logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 12: Reiden

Chapter 12:
KASTIEL'S POV:
---
HABANG tumatagal nagiging komplikado ang buhay ko. Gusto ko lang naman ng katahimikan para sa sarili ko kaso napaka-imposibleng makamtan ko 'yon.
Tulala lang ako habang nakaupo sa isang single chair dito sa veranda ng HuPoFEL. I don't have a mission right now, that's why I felt bored. Gusto kong may gawin araw-araw dahil nag-oover think ako sa mga bagay na pwede kong magawa sa buhay ko at kung paanong haharapin ang galit ni Daddy.
He reached out yesterday and he was so angry because I stow away from our house. Ano bang pakialam niya sa gusto kong gawin sa buhay ko?
Pinipilit niya sa akin na pakasalan ang taong pinagkaka-utangan niya gayong hindi naman ako ang may atraso. Nananahimik ang buhay ko dito tapos gagawin niyang miserable sa lintik na utang na 'yon dahil sa pagsusugal niya?
"Hoy!" Tumimbwang ako sa kinauupuan kong silya nang magulat sa biglaang pagsulpot ni Saviel sa mismong harapan ko.
One inch na lang ang pagitan ng mukha namin kaya napaatras ako ng bongga.
Lumagapak ang ulo ko sa sahig na siyang dahilan para mamilipit ako sa sakit.
"Hala! Sorry Kastiel," dali-dali akong tinulungan ni Sav para makabangon habang hawak ang ulo kong nasaktan.
Sinamaan ko ng tingin si Saviel matapos ako nitong tulungan para makatayo. "Ano bang problema mong babae ka at kailangan mo pang manggulat?" Tanong ko.
"Nakita lang kitang tulala, akala ko kasi may sapi ka na eh! Hindi ka kasi kumukurap man lang" aniya.
Inismiran ko siya bago muling naupo sa silya. Umupo naman ang babae sa harapan ko at napapagitnaan namin ang isang mesa na gawa sa bakal.
"Sapi agad? Hindi ba pwedeng may iniisip lang?" matabang na wika ko.
"Ano ba kasing iniisip mo?" Tinitigan ko ng mabuti si Saviel. Napaka-usisera talaga ng babaeng ito.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago muling tumingin sa kawalan. "Tumawag si Daddy, pinapauwi ako"
"Ba't hindi ka umuwi?" aniya habang binubuksan ang isang balot ng chips na mukhang ninakaw niya na naman sa canteen ng HuPoFEL.
Sumama ang timpla ng mukha ko. "Bakit ako uuwi kung sasabihin niyang magpakasal ako sa kung sinong tarantado ang gusto niyang itali sa akin para lang mabayaran ang utang niya?"
"Awts. Porkhati tayo d'yan Bebe Kastiel" madamdaming saad nito.
"Anong porkhati?" Takang tanong ko. Bago sa pandinig ko ang salitang 'yon.
"Pighati ang ibig sabihin no'n, natutunan ko lang sa facebook" aniya na sunod-sunod ang subo sa kinakaing junk food.
Napailing na lang ako sa dalaga. Minsan talaga nakakaramdam ako ng inggit sa babaeng ito. She can live whatever she wants without someone pressuring her, unlike me na kailangan pang takasan ang Ama para lang makapamuhay ng tahimik.
"Huwag mo akong masyadong pakatitigan Kastiel at baka ma-inlove ka sa akin," umangat ang kilay ko sa sinabi niya.
"Kung naging lalaki lang ako, why not?" Pabirong sabi ko.
Saviel gasps while caressing her chest like she can't believe what she heard because of what I said. "Oh my God! Kung naging lalaki ka lang sana pakakasalan agad kita"
"No one will wish to be your husband"
Sabay kaming napalingon ni Sav sa bukana ng veranda. Tumambad sa amin ang gwapong mukha ni Boss - he's wearing a plain white shirt and maong pants together with his favorite signature combat shoes. Nakapamulsa ito habang nakasandal sa gilid ng pinto at nakatingin sa aming dalawa.
Umismid si Saviel at muling binalingan ang kinakain. "Para namang napakasama ko para walang humiling na maging asawa ako?" Nakangusong wika pa nito.
Palihim kong nakagat ang labi ko. Bakit ngayon pa sila mag-aaway sa harapan ko? Wala akong resbak dito!
"Because you will be a burden, that's why no one will wish you to be part of their life"
Alam kong savage talaga ang bunganga nitong si Boss pero mukhang napa-sobra naman yata ngayon? Pasimple akong sumandal sa upuan ko at humalukipkip bago binalingan ng tingin si Saviel.
I saw a glint of hurt and sadness in her eyes na siyang ikinagulat ko.
Saviel is a positive thinker and a happy go lucky person I ever met, akala ko 'yong mga problema niya ay dinadaan niya lang sa tawa. Sabagay lahat naman ng tao nakakaramdam ng sakit at lungkot.
Ngumisi si Saviel at binalingan si Boss bago ilapag sa mesa ang balot ng junk food na wala nang laman. "Alam ko na yan Boss, hindi mo na kailangang ipamukha sa akin ang mga bagay na imposible kong makuha. Sino ba naman ako para pangarapin diba? Isa lang akong hamak na naliligaw na nilalang dito sa mundo!"
Padabog na tumayo si Saviel at binangga pa sa balikat si Boss bago ito tuluyang umalis.
"Why so hard on her Boss?" baling ko sa lalaki na ngayon ay nakayuko lang.
Si Saviel lang kasi ang may lakas ng loob na sagut-sagotin ang lalaki at banggain.
Umangat ang tingin nito sa akin na parang hinuhukay ang kaluluwa ko. "If I can't be rude and hard on her, she won't learn her lesson. Anyway, I have something to tell you, go to my office after you pick that trash she left, you know I hate junks"
Iniwan ako ni Boss na laglag ang panga. Buong buhay ko hindi ko naranasang magpulot ng basura! Bumaling ako sa balot ng chichirya na iniwan ni Saviel sa mesa bago padabog na kinuha 'yon para itapon sa tamang lalagyan.
Bwisit napag-utusan tuloy ako! Malalagot talaga sa akin ang Saviel na 'yon!
"Bakit may dala ka na naman nito?" Kumakamot sa ulong baling sa akin ni Gun.
I give him a piece of paper where numbers and weird signs written on it. I can't understand why Mr. Montenegro give that shit to me!
After I got out from Boss's office, tsaka ko lang naalala ang papel na yun kung hindi ko lang nakita sa mesa ni Boss ang mga papel na nagkalat gaya no'ng mga nakasulat sa papel ng ibang kasamahan ko dito.
Pangmalakasang mission namin ang magdecipher ng code at talaga namang malapit na mag-crack ang bungo ko sa sobrang hirap ng mga binibigay ni Boss. Ano bang alam ko sa mga codes na yan? Ang alam ko lang mag-solve ng equation sa board nong nag-aaral pa ako.
"Someone gave that to me" wika ko.
Humarap si Gun kay Rent na busy sa tablet nito. He strengthens the security of our system that's why he's so busy putting numbers and letters I can't understand.
"Dre diba alam mo ang mga codes na ito?" Tugon ni Gun sa papel na hawak niya habang kausap si Rent.
Nasa Intel Department kasi kami ngayon at ito na ang pagkakataon para ma-isturbo ang minamahal na private room ni Rent.
Rent took a glance at the paper in just a split second before facing his tablet and start typing again.
"TOG at 9 pm sharp. Don't be late!"
"Huh?" Sabay naming tanong ni Gun bago tinignan ulit ang papel.
"How come?" Takang tanong ko.
Ang nakalagay kasi sa papel ay ganito -
DS SH AJ
JK GH GD GL FJ DL GK GH
Yang lang ang laman ng papel.
"It's an ASDFGHJKL Grid invented by Meridaille Naquilus Archer, it's a basic code" ani Rent na hindi man lang tumitingin sa amin.
"Okay?" Alinlangang sagot ko. "Teka saan yung TOG?" Dugtong ko pa.
"Trev's bar, Gun will drive you there"
"Maka-utos ka naman parang wala akong gagawin dito" tutol ni Gun.
"Ibigay mo na lang kaya ang address?" sabi ko.
Rent revert his gaze to me before placing his tablet on the table. "Google map"
Naningkit ang mga mata ko kaya Rent. Napaka-helpful ng information niya!
Nilayasan ko na lang sila do'n sa Intel Department. Ang sakit na nga ng ulo ko kaka-decode tapos samahan pa ng mga kaibigan mong kulang sa turnilyo ang utak!
Agad akong sumakay sa kotse ko matapos kong marating ang basement kung saan nakapark ang sandamakmak na kotse. Nahiya bigla ang secondhand car ko sa mga BMW, Mazda MX-5, Porshe 911, Ford Mustang, Chevrolet Corvette, Honda, NSX, Audi R8, Jaguar F-Type, Nissan GT-R, Dodge Challenger, and many more.
Uuwi muna ako para ipahinga ang utak kong malapit ng matuyo sa sobrang konsumisyon sa paligid ko. Tatanda ata ako ng maaga sa sitwasyon ko ngayon.
NAGMAMADALING tinahak ko ang kalsada papuntang TOG gamit ang google map recommendation ni Rent. Nakakainis kasi traffic pa.
9 pm ang sabi do'n sa sulat kaso nagising ako 10 pm na!
Pagkarating ko sa lugar ay agad akong bumaba ng kotse at ni-lock 'yon, tumambad sa akin ang maingay na lugar at mga lasing na tao pagpasok na pagpasok ko sa loob ng TOG.
Napako ako sa kinatatayuan kasi nag-expect ako ng restaurant ang lugar na 'to. Hindi pa kasi ako kumakain ng dinner kaya agad akong pumunta dito.
Kumunot ang noo ko ng makita si Dezrail at Senri na nakapamulsa habang papalapit sa kinatatayuan ko.
"What are you doing here?" Pasigaw na tanong niya lalo na't malakas ang tugtog at sigawan dito sa loob ng gusali.
"May kakausapin lang" tumingkayad pa ako para maabot ang tenga ni Dezrail. Ang tatangkad naman kasi ng mga lalaking ito.
I was about to ask him something when someone grabs my arms from behind. Tumambad sa akin ang isa pang gwapong nilalang.
Si Mr. Montenegro, he's wearing a casual outfit. Natulala ako sa itsura niya kasi iba ang karisma na taglay nito kapag nakasuot ng three piece suit.
"What took you so long?" Kunot-noong tanong nito sa akin. "You are the second person who made me wait young lady, and kindly explains why are talking to these two asshole while I am not around?"
Natameme ako.
Hindi ko mahanap ang dapat na sabihin sa lalaking ito kasi na-amaze talaga ako.
"Jealous Grei? Don't worry we won't disturb you" umalis sa likuran ko si Dezrail at Senri, iniwan nila ako sa Tigre na 'to!
Humigpit ang pagkakahawak ni Mr. Montenegro sa braso ko kaya napangiwi ako.
"Excuse me Mr. Montenegro, na-late ako kasi traffic" palusot ko.
Hinila ako ng binata papunta sa isa sa mga VIP sections ng bar, halos mabangga ako ng mga taong nadadaanan namin but Mr. Montenegro didn't bother about it while dragging me.
Parang gusto kong manapak ngayon! Inapakan ba naman no'ng isang babae na nadaanan namin ang paa ko, feeling ko nadurog 'yong hinliliit na daliri ko sa paa kasi 'yong heels nito ang tumama.
Pumasok kami sa isang kwarto, tumambad sa akin ang isang mahabang sofa, mesa na maraming laman ng pagkain at beer.
Pabalibag na binitawan ako ni Mr. Montenegro sa sofa at pnaupo do'n habang siya ay umupo naman sa tabi ko. Sound proof ang room na 'to kaya malaya kaming makakapag-usap dito ng hindi nagsisigawan sa sobrang lalas ng tugtog sa labas.
Himas-himas ko ang nasaktang braso matapos ako nitong bitawan. Sure ako magpapasa 'to bukas.
"Ano bang problema mo Mr. Montenegro?" Naiinis na tanong ko.
"Reiden" aniya bago buksan ang isang bote ng beer at tinungga 'yon.
"Huh?" Takang tanong ko dito.
"Drop the formalities Kastiel, just call me Reiden, we are not on a business right now," hinarap ko ang lalaki at inagaw sa kanya ang hawak nitong beer at inilapag sa mesa.
"How did you know my name?" May pagdu-dudang tanong ko. No'ng isang araw pa ako nagtatanong sa sarili ko kung paanong alam ng lalaking ito ang pangalan ko, hindi naman ako nagpakilala sa kanya matapos ang gabing pina-ulanan ng bala ang buong Grind Me Harder Bar.
Reiden looks directly into my eyes. Nailang naman ako bigla kaya umiwas ako ng tingin dito.
"I just know" wika nito bago muling kinuha ang bote ng beer sa mesa na inagaw ko sa kanya kanina.
"Ano ba talagang kailangan mo sa akin?" Seryosong saad ko.
"Remember what I offered that night right?"
"Sinabi ko naman na pag-iisipan ko diba? Why are you calling me out here using that damn code of yours? Komplikado na nga ang buhay ko mas lalo mo pang ginulo" sabi ko.
Inabot ko ang isang plato ng sisig na nakatunganga lang sa mesa at sinimulang kainin 'yon. Wala ng hiya-hiya, nagugutom na talaga ako!
"You can use it for future preferences, and as for my offer. You want to destroy Treason Syndicate to get rid of them, right?" Naiwan sa ere ang kutsara na hawak ko para sumubo ng pagkain.
"How did you know that thing?" Silence covered us after I ask that question.
"Accept the job as my secretary, I'll tell you everything."
---

หนังสือแสดงความคิดเห็น (115)

  • avatar
    estebannoah nazarene

    The Emotional Toll of Work - Stress and Burnout: The demands of a job can lead to chronic stress, impacting mental and physical well-being. Long hours, tight deadlines, and constant pressure can contribute to burnout, characterized by exhaustion, cynicism, and a sense of detachment from work. [5] - Interpersonal Conflicts: Workplace relationships can be challenging, leading to conflicts with colleagues, supervisors, or clients. These conflicts can stem from personality clashes, differing work

    17d

      0
  • avatar
    Jem Nicdao

    luh

    25/05

      0
  • avatar
    Christian Jay Pajuyo

    nice

    11/02

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด