logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Montgomery Runaways

Montgomery Runaways

Kize


Chapter 1

Ynah Morayta
Seven hours before the stalking
January 13, Monday 10:30 P.M.
RONA PEREY was found dead after a month of searching, but one part of her body is missing… her left hand.
She was known for being the face of Ilaya noong highschool kami. She was like the Jennifer Check sa campus, well except sa part na kumakain siya ng laman… or not literally. Makikita kahit saan ang mukha ni Rona lalo na tuwing may pageant at may mga bisita ang school namin but now, hindi lubos maisip ng nakakakilala sa kan’ya na makikita pa rin namin siya, kaso sa mga flyers, dyaryo, at missing person section na. She even appeared on the news at doon ko lang din nalaman na nawawala siya.
I know her since elementary dahil sa drum and lyre band na required salihan ng section namin. Siya yung unang kumausap sa akin and that time, lumipat siya from lyre to flag. Nang maging leader siya, we barely talk dahil mas dumami ang nakapalibot sa kan’ya hanggang sa hindi na talaga kami nag-uusap at parang hindi na kami magkakilala. I don’t really care anyways. Nararamdaman ko na rin naman na she’s just hanging out with me dahil wala siyang option at wala siyang “friend” na magpapa-kopya sa kan’ya. I’m that dumb para mahulog sa lovely image na bini-build niya. Everytime na maaalala ko ang excuse niya para hindi ako sumama sa girl thing nila with her new popular-for-nothing friends, ay naiinis ako. Hindi naman ako ang lumapit in the first place.
Thanks to her famous line noong Mutya pa siya, “I aim to reform the world to its fullest.” Everything in Montgomery changes. Don’t get me wrong, although we’re not close anymore, I am sad sa sinapit niya. No one deserves to die that way.
For the second time, napalingon ako sa labas nang dumaan yung police mobile. Compared before, mas malakas ang sirena nila obviously informing the citizens of Montgomery na simula na ng curfew. Hindi na pwede lumabas kahit sino except sa mga uuwi at papasok sa trabaho. If anyone disobey, kung hindi pulis ang makakasalubong nila, baka mga Gang o mismong murderer na. Alin man sa tatlo, siguradong hindi maganda ang mangyayari sa kanila.
In order to be safe, nagkaroon ng adjustment sa duty ng graveyard shift. Funny thing is, this day ang supposed to be day-off ko but here I am, paulit-ulit na nagm-mop sa sahig dahil sa putikang sapatos ng mga pumapasok sa convenience store. Iilan lang sa kanila ang bumibili, karamihan ay cigarette pa.
Sumulyap ako sa wall clock na nasa counter, alas diyes y media na wala pa rin yung partner ko for this night. Dapat ay siya talaga ang duty ngayon but that idiot told me na may emergency sa kanila. Buti na lamang at nandito na ako sa store. Thanks to my neighbor, nagising ako ng maaga. Tatlong oras lang ang tulog ko then magigising ako sa kalabog at makakabasa ako ng dalawang message, one is from my boss at ang isa ay galing kay Joacquin informing me the sad news na siya ang partner ko.
Nangunot lalo ang noo ko nang marinig mula sa speaker ng store ang playlist ni Joacquin. Mas lalo akong nainis nang ‘pag tingin ko sa computer ay wala na ang ginawa kong playlist. That asshole is really messing with me. Of course, hindi ako magpapatalo. Ngumiti ako pagkatapos ko pindutin yung confirmation and just like that, wala na rin yung inipon niyang kanta. I don’t know kung na-sense niya dahil pagkaupo ko ay biglang nag-ring ang phone ko.
“Yow!” bungad niya. Nangunot yung noo ko nang may marinig akong tugtog at mga naghihiyawan.
“Nasa club ka ba?” pangungusisa ko. May gana pa siyang pumarty sa sitwasyon na ‘to?
“Oo. Later ako mag-e-explain, hatid ko lang sa house kapatid ko,” aniya.
“No need. If you can’t come to work just inform the manager.” Ilang minuto siyang hindi nagsalita. “I'd rather work alone than be partnered with you,” dagdag ko. Tumawa naman siya ng mahina.
Napalingon ako sa entrance nang tumunog ito. Another teenage boy na sa hula ko ay magbabalak na namang bumili ng cigarette. Ilang beses na ba akong sumita simula kaninang hapon. They are not supposed to be wandering around this late!
“Are you sure? What if—“
“Oo. Bye na!” Putol ko sa kan’ya at ibinaba ang tawag nang mapansin ko na palihim na kumuha ng chichirya yung binatilyo at isinuksok ito sa jacket niya. Sisitahin ko na sana nang may humawak sa kamay niya.
“Kinukupit mo ba ‘yan?” tanong nung bata at lumapit pa. Pinandilatan niya ito ng mata hanggang sa maging uneasy yung binatilyo.
“It’s none of your busine—“ Nagulat ako ng hinampas niya ito sa batok.
“Ano? Gusto mo isumbong kita sa lola mo?” Sa pagkakataong ‘to ay lumapit na ako.
“Excuse me, I also saw you na kumuha ng snack. If you want, I’ll contact your guardian and settle this.” Of course lagot ako kapag pinalagpas ko ito kaya I have no choice. Obviously, hindi naman ganoon kalala ang ginawa niya kaya sana hindi na siya umulit.
“Sorry po.” Nakayuko nitong sabi at saka iniabot sa’kin yung balot.
“Huwag mo na uulitin ‘yon.” Tumango naman siya sa akin at tumungo na sa pintuan.
Nang lumingon ako sa counter, nakatayo na sa harapan nito yung bata. Nilapag niya yung parehas na snack na kinuha nung lalaki kanina kaya napatingin ako sa kan’ya. Siya naman ay tumitig lang sakin without any expression. This kid has a knack for making people uncomfortable.
“Are you hiring for part-timers?” Ngayon ko lang napansin na babae pala siya dahil sa gupit niyang bowl cut at malalim na boses.
“Miss Morayta?” aniya at kumaway sa harap ng mukha ko.
“Ah… No, as of now hindi pa kami bukas for part-timers.” Napatingin ulit ako sa kanya. “How do you—“ Tinuro niya yung nametag ko. Oo nga pala.
“Okay thanks,” aniya na disappointed ang tono.
“Also, we can’t accept if you’re still a minor,” dagdag ko nang mapansin ko na nakasuot pa siya ng high school skirt.
“I’m turning eighteen this week.” Kumuha siya ng papel at ballpoint pen sa bulsa niya at saka may isinulat, “pwedeng favor? Please contact me sa digits na ‘yan if naga-accept na kayo. Thanks Miss!” Hindi na ako nakakibo hanggang sa makalabas siya ng store.
Tinitigan ko yung papel. “Gabriela Mapa.” basa ko.
Naalala ko noong teenager pa ako at naga-apply din for part-time. Imbes na resume, personal number ko sa notepad ang binibigay ko.
Nagulat ako ng magbukas ulit yung pinto, sumilip siya at bumulong habang sumi-senyas.
“May…” Sumenyas siya at itinuturo ang likod niya, “kaunti lang!” and with that, umalis na siya.
I froze.
Kinapa ko yung compact powder ko sa bulsa at doon ko tiningnan yung pants ko sa likurang bahagi and saw small red dot. Pumanhik ako sa glass door ng store at saka ni-lock ito. I have to make things quick lalo na at mag-isa akong bantay. Dumiretso agad ako sa locker and grab my hoodie at itinali ito sa baywang, kinapa ko sa secret pocket ng shoulder bag ko yung pad at bilis-bilis na lumabas sa backdoor. Some would say na maramot kaming mga staff kapag sinasabi namin na walang restroom sa store but the truth is… sa store namin, wala talaga maski for personnel man lang. Maybe because nakatayo itong store below sa gym kaya iisa lang ang ginawa, pero marami namang stall. Disadvantage lang is expected na ang foul odor dahil pang-publiko.
Nasa pintuan pa lang ako, umaalingasaw na agad yung iba’t-ibang amoy and then I remember na Monday pa lang ngayon, bukas pa ang linis nito. If they will pay me na maglinis sa ganito karumi, kahit i-double pa nila ay tatanggi ako.
Tinakpan ko yung ilong ko at pumasok na sa dulong stall and do my thing quickly. I don’t know kung ilang beses ako huminga sa loob pero I am sure na hindi pa ito lalagpas ng lima. Usually, sa ibang building ako pumupunta para mag-relieve pero dahil sa strict protocol, wala akong choice but to go to this stinky place.
I almost dumped my pants nang makabalik ako sa counter.
Mula sa pinto, nakatayo habang nakayuko ang isang lalaki wearing large yellow raincoat. Hindi ko maaninag ng malinaw ang mukha niya dahil natatakpan ito ng suot niya. Bago pa ako makaisip ng kung anu-ano, binuksan ko na yung pinto. Ilang minuto siya bago pumasok. Nag-iwan ng malalaking bakat na putik ang sapatos niya but I don’t mind anymore. Basta kapag gumawa siya ng suspicious move, it’s either tatakbo ako palabas or hahampasin ko siya ng untouched book ni Joacquin. Book spine can be a weapon, and I tried it on Joacquin last time.
“Ah…” Napaikdat ako nang bigla siyang sumulyap sa direksyon ko. He is giving me creeps.
“What!” Oh my, did I just—maski siya ay nagulat din sa lakas ng sagot ko. Nahalata niya na nagsu-suspetsa ako kaya tumuro siya sa item na nakalagay sa harapan. I cleared my throat at pumasok sa counter. Pinasadahan ko siya ng tingin habang nakayuko pa rin siya. Just incase na nasa alanganin ako, makaka-counterattack agad ako.
“Yes, Sir?” Sumulyap ako sa tinuro niya.
“S-strawberry flavor,” aniya na nauutal pa. There is nothing wrong with buying a condom naman pero I just find it awkward dahil sa akto niya. Mabilis siyang tumingin sa akin at umiwas din. Hindi ko rin naman siya nakita ng ayos, basta ang natatandaan ko lang ay yung slit scar sa gilid ng labi at bruises niya. I also noticed his broken wristwatch na maya’t-maya niya hinahawakan.
Kinuha ko na yung tinuro niya and process it. Nang makuha niya yung item, dali-dali siyang umalis kahit na hindi ko pa naibibigay ang receipt at sentimos na sukli.
“What’s wrong ba?” nasabi ko na lang.
Hahawakan ko na sana yung mop na itinabi ko sa gilid nang maalala ko yung wristwatch na suot nung lalaki earlier. I am sure na nakita ko na ito somewhere. Natatandaan ko pa nga yung nakasulat na ‘315.1 Cartell’ sa gitna ng relo. Maybe it’s a brand name or model kaya to make sure, naisipan ko tawagan ang updated sa trends na si Joacquin. Tatlong ring lang at in-end niya yung call.
Lumingon ako sa wall clock na nasa likuran ko habang tinatawagan si Cheri. Alam ko na hanggang ngayon ay gising pa siya at nags-scroll lang sa Muts app.
“Yes mare? Okay ka lang ba d’yan?” bungad niya. “Wait! on natin camera,” dagdag niya. Una kong nakita ang beauty mask sa mukha niya.
“Alam mo yung wristwatch na 315.1 Cartell?” Naningkit ang mata niya pagkatapos ay bumangon sa pagkakahiga.
“Kung Cartell, oo. Remember noong nagpasama ako sa’yo bumili sa Grand mall?” Tumango ako. Nawala siya sa screen at may kinuha sa bedside table. “Ito oh!” Itinutok niya sa screen yung box at saka binuksan ito.
“Iyan nga!” kumpirma ko.
“Why? May reregaluhan kang bebe?” idiniin niya yung dulong salita at tiningnan ako nang nanunuya.
“Wala ‘no!” tumawa siya. “Kailan ulit natin ‘yan binili, natatandaan mo pa yung date?” tumikom siya pagkarinig ng sinabi ko.
“Twelve of December,” aniya at humiga ulit. “Of course, that day ko nakilala yung suitor ko ngayon. Oh, teka ba’t nangingiti!” dagdag niya pagkatapos ay tinapik-tapik ang pisngi.
Wait a minute…
I immediately search articles about that day and my hunch was right. Morning ng December 12 nawala si Rona, last niyang pinuntahan base sa reports ay sa Garden ng Grand mall.
But I also saw her that day… naka-backride sa motorcycle, noong dumaan ako sa Ilaya Night Market. And if I am not mistaken, doon ko rin nakita yung broken wristwatch… suot-suot ito ng driver niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (26)

  • avatar
    BuenaflorAiyana Gail

    niceeeeeee oneeeeeeeee I likeeeeee ittttt

    27/07

      0
  • avatar
    ArcaDhan Jester

    100

    03/06

      0
  • avatar
    Hannah Miley Casco

    amazing incredible

    27/01

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด