ng opisina nito.
Naiinis na tinungo ko ang assigned table for me as a secretary of the CEO of this Empire. I was about to see what's in the written of his planner when I remembered my blazer he put on his center table.
"Bwisit Kastiel, bakit mo kasi hinayaang hubaran ka ng lalaking 'yon?" Padabog na muli kong tinungo ang opisina ni Reiden. Hindi na ako kumatok tutal kulunin ko lang naman ang blazer ko.
"What is it?" Tanong nito pagkapasok ko ng opisina.
"May kukunin lang" mabilis na sagot ko. Agad kong hinablot ang blazer ko sa mesa bago muling nagmartsa palabas ng opisina ng tigre. Pero bago ko pa man naisara ang pinto ay nagsalita ito.
"Before I forgot, come with me later at lunch. Huwag kang magtatangka na takbuhan ako Miss Secretary" pagbabanta nito.
"What?" Kakain na lang kailangan pa akong kasama?
"You want an information from Treason right?" Naningkit ang mga mata ko sa lalaki.
"Fine." Pabalibag na sinara ko ang pinto ng kanyang opisina na halos mabulabog ang buong Department sa lakas ng pagkakasara ko no'n.
Napatingin pa sa akin ang ibang empleyado pero hindi ko sila pinansin. Bitbit ang blazer coat muli akong bumalik sa mesa ko at pagtuunan ng pansin ang planner na binigay ni Reiden.
Sa unang pagbuklat ko ng planner parang gusto ko na lang barilin ang ulo ko.
Sandamakmak na code ang nakalagay at hindi normal na hand written bilang schedule ng damuho na 'yon! How can I decipher this thing?
Napasabunot ako sa sarili kong buhok sa sobrang pagka-inis!
First day of work stress na agad ang binibigay sa akin! Muli akong tumayo mula sa kinauupuan ko and this time bitbit ko na ang planner, niluwagan ko rin ang suot kong polo na pang-ilalim bago tinahak muli ang opisina ni Reiden.
Kakatok na sana ako ng marinig ang boses nito na tila may kausap, hindi naman ako tsismosa.
"Yes baby, I'll talk to you later"
"No. I can't"
"Alright, take care. I love you"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Bakit gano'n ka-lambing ang boses niya habang may kausap sa cellphone? Girlfriend niya kaya 'yon?
Nagulat ako ng bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang nakapamulsang si Reiden.
"Again, what is it?" He said.
Bumuka ang labi ko kaso wala akong mahapuhap na isasagot sa kanya.
Nagpakawala ng buntong-hininga ang lalaki bago ako nito hinila sa kamay at naglakad palabas ng opisina nito.
"Teka saan tayo pupunta?" Natataramtang tanong ko. Bitbit ko pa kasi ang planner at 'yong blazer coat ko ay naiwan sa mesa.
Mukha akong malandi sa itsura ko!
Pinagtitinginan kami ng mga empleyado habang tinatahak ang pasilyo patungong elevator - no scratch that, sa kamay naming magkahawak nakatingin ang mga tao.
Nakaramdam ako ng hiya kaya agad akong sumabay sa malalaking hakbang ni Reiden at itinakip ang planner sa may parteng dibdib ko na kumakaway sa mga lalaking nakakasalubong namin.
Pagpasok namin sa elevator ay agad na pinindot ng lalaki ang basement kung saan nakapark ang kotse namin.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ulit.
Sumandal si Reiden sa pader ng elevator nang hindi binibitawan ang kamay ko. He intertwined and lock it using his thumb, I felt thousands of volts running down to my spine when he did that.
"You need to buy your office attire. I don't like seeing you like this being uncomfortable" nahiya naman ako bigla at pinasadahan ng tingin ang suot ko. Hiram na nga lang 'to mukhang maiinsulto pa ako dito.
"Working time ho Mr. Montenegro, hindi ito ang oras para magshopping" akmang hihilahin ko ang kamay kong hawak niya kaso hinigpitan niya lang 'yon. "Yong kamay ko Reiden" naiinis na wika ko.
"Leave it there" aniya habang nakatingala na sa numero kung saan tinatahak ng elevator.
"May kamay ka naman bakit hindi 'yon ang hawakan mo?" Sabi ko. Kaso ayaw talaga niyang bitawan!
"Hindi namamawis ang kamay ko so don't worry" wala na akong nagawa kundi hayaan ang gusto niya.
He acts like a child and I am like his mother.
Tumunog ang elevator at bumukas 'yon, tumambad sa amin ang madilim na basement. Hinila ako ni Reiden palabas ng elevator papunta sa kanyang kotse.
"Get in" utos nito matapos akong pagbuksan.
"May kotse ako"
"Don't be stubborn" napipikang wika nito. Inalalayan pa ako ni Reiden pasakay sa kanyang kotse na BMW. Matapos kong maisuot ang seatbelt ay lumigid ito papuntang driver seat at sumampa sa sasakyan. Tahimik na pinaandar nito ang kotse hanggang sa makalabas ng basement at tinahak ang daan papunta sa hindi ko alam na lugar.
Sandamakmak na shopping bags ang dala ko, take note si Reiden mismo ang bumili.
"Tatlong pares lang naman ang kailangan ko bakit binili mo naman ata lahat? Habang buhay ba akong magtatrabaho sa kompanya mo?" Wika ko habang isinasalansan sa compartment ang mga shopping bags.
"You can throw them if you can't use them at a time"
"Wow para naman magagawa ko 'yon? Hindi ako nagtatapon ng gamit"
"Lucky to know that. Let's go, I have a meeting later with Calvin" hinila ako ni Reiden at muling pinagbuksan ng pinto nang kanyang kotse. Sumampa naman ako kaysa makipagsagutan pa rito.
Ano kayang nakain ng lalaking ito at sobrang bait sa akin? No'ng huling usap namin sa TOG hindi naman siya ganyan? Baka nga girlfriend niya 'yong kausap.
"What are you thinking?" Untag nito sa akin.
Nabalik naman ako sa huwisyo ng marinig ang kanyang boses. Hindi ko namalayan na nasa kalsada na pala kami pabalik sa Montenegro Empire.
"Iniisip ko lang kung paano kausapin si Mamita" wala sa sariling sambit ko. Speaking of Mamita I saw her yesterday but I don't have a chance to talk to her because she's so busy talking with someone I don't know.
"Whos that?" He asks.
"Boss ko sa bar dati" tumingin ako sa labas ng bintana at ipinatong ang siko ko bago nakapangalumbabang pinagmasdan ang mga gusali na nadadaanan namin.
IT'S been a week since I've worked as a secretary and I must say nasasanay na ako. Mabilis ko rin naintindihan ang mga codes na nasa planner ni Reiden without deciphering it.
"Kumusta naman ang Kastiel namin? I can't reach you na girl saan ka ba nagsususuot?" Maarteng tanong ni Celyn. Ngayon na lang ulit kami nagka-usap-usap.
"Oo nga Kas, ano na bang balita sayo?" Liezel said.
"Wala namang bago, gano'n pa rin" tumawag kasi sa akin si Liezel kahapon na gusto raw nilang mag-bonding kami kasama si Celyn mabuti na lang at free ang bruha pati ako kaya pumayag akong makipagkita.
Napag-usapan naming dito na lang sa DE Rail Mall magkita-kita.
"Sugarol is real ang Daddy?" Celyn ask.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Wala naman sigurong masama kung sabihin ko sa kanila ang nangyayari sa buhay ko diba? I treat them as my friend naman.
"Wala na akong balita kay Daddy, lumayas ako sa amin."
"What?" Sabay na sigaw ng dalawa. Napatingin sa gawi namin ang ibang customer na nandito sa loob ng isang fast food.
"Gulat na gulat naman yata kayo? Hindi ba akong pwedeng maglayas?" Biro ko bago nilantakan ang fries na hawak ko.
"Oh my God! Paanong hindi kami magugulat? You never told us about it, kailan ka pa nag-stow away sa house niyo?"
"No'ng nakaraang buwan pa"
"Ano?" Muling sabay na tanong nang dalawa.
"Kaya ba nakitulog ka sa apartment ko dati kasi naglayas ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Liezel.
"Yes"
"And kaya ka din naghahanap ng trabaho that time?"
"Yes again."
Natameme ang dalawa na tila hindi maproseso ng kanilang isip ang mga sinabi ko.
"Paano 'yong trabaho mo?" Tanong ni Liezel. Siya lang kasi ang nakakaalam na sa Grind Me Harder Bar ako nagta-trabaho.
"Wala na. Niratrat na 'yon ng bala noong nakaraang linggo pa," laglag ang panga ng dalawang babae.
Masyado ba talagang nakakagulat ang mga sinabi ko?
"Oh my God" Celyn.
"Shocks" Liezel.
Sabay pa na reaksyon ng dalawa.
"Okay lang naman 'yon tsaka may trabaho ako ulit pero this time sa isang company na."
"Anong company?" usisa ni Liezel.
"Montenegro Empire." Tamad na sagot ko.
"Ay gara, gusto kong ma-meet yung owner niyan,"
"Bakit naman?" takang tanong ko.
"Nabasa ko kasi sa isang article pogi daw 'yong may-ari at binata pa," kinikilig na sabi ni Liezel.
Ngumiwi naman ako dito ng palihim. Mukhang may crush pa ata ito kay Reiden? Ano bang pakialam ko!
"You can meet him Liez, sabihin mo lang ang pangalan ko sa gwardya ng kompanya."
"Hala, seryoso ka? Crush ko kasi 'yon eh"
"Oo"
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may tumusok na karayom sa puso ko ng malamang crush ni Liezel ang Boss ko.
"Sana lahat kasi. No'ng nag-apply ako d'yan bilang secretary hindi ako natanggap. Ano nga palang work mo do'n?" Napatingin ako sa mga mata ni Liezel bago sinimot ang laman ng fries at sinagot ang kanyang tanong.
"Secretary"
"Swerte mo girl" ani pa nito.
Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na umimik pa. Bumaling kay Celyn ang topic pero hindi na ako nakisali, alam ko naman na ang mga nangyayari sa mga babaeng ito.
"Pa'no ba yan girl kita-kits na lang ulit tayo" nagbeso ako kay Celyn at Liezel.
"Sure, tawagan niyo lang ako kung kailangan niyo ng makaka-usap" sabi ko.
"Luh! Ikaw nga 'tong more problems in life eh," saad naman ni Celyn.
Ngumiti ako kay Celyn. "Problema lang 'yon, ako lang 'to"
"Ewan ko sayo" natatawang wika pa nito.
Ako na lang ang naiwan sa may parking lot ng mall. Isinabay kasi ni Celyn si Liezel pauwi tutal madadaanan niya naman 'yon.
Pupunta na sana ako sa kotse ko ng biglang may humatak sa akin mula sa likuran. Basta na lang ako nitong isinalya sa isang kotse na nakapark rin sa labas ng mall.
Tumambad sa akin ang isang lalaking nakasuot ng leather jacket, white shirt, maong pants, and combat shoes. Nakasuot rin ito ng itim na bonet at ngumunguya pa ng bubble gum.
"Ikaw ba si Kastiel Devoncourt?" Maangas na tanong nito.
Hinawakan ko ang nasaktan kong braso mula sa pagkakabalya ko sa may pinto ng isang kotse.
"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko.
"Sumama ka sa akin" akma ako nitong hahawakan sa kamay nang unahan kong dakpin ang mga kamay niya at baliin 'yon.
Sinipa ko ang likurang bahagi ng tuhod nito at pinadapa sa lupa. Inapakan ko ang leeg nito para hindi makalayo agad.
Napasigaw ang lalaki dahil sa sakit ng baliin ko ang kanyang braso. "Nagkamali ka ng nilapitan. Sino ang nag-utos sa'yo?" I ask him with a cold voice.
Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa labas ng mall.
"N..napag-utusan lang ako!" Singhal nito sa akin.
Lalo itong namilipit sa sakit nang baliin ko ang isa sa mga daliri niya.
"Huwag mo akong gawing tanga. Kaya nga tinatanong kita kung sino ang nag-utos sa'yo!" Naiinis na wika ko.
Kumukulo ko ang dugo ko sa mga taong tulad niya! Gusto niya pang masaktan bago umayos ng sagot sa akin.
"A...ang Treason, sila ang nag-utos sa akin na dalhin ka sa kanila--" I kick his face so hard out of anger.
"Fck that Treason!" Iniwan ko ang lalaki na nawalan ng malay sa sipa na binigay ko sa kanya. Agad kong tinungo ang kotse at pinaharurot 'yon palayo sa mall.
May araw rin kayo sa akin Treason!
---

หนังสือแสดงความคิดเห็น (115)

  • avatar
    estebannoah nazarene

    The Emotional Toll of Work - Stress and Burnout: The demands of a job can lead to chronic stress, impacting mental and physical well-being. Long hours, tight deadlines, and constant pressure can contribute to burnout, characterized by exhaustion, cynicism, and a sense of detachment from work. [5] - Interpersonal Conflicts: Workplace relationships can be challenging, leading to conflicts with colleagues, supervisors, or clients. These conflicts can stem from personality clashes, differing work

    17d

      0
  • avatar
    Jem Nicdao

    luh

    25/05

      0
  • avatar
    Christian Jay Pajuyo

    nice

    11/02

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด