logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 7 Meeting the Boss

Isang lingo muna si Anna nag-ayos ng requirements kasama si Gab bago sila tinawagan para sa unang araw nila sa trabaho.
“Kaloka ka girl! Ang layo ng apartment mo!” naalala niyang reklamo ni Gab ng sunduin siya nito para sabay silang magpa-medical. Wala siyang masabi sa pakikisama nito sa kanya. Mabait talaga ito at likas na masayahin. Hindi niya alam kung bakit magaan din ang loob nito sa kaniya sa dinami-dami naman nilang magkakasabay na natanggap sa trabaho. Unang araw na niya sa trabaho at kinakabahan na naglakad siya papasok sa office building.
“Jannah, samahan mo na si Miss Cruz kay sir Felix,” natatawang bilin ni Mr. Dela Peña.
Pagdating nila ni Miss Jannah sa opisina ay binati agad siya ng mga magiging office mate niya. Pumasok sila sa isang pinto na opisina ng magiging boss niya.
“Good morning, sir Felix! Please meet Miss Anna Cruz. Siya iyong replacement ni Dina.”
Nag-angat ng paningin ang lalaki in his mid-fifties. Moreno ito, tama lang ang taas at pangangatawan. Halata narin ang puti sa buhok nito. Singkit ang mga mata nito na tila bored sa presensya nila ng mga oras na iyon. Binasa niya ang name nito. Felix Hernandez.
“Magaling ba naman iyan, Jannah?” mataray at maarteng tanong ng magiging boss niya. Tinaasan pa siya nito ng kilay.
“Oo naman boss!” bibong sagot ni Miss Jannah. “Oh, paano Miss Cruz? Maiwan na kita ha?!” Mabilis na tumalikod si Miss Jannah at lumabas ng opisina. Naiwan siyang naghihintay ng sasabihin sa kaniya ni Mr. Hernandez.
Hindi siya pinansin ng boss niya. Nagpatuloy lang ito sa pagsusulat sa papel na hawak at tila walang pakialam sa presensya niya. Nakakunot ang noo nito na seryoso sa ginagawa. Naiilang na siya at hindi niya alam kung tatanungin ba niya ito o magpapaalam siyang lalabas na. Magsasalita na sana siya ng bigla itong may tinawag na pangalan.
“Sherry!”
Humahangos na pumasok ang isang babae sa loob ng office nito.
“Please orient Miss Cruz of her duties and responsibilities. Tell her everything she needs to know.”
“Y-yes sir!” sagot ng babae na animoy takot na takot.
Tiningnan muna siya ni Mr. Felix mula ulo hanggang paa ng nakataas ang kilay. Hindi pa man siya nagsisimula sa trabaho ay mukhang alam na niya ang paghihirap na pagdaraanan niya sa mga kamay ni Mr. Hernandez.
“I have to warn you, medyo strict si boss,” si Sherry iyon na noon ay ino-orient siya.
“Mukha nga,” napapangiwi na sagot niya.
“Lalo na kapag LQ sila ni bebe boy niya,” natatawang biro nito sa kaniya. Napatango naman siya at naunawaan na niya ang nais nitong iparating sa kaniya.
Mabilis na lumipas ang mga araw at tatlong linggo na siyang pumapasok sa bagong trabaho. Mabait si Sherry at madaming kwento sa kaniya. Itinuturo nito sa kaniya ang lahat ng dapat niyang matutunan. Indeed, Mr Felix Hernandez isn’t very friendly. Mataray talaga ito kaya takot dito lahat yata ng katrabaho niya. Madalas ay nakakunot ang noo nito at iritado. She can’t blame him though, demanding din ang trabaho nito dealing with different government agencies. Pinilit niyang gawin ng pulido lahat ng mga utos nito.
Sa loob pa ng mga araw ay mas lalo din siyang naging close kina Gab at Natasia. Tuwing break time ay magkakasama sila. Hindi narin siya naiilang sa mga ito at sumasali na siya sa kwentuhan. Minsan ay nagkikita-kita din sila ng mga ito kahit walang pasok.
Katatapos lang ng break noon at pinagmamasdan niya ang organizational chart nila. Nakita niya ang pangalan ng lalaking palaging laman ng isip niya. Jake Cristobal. Ito ang namamahala sa operation ng company. Malaki pala ang responsibility nito. Construction and Operation. Hindi na niya muling nakita ang binata matapos ang kasal ni Sarah. Hindi niya alam ngunit parang nais niyang makita ito. Pinilig niya ang ulo sa naiisip. Hindi naman sila close ng binata para maisip ito.
“Anna, please come into my office,” baling sa kaniya ng sir Felix niya habang naglalakad patungo sa opisina nito. Galing ito sa meeting at mukhang hindi maganda ang mood. Napansin niyang nakatingin sa kaniya ang lahat ng katrabaho niya.
Agad siyang napatayo at pumasok sa opisina nito. “Yes sir?”
“I want you to prepare this month’s report,” utos nito na napahilot pa sa sintido.
Gusto sana niyang magtanong kung bakit siya ang gusto nitong gumawa ng report pero natatakot siya. “O-okay sir,” sagot nalang niya. Tatalikod na sana siya ng magsalita ulit ito.
“Miss Cruz, I'm curious to see how you plan to convey the information so that it's understandable,” sagot pa nito at nagbuntong-hininga. Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. “Pinapahirapan ba siya nito?” tanong ng isip niya. Nauunawaan niya ang gusto ng boss niyang ipagawa. Ang tanong lang, bakit siya? Bago palang siya sa trabaho. Dahil sa utos ng sir Felix niya, she decided to work overtime. She wanted to give her best.
Gabi na at siya nalang ang natitira sa opisina nila. Nakaramdam na siya ng gutom kung kaya nagpasya na siyang umuwi sapagkat malayo pa ang kaniyang apartment. Kinabukasan nalang niya itutuloy ang ginagawang report. Naglakad na siya papunta sa elevator at ng magbukas iyon ay dire-diretso siyang pumasok sa loob. Pumikit siya at sumandal sa pag-aakalang solo siya sa loob.
“Tired?”
Halos mapalundag siya sa takot ng biglang may magsalita. When she opened her eyes, there she saw him. Jake. Ang lalaking palaging dumadalaw sa isipan niya. Nakasandal ito sa kabilang side ng elevator habang nakatingin sa kanya. She suddenly became aware of the rate of her heartbeat.
“Ah..M-may inutos lang si boss,” hindi siya nagpahalata at pinilit niyang maging normal ang pagsasalita.
Tumaas lang ang kilay ni Jake sa kanya at bahagyang tumango. Hanggang sa makababa na ng elevator ay hindi na ito umimik. Mukha itong pagod. Alam niya na dahil malaki ang responsibilidad nito sa company. Disappointed siya dahil hindi na siya kinausap nito hanggang sa makarating sa ground floor ang elevator.
Nasa lobby na siya at naglalakad palabas ng bigla siyang tawagin nito. “Anna, may pupuntahan ako malapit sa place mo. Sumabay ka na sakin,” utos ng binata.
Kitang kita niya ng mapatingin sa kaniya ang mga security at ilan pang empleyado sa loob na nag-overtime din. Tatanggihan ba niya ang big boss nila? Nahihiya at nagtataka man ay tumango nalang siya dahil baka mapahiya ito kung tatanggi siya. “Really, Anna? Tatanggi? Kapal mo naman. Baka naman gustong gusto mo rin siyang makasama,” sagot ng isang bahagi ng utak niya.
Sa tapat ng office building ay tumigil sa kaniyang harapan ang sasakyan ni Jake. Ilang beses niyang inayos ang damit at buhok dahil nai-intimidate siya sa kagwapuhan ng binata. Ngunit pagkaupong pagkaupo palang niya sa loob ng sasakyan nito ay tumunog ang tiyan niya.
“Nyay! Ano ba naman?” sigaw ng isip niya. Napatingin si Jake sa kaniya at napatungo siya sa hiya. She tried covering her face with her hair. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. Nagulat na lamang siya ng mag-park ito sa isang restaurant. Pagkakita niyang bumaba ito ay napilitan narin siyang bumaba. Nagugulohan siya kung bakit naroon sila.
“I’m starving,” paliwanag nito. “Gutom ka narin diba?” nang-iinis na sabi nito. Hindi siya sumagot at tiningnan lang ito ng masama. Lalo namang lumuwang ang pagkakangiti nito.
Nag-order ito ng pagkain para sa kanila. Habang kumakain ay nakamasid lang siya dito. Iniisip niya kung nanaginip ba siya. Tila kay bilis naman magbago ng mood ni Jake.
“Anna, eat your food,” puna ni Jake sa kanya. Saka lang siya natauhan at nagsimulang kumain na.
“So, tell me. How was your boss?” casual na tanong nito habang magkaharap silang kumakain.
“Okay naman, pinapagawa niya sakin iyong monthly report.”
“I see..Good luck. Madalang mag-regular ng empleyado iyon.”
Natigilan siya sa sinabi nito. “Ganun ba? Paano kung hindi siya magandahan sa gawa ko—“ nag-aalalang tanong niya.
“Nah! Just do your best. You still have five more months to impress him,” walang anuman na sagot nito.
Pinagmasdan niyang mabuti ang kaharap. Napakagwapo talaga. Iniisip niya kung paanong magkasama sila ngayon at kumakain ng dinner. Kanina lamang ay iniisip lang niya ang lalaking ito. Ganito din ba ito sa ibang mga empleyado? Ano nalang kaya ang iisipin ng mga kasamahan nila sa trabaho kung makikita sila ng mga ito ngayon na sabay kumakain.
Matapos silang kumain ay inihatid siyang muli nito tapat ng apartment building niya.
“T-thank you,” mahinang pasalamat niya dito.
“You’re welcome,” maikli at seryoso na namang sagot.
Napatitig siya sa mga mata ng binata at pinagsisihan niya iyon. Tila kaya nitong basahin ang buo niyang pagkatao sa isang tingin lang. Natatakot siyang may madiskubre ito sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon kaya nauna siyang magbaba ng tingin.
Inintay muna nitong makapasok siya sa loob ng apartment building niya bago pinaandar ang sasakyan at umalis. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Alam niyang isang malaking kalokohan, pero sa iilang beses silang nagkaharap ng binata ay may namumuo na siyang paghanga para dito.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (348)

  • avatar
    PalomarJessa

    i love the story it reflect me for who i am ..

    03/08/2022

      0
  • avatar
    Juncel Mahilum

    hlw

    22d

      0
  • avatar
    EnojasShayne

    the story is very nice

    24d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด